webnovel

Chapter 10

Paano mo nga ba malalaman na katiwa-tiwala ang tao ng hindi mo pag-iisipan ng masama?

Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Naramdaman ko na natigilan siya sa tanong ko na iyon at biglaang napatingin sa akin.

"It depends on you. I'll just do my role here and it depends if you choose to trust me or not."

Nagtataka ko siyang tinignan at kumunot ng noo ko sa sagot nya. So, hindi nya sinabi sa paanong paraan ko siya mapagkakatiwalaan?

"Why? why it depends on me? you should answer my question straightly-"

"Enough." He cut me off. "We should not go there, you can go now."

Nagulat ako sa biglaang sinabi nya at napatango na lang bago tumayo. Dali dali nya akong pinagbuksan ng pinto upang makalabas ako.

Nang tignan ko siya, doon ko lang nakita ang galit sa mukha nya habang hinihintay akong lumabas. Gusto ko pa sanang kausapin nya at itanong kung anong meron pero hindi kami ganoon ka close para mag tanong sa kanya.

Lumabas na ako at narinig ko ang pagsara ng pinto sa likuran ko. Hindi iyon ang ine expect na mangyayari.

"Oh, bakit nandyan ka?" Tanong ni Hans nang makalabas galing elevator.

"Pinalabas ako." Inis na sambit ko sa kanya.

"Huh? Nag-usap kayo?" Hindi ko siya sinagot at tumango na lamang bago siya lagpasan.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nakaramdam ng inis at tinitignan ng masama ang numero pababa. Bumuntong-hininga ako at kinuha ang phone para tawagan si France.

[Yes?]

"Miss na kita," Pagbibiro ko.

[Gusto mong puntahan kita dyan, mamaya?] Narinig ko ang pagka excite sa boses nya ng sabihin niya iyon.

Nag-isip ako kunwari bago sumagot. "Free kaba?"

Lumabas ako sa elevator at pumasok sa unit ko habang katawagan siya.

Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. [Palagi akong may oras sa'yo, Chloe. Matulog kana.]

Napangiti ako nang sinabi niya iyon. Kinalma ko ang sarili ko bago magsalita. "Hihintayin kita."

[Makaka-asa ka.]

****

Kinabukasan ay nararamdaman ko na lang na may kumikikiti sa paa ko kaya napabangon ako ka agad. Sinamaan ko sya ng tingin ng makitang tinatawanan nya ako bago umupo sa tabi ko.

"Tulog mantika, kanina pa kita ginigising, hindi ka naman magising. Nagluto ako nang almusal para sa'yo kaya bumangon kana dyan." Pag ra-rant niya at sinubukan kuhanin ang dalawang kamay ko para iangat ako patayo.

"Salamat at nag punta ka." Niyakap ko siya bigla at naramdaman ko ang gulat doon.

"Uh.. s-sige na, mag toothbrush kana at ang baho na ng hininga mo." Pabibiro nya kaya binatukan ko sya bago pumasok sa cr.

Nang matapos akong makapaghilamos at toothbrush ay dumeretso ako sa kusina. Natuwa ako ng makitang mayroong fried rice, egg, bacon at marami pang iba.

"Namiss ko ang luto mo, tamang tama." Masayang sambit ko at kumuha ng marami bago kumain.

"Ako ba, hindi mo na miss?" Ngumuso siya sa harap ko kaya natawa ako.

"Parang kailan lang tayo nagkita, sira!" Pambabara ko sa kanya, iniiwasan mapatitig dahil sa ka cute-an niya.

"Ah, kaya pala sinabi mo kagabi na nami-miss mo na ako at pina punta mo pa talaga ako ha. Para ano? Pag lutuan ka?"

Reklamo nya.

Napaka daldal naman. Gusto ko lang naman nang makakausap dahil parang napahiya ako kay Lucas kagabi. Gusto ko lang naman mawala sa isip ko ang kahihiyan kagabi.

"Napahiya ako." Seryosong sambit ko kaya napatigil siya sa pagsasalita at napalitan ng pagtataka ang mukha.

"Kanino?"

"Kay Lucas, ang gulo.. ang sinabi ko lang naman kasi kung paano ko siya mapagkakatiwalaan-"

"Tanga!" Nagulat ako sa kanya ng sumigaw siya. "Hayaan ko na siya, wag mo na kausapin iyong ganoon. Bakit? Porke partner ka niya, gaganyanin ka-"

"Bobo!" Sigaw ko naman sa kanya. "Siya nga ang partner ko, ang kaso hindi niya yata alam at inakalang partner ko si Hans."

"Alam mo, kung pinag-uusapan ninyo ng maayos yan, walang away o missunderstanding na mangyayari." Sumeryoso siya bigla kaya nanibago ako.

Napatitig ako sa kanya at nagtaka ng bigla-bigla na lang niya sineseryoso ang usapan namin. Hindi naman ganito 'to dati e, anong nakain niya?

Nagulat ako ng pitikin nya ang sentido ko kaya nahampas ko ang kamay nya. "Bakit ba ang hilig mong manakit?!"

"Gwapong-gwapo kana naman sa'kin e. Chloe, ako lang 'to." Mahangin na sabi nya at nagpa pogi sign pa.

"Eto, seryosong usapan na. Uuwi na rin kami ng Pilipinas."

Nagulat siya bigla sa sinabi ko. "Sayang yung ginastos ko papunta dito tapos uuwi na rin pala agad ka'yo?!"

"Wag ka ngang sumigaw! Nakaka istorbo ka!"

"Chloe, alam mo namang nagtitipid ako tapos sasabihin mo bigla na uuwi na kayo? Sayang pamasahe!" Pagra-rant nya.

Nai hilamos ko ang mukha sa palad ko at tinignan siya ng masama. Nai stress na sa ingay ng boses nya.

"Ang sarap mong sabunutan minsan, alam mo ba 'yon?" Pagtataray ko sa kanya.

"Edi saktan mo ako, sanay naman akong masaktan e." Humugot pa nga pero hindi ko na lang pinansin ng biglang may kumatok sa pinto.

Tinignan pa muna ako ni France bago sya tumayo at pumunta sa tapat ng pintuan at binuksan iyon.

"Where's Chloe?" Narinig ko ang boses ni Lucas.

Nakita ko pa ang bagot na tingin ni France kay Lucas. " Wala na, inuwi ko na, makaka alis kana."

Napatayo ako bigla nang tagalugin nya si Lucas. Ilang beses ko nang sinabi na hindi siya nakaka-intindi ng tagalog.

Pagkatingin ko ay nakita ko na ang kunot noo ni Lucas, mukhang hindi naintindihan ang sinabi dahil hindi sya makapagsalita.

"You should go, I'm staying here in a few weeks with France" Seryosong sambit ko sa kanya at inakbayan si France.