webnovel

A Soul Raised By Love

This story is about a woman named Sofia who accidentally sinned against a woman who had died. When due to an accident Sofia's soul was separated from her own body. It was for the sake of the woman he had sinned against. There was a necklace of life that Sofia was destined to have. But it was captured by an evil soul with a desire to live again to take revenge. But there will come a man who can help Sofia and she will love him as much as she can bet even her own life.

Mae_Herrera · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
15 Chs

Chapter 5

사랑해 언니😍

Sofia's POV

Pagkatapos ng nangyari samin ni ate Samantha ay ngayon lamang ako nagising. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nasa ospital.

Ginalaw ko ang mga kamay at paa ko pero wala naman akong naramdamang  sakit. Para bang hindi ako naaksidente dahil wala akong sakit na nararamdaman pero nasa ospital pa rin ako.

Walang nag babantay sa akin sa kwarto kung naroroon  ako. Wala naman akong nararamdaman na sakit kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Halos walang sakit kahit saang parte ng katawan ko. Nagtataka ako sa mga nangayayari pero hindi ko nalang pinansin at hinanap ko sila Mommy na baka nasa labas lang.

Tinignan ko yung hallway sa paglabas sa kwarto ko sa ospital.

Tinignan ko yung magkabilang daanan. Pero wala sila doon.

'Hay bakit kaya wala akong kasama at walang nag babantay sakin'.

Bago ako umalis at hanapin sila ay nilingon kong muli yung kwartong pinang galingan ko. Chaka ko lang napansin na mayroong salamin pala doon na makikita yung pasente sa looban. Ewan ko kung anong pumasok sa isipan ko at pinuntahan ko iyon at sinilip.

Habang papalapit ako ay tinignan ko uli yung hallway sabay lingon sa salamin doon.

Napahinto ako at napatitig doon. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung papaano nangyari yuon.

Nakita ko kasi yung sarili ko na nakahiga sa hospital bed at mahimbing na nakapikit at mayroong tubo sa bibig at mayroong benda sa ulo.

Napalunok ako ng paulit ulit.

'Bakit ganon ? Paanong nangyaring ganon?'

Habang titig na titig ako ay mayroon akong narinig na yabag. Nakita ko si Ate Samantha at yung dalawa kong kaibigan. Nag uusap usap sila habang naglalakad papunta sa gawi ko.

Si ate Samantha ay halos wala ng sugat at mukhang maayos na maayos na. Bakit parang walang nangyari sa kanya?. Napatingin uli ako sa katawan ko at ibinalik sa kanila yung paningin ko.

" Oh bakit nakabukas yung pintuan ng kwarto ni Sofia?" nagtatakang tanong ni ate Samantha sa mga kaibigan ko.

"Baka naman nakalimutan lang isarado ate" sabi naman nila at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Habang si ate naman ay pumasok sa loob at nagsuot ng hospital geer para makalapit sa katawan ko habang  yung dalawa ko namang kaibigan ay tumabi sa akin at tinignan ako. 'Yung katawan ko pala sa loob ng kwarto'. Yung tinignan nila at hindi manlang ako napansin.

OMG. Paano nangyari sakin to.?

Habang hindi ko pa rin alam kung ano ba talagang nangyayari sa akin ay nagsalita si Miel

" Halos mag iisang buwan na pala si Sofia na nandito sa ospital hano? Kahit anong pagbabago ay walang nangyayari. Nag aalala na ako ng sobra sa kanya. Pano kung hindi na sya magising?" nalulungkot na sabi at tanong ni Miel kay Anghet.

'Mag iisang buwan na ako sa ospital?'

" Ano kaba? Gahaling yang si Sofia ano ba. Gigising din yan. Hintayin nalang natin at ipagdasal na gumaling na sya agad" sabi naman ni Anghet at tumingin muli sa katawan kong nakaratay.

Ang ibig sabihin lang ay nahiwalay ang kaluluwa ko sa mismong katawan ko.

Pero bakit ganon ? Bakit yun nangyari?

Sinubukan kong hawakan sila pero hindi ko magawa. Laging tumatagos yung katawan ko kapag hahawakan kona sila. Nagsalita at sumigaw na rin ako pero hindi nila ako marinig.

'Ayoko na. Bakit ba kasi ganito?'

'No no no. Hindi pweding mangyari to. Kailangan kong bumalik sa katawan ko ' sabi ko at pumunta sa pintuan ng kwarto para buksan yung pinto pero nung bubuksan kona masyadong malakas yung pwersa ko at bigla nalang ako napasubsob na tumagos duon.

WTF?! Gosh ano ba ang nangyayari sa akin.

Pinilig ko nalang yung ulo ko at pinuntahan ko yung katawan ko.Humiga ulit ako duon at ipinantay yung kaluluwa ko sa katawan ko.

Nanduon naman si ate at hinihimas himas ang kamay ko.

"Sofia ? Naririnig mo ba ang ate? Sorry ah? Ng dahil sa akin ay nandito ka ngayon ?" nagulat akong pinakinggan ang sinasabi ni ate dahil sinisisi niya ang kanyang sarili.

Kaya napatigil ako at tinitigan ko sya. Nakikita ko sa mga mata nya yung lungkot at pagsisisi sa mga nangyari.

Naaawa ako sa kanya kasi kahit hindi naman niya kasalanan ang nangyari ay pilit niyang sinisisi ang kanyang sarili.

Hahawakan ko sana sya pero tumatagos lamang iyon kaya nalungkot ako dahil hindi ko manlang siya mahawakan at hindi ko manlang masabi sa kanya na hindi nya naman iyon kasalanan.

" Sorry talaga Sofia ha? Sana kasi ako nalang yung nasa kalagayan mo ngayon kasi mas ok yun dahil hindi ako masyadong mahihirapan. Pero kasi ikaw e. Bata kapa. Chaka hindi ko kayang nakikita kang ganyan ang sitwasyon" umiiyak na tugon ni ate.

Gusto kong punasan yung mga luha niya pero hindi ko kaya kaya tinitigan ko nalang sya at sinabing'' alam ko ate na mahal na mahal mo ako. Kaya hindi mo na kailangang hilingin na ikaw nalang ang nasa kalagayan ko. Hindi ko rin iyon makakaya. Ayos lang naman ako e. Kakayanin ko naman. Sorry din ate kasi hindi ako masyadong malakas para mabilis na gumaling. Pero kakayanin ko at lalaban ako para mayakap na uli kita' sinabi ko at humiga muli sa katawan ko at pinilit na bumalik duon.

Maka ilang beses kong sinubukang makabalik. Maka ilang beses ko ding igalawa manlang kahit isang daliri ko pero hindi ko magawa.

Sobra akong nalungkot dahil duon.

Sobrang hina ko dahil napaka tagal ko ng nakaratay pala sa ospital pero wala manlang pagbabago na nangyari sa akin.

...

Dahil hindi rin naman ako makapasok ulit sa katawa ko ay lumabas nalang ako sa kwarto ko.

At shempre tumagos nanaman ako. Naglakad ako papalabas ng ospital at nagpunta ako sa garden duon para magpahangin muna at ipag sink in sa utak ko ang lahat. Dahil hindi pa rin ako naniniwala sa mga nagyayari sa akin.

Napansin kong gabi na pala. Kaya humiga nalang ako sa damuhan non at tumingala sa mga bituin sa langin. Napaka ganda non.

Pagkatapos kong nagpunta sa garden ay pumunta ako sa chapel ng ospital para magdasal at humingi ng tulong para makabalik ako sa katawan ko. Umpo ako sa isa sa mga upuan don. Buti nalang hindi ako tumagos duon.

Tumingala ako at nagdasal na" Lord ? Bakit po ba nangayayari sa akin to ? Pero alam oo pong may purpose po lahat ng ito. Humihingi lamang po ako ng tulong para po malagpasan ko po ang pagsubok ko na ito. Yun lang po " sabi ko at tumayo na rin para bumalik muli sa kwarto ko.

Naabutan ko naman duon si Mommy at Papa. Wala na duon si ate at ang mga kaibigan ko. Baka siguro umuwi muna at nagpahinga naman.

Gusto konv yakapin si Mommy pero alam konv hindi ko kaya.

Kaya tinitigan ko nalang sila at lumapit nalang.

'Mi? Nandito ako sa tabi nyo... Hindi nyo pa ako nararamdaman Mi?' sabi ko habang nakatabi sa kanila sa loob ng kwarto ko.

Gusto kong maiyak sa lahat ng nangyayari sa akin pero 'tinatamad ako'.

Charrrr'

Tinignan ko muli yung katawan ko at bumuntong hininga nalang at sumandal sa pader sa likuran ko.

Siguro hihintayin ko nalang na hitakin na ako ng katawan ko pabalik.

Kung ano ano yung pumapasok sa isipan ko habang nakasandal ng biglang mayroong tumawag sa akin.

'Sofia! Huy!'  narinig kong tawag sa akin ng isang babaeng nakaputi sa labas ng kwarto ko.

Tumayo ako at 'Tumagos sa pader doon papalabas .

' Ako ba? Nakikita mo ba ako? Paano moko nakilala?' sunod sunod kong tanong sa babaeng tumawag sa akin.

Medyo may kaputianyung babae at matangkad. Maganda din ang hubog ng katawan niya tapos naka white syang upper knees dress at maganda sya.

'Oo ikaw nga mismo ,at oo nakikita kita. At shempre kilalala kita dahil natawag nga kita diba?'  sabi naman niya.

' Anyway bilisan mona. Bilisan mo na sa kung ano mang dapat mong gawin. Hanapin mo na agad kung sino man ang makakatulong sa iyo. Yun lang bye' sabi nya at bigla nalang nawala.

' Ano daw ? Bilisan ko? '

Chaka bakit bigalang nawala yung babae? Anghel ba yun? Chaka bat hindi manlang ako binigyan ng time para magtanong?

Weird.

Napailing ilinv nalang ako at inisip isip kung ano ba yung ibig sabihin ng babae na yun.

Lumipas ang gabi na iyo at yun pa din ang iniisip ko.

At hindi manlang ako inantok.

Weird ? Hindi ba talaga inaantok ang mga kaluluwa ? Kaya ba may eyebags lahat ng kaluluwa ?

Natawa nalang ako sa satili ko at pinalipas muli ang buong maghapon kinabukas sa ospital at napansin kong sa maga lang nandito si ate Samantha at sa gabi naman sila Mommy.

To be continue...

So that's the chapter 5

Hope you all enjoy it^_^

사랑해 언니😍

❤️ 자매 고유 ❤_