webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
45 Chs

Chapter 9

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 9

Sinigurado kong malinis ang naging trabaho ko bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa fire exit.

Nagtataka pa akong tiningnan ng isang janitress dahil siguro naka robe lang ako at masyadong magulo ang buhok. Nginitian ko lang siya bago nakarating sa parking lot.

Agad kong binuhay ang makina ng kotse at nilisan ang lugar. Nagpakawala ako ng malulutong na mura ng may maalala ako.

Someone saw me! May nakakita sa akin paglabas ko ng kwarto iyon. Hindi ko maaninag ang mukha dahil naka-cap siya at bahagyang nakayuko.

Huminga ako ng malalim bago iniliko sa parking lot ng condo.

Napakunot ang noo ko ng matanaw ko si Boss na nakasandal sa kotse niya at madilim ang mga matang nakasunod ng tingin sa sasakyan ko. Anong ginagawa niya dito?

Oh I forgot boyfriend ko na pala siya. My bad. At isa pa may unit pala siya dito.

Bumaba ako ng kotse at agad ng tungo sa kanya. Tinaasan niya pa ako ng kilay habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Kita ko ang paggalaw ng panga niya.

"Where's your fucking dress, Alice?" may diin niya tanong.

"That psychopath doctor ruin my fucking dress, Saber" sagot ko at ginaya ang toni niya bago humalukipkip sa harap niya.

"Watch your mouth!" kumunot ang noo ko dahil sa biglaang pagtaas ng boses niya.

"Problema mo?" imbis na sagutin niya ako, mabilis niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad patungo sa elevator.

"Ano ba!" reklamo ko pero hindi siya nakinig. Sa huli ay hinayaan ko nalang siya.

Pilit kong sinisilip ang mukha niya. Salubong ang kilay at tumitiim ang bagang.

Ngayon ko lang din napansin na hindi na siya naka tuxedo. He's wearing a plain white t-shirt at nakapambahay na short.

"Umuwi ka kaagad?" tanong ko ng pagkapasok namin sa elevator. Binitawan na niya rin ang braso ko.

Hindi niya ako sinagot. Deretso lang ang tingin niya sa harapan. Kinalabit ko siya kaya napasulyap siya sa akin.

"Problema mo?" muli kong tanong sa kanya.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa floor na kami kung saan ang unit namin ng kapatid ko. Nauna akong lumabas at hindi na siya inantay. Bahala siya sa buhay niya.

Hindi ba naman ako pinansin. Tss.

Pagkapasok ko sa loob ng condo unit namin ay tahimik na at nakapatay na ang lahat ng ilaw maliban sa ilaw sa kusina kaya dumeretso ako doon para uminom ng tubig.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto at ang kanyang mabibigat na yabag patungo sa kusina.

"You just stripped infront of him!" bigla niyang sigaw sa likod ko kaya bigla akong napaigtad sa gulat at muntikan nang mabitawan ang hawak kong baso.

Tinaasan ko siya ng kilay pagkaharap ko sa kanya. Woah too close. Marupok ako par. Joke.

"Hindi ako nag hubad sa harapan niya dahil siya mismo ang gumawa no'n! At isa pa hindi kaagad ako nakagalaw dahil masyado akong nagulat ng sinabi niyang kilala niya ako! At huwag mo akong sigawan dahil hindi ako bingi! Putang inang kuneho ka!" pabalik kong sigaw.

"Wag mo kong tawaging kuneho!" napasabunot siya sa kanyang buhok sa inis at iritasyon. At hindi pinansin ang iba kong sinabi. "He.....he kiss you! Fuck!" dagdag niya.

Tinawid niya ang distansya naming dalawa. Hindi agad ako nakagalaw nang simulan niyang punasan ang mukha ko at leeg. Saan niya kinuha ang face towel na 'yan?

"No one can kiss you, Alice. Ako lang. Ako lang ang hahalik nito." tukoy niya sa leeg ko.

Pinagmasdan ko siya habang patuloy siya sa pagpupunas sa leeg at mukha ko. He's damn possessive! And I like it. I like the way he acts right now. Salubong ang kanyang kilay habang nakanguso.

Tinampal ko ang kanyang kamay nang dumapo iyon sa kaliwang dibdib ko. Umangat kanyang mga mata sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Umatras ako ng isang hakbang. Naalala kong may pagkamanyak pala 'tong boss slash boyfriend ko.

"Hoy Boss, huwag ka ngang ano diyan! Hindi ka pa ba sanay? At isa pa hindi naman ako nagpahalik sa labi ah. Kaya huwag kang mag-inarte diyan." mataray kong saad sa kanya.

Bigla na namang dumilim ang kanyang mukha. "So, you want him to kiss you huh?!" may paghahamon niyang sabi.

Ano ba talaga ang problema niya? Hindi naman ito first time na nangyari ah? Ano ba ang pinupunto niya? Kung nagseselos sita bakit hindi nalang niya sabihin ng deretso. Pabebe ampucha.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Sinabi ko bang gusto ko?"

Mas lalo siyang nainis sa sinabi ko. "Fuck!"

Tangina akala mo babaeng niregla kung maiinis. Sarap pakainin ng napkin eh. Tapos yung with wings ng liparin at mawala sa paningin ko. Kainis.

Sabay kaming napalingon ng marinig namin ang boses ni Yanna.

"Ate ang ingay niyo." nakanguso niyang sabi habang kinukusot-kusot ang mata.

Napakuyom ang dalawang palad ko. Tumabi ako kay Boss at palihim siyang sinuntok sa tagiliran niya. Napangiwi naman siya at sinamaan ako ng tingin pero inirapan ko lang siya at nilapitan ang kapatid ko.

"Sorry. Bingi kasi si Kuya Saber mo basta mga ganitong oras. Bumalik kana sa kwarto mo at matulog ulit." nakangiti kong sabi sa kapatid ko at hinalikan siya sa noo.

Ngumiti siya pabalik at tumango.

Humarap ako sa kanya ng umalis na ang kapatid ko at hinahampas siya.

"Bwesit ka! Yan tuloy nagising si Yanna! Sige subukan mong sumigaw sa sakit, papalabasin talaga kita." banta ko.

Ngumingiwi lang siya at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pag sigaw sa hampas ko sa kanya. "Fuck!" bulong niyang mura.

"Ano ba talaga ang ikinagagalit mo?" inis kong bulong at piningot ang tenga.

"Aray." pagil niyang sigaw. Inirapan ko siya bago iniwan doon. Bahala siya.

Alam kong susunod ang gagong yun dito sa kwarto ko.

"Dahil naghubad ka sa harap niya at naglalakad ka pa sa labas ng hotel na ganyan ang suot mo at....hinalikan ka niya!" tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong gusto mong gawin ko? Maglakad na naka bra at panty? Baliw ka ba?" inis kong tanong.

Umiling siya. "Hindi mo man lang inisip na magagalit ako habang nakabalantara ang katawan mo sa harap ng doctor na yon? Wala ka talagang pakialam sakin." madramang niya asa at umupo sa sahig habang nakasandal sa dingding na nakayuko.

My gosh Saber!

Kumunot ang noo ko sa kadramahan niya.

"Bakit naman kita iisipin?"

Nakasubsob ang mukha niya sa kanyang tuhod kaya di ko kita ang reaksyon niya.

"Tinatanong pa ba yan? Syempre dahil boyfriend at future mo ako tapos ang dali lang para sayo gawin yun." ayan na naman tayo sa future niya.

Hindi ko alam kong maiinis ba ako sa pinagsasabi niya o matatawa sa hitsura niya ngayon. Para siyang batang iniwan ng nanay at umupo sa isang sulok habang umiiyak.

"Nahihibang na naman ang Kunehong Manlilinlang. Anong kadramahan yan?" pinipigilan kong hindi matawa.

Saglit niya akong sinilip at bumalik agad sa pagsubsob ng mukha niya sa kanyang tuhod.

"Tingnan mo tinawanan mo lang ako. Wala ka talagang pakialam sakin." peke siyang umiyak kaya napailing ako.

"Dahil ang OA mo. Seriously Boss? Ngayon ka pa nag-gaganyan eh hindi naman ito ang unang beses na ginawa ko." mahina akong natawa.

"Oo nga pero iba na ngayon. Asawa mo na ako kaya hindi ka na dapt gumagawa ng ganoong trabaho?"

Wait asawa? Kinasal na ba kami para tawagin niya akong asawa? Sa pagkakaalala ko boyfriend ko pa siya ah?

"Teka lang parang umaabuso ka na sa pag s-self proclaim ah. Anong asawang pinagsasabi mo? Di yata ako na inform. Boyfriend pa kita oy!" di makapaniwala kong sabi.

"Ngayon na inform kana kaya wag ka nalang pumalag." madiin niyang sabi.

"Bahala ka diyan. Asan na bayad ko?" singil ko sa kanya.

Umangat ang ulo niya ang at di makapaniwala akong tiningnan.

"All this time yan ang iniisip mo habang nag-uusap tayo?" hysterical niyang tanong.

"Oo bakit? Dapat sa trabaho hindi kinakalimutan ang sweldo kaya akin na ang bayad ko." nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Padabog siyang tumayo at nagpawala ng malulutong na mura.

"Bwesit ka talaga kahit kailan! Walang puso! Akala ko ako ang iniisip mo pero ang bayad pala!" nakasimangot niyang sabi kaya napatawa ako.

"Syempre bayad muna bago ikaw." natatawa kong sabi kaya mas lalaong nalukot ang mukha niya.

Sinadya niyang pabagsak na ilagay sa palad ko ang cheke bago padabog na lumabas ng kwarto. "I'm fucking jealous, Alice!" sabi niya sa labas ng kwarto.

There! Umamin ang gago. Kinilig na naman ako. Tss.

Nagkibit-balikat nalang ako para maitagi ang kilig at pumasok sa banyo para maligo. Susuyuin ko nalang mamaya ang kunehong yun.

Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko ang kuneho na nakadapa sa kama at nakapikit. Umupo ako sa kama at tinitigan ang mukha niya pababa sa labi niya.

Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na dinampian siya ng halik sa labi.

"Hey," tawag ko ng makitang nakangiti ang loko pero nakapikit parin.

Unti-unti niyang minulat ang kanyang mata. "Hinalikan niya ako." masaya niyang sabi.

Napairap ako. "Seriously? Ang babaw ng kaligayahan mo." sabi ko at humiga sa tabi niya.

Inilagay niya ang braso niya sa ilalim ng ulo ko para gawing unan yon.

"Mababaw talaga basta ikaw ang dahilan." niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Hmm? Ba't daig mo pa ang babae sa kaartehan mo?" natatawa kong tanong.

"Sayo lang naman ako ganito. At isa pa ako nalang ang mag aadjust dahil di ka naman sweet sa akin." alam kong nakanguso siya ngayon kaya tiningnan ko siya at mabilis hinalikan sa labi niya.

"Gusto mo ba sweet ako palagi?" ngisi kong tanong at nakangisi naman siyang tumango.

"Bayad muna." napawi ang ngisi niya at napalitan ng poker face.

"Grabe pagmamahal ko nalang yata sayo ang libre ngayon." irap niya sa akin.

Mahina akong natawa at niyakap siya ng mahigpit. Damn this man.

"Talaga?" sinilip ko ang mukha niya.

"Oo. Kaya manahimik ka nalang."

"Taray ah." pang-aasar ko.

Saglit kaming natahimik bago siya nagsalita.

"My Alice," tawag niya.

"I love you to the sabunot and sapak."

"Parang gusto kong manapak. Kinikilig ako." pag-amin ko. Bago pa maangat ang nakakuyom kong kamay para masapam siya ay nahawak na niya iyon.

"Not so fast, my Alice." mabilis niya akong pinaibabawan habang naka-pin ang dalawa kong kamay na hawak niya sa kama sa gilid ng ulo ko.

Napatingin ako sa dalawa kong kamay bago sinalubong ang nagbabaga niyang titig. Napalunok ako dahil sa kakaibang naramdaman.

I know what will happen next. And I'm so damn excited.

"Let's do it again, my Alice. I want to it again." mabibigat ang kanyang paghinga habang nagsasalita siya.

"D-do it what?" tanong ko kahit alam ko kung anong ibig niyang sabihin.

"Let's make love again, my Alice." he tightened his grip on my pulse.

Tumango ako. "But please, let's stay in one bed and it's the bed. Ayokong paggising na nan natin ay magulo ang paligid." just like what happened when we first did 'it' in the airplane.

Napangisi siya. "Oh I can't promise."

"Saber!" pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Okay fine." bumaba ang ulo niya sa tenga ko at bumulong. "But i like messing things while doing it, baby." sabi niya bago ako sinimulang halikan na agad ko namang tinugon.

And we made love the whole night without breaking and messing up the things in my room.

Kinabukasan naisipan kong ipasyal ang kapatid ko sa kung saan niya gusto kaya nandito kami sa Mall naglilibot. Magpapabili daw siya ng libro.

"Ate si Kuya Saber parang aso sunod ng sunod." bulong na sabi ni Yanna kaya napalingon ako sa likod namin.

Nakapamulsa siya at deretsong nakatingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napailing ako.

"He's not a dog Yanna. He's a rabbit." pabalik kong bulong kaya napa-hagikhik siya ng tawa.

May biglang umakbay saakin. "Hey ako ba pinag-uusapan niyo?" nanliliit ang mata niyang palipat-lipat ang tingin sa amin.

Sabay kaming umiling ni Yanna at nagkatinginan habang pinipigilang hindi matawa.

May biglang nahagilap ang mata ko sa di kalayuan. Nanliit ang mata ko ng mapansing nakatingin sa direksyon namin ang taong yun. Pero agad ring nawala sa paningin ko dadil sa taong dumaan sa harap namin.

That man. He looks familiar.

Pumasok kami sa National Book Store. Nagpaalam si Yanna na hahanapin na niya ang mga librong ipapabili niya kaya tumango ako. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko. Parang pamilyar talaga ang taong yun.

Naglalakad ako sa mga shelves habang tinitingnan ang mga libro para maaliw ako at hindi maisip ang nakita ko kanina.

Pinuntahan namin ang school supplies area naisipan kong bumili ng bagong ballpen at notebook.

"Yan lang ba ang bibilhin mo?" tanong ni Saber ng makita niya ang hawak ko.

"Oo. Hintayin nalang muna natin si Yanna."sabi ko.

Umupo muna kami sa bench na nandito sa loob ng NBS.

Iginala ko ang mata ko sa labas nagbabakasakali na makikita ko na naman ang taong yun at hindi nga ako nag kakamali.

Nakatayo siya sa di kalayuan at nakatingin na naman sa direksyon namin. Tumalikod siya kaya napatayo ako. Kailan ko siyang sundan.

I remember him or her now. She or He's the one who saw me outside the hotel room that night!

"Alice may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Saber.

Umiling ako at ngumiti. "CR lang ako." paalam ko at ibinigay ang notebook at ballpen sa kanya at mabilis lumabas sa bookstore. Rinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko pero di ko nalang pinansin.

Natigil ako sa dagat ng mga tao at pilit tumitingkayad para makita ang taong yun. Agad nanliit ang mata ko ng makitang papasok siya sa comfort room. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at patakbong nagtungo sa comfort room.

Hingal na hingal ako pumasok sa cr ng mga babae pero wala dito ang taong hinahanap ko kaya naisipan kong pumasok sa panlalaki na cr. Mabuti nalang at walang tao pero isang anino meron.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa huling cubicle dahil doon nanggagaling ang anino ng isang tao.

"Sino ka?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

Malapit na sana ako ng bigla siyang lumabas sa cubicle at itinulak ako dahilan para masalampak ako sa sahig.

Napamura nalang ako nang mabilis siyang tumakbo palabas ng cr. Pero napatingin ako sa papel na nasa sahig.

Agad ko iyong kinuha bago tumayo at naglakad palabas ng CR. That man. Who is he?