webnovel

PROLOGUE

Si Maxwell ay isang miserableng dropout student sa kanyang dating paaralan na pinapasukan at ang dahilan ng kanyang pagkakick-out ay dahil sa paghampas niya ng bakal sa ulo ng kanyang guro.

Na comatose ang kanyang guro dahil doon at kalakip ng kanyang pagkakick-out ay mayroon siyang kakaharapin na kaso.

Isang araw...

Naisipan ni Maxwell ang magpakamatay

"It was an accident...

It was an accident...

It was an accident...

Hindi ko iyon sinasadya!" Paulit-ulit na sabi ni Maxwell sa kanyang sarili

Nawalan na ng pag-asa si Maxwell sa lahat at ang nakikita niya nalang na paraan ay ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili.

Itinutok ni Maxwell ang baril sa kanyang ulo subalit bago pa man niya makalabit ang gatilyo nito ay mayroon na lamang siyang naramdaman na humampas nang pagkalakas-lakas sa kanyang batok at ang sunod na lamang na nalaman niya ay umiikot na ang kanyang paningin at unti-unti nang nawawala ang kanyang malay.

"Be glad that you don't have to suffer anymore at all..." Ani ng lalaki na humataw sa kanyang batok