Accident prone chapter!
JASON POV
"Pwede bang manligaw?" Bulong ko sa tenga niya. Magkayakap pa rin kami.
Napahiwalay siya sa akin, nabigla ko ata.
"A-anong sinabi mo?" Nagtatakang tanong niya.
"Sabi ko pwede bang manligaw?" Ulit ko.
Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa akin ng diretso. Aish!
"Ano na?" Naiiritang tanong ko. Ang tagal kasing sumagot.
"Bakit parang biglaan ata?" Tanong niya. Napakamot na lang ako sa ulo.
"Maniniwala ka ba pag sinabi ko sayong mahal kita?" Kinakabahan tanong ko. Nanlaki ang mata niya at napaawang ang bibig.
"Haa?!"
"Aish! Nevermind." Sabi ko na lang at tumalikod na sa kanya.
Pero bago pa ako umakyat sa hagdan pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghila ng kamay ko.
"Pakiulit nga ng sinabi mo?"
Napakunot ang noo ko pero nakabawi ako dahil ngumisi ako sa kanya.
"Talaga bang gusto mong uulitin ko?" Tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.
"Can I court you?"
Tumungo siya sa ibang direksyon at binitawan na ang kamay ko pero hinawakan ko ulit iyon. Damn! Kahit ilang araw pa lang nahulog na ako sa kanya. Kahit noon pang hindi kami magkasama sa iisang bubong may pagtingin na ako sa kanya. Siya ang tinulungan ko nung gabing medyo lasing siya at may nakasunod na lalaki sa kanya. Ako din ang nagbigay ng pagkain sa kanya nun. Palagi lang akong nakatambay sa bubong ng bahay niya dahil binabantayan ko siya.
"Seryoso ka ba?" Tanong niya.
"Oo naman." Totoo, seryoso talaga ako sa babaeng 'to!
"Ahhh…" Yun na lang ang sinabi niya at kinuha na niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Umakyat siya ng hagdan at nilagpasan ako.
"Ano na ba ang sagot mo?" Tanong ko ulit.
Tumigil siya.
"Hindi ko alam." Nakatalikod na sagot niya at nagpatuloy sa pag-akyat. Damn! Basted agad? Huwag naman sana! Mahal ko na eh!
Hinila ko agad ang kamay niya para makaharap ako. Nakakatawa nga lang ang itsura niya sa sobrang gulat. Pinisil ko ang ilong niya.
"Basted na agad ako?"
"Oo! Kaya manigas ka!" Bigla siyang tumalikod pero pinaharap ko siya ulit sa akin.
"Sasagutin mo ako ngayon o hindi?" Lumapit pa akong lalo sa kanya para makatapat ang mukha niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin kaya tumungo ako.
"Ano na?"
Hindi siya sumagot kaya nilapit ko pa ang mukha ko. Kunti na lang mahahalikan ko na siya.
"Ewan ko."
"Tsk!" Nilapit ko pa, half inch na lang.
"Ano? Papayag ka o hindi?"
"Ewan."
Naman oh! Binibitin ako eh!
Pinagtagpo ko ang noo namin. Kunti na lang talaga. Kung ayaw pa niya eh bahala siya. Hahalikan ko na.
"Sumagot ka na kasi!"
Bigla niya akong tinulak kaya nahulog ako sa hagdan. Ayaw pa kasi niya akong sagutin. Malas ng pagkatulak!
"Jason!" Sigaw niya. And everything went black.
Nagising akong nasa couch nakahiga. Gabi nap ala. Nasa bahay lang ako. Akala ko dinala niya ako sa ospital kahit alam kong malayo dito. Alam ko namang wala siyang pambayad dun.
Sumasakit pa rin ang ulo ko. Fck! Dumugo ba ang ulo ko?
"Gising ka na pala. Sorry sa ginawa ko." Sabi niya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Umiiyak na naman siya.
"Okay lang, kasalanan ko din naman naging makulit ako. Sorry din."
Niyakap ko lang din siya. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya. Alam kong nag-aalala siya dahil sa nangyari. Oo nga't kasalanan niya ang pagkahulog ko sa hagdan pero kasalanan ko din naman na naging makulit ako.
"Ouch!" Hiyaw ko. Bigla kasing may pumitik sa ulo ko. Mas lalong sumasakit. Oo nga bampira ako pero nasasaktan din kami pisikal.
"Anong masakit sayo?" Pag-alala niyang tanong. Umupo siya ng maayos.
"Ang sakit ng ulo ko."
"Saan banda?"
Tinuro ko ang bandang masakit at saka niya hinilot iyon. Dahan dahan at ramdam kong nag-iingat siya para hindi ako masaktan. Nakaharap siya sa akin kaya tinitigan ko siya ng mabuti. Napangiti na lang ako sa ginagawa niya.
"Yung sinabi mo kanina, ano…" Tumigil siya sa paghilot sa akin kaya tumingin siya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko. Pumapayag na ba siya?
"Ano?" Excited na tanong ko pero mahina lang iyon.
"Pu…pumapaya—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.
Hinila ko na agad siya at hinalikan ang labi niya. Damn! Ako lang ata ang bampirang adik sa halik ng tao! At sa kanya ko naranasan iyon. Tinugon niya ang halik ko kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Nakakaadik siyang halikan! Ito na ata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Tae ang bakla pakinggan pero nahulog na talaga ako sa kanya! Gusto kong kagatin ang leeg niya pero pinipigilan ko. Baka masaktan ko ulit siya.
Humiwalay siya sa halik namin. Pareho kaming hinihingal. Pinagdikit ko ang noo namin. Kita ko sa kanya ang saya. Ngumingiti siya.
"Thank you." Sabi ko at hinalikan ulit siya.
.
Pagkatapos ng nangyare kanina umakyat na kami sa kwarto niya. Oo, dun niya ako pinapatulog. Ang saya lang dahil parang nararamdaman ko na din na mahalaga ako sa kanya.
Nakaupo lang kami sa kama niya pero nakasandal siya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na ganito kasama ang mahal mo. Sana mahal niya rin ako. Pero hindi ko muna siya tatanungin kong mahal niya ako. Ang importante pinayagan niya akong manligaw sa kanya. Hihintayin ko yung oras na sasabihin niyang maging kami na.
"Inaantok na ako." Sabi niya. Humawak siya sa braso kong nakahawak sa leeg niya. Yung isa sa bewang niya. Sana sagutin na niya ako.
"Sige, matulog ka na."
"Eh ikaw?"
"Babantayan na lang kita." Sabi ko. Tumango na lang siya bilang sagot at umayos ng higa sa paa ko. Ang sarap sa feeling na ganito. Tae nakakabakla pakinggan pero masarap talaga! Paulit-ulit ko na lang sasabihin pero oo grabe ang tama ko sa kanya!
Tinitigan ko lang siya habang natutulog. Ang amo ng mukha ng babaeng 'to! Kaya grabeng pagmamahal ng puso ko ang pakiramdam para lang sa kanya! Bigla siyang gumalaw kaya tinapik ko ang braso niya. Oo nga't hindi natutulog ang mga bampira pero ngayon pakiramdam ko antok na antok ako kaya pumikit na din ako habang nakaupo sa kama.
--
MARGARETTE'S POV
Nagising akong may humahaplos sa mukha ko. Ang gwapong stranger lang pala. Ngumiti ako sa kanya.
"Good morning." Bati ko.
Ngumiti lang din siya sa akin.
"Good morning din, Margarette."
"Marj na lang." Sabi ko para sa short cut ng pangalan ko.
"Ha?" Kunot noong tanong niya. Hindi niya ata na-gets.
"Marj na lang ang itawag mo sa akin para sa short cut ng pangalan ko."
Ngumiti siyang malawak.
"Okay, Marj babe."
What?
Sumama ang tingin ko sa kanya sabay hampas ng mukha niya. Ke aga aga nangloloko.
"Sige hindi na po."
"Tse! Tabi!" Bulyaw ko. Dumiretso ako sac r at naghilamos. Paglabas ko ng cr wala na siya sa kama ko. Saan naman kaya yun?
Napahiyaw ako ng buhatin niya ako at bumaba ng hagdan papunta sa kusina.
"Ipagluluto kita." Sabi niya at nagsimulang magluto.
Nakaupo lang ako sa mesa habang pinapanood siya. Napangiti na lang ako nang maalala ko ang sinabi niya kahapon na manliligaw siya. Actually gusto ko siyang sagutin pero huwag muna ngayon. Marami pang mga bagay na gusto kong malaman sa kanya. Hindi lang yung tungkol sa personal na buhay niya kundi sa buong pagkatao niya. Gusto kong kumpirmahin na hindi siya iba sa totoong tao kasi pakiramdam ko ibang iba siya."
"Tapos na." Naamoy ko naman yun at kuminang ang mata ko.
"Adobong baboy for you, my highness." Pabirong sabi niya. Sarap hampasin pero ang layo niya.
Kumuha siya ng plato at kutsara't tinidor tapos humarap sa akin. Pinagsilbihan niya ako. Naks, pinandigan ang panliligaw eh sa iisang bahay lang kami.
Sumubo na ako.
"Ang sarap!" Sigaw ko at mas dinamihan pa ang ulam sa plato ko. "But wait, kalian nagkaroon ng baboy sa ref?" Tanong ko.
"Talaga? Ah ano, binili ko nung isang araw pero hindi mo namalayan."
Napa-ah na lang ako at sumubo ulit. Grabe ang sarap palang magluto ng lokong 'to?
"Acccckkk!" Bigla akong nabulunan. Tumayo siya at naabutan naman niya ako ng tubig.
"Dahan-dahan kasi." Sabay himas ng likod ko. Wow.
Tinapik ko ang kamay niya.
"Okay na ako. Salamat." Sabay subo ulit. Grabe namiss kong kumain ng adobong baboy. Last akong nakatikim nito yung 8 years old pa ko.
Tapos na akong kumain at siya hindi pa. Lalaking mabagal kumain. Ngayon lang ako nakakita ng tulad niya. Pfft. Tumayo na ako para ihatid sa lababo ang pinagkainan ko nang may sinabi siya.
"Ako na bahala dito, maupo ka na lang dun." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.
Ako, ito nakaupo sa harap niya.
"Tutulungan na lang kita." Sabi ko. Tumingin naman siya sa akin at umiling-iling.
"Ako na."
"Tss, bahala ka. Tutulungan pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw ko.
Hindi na siya sumagot, ngumunguya pa rin eh. Tsk, ang tagal niyang matapos!
"Bilisan mo nga! May pupuntahan tayo!" Bulyaw ko sa kanya.
Napag-isipan ko kasi kagabi na mamasyal sa park, nakakamiss gumala eh. Lagi na lang ako ditto sa bahay nagmumukmok.
"Saan naman?" Tanong niya pagkatapos niyang uminom ng tubig. Tapos na rin kumain.
"Ah basta."
Inumpisahan ko na ang paglagpit ng pinagkainan namin. Grabe lang naubos yung ulam. Dalawa kaming naghugas at pagkatapos nun umakyat na din kami sa kwarto para magbihis.
"Saan nga tayo pupunta?" Tanong niya. Nakalabas na kami ng bahay.
"Basta nga! Masaya doon!"
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papuntang park. Miss kong gumala. Namiss ko ang tumakbo sa paligid na parang bata. Namiss kong bumili ng cotton candy. At namiss kong kasama ang pamilya ko.
Pagdating naming doon, nauna na akong tumakbo. Bahala siya dyan, gusto kong enjoyin ang araw na 'to kasi birthday ko. Pero…
BEEEEEEEP!!!!!!
"MARGARETTE!" Sigaw niya. Tinignan ko siya at nginitian. Kita ko pa ang mata niyang nag-iba pero hindi ko na ininda 'yon. Naramdaman ko pa ang sakit ng pagkabunggo sa akin at maya-maya nawalan na ako ng malay.