webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
45 Chs

Chapter 16

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 16

Tahimik akong naupo sa sofa nang makapasok ako sa condo unit namin. Napatingin ako sa entrada ng kusina nang makita ang kapatid ko.

"Ate," tawag ng kapatid ko.

"Yanna, matulog ka na." tumango siya bilang sagot at nagtungo papunta sa kwarto niya.

Naramdaman siguro niya na wala ako sa mood makipag-usap. Yumuko at tulalang napatitig sa sahig. Nag-replay sa utak ko ang mga sinabi niya at ang pag-sigaw ko kanina at ang hitsura niya.

I hate it. I hate how he over react. Hindi ba siya nag-iisip ng sinabi niyang sa kompanya niya ako magtatrabaho at aalisin niya ako sa pagiging parte ng mafia?

Hindi ko siya papayagan maliban nalang kung si Mister mismo ang magtatanggal sa akin. Yes, Saber is my boss pero si Mister parin ang batas kaya siya ang susundin ko.

I'm his mafia reaper. Kaya ako dapat ang poprotekta sa kanya dahil trabaho ko yun. But, among the others like Mina and Miguel, I was the only reaper of Mafia Douglas that is visible. In other words all the mafia organization knows that I exist, that's why I received threats everyday.

But of course, they can't lay a finger on me because Mister the Mafia Douglas' Lord is more superior than them, kaya natatakot silang hawakan ako. I'm under on Douglas that's why, but as what I've said I can protect myself and my sister. Even though, hindi ko kilala ang huling nagbanta sa akin. I don't give a fucking damn. I'll hunt them down.

Kaya hindi ako papayag na tatanggalin ako ni Boss ng ganon-ganon nalang dahil marami pa akong hahuntingin na mga tao lalo na ang huling taong pumatay sa mga magulang namin. At isa pa, I earned millions in this kind of job.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto pero hindi ako nag-angat ng tingin o lumingon man lang. "Alice," tawag niya sa akin pero nanatili akong nakayuko.

Ayokong mag-angat ng tingin sa kanya. Galit ako at the same time nahihiya. Galit dahil sa mga sinabi niya. At nahihiya dahil sa biglaang pag-sigaw ko. Alam kong wala akong karapatang pagsalitaan siya dahil siya ang boss ko, siya ang tumulong sa akin. Pero masisisi niya ba ako? Masisisi niya ba ako nang muling nabuhay sa puso ko ang galit sa taong pumatay sa mga magulang ko?

Kung kailangan kong magpaggamit kapalit ng impormasyon tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko, gagawin ko iyon. And I did. I don't know kung anong kailangan ni L sa akin pero wala akong pakialam, ang mahalaga ay tutulungan niya ako kahit hindi buo ang tiwala ko sa kanya. Knowing that he's an enemy after all.

"Alice, mag-usap tayo ng maayos." mahinahon niyang sabi.

Umiwas ako ng dumukwang siya sa harap ko at aakamang hahawakan. "Wala tayong dapat pag-usapan." malamig kong tugon.

"No, we need to talk. Please." kinagat ko ang ibabang labi ko ng marinig ang huli niyang sinabi.

My boss won't say 'please'. Mataas ang pride niya. Kahit may saltik at loko-loko siya kailanman ay hindi ko narinig ang salitang 'yan sa bibig niya. Ngayon lang, at para 'yon sa akin.

"Bawiin mo muna ang mga sinabi mo. Ang sinabi mo na aalisin mo ako sa pagiging parte ng mafia." this time nag-angat na ako ng tingin at agad nagtama ang mga mata namin.

Umiling siya. "Ayoko, dahil iyon ang tama. Na sana noon ko pa ginawa kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari. Sana yung marangal ang inalok ko. Hindi ganito. Damn it." napatitig ako sa kanya ng bigla siyang nag-iwas ng tingin.

May ibang kahulugan ang sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. "Then end of discussion. Wala na tayong dapat pag-usapan. Makakaalis ka na." sabay tayo ko at naglakad patungo sa kwarto. Nilingon ko siya. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa sofa. Nakapatong ang kanyang dalawang braso sa magkabilang tuhod habang nakayuko.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Mabilis kong hinubad ang suot ko at pumasok sa banyo.

Simple lang naman ang hiniling ko, ang bawiin niya ang sinabi niya. Mahirap ba yon? At dahil sa pinalidad na 'yon sigurado akong tutunganga na ako. He won't give a job anymore, except a job from his fucking company. And I'm pissed.

Matapos kong maligo at mag bihis ng puting plain cotton shirt at short, naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama pagkalabas ko sa banyo.

Nagtama ang mata namin pero ako ang unang nag-iwas ng tingin. "Hindi ba sinabi ko na makakaalis ka na? Anong ginagawa mo dito?" iritado kong tanong.

Dinampot ko ang hinubad lo kanina at nilagay sa basket bago kinuha ang cellphone at sumampa sa kama malayo sa kanya.

Napairap ako nang hindi siya umimik. Tahimik siyang tumayo at nagtungo sa closet. Pinagmasdan ko lang ang mga kilos niya.

Nang makabalik siya ay may hawak siyang maliit na tuwalya at naglakad sa akin. Kumunot ang noo ko lalo na nung tumabi siya sa akin.

"Bumangon ka, tutuyoin ko ang buhok mo." sabi niya. Bigla akong napahawak sa buhok ko. Hindi ko pala na blower.

Nang makita niyang hindi ako gumalaw. Kusa niya akong hinila para makaupo at mabilis siyang lumipat sa likod ko.

Silence fed us. No one tried to speak. Every time his hand touches my back para akong nakikiliti. My lips formed into thin line trying to stop my heart from beating too fast.

Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa simpleng kilos niya. Damn. Kinikilig ba ako? Bigla kong nakalimutan ang sagutan namin. Bakit ganito siya? Dapat galit siya sa akin ay ganon din ako sa kanya. Pero bakit ako parin, ako parin ang inaalala niya. Nagiging sweet na naman siya sa akin kahit magkagalit kami.

Bahagya akong napaigtad nang bigla niya akong niyakap sa likod at ang hininga niya sa leeg ko. Nakasubsob ang mukha niya sa gilid ng kanang ko.

"A-Anong ginagawa mo?" kapos na hininga kong sabi.

"Alice," halos magtindigan ang lahat ng balahibo sa klase ng boses na gamit niya. Nanatili akong hindi gumagalaw. "Please, makinig ka sa akin." humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Umiling ako at pilit kong tinatanggal ang braso siyang nakayakap sa akin. "Let go of me, Boss." utos ko.

Gusto kong lumayo sa kanya dahil iba na ang epekto niya sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko at ayokong malaman niya 'yon.

"I won't." mariin akong pumikit at hinayaan nalang siya. Wala akong magagawa dahil gusto ko din. Gusto ko ang pakiramdam tuwing niyayakap niya ako.

I won't deny it.

Ang paghinga lang namin sa isa't-isa ang tanging naririnig sa apat na sulok ng kwarto. This kind of silence is peaceful but ironically suffocating. Nakakasakal ang katahimikang ito dahil magkagalit kami.

Minulat ko ang mga mata ko ng marinig ang boses ng kapatid ko sa labas ng kwarto at ang di kalakasang pagkatok niya.

"Ate may naghahanap sa'yo." sigaw ng kapatid ko.

"Sino?" salubong ang kilay ko.

"Sino ka daw?" rinig kong tanong ng kapatid ko sa mataray na boses.

"Sabihin mo, gwapo ang naghahanap sa kanya." napairap naman ako ng marinig ang boses niya.

"Gwapo daw." nai-imagine ko ang nakangiwing mukha ng kapatid ko.

"Okay." anong ginagawa niya dito?

Mabilis kong tinaggal ang braso niyang lumuwag ang pagkakayap sa akin at bumaba sa kama at nagtungo sa pinto, yon din ang ginawa niya.

Lalabas ba sana ako ng may biglang lumanding sa ulo ko.

"Wag mong ibalandara yang hita mo. Isuot mo yan." seryoso niyang sabi.

Wala akong nagawa kundi isuot ang sweat pants na hinagis niya bago lumabas ng kwarto. Tumaas ang kilay ko ng makita kung sino ang prenteng nakaupo sa sofa sa sala.

"Anong ginagawa mo dito? At kailan ka pa naging gwapo?" irap ko sa kanya.

"You didn't answer my calls and texts kaya pinuntahan nalang kita." sagot niya.

"Naka-silent ang phone ko." tumango siya.

"We need to talk." seryoso niyang sabi sa akin bago lumipat ang madilim niya mata sa katabi ko at sa likod. "In private." dagdag niya.

Kumunot ang noo ko at nalingon sa kapatid ko na nakatayo sa tabi ko. Matalim itong nakatingin kay L. Napalingon ako sa likod ko, and there boss is behind me sending death stare to L. His fist tightened.

Ramdam ko ang tensyon ng tatlo pero wala akong pakialam.

"Okay." sagot ko.

"No." sabay na sabi ni Yanna at Boss. "We don't know him, ate. You can't just go with him and talk privately." puno ng pagka-disgustong sabi ni Yanna.

Umiling ako. "It's okay. If he's planning to harm me, don't worry I'll harm him first." aalma pa sana siya ng biglang magsalita si Boss.

"Yanna, go to your room. I'll go with them." utos niya.

Tinapunan muna ng kapatid ko ng matalim na tingin si L bago tumalikod at bumalik sa kanyang kwarto.

"Scary." ngisi ni L na nagpairap sa akin.

"Sa kotse mo nalang tayo mag-usap. Let's go." sabi ko.

"Okay. Hihintayin kita sa baba." sang-ayon niya. Agad itong tumayo at naunang lumabas.

Lumingon ako kay Boss. "Wag mo kaming sundan." madiin kong sabi.

Tumalim ang mga mata niya. "No. Sasama ako." matigas niyang sabi.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya.

"Tatanggap ka na naman ba ng trabaho galing sa kanya ha? Fuck Alice! I already told you. Don't you dare, Alice. Don't you dare. I can—"

Nabitin ang sasabihin niya nang lumapat ang labi ko sa labi niya. He stilled dahil sa gulat. Nanlaki ang mga mata niyang bumaba sa akin. "Just wait for me here. Mag-uusap lang kami." sabi ko. At muli siyang hinalikan bago iniwan siyang gulat sa kinatatayuan niya.

I think gumana ang naisip ko. Hindi niya ako sinundan ng makababa na ako sa lobby.

Dumeretso ako sa labas at naglakad papunta sa nakaparadang mamahaling itim na sasakyan. Agad kong binuksan ang pinto passenger seat at pumasok.

Tiningan ni L ang suot ko. "What?" tanong ko.

"Nothing. Bakit ang sama ng tingin ng kapatid mo sa akin?" iling niya at pinaandar ang kotse.

"She hates dog, you know." ngisi ko.

"Dog? Me?" di makapaniwala niyang sabi.

"Exactly!" I exclaimed and he curse. Napatingin ako sa tinatahak namin. "Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

"Malayo sa condo. Knowing that bastard. Aalamin niya kung ano ang pag-uusapan natin." hininto niya ang sasakyan sa isang madilim na eskinita.

"About that. Anong pag-uusapan natin? Hindi ba pwedeng ipagbukas?" inaantok na ako.

"Wala ako bukas at sa susunod na mga araw. May aasikasuhin ako." sagot ko.

"So ano nga?" ubos pasensya kong tanong.

"It's about what happened in the party. Diba sinabi ko noong una na galing sa amin ang kinuhang hitman ni Alondra?" tumango ako. "It was a trick!" inis niyang sabi.

"What do you mean?" mas lalo akong naguluhan.

"It's from an unknown mafia organization. Dahil sa pagkakaalam ko ay hindi lang sa amin naghanap ng hitman si Alondra. Tatlo ang nilapitan niyang organisasyon pero wala siyang kinuha maski isa but he paid them big for silence so that no one will know. And she know that I was planning something. Kaya inunahan ko siya manipulahin." may inilapag siyang envelope.

Envelope na naging pamilyar sa akin at ang logo na nakapaskil doon. "Saan mo nakuha 'to? At bakit alam niya ang pinaplano mo?" tanong ko.

"Hindi ko alam." frustrated niyang sagot. "And that," turo niya sa envelope. "Nakita ko sa kwarto kung saan dinala ni Alondra si Allysandra." sagot niya.

"I also receive that kind of envelope." nakita ko ang pagkagulat niya. "What? When?"

"A month ago." sagot ko. "We need to investigate Alondra Cartigal. She knew something and we need to find out." saad ko.

"Yeah. But we have a problem."

"What?"

"She's no where to be found. May nang-ambush sa sinasakyan niyang pulis car at kinuha siya. I think this unknown organization is too powerful that we can't imagine. I think nasa kanila si Alondra." palaisipan niyang sabi.

"They invisible. At nakakainis dahil hindi natin alam kung saan magsisimula at saan sila hahanapin!" galit kong sabi. May bigla naman akong naalala kaya binigyan ko siya ng malakas na suntok sa braso.

"What the fuck is your problem? Bakit bigla ka nalang nanununtok!" hinihimas niya ang braso niya at masama akong tiningnan.

"Manahimik ka!" sigaw ko na ikinairap niya. He 'tsked'.

Habang pabalik kami ang daming gumugulo sa isip ko tungkol sa unknown mafia na'to. Pakiramdam ko ay matagal ko ng nakita ang logo na 'yon. Pero imposible. At bakit wala man lang aksyon ang ibang organisayon? As far as I know ay mas mauuna pa nila itong malalaman. Something is fishy.

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng condo. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko at aakmang lalabas na ng biglang mag-salita si L.

"You need to do our plan now, Alice. Kailangan mo nang harapin ang huling taong kasama sa pagpatay ng magulang mo at ang nag-utos nito dahil magiging komplikado kung hindi mo kaagad gagawin. Kaya mo naman diba? Hindi mo na ako kailangan diyan. Sapat na yung binigay kong impormasyon sa'yo." bigla akong nawalan ng lakas. Biglang naging blangko ang utak ko sa sinabi ni L.

I'll kill them like what they did to my parents. I'll kill them even though I know where it will lead me. And I don't give a damn. Kahit pagsisisihan ko sa huli at ako ang masasaktan.