webnovel

Chapter 1 - Welcome to your game

MAXWELL'S POV

"Nasaan ako?" "Anong lugar to?" iyan nalang ang tanong ko sa aking sarili habang idinidilat ang aking mga mata mula sa pagkawala ng aking malay na wala man lang akong ideya sa kung ano ang nangyari at bakit ako naririto.

Subalit tila ba walang pagkakaiba ang pagdilat at pagpikit ng aking mga mata sa kadahilanang napakadilim ng aking paligid.

Wala man akong makita ay nandiyan naman ang mga sigawan at iyakan ng mga tao na aking naririnig para magsabi sa akin na hindi maganda ang nangyayari at hindi lang ako ang nag-iisa sa lugar na ito.

Hindi nagtagal ay biglang bumukas ang mga ilaw at bumungad sa aking mga mata ang daang-daang mga estudyante na takot na takot katulad ko.

Kaming lahat ay nakakulong sa napakalaking saradong bodega na wala man lang pintuan maski na bintana.

"Paano nila kami nailagay dito kung wala man lang palang pasukan o labasan ang lugar na ito? Malaking tanong ko sa aking sarili

Sa aking pagtingin-tingin sa mga estudyanteng katulad ko, aking nalaman na kami ay hindi magkakaparehas ng paaralan na pinapasukan dahil sa pagkakaiba ng mga suot naming uniporme, ang iba ay pamilyar sa akin at ang ang ibaman ay ngayon ko lang nakita

Patuloy akong nagmasid-masid sa lugar at nagbabakasakaling baka mayroong secret door o iba pang paraan para makaalis dito subalit sa ilang minuto kong paghahanap ay wala man.

lang akong nakita kahit na isa.

Sa kabilang banda ay may bigla nalang lumabas na napakalaking tv sa mataas na bahagi ng dingding, kalaunan ito ay may ipinaparating na mensahe sa pamamagitan ng voice message at sinasabing.

"Hello and welcome to your game.

Call me 'The Announcer.

You might be wondering what in the world this place is and why in the world you are here.

You are here for a reason.

Not on what you are capable of but on something you have done.

Something that you shouldn't be playing with.

Something that even results in destruction for people around you

Something that some of you use to manipulate someone leads to opposition.

Yes, we are talking about your number of suicide attempts.

But guess what...

You're not going to fail this time.

And for those who are faking it to manipulate someone,

You will be involved too.

None of you are safe.

We will show you the thing you are playing at and put you once again on its track.

This is a reality check.

You will be forced to participate in a game of survival.

But if you don't think life is important, you couldn't care less.

To participate, each one of you must wear the helmets we will provide later.

We will give you 5 minutes to wear it.

This will be your first step through your misery.

And as we mentioned earlier, you will be forced to participate in this game.

Those who fail to comply with the request to join the game within the 5 minute mark will receive a severe punishment.

I repeat, not meeting the requirements in order to participate in this game within the 5 minute mark will cause you severe punishment.

The clock is ticking...

There are no seconds for you to waste.

Death is chasing.

How will you outrun it with feverish haste?

"There's no such thing as "respawn" here, so once you mess up, you're dead. You're not coming back."

Would you rather endure the greatest pain to survive?

Or do you want to end it all and die?

Will you survive? Or not? "

__________

Doon nagtatapos ang voice message sa malaking telebisyon.

Kalaunan may isang parte ng dingding ng warehouse ang bigla nalang nagbukas at naglabas ng mga helmet na kakaiba ang hitsura.

Ito ay parang motorcycle helmet subalit; ito ay may timer na nakaset sa 0.

Makikita rin ang bakas ng mga dugo sa ibang mga helmet na masasabing may mga nauna nang gumamit ng mga ito.

Ilang saglit lang ay natapos na ang paglalabas ng mga naturang helmet, at kalaunan ay nagsara din ang dingding na nagbukas.

Hindi magkamayaw ang karamihan sa pagsusuot ng helmet samantalang ang iba naman ang tumanggi itong isuot at sinabing hihintayin nalang nila ang darating na tulong.

"I mean, they will try their best to find us out, right? ani ng isa sa kanila

"Sira! Walang darating na tulong sa loob ng limang minuto!" Tugon naman sa kanya ng lalaking nagsuot ng helmet

Minarapat kong magsuot ng helmet dahil naniniwala akong seryoso sa mga sinasabi niya ang may pakana nito, hindi sila mag aatubiling mangkidnap nang ganito kadaming tao kung nagbibiro lang sila!

Isang lalaki ang nagngangalang Closer ang pumaibabaw ang boses sa lakas at kanyang sinasabi na kaming mga nagsuot ng helmet ay dapat humiwalay sa mga taong hindi nagsuot ng helmet sa kadahilanang baka kami ay madamay sa parusa na ipapataw sa

Nang lumipas na ang limang minutong ibinigay sa amin para magsuot ng helmet ay may tumunog na napalakas na sirena at muling nagbukas ang isang mataas na parte ng dingding ng warehouse.

Ito ay hindi para maglabas ulit ng helmet subalit, ito ay mga matataas na kalibre ng baril na wala akong ideya sa susunod na mga mangyayari.

Sa kabilang banda ay muling nagsalita ang voice message sa malaking TV at sinabing.

"Don't say we didn't warn you."

Ang mga matataas na kalibre na baril na nakakabit sa dingding ay dahan-dahang tumututok sa mga taong hindi nagsuot ng helmet at mukhang alam na namin kung saan ito hahantong.

"LAHAT KAYO! DAPA!!" Malakas na sigaw ng isa sa amin

Pinaputukan at pinaulanan nang mga bala ang mga taong pinili na hindi magsuot ng helmet at nang dahil doon ay nabalot nang malalakas na sigawan at iyakan ang buong warehouse.

Tila ba mass shootings sa pelikula ang nasasaksihan namin ngayon.

Nagsisitatalsikang mga dugo sa bawat paligid, mga ulo na sumasabog, at utak na kumakalat sa sahig.

Kinukurot ko ang aking sarili at pilit na gumigising, nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng ito.

Sino ba naman ang mag-aakalang posible palang mangyari ang ganitong klase ng bangungot sa totoong buhay?

Ganunpaman, may mga tao pa rin ang pilit na gustong makakuha ng helmet kahit huli na ang lahat, umaasang hihinto ang putukan kapag nakapag-suot na sila ng isa.

May iba sa kanila ang ginagawang human shield ang taong patay na at umaabante para makapaghanap ng helmet.

Habang kami ay nakatitig lang sa brutal na pangyayaring ito at walang magawa para matulungan sila ay may isang babaeng sumigaw nang "I-ihagis niyo 'yung mga helmet!!!

"Wala na tayong oras para bilangin silang mga may kailangan ng helmet, ihagis nalang natin lahat sa kanila!" Dagdag pa niya na sabi

At 'yun nga ang ginawa namin, hindi na kami nag-aksaya pa ng oras para bilangin silang may kailangan bagkus ay hinagis nalang namin ito lahat sa kanila.

.

.

.

.

.

.

.

Makalipas ang ilang saglit ay biglang napahinto ang putukan ng mga baril dahil may isa nang nakapagsuot ng helmet at habang nakatigil ang putukan ay sinamantala na din ito ng iba pang nakasurvive at nagsuot na rin sila.

Agad namin silang nilapitan at tinanong kung okay lang ba sila.

Sila ay takot na takot, nanginginig at hindi mapigil ang kanilang mga mata sa pag-iyak.

Subalit ganunpaman, hindi pa man sila nakakaget-over sa delubyo na nangyari ay may lumabas agad na 40 seconds timer sa malaking TV sa dingding at hindi namin alam kung para saan ito.

Inakala nalang namin na isa nanaman itong panibagong round ng putukan ng mga baril dahil wala namang nabanggit ang announcer ukol dito kaya bumalik nalang kami muli sa pinagpwestuhan namin kanina kung saan hindi nakatutok ang mga baril

"Nakasisigurado ba kayong ito 'yung dapat nating gawin??? Paano kung may lumabas naman na mga baril sa kabilang direksiyon? Ano na mangyayari sa atin?!!" Tanong ng isang lalaki

22...

21...

20...

19...

"Sa 40 seconds lang na mayroon tayo, mayroon ka pa bang naiisip na mas magandang paraan?!" Tugon naman sa kanya ng isa pang lalaki.

10...

9...

8...

7...

6...

5...

"Humanda na kayo!"

3...

2...

1...

...

...

...

Subalit wala namang nangyari at walang kahit anong baril ang pumutok kaya inakala naming lahat na baka wala lang ibig sabihin ang timer na iyon.

Sa kabilang banda, may isang babae ang bigla nalang nagsisisigaw at sinasabi niyang pahigpit daw nang pahigpit ang suot niya na helmet.

Kalaunan ay tumunog na parang sirena ang suot niyang helmet, at ilang saglit lang ay bigla nalang itong sumabog.

"Tulong SUMISIKIP DIN 'YUNG SA AKIN!" Sabi naman ng isa pang babae

" 'YUNG SA AKIN DIN!!"

"TULONG!!"

"ANONG GAGAWIN NAMIN?!!"

"ANG SAKIT!!!" Mangiyak-ngiyak na sinabi nila

Dahil dito ay pilit naming inihuhubad ang suot naming mga helmet subalit naka-lock na ito sa aming mga ulo at wala na kaming magagawa para matanggal ito.

"PAKIUSAP! TULONG!"

At sumabog din kalaunan ang mga helmet na suot nila...

Huli na naming nalaman na ang mga taong 'yun pala na sumabog ang kanilang helmet ay 'yung mga taong kanina lang nagsuot at hindi sumunod sa loob nang 5 minutes mark na rules na inibigay ng announcer kanina.

"May this bloody beginning remind all of you that all of these are real; you are not dreaming.

Accept your fate.

There's no escape.

This is the first step through your pain and suffering."

Ani ng announcer pagkatapos ay pinakita sa malaking flat screen tv ang population namin at nakalagay doon na 300 kaming lahat pero dahil sa nangyaring insidente ay nabawasan kami ng 48 leaving us 252 in population.