webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
131 Chs

C-69: "I trust you, my love"

STA. BARBARA, ILO-ILO CITY

Ang Hacienda Caridad at ang Villa Aurora na ngayon ay Villa Amanda na, ang dating pag-aari ng mga Ga-an.

Subalit ngayon ay pag-aari na ito ni Anselmo. Sadyang pinapalitan ni Anselmo ang pangalan ng Villa para gawing sorpresa sa anak nitong si Amanda.

Sa kagustuhan nitong makuha ang loob ng kinikilalang anak. Ang buong akala naman nito ng dahil sa ginawa, kaya nakuha nito ang loob ng dalaga.

Ang hindi nito alam isa lang ito sa mga plano ng dalaga. Upang makuha ang loob ni Anselmo gagawin nito ang lahat kahit ang makipaglapit at magpanggap na mabuting anak sa taong labis nitong kinamumuhian.

Mabuti na lang umaayon ang lahat sa mga plano nito. Dahil sa pakikipaglapit nito kay Anselmo naging madali dito ang makuha ang nais nito ng lingid sa kaalaman ng lalaki. 

Dahil na rin sa pagtitiwala ni Anselmo sa dalaga nagawa nitong makuha ang kailangan nitong makuha.

Ngayon ano mang oras maaari na itong bitiwan ng dalaga at hindi na rin nito kailangan pang makipagplastikan sa matandang lalaki.

"Sandali na lang malapit na kitang igisa sa sarili mong mantika." 

"Maghintay ka lang Anselmo! Dahil pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa pamilya ko lalo na sa Papang at Mamang ko! Humanda ka dahil malapit na akong maningil sa'yo!"

Mga bulong at hinaing ng puso at isip. Habang paalis at patuloy na itong lumalayo at paliit na rin ng paliit ang tanaw nito sa Villa Amanda.

Saglit pa itong napaismid ng muling maisip ang pagpapalit ng pangalan ng Villa. Habang galit na isinisigaw sa isip ang mga katagang...

"H'wag kang mag-alala ibabalik ko siya sa'yo, magsama kayo ng tunay mong anak! Pero kukunin ko sa'yo ang Villa Aurora. Dahil sa akin 'yan!"

Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin nito.

Ito ang lugar kung saan siya ipinangak, lumaki, nagkaisip at naging bahagi rin ng kanyang kabataan.

Kung saan din siya naging masaya sa piling ng kanyang pamilya.

Subalit naging malaking bahagi rin ng pighati, kalungkutan at mga masasakit na sandali sa kanyang buhay.

ANSELMO DOMINGUEZ!

MAGBABAYAD KA...

Mariing sigaw at banta nito sa isip kasabay ng unti-unting paghila nito sa mahaba at alon-alon nitong buhok.

Hanggang sa tuluyan na itong matanggal at lumitaw ang tunay na maiksi nitong buhok...

___

Buong maghapon na nag-iisip si Angela kung ano ang posibleng mangyari sa magiging pag-uusap nila ni Liandro.

Kung ano ba ang sasabihin nito at ang kailangan niyang sabihin? Kaya naman kanina pa s'ya nawawalan ng focus sa ginagawa hindi tuloy niya maiwasang hindi magkamali.

Napapansin na tuloy siya ng mga kasama sa food shop lalo na nila Alyana at Diane.

"Okay ka lang ba Madam?" Pabirong tanong pa sa kanya ni Diane nang hindi na ito nakatiis.

Ilang dough na rin kasi ang nasayang dahil sa pagkakamali niya.

"Ha! Ah' oo okay lang ako." Kahit alam niya sa sarili na hindi siya okay.

Naiistress na yata siya hindi siya makapag-isip. Pakiramdam niya naba-blanko ang utak niya at nahihirapan siyang mag-isip.

Ayaw man niyang aminin pero ang totoo natatakot siya sa posibleng mangyari. Dahil pilit nagsusumiksik sa kanyang isip ang sinabi ni Joaquin.

Ang kakayahan ni Liandro na paghiwalayin sila nito. Ngayon niya lang naisip na tama ang pag-aalala nito. Dahil ngayon sobrang nag-aalala na rin siya sa posibleng mangyari?

Hindi niya kakayanin na mawala si Joaquin at VJ sa buhay niya.

Iniisip pa lang niya para nang pinipiga ang puso niya hindi siya makahinga at para na siyang mamatay sa sobrang lungkot.

"Sa tingin ko hindi ka okay! Bakit hindi ka muna magpahinga kahit sandali lang... 10 minutes o kaya kahit 5 minutes lang ako muna ang bahala dito ha?" Nagulat na lang siya ng akayin siya nito patungo sa maliit nilang opisina sa loob din mismo ng shop.

"Dito ka lang muna okay kahit sandali lang... Naalarma na ang mga staff, kahapon lang okay ka pa ah?"

Pinaupo muna siya nito at saglit na tumalikod upang ikuha siya ng tubig.

"Eto uminom ka muna para ma-refresh ka! Ano ba kasing problema?"  

"Wa-wala naman talagang problema may iniisip lang ako, okay na ko h'wag na kayong mag-alala. Siguro nga ipapahinga ko lang ito saglit." Umupo muna ito sa kaharap niyang mesa.

"Sigurado ka bang okay ka na, nagkaproblema ba sa bahay?"

"Hindi, ako lang naman ang may problema. Medyo napaparanoid lang siguro ako sa pag-iisip ng kung ano-ano, pasensya na kayo ha? Pati tuloy kayo nadadamay."

"Wala namang problema du'n naiintindihan ka naman namin alam mo 'yan! Ang problema lang baka maubusan tayo ng dough na gagawing tinapay kapag pinabayaan ka pa namin sa baking area." Wala naman sa tono nito ang naninita, nakangiti pa nga ito na tila lang nanantiya.

"Pasensya na talaga hindi na mauulit, pipilitin ko nang ayusin ang trabaho ko mamaya."

"H'wag mong masyadong isipin ang trabaho dito. Basta magrelax ka muna d'yan ha?"

"Mamaya lang okay na ako, nakakahiya tuloy sa inyo!"

"Okay lang 'yan, basta magrelax ka lang d'yan... Sige lalabas na muna ako ha' iiwanan na kita okay ka lang ba talaga?"

"Oo okay na ko salamat... H'wag kang mag-alala maya maya lang babalik din ako d'yan!"

"Okay!" Nagthumb-up pa ito at tuluyan nang tumalikod.

Nang mag-isa na lang siya saka lang siya nakapag-isip, ano bang nangyayari sa kanya? Tanong pa niya sa sarili.

Natatakot siya iyon ang totoo pero bakit, bakit ba s'ya natatakot? Wala pa namang nangyayari ah' at hindi pa rin naman siya sigurado kung may mangyayari ba?

Pero bakit ganito ang kanyang pakiramdam, inaatake na naman ba siya ng anxiety o paranoia?

Ang sabi ni Dorina normal lang daw sa isang tao ang maparanoid paminsan minsan lalo na kapag natatakot.

Ah' wala ito, siguro normal lang maramdaman niya ito. Hindi siya dapat nag-aalala matatapos din ito.

Kapag pareho na silang nakapagtapat kay Liandro magiging maayos rin ang lahat.

Magiging malaya na sila at magiging masaya at sigurado siya maiintindihan din sila ng kanilang Papa.

Tama, wala naman siyang dapat ipag-alala! Pilit niyang kinakalma ang sarili.

Kaya nagulat pa siya ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone.

Agad niya itong pinindot ng makita kung sino ang caller.

Si Joaquin!

"Hello?"

"Hello, honey! Kumusta kayo ni VJ? Narito na kami kadarating lang..."

Bigla siyang nabuhayan ng loob ng marinig ang boses ni Joaquin sa kabilang linya.

Ngunit hindi rin niya napigilan ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Joaquin! Okay lang kami, ikaw kumusta ka d'yan? Ang biyahe n'yo okay lang ba?" Bigla pa siyang napasigok habang kausap ito kahit pa pigil ang sarili.

"Okay lang... Hey! Okay ka lang umiiyak ka ba?"

"Hah! Hindi naman na-miss lang kasi kita..."

"Kung alam mo lang, miss na miss na rin kita. Kahit pa halos magpipitong oras pa lang tayong naghihiwalay. Gustong-gusto ko nang umuwi at makita kayo ni VJ. Pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Iniisip ko na lang na konting panahon lang naman ang ipaghihintay natin. Pagbalik ko kahit ano pa talaga ang mangyari? Hinding-hindi na tayo maghihiwalay pangako 'yan!"

"Tama ka, medyo napaparanoid lang siguro ako kaya ako ganito!"

"Napaparanoid? Bakit natatakot ka ba?" Tila nag-aalala nitong tanong.

"Ha, hindi!"

"Hey, sigurado ka bang okay ka lang, nakapag-usap na ba kayo ni Daddy?"

"Ha! Bakit mo alam?" Nalilitong saad niya.

"Anong bakit ko alam? Sandali nga, kinausap ka ba ni Daddy may sinabi ba siya sa'yo?" Naipagkamali tuloy niya na akala niya alam nito na mag-uusap sila ng kanilang Papa.

Pero nagkamali pa yata siya ng tanong tiyak na mag-uusisa pa ito.

"Ha! Ah' wala, hindi... Baka naman nakakaistorbo na ako sa'yo? Kadarating mo lang d'yan mamaya na lang ulit tayo mag-usap kapag may libre ka nang oras, okay!" Pilit n'yang ibinaling sa iba ang usapan upang hindi na ito magtanong.

"Okay sige na nga! Kung hindi lang importante 'yun meeting ko ngayong 4:00 o'clock. Gusto ko pa sanang mag-usap tayo."

"Ngayon na agad agad mag-alas kwatro na ah?"

"Yup! Malapit naman na kami sa venue tumawag lang ako para kumustahin kayo d'yan! Pagdating nga namin dito binaba lang namin 'yun gamit namin sa Hotel tapos sibat agad. Kaya heto tumatawag ako sa'yo habang nagbibiyahe."

"Sana pagkatapos n'yo na lang d'yan saka ka tumawag!" Pero ang totoo natutuwa siyang isipin na ganu'n siya kaimportante sa nobyo.

NOBYO?

Totoo bang nobyo na niya ito o boyfriend? Tama p'wede na niya itong tawaging ganu'n. And one of these coming days.

Maaaring maging asawa na niya ito. Dahil magpapakasal na sila, ah' dapat yata fiance na ang tawag niya dito? Daig pa tuloy niya ang teenager na kinikilig sa sobrang excitement.

"Hey, sweetheart! Bakit bigla kang natahimik may nasabi ba akong hindi maganda?" Bigla rin ang pag-aalala sa dating ng boses nito. Nakalimutan tuloy nito ang pagpapaalam.

"Ha' hindi wala naman, iniisip ko lang kung sino kaya ang ka-meeting mo at hindi ka muna pinagpahinga, importante ba talaga 'yan o baka naman...?" Baling niya sa ibang usapan.

"Hahaha, importante nga pero s'yempre mas importante ka! Kaya mas una kitang tinawagan eh'... Kaya lang kasi paalis din s'ya kaya ngayon lang kami makakapag-usap. May modeling project sila sa ibang lugar."

"Hmmp! Kung ganu'n babae nga pala 'yang ka-meeting mo!" Hindi sinasadyang makaramdam siya ng kakaiba.

Kaya bahagyang napalakas ang kanyang tono. Ewan pero bigla na lang siyang nakaramdam ng inis at insekuridad.

Isipin na lang na isa pala itong modelo? Kay Mandy nga lang alam niyang talo s'ya paano pa kaya sa totoong modelo?

"Hey, don't worry honey! Kahit naman maganda s'ya at sexy pa. Alam mo naman kung gaano ako ka-loyal sa'yo? Dahil ikaw lang yata ang kasya, dito sa puso ko!" Nasa tono nito ang pagbibiro.

"Maganda at sexy pala ha? E'di d'yan ka na lang!"

Kahit alam naman niyang nagbibiro lang ito. Hindi pa rin naiwasang makaramdam siya ng pagkainis sa sinabi nitong compliments sa babaing ka-meeting nito. 

"Hush! Sweetheart okay ka lang? Actually ang Daddy naman niya ang client namin. Hindi p'wede ang Daddy n'ya ngayon, kaya siya ang representative. Kaya hindi naman kami madalas magkikita, okay?" Paliwanag nito ng maramdamang naiinis na talaga siya.

Maaaring nakababa na ang mga ito ng sasakyan at binabagtas na nito ang daan papasok ng Hotel para makipagkita sa ka-meeting nito.

Tuloy-tuloy pa rin naman ito sa pakikipag-usap sa kanya at marahil lumalakad na rin ito. Dahil halata sa boses nito ang sagsag na paglakad.

Ramdam niyang nag-aalala rin ito sa kanya kaya hindi pa nito pinapatay ang linya.

"Hmmm, siguradong hindi siya magkakainteres kung hindi dahil sa'yo?" Patutsada pa rin niya sa naiinis na tono.

Sinadya pa talaga niyang iparamdam dito ang pagkainis.

Marahil kung nakikita lang ni Joaquin ang itsura niya ngayon. Siguradong pipindutin na naman nito ang kanyang ilong.

"HAHAHAHA, ikaw talaga parang nakikita ko na, kung anong itsura mo ngayon at kung gaano kapula ang iyong ilong. Parang gusto ko tuloy umuwi agad at kagatin 'yan! Hindi bale may utang ka sa'kin pag-uwi ko ilong mo kaagad ang kakagatin ko!"

Sinabayan pa nito ng pagtawa ang pagsasalita. Halatang pilit din nitong pinapagaan ang sitwasyon.

"Hmmp, utang ka d'yan!"

"Sige na h'wag ka nang magselos, nandito na kami at mukhang narito na rin sila." Saglit itong huminto. "Hmmm... Ang ganda niya talaga, naka-purple dress s'ya at ang sexy niyang tingnan. Para bang ang sarap niyang kagatin?" Discription pa nito sa babaing kliyente nito ng palapit na ang mga ito nang sumunod na mga sandali.

Hindi na maipinta ang mukha niya ng muling sumagot. Kahit pa alam n'yang nagbibiro pa rin ito naiinis pa rin siya.

Kaya dinaan na rin n'ya sa biro ang nararamdamang inis.

"Sige lang Mr. Joaquin Jeremy Alquiza pagbutihin mo! Pag-uwi mo igagawa pa kita ng halayang ube at isusubsob ko d'yan sa mukha mo. Sigurado akong mas masasarapan ka du'n!"

"HAHAHAHa, selosa!"

Narinig pa niyang huling sinabi nito na sinabayan pa ng matunog na pagtawa.

Sasagutin pa sana n'ya ito ulit ngunit pinatay na nito ang linya. Marahil nagsisimula na ang discussion ng mga ito tungkol sa negosyo.

May tiwala naman talaga s'ya sa lalaki at gusto rin niyang unawain ang klase ng trabaho nito. Alam rin niya na normal lang din na may makasalamuha itong mga magagandang babae.

Pero bakit ba nakakaramdam pa rin siya ng inis at insekuridad.

Madali lang ba talaga siyang magselos?

Maya-maya muling tumunog ang kanyang cellphone.

Isang message mula kay Joaquin ang kanyang nabasa...

"I LOVE YOU!"

Tatlong salita na pumawi ng pagkainis at lahat ng kanyang alalahanin ng mga sandaling iyon.

Tila ito rin ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya na ihanda na lang ang sarili sa kung ano man ang pag-uusapan nila ni Liandro mamaya.

Dahil alam niyang hindi siya bibitiwan ni Joaquin. Magkasama nilang haharapin ang lahat ano man ang mangyari?

Agad siyang napangiti at parang isang mahika na biglang gumaan ang kanyang pakiramdam.

Naisip niyang kailangan na niyang bumalik sa baking area at magbake ulit...

Okay na s'ya ngayon! Pero bago s'ya lumabas ng opisina isang mensahe muna ang isinagot niya sa nobyo.

"You know how much, I trust you my love and I love you more than, I can say!"

Isang malaking emoticon sticker naman ang agad na naging tugon nito na labis na nagpangiti sa kanya.

_

Ang isipin na sa kabila ng kaabalahan nito ngayon, nagawa pa rin nitong iparamdam ang nararamdaman at pagmamahal sa kanya.

Saglit lang may kasunod na ulit itong text...

"Now I believe that, I am a good looking man, honey. Because you have been in love with me now!"

"Hmmm?" Tangi niyang tugon.

"Ghost! Sweetheart h'wag mo na akong abalahin, nakatingin na silang lahat sa akin, kinakabahan tuloy ako..."

Hindi na tuloy niya napigilan ang malakas na pagtawa dahil sa sinabi nito.

Kasabay rin ng malakas na pagtibok ng kanyang puso ng mga oras na iyon.

Siguro kung nasa harap niya lang ito ngayon, marahil nayakap na niya ito ng mahigpit. Kung alam lang nito sobra na niya itong nami-miss...

Nagulat pa siya ng biglang may kumatok at deretsong pumasok ulit si Alyana.

Inabutan pa nitong yakap niya ang kanyang sarili. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya at alam rin niyang namumula na ang kanyang mukha.

Ngunit nginitian niya lang ito at pilit binalewala ang hiya. Patay malisya niya itong hinarap.

"May kailangan ka ba Yana?"

"Hmmm, mukhang maganda na ang mood mo ah' mukhang okay ka na nga!"

"Okay naman talaga ako kanina pa, palabas na nga sana ako para bumalik sa baking area kaya lang pumasok ka na, may kailangan ka ba?" Ulit niya.

"Ito lang paki-check naman ito oh', tapos okay na p'wede ka na ulit mag-day dreaming!" Pabiro pang saad nito na siyang lalong ikinapula ng kanyang mukha.

"Hindi naman ah' masaya lang ako masama bang maging masaya?" Pagbangon pa rin niya sa sarili.

"S'yempre hindi ah', natutuwa nga ako okay ka na kumpara kanina nakalutang ka!"

"Pasensya na talaga kanina wala lang talaga ako sa mood may iniisip kasi ako. Oh' heto okay na ito!"

Inabot na n'ya dito ang mga papel na ipinakita nito sa kanya kanina.

Mga listahan ito ng mga sangkap na gagamitin nila sa gagawin nilang mga wedding cakes. Kaya importante na maicheck nilang mabuti.

"Okay na ba ito?"

"Oo sabay na tayong lumabas saglit lang..."

Matapos na tiyakin na maayos ang kanyang sarili. Magkasabay na rin silang bumalik ng baking area.

Hanggang sa matapos ang oras nila sa food shop naging maayos din ang lahat. Nanumbalik rin ang kanyang sigla at masaya na ulit na nakihalubilo sa mga iba pa nilang kasama sa shop.

Particular sa mga kapwa nila chef sa baking area. Dahil bukod sa kanila nila Diane at Alyana, naghired din sila ng tatlo pang ibang mga pastry chef na kasama na nila ngayon sa food shop.

Kaya naging abala ulit ang isip niya at panandaliang nalimutan niya ang natakdang pag-uusapan nila ni Liandro.

Hanggang sa sumapit ang uwian kaya hindi niya rin inaasahan na susunduin pala siya ng maglolo.

Parang kahapon lang ng sorpresahin siya ng mag-ama ang pagkakaiba lang ang Lolo naman nito ang kasama ngayon ng kanyang anak.

Bigla tuloy n'yang naitanong sa kanyang sarili, habang palapit na ang mga ito sa kanya...

Tulad din kaya ito ng kahapon?

Isang masayang sorpresa at saya rin kaya, ang hatid nito sa kanya o may malaking pagkakaiba?

Ngunit ano man ang maging sagot kailangan pa rin n'ya itong harapin.

"Maging matapang at matatag ka lang mahal ko!" Tila ba parang ibinubulong ni Joaquin ang mga katagang ito sa kanyang tainga at malinaw rin niya itong narinig.

Tama kailangan n'yang lakasan ang loob upang ipaglaban ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Dagdag na bulong ng kanyang isip.

"Good evening, Hija!"

Sabay halik nito sa kanyang pisngi na bahagya pa n'yang ikinagulat.

Buti na lang niyakap din s'ya ni VJ at binati, kaya natakpan nito ang kanyang pagkaligalig.

"Good evening din po, Papa!"

"Tama lang pala ang aming dating, pauwi na ba kayo hija?"

"O-opo!"

Bahagya s'yang ngumiti upang takpan ang nararamdamang tensyon.

"Good! Nagpaluto ako ng dinner kay Manang Soledad. Gusto kong sabay-sabay tayong kumain sa bahay.

Isipin mong special ang gabing ito tulad ng dati, hindi ba hija? Dahil na-miss ko na ang ganito tayo parati."

"O-opo na-miss ko din po ito, Papa!" Biglang nag-ulap tuloy ang kanyang mga mata sa muli n'yang pagkaalala sa mga araw na magkakasama silang tatlo.

Kapag sinusundo s'ya ng mga ito sa Resort o kaya sa eskwela. Ang mga sandaling masayang masaya sila...

Baka nga na-miss lang s'ya nito talaga at s'ya lang ang nag-iisip ng problema at bigla rin niyang naisip ano ba itong ginagawa niya?

Nayakap tuloy niya itong bigla at ipinulupot pa niya ang kanyang kamay sa braso nito at inihilig pa niya ang kanyang ulo sa balikat nito.

"Papa, na-miss kita!"

"Hush! Ako din anak..." Na-miss din niya ang pagtawag nito sa kanyang anak. Tinapik pa nito ng dahan-dahan ang kanyang mga kamay na dati nang gawi nito kapag pinakakalma siya.

Sa pagkakataong iyon hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng kanyang mga luha...

Alam niyang mahal siya nito bilang anak at mahal din naman niya ito bilang kanyang ama.

*****

By: LadyGem25 ❤️

Hello guys,

Ayyiii! Na-miss ko din kayo, ako kaya na-miss n'yo? HAHHAHAHA. Pero sure ako ang buhay at pag-ibig ni Joaquin at Angela ang mas higit n'yong na-miss!

Kaya nandito na po ang bago nating updated. Sana na-enjoyed n'yo ang pagbabasa?

Hanggang sa mga susunod na Chapters h'wag n'yo rin sanang kakalimutan...

VOTES, COMMENTS AT PAHINGI NMN PO NG REVIEWS SA STORY NEED PO KC NATIN YAN!

ALWAYS BE SAFE AND GOD BLESS EVERYONE!!❤️

SALAMUCH!❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts