webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
34 Chs

5

FABIELLE really felt comfortable. Na para lang siyang nasa sariling kama. At dahil doon ay lalo pa niyang ipinagsiksikan ang ulo niya sa unan niya. Her pillow that smells so good and so manly...

Wait.. MANLY?!

Awtomatikong bumukas ang mga mata niya at pinakiramdaman ang sarili. Nasisiguro niyang wala siya sa sariling kama. She was in a sitting position and she was leaning on something. Bahagyang umaangat at bumaba ang dinadantayan niya. Okay, correction. She was leaning on someone!

Mabilis na inayos niya ang pag-upo ngunit dahil sa pagmamadali ay tumama ang ulo niya sa panga ng kinasasandalan niya.

"Aw." Reklamo niya. It felt like bumping to a rock.

"You okay?" agad na lumipad ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig. And again she came face to face with the most handsome man she had ever met. Partida pang nagkukusot pa ito ng mata tanda nang kakagising lamang nito at malamang na dahil sa kanya.

'Ke gwapo naman palang bato nito! Komento ng isip niya.

"I...uhm... what?" wala sa huwisyong tanong niya. Bakit ba sa tuwing titingnan niya ang mukha ng lalaki ay pumapalya ang takbo ng isip niya?

Sa halip na sumagot ay umangat ang kamay ng lalaki at sa gulat niya ay lumapat sa ulo niya at dumikit pa sa kamay niyang hinihimas din ang nasaktang parte niyon.

"Masakit ba?" walang anumang sabi nito habang nakikihimas na sa ulo niya. Napalunok naman siya. Sa ginawa kasi nito ay lumiit ang pagitan ng mga mukha nila. Hindi man ito nakatingin sa kanya ay nararamdaman naman niya ang hininga nito sa mukha niya. At ni hindi niya mailayo ang tingin sa perpektong mga labi nito!

Not safe!

"I-I'm fine." Nabubulol na sabi niya saka hinawakan ang kamay nito para palisin iyon. Ngunit hindi niya inasahan na muling makakaramdam ng kung anong kuryente sa pagdaiti ng kamay niya sa kamay nito. Napasinghap siya.

"I don't think so." Sabi nito na waring mali ang naging pagkakaintindi sa pagsinghap niya.

"N-no. No. I'm fine, really." Sabi niya at kahit naiilang pa rin ay nagawang tanggalin ang kamay nito mula sa ulo niya. Sa ginawa naman niya ay tuluyan nang bumaling ang tingin nito sa mukha niya. Pinigilan niya ang muling mapasinghap. Bakit ba ganito ang epekto nito sa kanya samantalang ni pangalan nga nito ay hindi niya alam? "S-sorry." Ang tangi na lamang nasabi niya maya maya.

"For what?" bahagyang kumunot ang noo nito.

"F-for leaning on you. Medyo napagod lang kasi ako." Palusot na lamang niya. And your shoulder is really comfortable. Dugtong ng isang bahagi ng isip niya na hindi na niya isinatinig pa. Weird na ngang nakikisandal siya sa balikat nito, dadagdagan pa ba niya?

And speaking of 'pagsandal', agad na napabaling ang tingin ni Fabielle sa bintana ng sasakyan kung saan pumapasok na ang maliwanag na sinag ng araw. Napanganga siya. Alas-nuwebe ng gabi nang magsimulang bumyahe ang sinasakyan nila at lumitaw na ang haring araw ngayon. Kung ganoon, gaano siya katagal na nakasandal sa lalaki?

"It's fine. It was not even uncomfortable." narinig niyang sabi ng lalaki sa tabi niya dahilan upang muli niya itong lingunin. "Hi, I'm Josh."

Mali yata ang ginawa niya, dahil sa paglingon niyang muli rito ay ang nakangiting mukha na ng lalaki ang nabungaran niya. At kung kanina ay hindi na siya mapakali, ngayon naman ay nakikisabay na ang mabilis na tibok ng puso niya. He was handsome, of course, but God, he was way more gorgeous when smiling. And he was even smiling directly at her. Halleluja!