webnovel

002

Deal

Yeshua's POV

Halos magdamag namin binantayan si Long hair. Halos nga mag iisang oras na mula noong makatulog itong lalaki na to tapos hindi parin nagigising—teka magigising pa ba'to? Nakahiga siya sa lupaan at wala kaming magawa. Alangan naman kasi diba na buhatin namin siya? Like hello! Multo ho kami hindi na kami buhay.

Masyado naman kasi OA itong long hair na ito, di nalang gymising kaagad mala sleeping beauty lang.

"Ate Yeshua... Patay na bayan? Magiging katulad na ba natin siya?" Nagtatakang tanong sakin ni Warren kaya nabatukan ko siya. Loko toh! Nabugbug lang patay agad nalamog lang katawan niyan eh.

"Loko kang bata ka! Buhay pa yan."

"Sorry naman malay ko ba, kasi naman ate ang tagal niya magising eh" sabi niya sabay pout. Pinitik ko naman ang nakanguso niyang labi kaya pnitik ko yun.

Muka siyang pato dun. Nag sasabi ako ng totoo.

"Masakit!"

"pake ko." sabi ako.

Naalala ko yung nagyari kanina. Hindi yung sa bugbog, yung sa ginawa ng lalaki kanina yung nakatingin siya samin na para bang nakikita niya kami.

Like weird it's really weird paano niya kami nakita? May third eye ba siya?

So weird.

"Ate gising na siya oh!" sabi sakin ni Warren. Tinignan ko naman ang lalaki na may mahaba na buhok na unti-unti na bumabangon.

Marahan akong napaatras, oh i mean kami ni Warren. Kasi naman nakatingin siya samin. Para kasing kukunin niya yung kaluluwa namin dahil sa tingin niya. His eyes widened while looking at us.

"Shit!" pilit niyang tinatayo ang sarili niya kahit nahihirapan siya.

Parang tigang lang alam nang may pilay pilit paring tumatayo. Suge tumayo ka dyan para mas lumala yang pilay mo.

"Nakikita mo ba kami?" walang preno na tanong ni Warren sakanya. Kahit hindi niya sure kung sasagutin siya netong lalaki na toh nagawa parin niyang magtanong.

That's my Pansit kanton!

"B-bakit kayo nandito?" tanong niya samin ng naging tagumpay ang balak niyang pagupo.

"Ohh? So nakikita mo nga talaga kami. Wow! Magic!" sabi ko sa kanya pero binigyan lang naman niya ako ng pamatay na irap.

Ay, barbie ka? Dukutin ko mata neto eh.

"'Di ka po takot sa multo?" nanlaki ang mata ko.

Wow! Nag P-Po na ang loko. May himala ngayon ah.

Pero legit nagulat kami 'di lang talaga halata. Isa pa itong Wow, himala rin na may kumausap at nakakita na saamin after... Uhmm.. I duno years.

"Hindi ako takot, Bakit naman ako matatakot." sagot niya kay Warren.

"tsaka salamat nalang sa pagligtas niyo sakin aalis na ako—" naudlot ang pagpapasalamat niya ng magsalita si Warren.

"Kuya what eber is your name, siyempre tatangapin namin yang thank you mo like duh! pero hindi kami papayag na thank you lang." sabi ni Warren sa kanya sabay kindat sakin. Kumulubot ang nuo ko sa pag 'Kindat' niya sakin. And then it hits me.

Ohh!! I know now! Itong bata na toh kung ano-ano naiisip. Pero bet ko yun. Ang talino ah.

"What?" nagtataka niyang tanong niya.

"Dahil nga sa nakikita mo kami, dapat mo kaming tulungan." nakangiti na sabi ni Warren habang taas baba ang kilay.

Sawakas! May tutulong na rin saamin!

"Hayst! Ayoko!" sigaw niya at pilit na tumatayo.

"Hoy! Hindi pwede! kaylangan mo kaming tulungan." sabi ko.

"Anong hindi pwede? Pag ayoko, ayoko hindi ko kayo tutulungan!" pasigaw niyang sambit habang tinatali niya ng maayos ang hangang balikat niyang buhok.

Mas gumwapo siya duon ah mas bet ko yung nakatali yung buhok niya. Pak! Barbie!

"Dali na! Alam mo ba kung gaano kahirap maging multo?! Sigi na pumayag ka na. Gagawin mo lang naman ay alamin yung sanhi ng pagkamatay namin para maka rest na ang soul namin then, tapos boom! The end na. Kaya sige na!" sabi ko sa kanya na halos lumuhod na ako.

Hindi pwede masayang ang pagkakataon na toh. Minsan lang to, baka eto na ang sign ni Lord. May nakakakita na samin ngayon, siya nalang ata pagasa namin. Nakakapagod maging multo. Puro kasi kami ini-ignore.

Ano sila—kayo famous?

"Pag sinabi kong ayok, ayoko ang kulit ninyong mga multo eh noh? Pag hindi nakuha ang gusto mangugulo ng buhay ng may buhay." sabi niya ng tuluyan na siyang makatayo.

Kami naman ni Warren napatahimik at hindi kumibo. Well totoo naman yun pero tanging gusto lang namin ay may tumulong samin. Grabe naman siya sa mga sinasabi niya. Hindi naman porke multo wala ng nararamdaman.

Grabe siya masyadong harsh ha? Walang filter beh? Istapleran ko bibig mo eh.

"What?" kunot nuo niyang tanong ng mapansin niya na tahimik kaming dalawa.

"Pumayag ka na po kuya, maawa ka po samin." pag mamakaawa ni Warren habang nakatingin kay Long hair. He even did a puppy eyes at humaba ang nguso nito.

Pero bigla akong nabuhayan ng may naisip ako.

"What if Gumawa tayo ng deal, gagawin namin ang gusto mo kapalit ng condition namin." pag mamakaawa ko sa kanya at nag puppy eyes ako at pati si Warren ay tinodo ang pag puppy eyes. I know im not cute pero sana effective. Pero cute talaga ako promise! Hindi lang halata.

"what?!" hindi makapaniwala niyang tanong. Ay bungol.

"you'll help us find out how we died in exchange what you want us to do for you... Deal?" tanong ko. Naningkit ang mata niya at nagisip.

"Pag iisipan ko..." he said and walked out together with his bag kahit hindi maayos ang lakad niya dahil may pilay siya.

Salbahe na lalaki na toh makapag walkout, bastos lang. Sana matuluyan yang paa mo, hindi charot.

But atleast sabi niya pagiisipan niya may 50/100% na chance kami ni Warren yahoo!

Pinanood namin siyang umalis hangang sa tulyang na nfa siya mawala.

Sana talaga pumayag siya sa deal para matapos na tong pagdudusa namin sa pagiging multo. I just wish na sana tulungan niya kami makapagpahinga na yung mga pagod naming kaluluwa.

Isang tunog nag 'takong' ang bigla naming narinig namin ni Warren mula sa likuran kaya nilingon namin ito. A girl wearing a all red outfit. Ang takong ng kanyang sapatoy ay nag lilikha ng nakakatakot na tunog.

But what the—Ano yun? Tao pa ba yun? Lahat pula?

"WARREN NASAAN NA SIYA?" tanong ko Kay Warren.

Nakanguso siyang humarap sakin at nag taas baba ang balikat. "'Di ko alam ate basta nakita ko siyang dumaan dito kanina ang bilis kasi niya ate eh."

"hayaan mo na nga. Doon nalang tayo sa garden." turo ko sa garden na sa malapit lang. Wala eh hindi na namin nakita si Long hair, nawala kasi sa paningin namin kanina noong sinusundan namin siya. Siguro nalaman niya na sinusundan namin siya.

"Ate yeshua ayun oh!" turo niya kay long hair na patakbo na pumunta sa loob ng garden. Sabay kaming napatingin ni Warren sa isa't isa tsaka sinundan si Long hair doon.

"Hoy! Ikaw na hayop ka bakit ka nakikisali?!" sigaw ng isang lalaki pagkapasok namin sa garden.

Napakunot ang nuo ko ng makilala ko yung apat na lalaki na naroon. Yung isa ay si Hank, kilala yan sa school lalo na dahil sa peklat niya sa bandang labi.

Si Seth na nakatayo sa gilid ni hank at may hawak na sigarilyo pero hindi nakasindi.

Si Van na naka Sun glasess at may ngisi sa labi at naka frog sit position.

At itong isa naman si Verde na kapatid ni Van ay naka frog sit position rin pero ang pinagkaiba lang ay hawak niya yung buhok ng lalaki na may kulay abo ang buhok.

"Anong ginagawa ng mga 'to dito?" tanong ko kay Warren.

"Abay malay ko ba ate." sabi niya at nag cross arms.

"loko ka! Bitawan mo na nga si Sakaya!" sigaw ni Long hair na tinutukoy yung lalaki na may abo na buhok na hawak ni Verde.

"Pano pag ayoko?" nakangisi na tanong ni Verde sa kanya na kinairita ni Long hair.

"sabing bitawan niya na nga siya, ang kulit rin naman talaga ng ina mo!" sigaw ni Long hair at susugod palang sa kanilang apat pero napigilan iyon nag suntukin siya ni Hank.

"Totoo pala nga yung sinabi sakin ni Marri na hindi ka talaga marunong lumabad sa suntukan. Ang hina mo." sabi na sabi ni Hank habang nakahawak sa magkabila nitong beywang.

bigla akong nakaramdam ng kung ano na hindi ko maintindihan. What is this feeling? Ngayon ko lang naramdaman ito.

"tangina mo Hank!" sigaw sa ni long hair sa kanya.

"Ibigay mo muna samin yung hinihingi namin sayo tapos papakawalan na namin itong Letcheng Sakaya na toh." sabi ni Seth habang nakahawak pa rin sa Marlboro red niya.

"Eto ba?" tanong ni long hair habang nakataas ang isa nitong kamay na may hawak na maliit na supot na mhukang tableta na may ibat ibang kulay.

"Ate Yeshua ano yan? Candy?" tanong sakin ni warren na nakatuon ang pansin sa supot..

"Parang hindi eh." maikli kong sagot tsaka pinanood pa namin sila.

"Amin na tsaka namin ibibigay to sayo." sabi ni Van habang nakaturo sa tinatawag nilang Sakaya na may abo na buhok na walang malay at namamaga ang muka.

Kawawang nilalang.

"Oh eto!" sabi ni Long hair at hinagis sa kanila ang maliit na supot na pinagkaguluhan nila.

"oh eto na, iyo na tong walang kwenta." sabi ni Verde tsaka pahagis na binigay si Sakaya kay Long hair.

Nag mhuka tuloy na hinagis na sako itong abo na buhok. Kawawa naman. Pano ba naman walang malay at lupaypay.

"Hoy! Laken, tandaan mo toh, simula ng kunin mo to mag kakaroon ka na ng oras jaan yang buhay mo. Binibigyan na kita ng babala. Subukan mo uling magielam saamin uli tapos ka na." sabi ni Hank habang nakatingin sa likuran namin.

Halos sabay kaming tatlo ni Warren at long hair na napatingin sa likod. Nakita ko pa nga na nag taka yung muka ni Laken ng makita niya kami pero agad na nawala yun ng may umagaw ng kanyang atensyon sa aming likuran.

Isang magandang babae na naka suot ng uniform ng luntian high. Mahaba ang buhok mapupula ang labi dahil sa pulang lipstick, ang mata niya na nakakaagaw atensyon dahil sa mala mariposa niyang light make up. At kuko na mahaba at may ibat ibang disenyo.

Mariposa is that you?

"Marri." mahinang sambit ni Long hair pero sapat na para marinig ni Marri na napatingin sa kanya.

Lungkot ang gumuhit sa muka ni Long hair habang si Marri naman nakangiti ng matamis, kasing tamis ng candy. Pero hindi kay long hair kung 'di kay Hank.

Naka ngiti ito kay Hank.

"Love." tawag ni Hank kay Marri ng makalapit ito sa kanila tsaka nag halikan. Pinalibot ni hank ang mga braso nito sa baywang ni Marri at siniksik ang mhuka sa leeg ni Marri dahilan para mahina itong tumawa.

In front of me?! Really?! Serioso kayo jaan eh noh? Di naman masakit eh.

'Kadiri'

"Let's go" nakangisi na sambit ni Hank tsaka naglakad sa gilid niya kaya nagbanga ang balikat nila habang nagtama ang mata ni Marri at ni Laken.

Sa totoo lang muka kaming mga chismosa ni Warren dito na nakikinood lang sa kanila.

Ng makaalis na silang lima kasama si Marri aynilapitan niya si Sakaya na unti-unti n nagkakaroon ng malay.

"Pre ang sakit ng panga ko." reklamo ni Sakaya habang minamasahe niya ang panga niya.

"Kaga-guhan mo yan." Long hair.

"ano na nagyari? Nakalaban ka ba sa kanila?" tanong ni Sakaya nkay Long hair pero hindi ito nakasagot.

"Kung hindi mo sila nakalaban, wag mo naman sabihin sakin na nabigay mo sa kanila yung gamot." tanong ni Sakaya sa kanya na nag paguhit ng pag-alala.

"yeh pasensya na, nabigay ko. Kawawa ka naman kasi eh." sabi ni Long hair dahilan para makatangap siya ng batok kay Sakaya.

"Laken naman, yun nalang ibidensiya natin! Wala tayong ipapakita sa kanila." sabi ni Sakaya habang sinusuklay palikod ang buhok niya.

"Eh kaysa naman na mas bug-bugin ka nila. Tanga ka ba? Tsaka hindi naman tayo sure kung tama yung hinala natin." naiiling na si long hair na Laken pala ang name ni long hair.

Tanga rin ako eh noh?

"Paano na yan?" tanong ni Sakaya sa kanya.

"Ewan ko. Basta ako bahala" laken.

"Edi ibig sabihin niyan... Sandali ano sabi ba sila sayo?" sakaya.

"binigyan ako ng babala nila Hank. Hayaan mo na" sagot ni Laken.

"Aww.. Hindi bale sa susunod babawian ko sila."

"Tsk!" Laken sabi ni laken tsaka tinalikuran siya.

"Uhmm.. Kuya long hair andito po kami!" tawag ni Warren kay Laken habang kumakaway sa harap ng muka niya.

Napalayo ng bahagya si Laken sa kanya. "Kuya long hair what?!"

"Edi sorry naman, edi kuya Laken arte mo naman" sabi ni Warren at binigyan rin siya ng pamatay na irap with matching flip hair.

Omoo!! That's may pansit kanton!.kaso gaya gaya siya kay laken.

"Gago ka Laken, alam kong tang ka talaga pero 'di ko akalain na baliw ka na rin pala, nag d-drugs ka ba?" sabat ni Sakaya at nakatingin kay Laken ng 'weird mo gago' na hindi pinansin ni laken.

"the hell no!.. Kausap ko yung mga kinwento ko sayo"

"Wohh! Really? Astig! Are thay good soul or the bad one?" his eyes was full of excement habang nag tatanong kay laken. Si Laken naman ay tumingin rin sa kanya ng pagka weird like 'the fuck bro'

"Luh! Mhuka ba kaming bad soul eh ang cute ko nga eh tapos si ate Yeshua pretty. Explain!" pag contra ni Warren.

"Nah! Di naman sila mhukang bad soul maybe in between the good and the bad."

"Ah! Tanginomin mo wag milo! Kapal ng face ah." in between daw, edi wow.

"Ano pangalan nila? Oh! Wait can you tell them na my name is Yuwi Sakaya the one and only pinaka pogi sa school you can call me Sakaya." proud na sabi niya at halatang halata na may malaking confidence sa boses niya.

"Bro don't be like that, wag kang maging tanga naririnig ka nila." napailing nalang si laken. "wait.. Ano nga uli pangalan ninyong dalawa?" he ask.

Kaming dalawa naman ni Warren ay nag pause ng pa waki-waki. "I'm Yeshua! Ang pinaka magandang multo sa balat ng mundo! And i believe 'Mainlove ka na sa lahat wag lang sa song writer and i thank you!" panis sila sakin.

"I'm Warren, Ang pinaka cute na multo sa balat ng aking white skin! And i believe my hair is not bulbul but pansit kanton!" natawa naman si laken sa sinabi ni laken pati ako. "yun sabihin mo sa kanya!"

"Well there name is Yeshua, the girl one and Warren for the little boy." simple nitong sagot.

Sa haba haba ng effort namin dito yun lang sinabi niya? Abay! Ang galing. Apaka bastos.

"wohh? Really? Well ako naman si 'Yuwi Sakaya' Sana kaya ko rin sila makita—" hindi na naituloy ang sasabihin niya ng biglang mag bell.

"We need to go, tapos na ang break time." pag paalam ni Laken habang mabilis na nag lalakad at si sakaya naman ay kumaripas ng takbo mhukang late na.

"Mamaya hahanapin ka po naman long hair ah!" sigaw ni Warren bago sila tuluyan makaalis.