Laman ng sulat na ito ay ang nalalapit na digmaan. Ang dapat ay sa susunod na buwam pa ay mangyayari na ngayong katapusan ng buwan ang paglusob ng mga Martial Expert. Marami siyang mga alalahanin patungkol sa mga pangyayaring ito lalong-lalo na ang pagsiklab ng digmaan sa Hyno Continent kung saan ang tinatapakan niya ngayon. Kailangan niyang magmadali ngunit naalala niya ang gusto niyang puntahan bago bumalik sa Alchemy Powerhouse Association.
Kailangan niyang bumalik sa lugar na kaniyang pinuntahan at walang iba kundi ang Black Water Trench na isa sa pinakadelikadong Forbidden Areas.
Ngayon ay nasa timugang bahagi ng Hyno Continent kung kaya't agad na siyang umalis sa lugar na ito papunta sa Black Water Trench dahil wala na siyang dapat na sasayanging oras. Napakahirap na nang sitwasyon kung saan naiipit siya at kulang na siya sa oras.
Gamit ang Wrap Stone ay agad siyang nakapa-teleport papunta sa di kalayuan sa bungad ng Black Water Trench. Hindi na makikitaan ang lugar na ito ng ni isa mang uri ng Martial Beasts. Ang ganda noon ng kapaligiran maging ng tarangkahan ng kabuuang itsura nito ay hindi na kakikitaan ng kaaya-ayang larawan. Bagkos ay makikita mo ang nagtatalimang mga tinik at iba't ibang patulis na bagay kagaya ng naglalakihan at nagtatalasang mga kutsilyo, shuriken, saber, espada at iba pa. Ito ang tunay na anyo ng Black Water Trench na nakatago noon pa man.
Maaaring nagtataka pa rin hanggang ngayon ang iba kung paano nalaman ni Van Grego ang kinaroroonan ng depensa ng Forbidden Area (Black Water Trench) na ito. Sa tulong ng Immortal Eye idagdag pa ang Immortal Eye Technique ay malaki ang tsansang makita ni Van Grego ang sikreto ng lugar na ito. Agad na napansin ni Van Grego ang depensa ng Forbidden Area na ito sapagkat ito lamang ang lugar kung saan ay napapalibutan ng makakapal na enerhiya na siyang alam niya. Isa siyang taong binigyan ng talento bilang maging isang Formation Master. May maitatago ba sa isang Formation Master? Wala, sapagkat likas na sa kanila ang mag-obserba ng kakaibang enerhiya sa paligid na kung saan mahahanap nila ang pinagmulan ng mga bitag maging ng iba pang may kinalaman sa Formation Technique.
Isang di kompletong Formation Technique lamang ang mayroon ang Black Water Trench. Siguro ay dahil na rin sa tagal nito ay unti-unti ng nanghina ang depensa. Ngunit magkagayin man ay napakatibay nito. Bilang isang Formation Master ay alam ni Van Grego kung paano maialis agad ang Formation Technique na ito. Ang formation Technique ng Black Water Trench ay tinatawag na Hexagonal Binding Formation Technique kung saan ito ay isang uri ng Absorbing Defense. Ngunit sa anim na bahagi ng Formation Technique ay isa na lamang na bahagi ang natira.Ang pundasyon ng Formation Technique na ito ay napakahina na. Ngunit ang Formation Technique na ito ay maituturing na isang Legend Grade Formation Technique ngunit maituturing na isa ito sa pinakamahinang Formation Technique ng nabibilang sa Legend Grade.
Dahil isa na lamang na bahagi ito ay kinailangan pang kontrolin ni Van Grego ang galaw ng Technique na ito. Isa pa rin itong Legend Grade Formation Technique kung kaya't kinakailangan niya ng malalakas na atake upang mawasak ito.
Noong umatake ang Martial Dominator sa kanya ay hindi niya ito ikanabahala bagkus ay gusto niyang matamaan nito ang nasabing Fomation Pillars. Hindi ito nakikita ng mata ngunit alam na alam ito ni Van Grego. Ang misteryosong enerhiya na pumatay sa Martial Dominator Expert na iyon ay kagagawan mismo ng napakalakas na Martial Slave. Sa lakas nito ay kaya nitong mapatay lahat ng mga nilalang na nandito o mas mabuting sabihin ang mga kalahok. Mabuti na lamang at napakalakas ng atake ang ibinato ng Martial Dominator Expert bago pa ito mapatay ng Martial Slave. Napakatuso ng Martial Slave na ito ngunit wala itong nagawa. Ang atakeng mula ulo hanggang paa na sana ay kay Van Grego sana tatama ay mismong ang Martial Slave ang nagtamo. Napag-aralan ni Van Grego kung paano ikontrol kung saan tatama ang nasabing atake. Hindi siya nahirapan ukol dito.
Hindi bulag ang Martial Slave at mas hindi ito tanga para masira ang minimithi nitong plano. Nagalit ito lalo pa't noon ng makitang nasa lokasyon ng nag-iisang Formation Pillar si Van Grego. Hindi nagalit ang Martial Slave sa pagtatago ni Van Grego kundi sa puwestong pinagtataguan at kinatatayuan nito mismo.
Hindi nito lubos akalain na ang binatang iyon ang magdudulot sa kanya ng mapait na kamatayan hindi ng kanyang buhay dahil wala naman itong buhay kundi ay sa sarili nitong kamalayan.
Namatay ang Martial Slave ng walang kamalay-malay. Lahat ng atakeng gawa sa mga mid-grade na mga sandata kagaya ng mga nagtatalasang mga sibat, pana, espada at iba pa ay mistula siyang walang kalaban-laban. Huli na ng malamang namatay na lamang ito ng walang kamalay-malay ang mga Martial Expert. Ginamit ni Van Grego ang kanyang bilis na nakatago ang aura nito na kung saan nag-iwan siya ng after-image na aakalain mong nalusaw at naging usok dahil sa mga sandatang ginamit ng Martial Expert sa pagpatay raw kay Van Grego.
Ginamit itong magandang pagkakataon upang puntahan ang labi ng Martial Slave kung saan hinakot niya ang lahat ng kayamanang itinatago sa katawan nito. Nagmistulang taguan ng gabundok na kayamanan ang Martial Slave na ito. Maging si Van Grego ay parehong namamangha at nagtataka sa kung saan gawa ang Martial Slave na ito.
Paano nalaman ni Van Grego na may maraming kayamanan na nakabaon sa katawan ng Martial Slave ay dahil na rin sa bitak ng katawan nito. Gamit ang Immortal Eye ay nakita niya ang mga bagay na maituturing na kayamanan ng sinumsng Cultivator. pero nagulat pa rin si Van Grego dahil na rin sa kayamanang nakatago sa loob ng Martial Slave na ito. Ngunit hindi niya muna ito aalamin pa.
Ang lahat ng ginawa ni Van Grego ay puro drama lamang o isang akto upang linlangin ang mga hangal na mga Martial Realm Expert na mas mataas ang lebel ng kapangyarihan kumpara sa kanya.
Mabuti na lamang dahil nariyan si Van Grego kundi ay tuluyan ng makalaya ang Martial Slave na ito sa Black Water Trench. Libo-libong taon na ang Martial Slave na naririto kung Kaya't hindi na nakakagulat pa sa karamihan kung magkakaroon ito ng kamalayan. Walang imposible sa mundong ito kung kaya't hindi maipagkakaila na maraming mga misteryosong pangyayari o mga bagay ang bumabalot sa mga lugar dito sa mundo ng Cultivation.
Nagbalik na si Van Grego sa reyalidad matapos maisip ang mga pangyayari noong mga nakaraang buwan.
May kailangan siyang kuhanin sa loob at kailang niyang makumpirma ang totoo tungkol sa Black Water Trench.
Noong nagsasagawa siya ng Formation Technique ay hinasa niya ang nakuha niyang Legend Grade Martial Art Technique. Ito ay walang iba kundi ang Thorn Deflecting Technique kung saan ay hindi siya masasaktan ng kahit anong klaseng Tinik maging ng nagtatalasang espada. Yun nga lang ay hindi niya ito magagamit ng buo. Sa loob lamang ng dalawampong minuto ang itatagal ng Legend Grade Martial Art Technique na ito dahil na rin sa mababang lebel na Technique nito.Learnable Technique ito.
Wala ng sinayang na ora si Van Grego at pumasok na sa loob ng Black Water Trench. In-activate niya ang Thorn Deflecting Technique kung kaya't ang lahat ng mga matutulis ma bagay ay bigla na lamang lumayo kay Van Grego sa paarkong galaw. Nagmistulang hari si Van Grego ngunit kasabay nito ang pagmamadali niyang mapuntahan ang nasabing kayamanang napakahirap hanapin sa ibang mga lugar. Labinlimang minuto na nakalipas nang siya ay nakarating sa pusod ng Black Water Trench. Napakadilim na ngunit sa tulong ng Alchemy Flames ni Van Grego ay nagsilbi itong liwanag sa dinadaan ng nasa anyong binatang ito.
Kapansin-pansin sa hindi kalayuan ang pagkakaroon ng nagliliwanag na kulay pilak na dahon ngunit naglalabas ng napakaitim na enerhiya. Ito na nga ang hinahanap ni Van Grego. Ito ay walang iba kundi ang 12-Petaled Black Thorned Lotus. Hindi mo aakalaing isang lotus ito lalo pa't ang mga petals nito ay kahawig ng isang tinik. Ngunit napakaganda nito pero hindi mo aakalaing isang lutos ito. Nararamdaman mo ang kakaiba nitong enerhiya na inilalabas na nagpapakalma sa sinumang makakaramdam nito.
Wala na siyang oras lalo pa't labing-siyam na minuto na ang nakalilipas. Agad niyang pinutol ang pinakapuno ng 12-Petaled Black Thorned Lotus gamit ang epic grade na kutsilyo na napulot niya sa labanan noon sa labas ng tarangkahan na siyang gunamit upang patayin siya. Mabuti na lamang at agad rin ito naputol. Wala na siyang inaksayang oras at in-activate ang Wrap Stone lalo pa't bigla na lamang lumidol pagkatapos na maputol ang bulaklak na ito. Sa kabutihang palad ay nakapa-teleport agad siya. Kung hindi siya nakapag-teleport agad ay baka mamatay siya o kaya ay mabibitag siya ng isang libong taon. Tunay ngang napakadelikado ng ginawa niyang pakikipagsapalaran sa loob ng Forbidden Area ng Black Water Trench.
Bumungad na lamang sa harapan ni Van Grego ang napakapamilyar na paanan ng kagubatang palagi niyang daanan papunta sa Alchemy Powerhouse Association na siyang pangunahing rutang daanan ng tatlong Class at ibang sangay ng gobyerno na angkop sa kalakalan. Ngayon ang araw ng pagbabalik ng mga Alchemist na inatasan niyang mangalap ng impormasyon at magpatayo ng imprastraktura sa pagpapalawak ng sangay ng Alchemy Powerhouse Association. Nagkaroon siya ng masamang kutob ukol dito.
Sinigurado niyang walang sinumang nilalang ang nakakita sa kanya ngayon at nagpalit na siya ng anyo bilang si Mr. Van. Nagsimula na siyang maglakad kung saan hindi maipagkakailang nay masama siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag.
"Sana ay walang nangyaring masama sa kanilang ginawang paglalakbay." Sabi ni Van Grego sa kanyang isipan na ang tanging hiling lamang ay ang kaligtasan ng kanyang mga kapwa Alchemist. Hindi niya ito itinuturing na iba o mababa sa kaniya. Tao silang may karapatan na mabuhay kung kaya't walang dahilan si Van Grego upang magmataas. Paano pa siya matatawag na Alchemist kung wala siyang puso.