webnovel

Chapter 7

The tangang Secretary

Nakaalis na si Sir Thunder sa opisina. Kailangan kong magmadali para makahabol sa conference room. Ang daming papeles ang nakatambak sa mesa. Tsk! Si Sir talaga patimpla-timpla pa ng kape, hindi naman pala iinumin! Nang akmang hahawakan ko na ang tasa bigla itong nadulas sa kamay ko saktong tumapon sa brown envelope. What to do? What to do?! Nagmadali akong kumuha ng basahan at pinunasan ang mesa. Mahirap na, baka magalit na naman si Sir nito. Ang envelope! Naku naman, kamalas-malasan naman, e mukhang importante pa naman ito.

Biglang may nag-pop-out sa utak ko.! Binuksan ko ang envelope. Ang laman picture lang pala. Wow, ang cu-cute ng mga nasa pictures ha. At ang ganda ng babae rito. Palitan ko na lang ng picture ni Sir. Bright idea 'di ba? Magagalit kasi si Sir nito eh basa na ang mga litrato amoy kape pa, mahahalatang pinakialamanan ko. Kaya pinalitan ko na rin ng bagong envelope at nilagyan ko ng pangalan niya na MR. MONTEFALCON. That's it, and then I locked the door and leave! Babush!

---

Thunder

I'm busy signing the other documents, when I remembered something. Muntik ko nang makalimutan ang envelope na binigay ni Alex sa akin. Tinawagan ko ang aking sekretarya. Nilagay daw niya sa ilalim ng drawer. Binuksan ko iyon at nanlaki ang aking mga mata. Damn! What the fuck is this? Don't tell me it's a joke! Tinawagan ko uli ang sekretarya ko. Hndi daw niya ito tiningnan o ginalaw man daw, basta tinabi lang daw niya ito. Siraulong private investigator na iyon! Bakit picture ko ang nilagay niya rito? Tumawag ako sa agency at wala na raw ito sa serbisyo, nag-resign na raw ito. Walang hiyang iyon ipapahanap ko siya.

---

Celes

Limang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang mga alaala sa aking nakaraan, na pilit kong kinakalimutan, yes, it was a childish game for him. Pero hindi niya dapat ginawa iyon. Kailangan pa bang humantong sa ganoong bagay? Umalis ako, dahil ayaw ko na siyang makasama. Bumalik ako sa probinsiya para doon na lang manirahan ulit at makasama ang aking mga magulang. Bumalik akong bigo at luhaan, pero ni isang salita mula sa kanila ay wala akong narinig. Ramdam ko ang pagmamahal nila, pati na rin ang aking kaibigang si Ising, hindi nila ako iniwan o sinukuan. Bagkus ay hinintay nila ang aking pagbabalik.

Hanggang ngayon malaki ang utang na loob ko sa mga taong nagtiyaga at nagmahal sa akin. Nagpapasalamat din ako dahil may tatlong suwerteng dumating sa buhay ko. Sila na lang ang mayroon ako ngayon, ang nagbibigay saya sa buhay ko.

"So, nandito na pala ang aliparot na babaeng ito." Baling sa akin ng mama ni Thunder. Nakangisi pa siya at nakataas ang kilay. "Hindi ko alam na buntis ka at malaki na pala ang tiyan mo?"

"Madam, malapit na pong manganak si Celes."

"Gano'n ba? Eh sino naman ama niyan?" mataray pa niyang tanong sa akin.

"Mawalang galang lang po, pero kung iniisip niyo na ang anak niyo ang tatay ng dinadala ko ay nagkakamali po kayo," mahinahon kong sabi.

Gulat naman si Inay sa mga sinabi ko, nagtatanong ang kaniyang mga mata.

"Buti naman kung ganoon, dahil ayaw kong magkaroon ng kadugo, lalo na kung mahihirap na katulad niyo!" asik niya pa.

Biglang nagpanting ang mga tainga ng aking Inay sa mga sinabi ni Madam Cyrstal.

"Madam! Wala po kayong karapatang sabihan ang aking anak ng ganiyan! Makakaalis na po kayo!" matapang na saad ni Inay. Ngiting aso naman ang ipinukol sa amin ni Madam.

Ang sama talaga ng ugali ng ina ni Thunder, tama lang ang desisyon ko na huwag ipaalam sa kaniya na may anak sa akin si Thunder. Baka kung ano pa ang gawin niya sa mga anak ko. Wala akong pakialam kung anumang isipin nila sa akin. Basta ako ayaw ko nang mag-krus ang landas namin ng kahit sa sinuman sa pamilya ni Thunder Montefalcon! By all means.

Oo, may anak kami ni Thunder hindi lang isa kundi tatlo, triplets sila, isang babae at dalawang lalaki. Kamukha nila ang kanilang ama, kaya maingat ako sa mga anak ko, mahirap na baka kasi makahalata iyon. Hindi naman kasi natin masasabi ang pagkakataon, maliit lang ang mundo.

Umalis na kami sa probinsiya, kung saan-saan nga kami napadpad. Naging mahirap sa akin ang pagpapalaki sa tatlo kong anak. Buti na nga lang nandiyan ang mga magulang ko at si Ising. Pinagtulong-tulungan namin ang triplets sa

pag-aalaga. Ngayong 6 years old at nakakaintindi na sila. Medyo gumaan ang buhay dahil sila ang nagbigay suwerte sa amin. Lahat ng paghihirap namin noon, may magandang bunga naman.

Malaki ang naitulong ng ipon ko sa banko noon at ang ibinentang lupain ni inay at itay, tama lang iyon pang kapital. At ang nakakamangha pa sa mga magulang ko, may naitabi rin palang pera Para sa akin daw talaga iyon, para kapag pumanaw na raw sila ay may iiwanan daw sila sa akin. Pero hindi pa sila dedo at ayaw kong mangyari iyon. Malakas pa naman sila sa awa ng Diyos.

Kahit ako ay isang promdi, mahilig pa rin naman ako sa mga damit. So it comes to my mind na, why not, magpatayo na lang ako ng sariling clothing line. Siyempre bago pumasok sa ganoong business kailangan muna akong

mag-aral at mag-training. G

Dahil gusto kong tapatan si Thunder Montefalcon.

Para kapag nagkita kami uli pati ang ina niyang wagas kung manghamak ng tao, para may maipagmamalaki na rin ako sa kanila! Nakabili na rin kami ng bahay dito sa Manila, pero hindi naman mansion, sakto lang.

Pauwi na ako sa bahay, naka-kotse ako pero 'di ako marunong mag-drive. Kaya nag-hire na lang kami ng driver. Nakarating na ako sa bahay nang bumungad sa akin ang tatlo kong cute na cute na anak.

"Kumusta ang mga babies ko?"

"Okay lang, Nanay," sabay-sabay nilang sagot sa akin. Nakangiti sila sa akin. Nakakatanggal ng pagod kapag nadadatnan ko sila kapag dumarating na ako. Sila ang mga kayamanan kong hindi ko ipagpapalit kahit kanino man.