Naguluhan ako sa sinabi ni Tanner pero isinantabi ko na lang 'yun. Ano bang pakialam ko kung naiisip niya na ang kasal? Bata pa ako at marami pa akong pangarap sa buhay kaya wala akong pakialam. Isinaksak ko sa isip ko na wala ibang ibig sabihin 'nung sinabi niya sa gabing iyon. Baka guni-guni ko lang 'yun.
Friday na ulit ngayon and mamaya na ang balik nila kuya kaya nagpasya akong kunin na lahat ng mga dinala kong gamit. Naglagay na lang ako ng note sa fridge na aalis na ako at maraming salamat sa pagpapatuloy sa akin sa kanilang mansion. Maaga akong umalis dahil iuuwi ko muna ang mga gamit ko bago ako papasok sa opisina.
Kapag papasok na ako ng opisina palagi akong kinakabahan na para bang laging nasa panganib ang buhay ko sa lugar na 'to. Tulad ngayon kakatapak ko pa lang sa building pero panay na ang kabog ng puso ko. Feeling ko anytime atatkihin na ako sa puso. I tried my very best this week to avoid Tanner kasi wala siyang magandang naidudulot sa akin. Kapag dinner, I always chose to eat outside either with Prince, Arjo or other friends. Ayaw ko na lang magkaroon ng any interaction with him. Kapag breakfast naman ay si Prince naman ang lagi kong kasama kaya okay na 'yun.
"You left early."
"Put—" natutop ko ang bibig ko dahil muntik na akong magmura dahil sa gulat.
"Good morning, sir." Bawi ko na lang.
Naging mas respectful na rin ako sa kanya. Hindi na ako barumbado sumagot kapag kausap siya. Ayaw ko na lang makapagsabi ng hindi maganda baka magkaroon pa siya ng reason to tease me. I act professionally kapag nandyan siya tapos nagiging ibang tao ako kapag wala na ulit siya. Multiple personality power tawag dun mga sismars.
"Yeah, morning."
Pagkapasok ko ng Marketing Department ay tsaka lang ako nakahinga ng maayos. Muntik ko nang makalimutan huminga sa part na 'yun. Pero dumoble ang kaba ko nang ipatawag niya ako sa opisina niya.
"Ilang hours pa ang kailangan mo to fulfil your internship?"
"Uh, 244 pa po sir. Bakit po? Ililift niyo na ba ang intership ko? Huwag naman po? I'll be better. Patapusin niyo lang po ako."
He chuckled, "Chill. I am just asking. They send a pre-evaluation for interns na kasi kaya I asked you."
"Ah. Okay po. Thank you for informing me. I hope you rate me honestly."
"Of course, I'll be objective. Hindi naman dahil gusto kita, papabor na ako. I am very objective, no need to worry."
"You're silent, something wrong?" tanong niya sa akin.
"Are you hitting on me?" I asked him directly.
"What do you think?" He asked me too.
"I asked you first. Answer me, Sir."
Diniinan ko pa 'yung Sir para ipamukha sa kanya na superior ko siya. I don't want to be involved in workplace romance.
"I can't wait for you to finish your internship here so we can talk casually. What do you think is the meaning of your snacks and lunch every day? Are you eating them?"
"Ikaw nagpapabigay nun? Luh! I'll pay you. How much?"
"Let's date. That's the payment. Deal or deal? And, your avoiding me too much so I had to corner you like this because I badly want to see you."
"Or. That's my answer. Stop giving me foods. It's creepy."
Ang saya ko pang tinatanggap 'yung mga pagkain kasi lahat naman ay binibigyan ng pagkain sa office nang libre. Ngayon ko lang na-realize na ibang-iba nga pala yung akin parating galing sa restaurant sa labas.I am so naïve. Tanga ko sa part na 'yun. Pero sa totoo lang kinikilig ako sa mga sinasabi ni Tanner sa akin pero hindi pwede ito kasi boss ko siya and he is older. Ayokong magpahuli na may nararamdaman ako, ayoko. He seems that the serious in relationship type of person. Para siyang si Prince na walking heartbreak din, ayoko nang ganun.
Walang masyadong ginagawa sa office ngayon at dahil nagulo ang utak ko ng sobra sa pinagsasabi ng lalaking 'yun. Gusto ko na lang malasing. I chatted my friends sa block namin para ayain sila. Pumayag naman sila. Magkikita-kita nalang kami sa Ace ng 9:00 PM. I also invited Arjo and Prince. Arjo wholeheartedly declined me because my readings daw and Prince as always would say yes.
Prince texted me na sabay na lang daw kami. I said yes kaysa mag-drive pa ako baka malasing ako, mahirap na. Nasa Ace na kami exactly 9:00 pm. Nandun na 'yung iba dahil maaga pinauwi sa internship. Naupo ako sa couch na napili ng mga friends ko. I drink the shot Mau gave me, I got another glass of cuervo. I also drink tequila nang ayain nila ako sa beer pong table. Nagpatinaod na lang ako. Tumatawa dahil sa kinikwento ni Mau na bagong love of her life daw.
"Humihina na ang raket natin Mau a."
"Ikaw humihina dyan, puro ka kasi Aceres e. Kaya parang natatakot na yung mga boys mo." Natatawa ring balik niya sa akin.
"Prince wala ka bang balak ligawan 'to?"
Sigaw pa niya kay Prince. Si Prince naman ay gagong nag-thumbs up lang.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya nilibot ko ang mata ko nang magtama ang tingin namin ni Tanner na nakasandal sa railings. Nasa second floor siya at may hawak na baso. Nakakunot ang noo ne'tong nakatingin lang sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at pinagpauloy ang panonood kila Prince na hindi pa rin tapos mag-beer pong. Ang ingay namin para bang ilang taon kaming hindi nagwalwal. Bumalik na kami ni Mau sa couch namin at nakipagkwentuhan sa iba pa namin mga kasama. Nang maging tipsy na sila ay naisipan na nilang sumayaw pero tinamad pa ako kaya I declined the invitation. May lalaking lumapit sa akin.
"Why a gorgeous lady is alone? I know you; you're the Velasco girl, right?"
"Yeah." I answered him.
"Kur---" Naputol ang sasabihin ng lalaki nang biglang may humila sa akin. Napatingin ako at nagulat na si Tanner 'yun.
"Let's go." Hila niya sa akin.
"Saan tayo pupunta?"
"Heaven." Nakabusangot pa rin ang mukhang sagot niya sa akin.
Tumawa ako, "Tatanggapin kaya ako dun?"
"What's so funny ha?"
"You're drunk." I said pushing him away.
"And so?"
"Ano bang problema mo?"
"You. You are my problem."
"Ay sir, I am not doing anything."
"Why do you always flirt with anyone when I am near you ha?"
"You're lasing. You don't know what you are saying." sabi ko sa kanya.
"I am not lasing. I'm jealous!"
Sigaw na niya ngayon. Nasa may parking na kami malapit sa sasakyan niya.
"Seloso mo naman, sir."
"You think it is funny that I am jealous?"
"I don't know ha but why would you be jealous e we are not a thing naman."
"Am I not clear? I told you that I like you sa office."
Hindi ako sumagot pumasok na siya sa sasakyan niya kaya akala ko aalis na siya pero bumaba siya ulit at hinila niya ako papasok ng sasakyan niya. Pinagpatuloy niya pa rin ang mga nonsense niyang pinagsasabi.
"Why are you so close with everyone especially with guys? Am I too late? Why can you joke around Prince and Arjo. How could you just swim with Prince in your bikini? And you could just be childish with Arjo. And you can just do whatever you want with your guys. Why can't you do that with me? I want to be them so that you can just be carefree and comfortable with me. When will you notice me."