Nagulat ako sa sinabi ko, tumayo na agad ako at pinulot na 'yung mga gamit ko at iniwan na Tanner roon. Mag-aalas syete na nang gabi kaya naisipan kong kumain na lang sana muna sa McDonalds kahit mag-isa na ako pero naabutan ako ni Tanner at sinabi niyang sa bahay na lang daw nila kami kakain kaya pumayag na lang din ako para makatipid din ako.
Habang nagda-drive pauwi sa kanila ay naalala ko na naman ang sinabi ko, nakakahiya. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng kapal ng mukha para maging kaswal sa kanya dahil sa mga nangyayari sa amin. Hindi pa kami matagal na magkakilala pero ang dami nang nangyayari unfortunate things sa amin. Nakakayamot, gusto ko na lang kainin sana nang lupa. Nauna akong nakarating sa garage nila pero gusto kong mauna na siyang pumasok sa loob ng mansion nila pero para kaming naghihintayan ng sino ang unang lalabas sa sasakyan kaya lumabas na ako. Sumunod naman siya, dinalian ko na lang paglakad para hindi na niya ako abutan pero dahil matangkad siya at malalaki ang
hakbang niya ay naabutan pa rin niya ako.
"Why are you walking so fast?"
"Wala."
"Wala pero my lips taste, what? Sweet? How would you say it is sweet?"
"I don't know what you're talking about." Sagot ko at dire-diretso pa rin ang paglalakad papasok ng mansion.
"You know what I am exactly talking about." He said chuckling beside me.
"Sinaniban ka ba? Bat bigla kang naging makulit?"
"I find you very interesting, e." Sagot niyang parang normal na niya sinasabi sa mga babae 'yun.
Parang mali 'tong mga feels ko this past few days sa kanya ha. Parang nasa panganib na ang buhay ko. When he looks at me, my heart skips a beat. Kapag ngumingiti siya para na akong hihimatayin sa mangha sa kanya. Help, I need help. Iniwasan ko na lang ang isiping 'yun at dumiretso na sa kwarto at inayos ang mga pinamili ko. Nag-half bath na rin ako. Tumitig lang ako sa kisame ng biglang nag-flashback ang nangyari kanina sa mall. Tanga naman oh, gusto kong sumigaw dahil naguguluhan na ako.
"Kausap mo?"
Nagulat ako ng nakita si Prince sa pinto ng kwarto, "Hindi ba uso sayo ang kumatok ha?"
"I knocked but you were too preoccupied to even notice and the door is not lock."
"Problema mo?" tanong pa niya.
"'Yung pinsan mo." Wala sa sariling sagot ko.
"Ha? Pinsan? Sino? Paano?" putol-putol na tanong niya.
"Wala. Pinsan ko 'yun. Typo lang! TYPO!" I answered defensively.
"Ka-text mo ako?"
"Ewan ko sayo. Ano bang kailangan mo?"
"Dinner." Nakangiting sagot niya.
"Okay."
Sabay na kaming bumaba ni Prince sa dining area nila. Nagulat ako na prenteng nakaupo na si Arjo at Tanner roon. Ang daming pagkain sa mesa, puro mga paborito ko ang naroon.
Natakam ako pero nang makita kong nakangisi sa akin si Tanner bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang gusto ko na lang tumakbo pabalik ng kwarto at huwag na lang kumain. Kailangan ko na 'yatang magka-check sa doctor kasi parang lagi na lang akong kinakabahan. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at tumingin kay Arjo.
"Oh, anong meron? Magugunaw na ba ang mundo at naisipan niyo nang kumain ng sabay-sabay na tatlo?" tanong ko sa kanila pero nakatingin pa rin kay Arjo.
"Ang dami mong ebas, umupo ka na nga at kumain na tayo. Nag-effort pa kami ni Arjo magluto niyan para sayo." Medyo yamot nang sabi ni Prince sa akin.
"Weh? Nagluto kayo? Hindi ba ako mamatay sa food poisoning rito?" Natatawang tanong ko ulit.
"Tanga ka? Edi kapag namatay ka wala na akong inspiration sa life." Nakangiting sagot ni Prince sabay gulo ng buhok ko.
"Feeling jowa. Namputa." Naiiritang saad ni Arjo.
"Dahil dyan, ilalakad na kita kay Mariella." I even clap my hands to annoy Arjo more.
"Bahala kayo dyan, aalis na ako." Tumayo na siya.
Pero tumakbo ako at hinatak siya pabalik sa mesa, "Joke lang naman e, ito naman. Mag-aabogado ka sa lagay mong yan? Pikunin."
"Oo at sa lahat ng tao ikaw lang ang hindi ko tutulungan kapag naing abogado na ako."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Arjo at nag-focus na sa mga pagkain sa mesa.
"Thank you; I appreciate the effort for cooking my favorites. I should post this to brag to your girls how lucky I am." Nakangiting baling ko kay Arjo at Prince.
"Magpasalamat ka din sa kay kuya Tanner." Sabi ni Arjo.
"Anong ambag niya?"
Nakataas ang kilay na sagot ko at napansin kong pinapanood niya lang kaming tatlo. He never uttered a word yet simula ng pumasok ako sa dining.
"I babysit you there, don't you remember? Oh yeah, you have temporary amnesia ka nga pala. You forgot what happened today e."
Bakit ba siya English nang English e nasa Pilipinas namin kami, nakakainis siya ha. Ang gwapo niya talaga. Pwede bang siya na lang ang ulamin ko?
"Stop drooling at me. Let's eat." Saad niya na ikinagulat ko na naman.
Nakatitig na naman pala ako sa kanya ng matagal. Masaya ako. Para akong nanay na nakitang successful na ang mga anak dahil nakita kong kumakain na silang sabay-sabay. Pati ang mga house help ay nagulat din na nakitang kumakain nang sabay ang tatlo dahil iba ang ngisi nila ng pumasok si manang na may dalang dessert na inorder siguro nila.Inaya ko si manang para kumain na din pero sinabi niyang may pagkain na sa quarters nila na luto din ni Prince at Arjo.
I am so happy kasi I saw how Prince and Arjo grew up. Lumaki silang hindi tinitake for granted ang meron sila. Naisip ko kung paano rin kaya si Tanner sa mga ganoon? I don't know much about him but I wish he is like Prince and Arjo. Bakit ko ba iniisip 'yun? Ano bang paki ko?
Natapos na kaming kumain and I volunteered to wash the dishes. Ayaw nila pero nagpumilit ako. Napilit ko sila. Hindi ko alam pero nandoon lang silang tatlo, pinapanood akong maghugas ng pinagkainan namin. Nako-concious ako kaya bumaling ako sa kanila.
"First time niyo bang makakita ng babaeng naghuhugas ng pinagkainan ha?"
Walang umimik sa kanila. Hinintay nila akong matapos maghugas bago nagpunta sa kani-kanilang kwarto.
"Kapag may kailangan ka, nasa kwarto lang ako. Gagawa lang ako ng plate. Pero kung may gusto kang gawin, I am free to do it with you." Sabi ni Prince.
"Namputa talaga. Sana all! Free!" Sabi naman ni Arjo na tumawa pa ng may malisya.
Walang sinabi si Tanner. Umalis na lang siya bigla. Sana may sinabi din siya, unfair ha. Kaysa problemahin ko pa ang wala man lang komentong si Tanner minabuti ko na lang pumunta sa living room nila at binuksan ang tv doon at nanood nang Netflix. Iisa lang ang profile 'nun kaya iyon na lang ang binuksan ko. Nanonood ako ng Itaewoon Class ng biglang may tumabi sa akin. Lumingon ako at nakitang si Tanner iyon. Kinabahan na naman ako, umusog ako ng konti sa sofa para malayo sa kanya. Baka marinig 'yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Mahirap na baka mag-assume siya. Walang nagsasalita sa amin pero ramdam kong nakatitig siya sa akin. Hindi ko na naiintindihan yung pinapanood ko dahil hindi ako mapakali kasi ramdam ko ang riin ng titig niya sa akin. Halos hindi na ako huminga dahil sa kaba. Ano bang ginagawa sa akin ng lalaking 'to?
"You look like a housewife material. I think I might consider marriage now." Walang-hiyang sinabi ni Tanner.
Doon ako napalingon sa kanya. Nakangiti siya ng malawak. Doon ko narealize na, wala na. I am doom.