webnovel

How i love him.

"Kriziah, stop this!" sigaw niya sakin.

"Harry, hindi mo ako naiintindihan!Mahal kita." sambit ko sabay ng pagtulo ng aking mga luha.

"Kriziah Lexis Climax, Kailan mo rin na ko maiintindihan?Kung mahal mo ako kaya mo 'kong pakawalan at hayaang masaya!" sabi niya.

"Ha-harry?I miss the old you." utal kong sabi.

"Tigilan mo ko Kriziah." sambit niya tuluyan ng umakyat sa kwarto.

Gabi-gabi lagi kaming nag-aaway. Di niya lang ko maiwan kasi alam niyang suicidal ako. Nagpakasal kami then after a decade nagbago siya bigla.

Na parang isang araw hindi niya na ako mahal at mukhang hindi minahal.

Muli siyang bumaba.

"Saan ka pupunta?" sambit ko nang makita ko na dala niya ang kanyang mga gamit.

"Wala ka na don." sambit niya

"Harry!Pagod na ako sa kakahabol sayo!" sigaw ko.

"E bakit mo ko hinahabol kung pagod kana? Annulment?" sambit niya ng mahinahon.

Di na ako nakapagsalita ng kanyang sambitin ang linyang iyon.

"Oh, bakit ka tumahimik?" tanong niya.

"Ha-harry" sambit ko.

"Manahimik ka. Makikipagkita pa ako kay Sheena bukas." sabi niya.

"Bakit?Makikipaglandian kananaman ba?Baka malaman ko nalang buntis na yon si Sheena!" sigaw ko.

"Tumahimik ka" sambit niya