"Wag na kayong tumangkang gumalaw," Malamig na warning ni Aikoh sa dalawa pang nagpapanggap na estudyante.
Nang nakita nila ang malamig na mga mata ni Aikoh, di na sila nagtangka pang manlaban. Nararamdaman nila na pag nanlaban sila, walang niisa sa kanila ang mabubuhay.
Di nagaksaya ng panahon si Yasumi at lumabas agad siya ng cafeteria para maghanap ng guard.
Walang kaalam alam ang ibang estudyante sa loob ng cafeteria na meron na palang nagpapatayan sa isang sulok.
Nagulat ang lahat nang may apat na guard kasama ang isang professor na pumasok.
"Miss Hiroyo, asan ba dito tinutukoy mo?" Tanong ng professor.
Nang sinabi sa kanya ni Yasumi na may mga outsiders na nagpapanggap bilang mga estudyante ang nakapasok para makapang harass, naging seryuso ang mukha niya. Dala dala ang apat na guard, nagmadali silang pumunta sa cafeteria.
"You're the one who caught this scoundrels?" The professor asked Aikoh while Aikoh nodded in return.
"Sige kunin nyo sila at ilagay sa detention habang inaantay natin ang mga pulis," The professor ordered the guards bago kaladkarin ng mga guard ang nagpapanggap na mga estudyante.
Tiningnan ni Aikoh si Yasumi. Mamasa-masa na ang mga mata niya na tila ba kunti nalang ang kulang at iiyak na siya.
"Bakit palagi nalang nangyayari sakin ang mga ganto?" Bulong ni Yasumi sa kanyang sarili habang nakayuko.
Sa park, tapus ngayon sa cafeteria? Ba't ako nalang palagi?
Di na napigilan ni Yasumi iyak niya. Wala na siyang pakialam kung nakatingin lahat ng mga estudyante sa kanila ngayon. Masama loob niya dahil masyadong unfair ang tadhana!
Habang umiiyak si Yasumi, nagulat siya ng biglang may umakap sa kanya.
"Don't worry, I'm here babe," Aikoh spoke habang nakayakap kay Yasumi.
Natulala si Yasumi. She wasn't expecting that this loggerhead would have something sweet inside his heart.
Instead na tumigil siya sa pagiyak, mas lalo pa siyang humagulgol.
"Shh~ aren't you ashamed? Pinagtitinginan na tayo oh," Biglang sapaw ni Aikoh sa moment.
Nang marinig ito ni Yasumi, nataohan siya at lumayo kay Aikoh habang pinupunasan luha niya.
Pinigilan ni Aikoh ang pagpupunas ni Yasumi bago siya kumuha ng panyo sa kanyang back pocket at dahan dahan niyang pinunasan luha ni Yasumi.
"Si Aikoh ba talaga to?" Tanong ni Yasumi sa kanyang isip na siya ring nasa isip ng mga nakakakilala kay Aikoh na nasa cafeteria ngayon.
"Wag ka umiyak, I don't want to see my girlfriend cry on our first day," Sabi ni Aikoh after niya punasan luha ni Yasumi.
"Kumain na tayo," Di na niya pinagsalita si Yasumi dahil masyado nang maraming atensyon naaakit nila.
SA SOCCER FIELD NG CAMPUS.
Nakaupo sa damohan si Aikoh at Yasumi habang nakasilong sa anino ng isang kahoy sa tabi ng soccer field.
"Hanep, dinala mo pa talaga pagkain ng cafeteria dito ah, bakit di nalang kasi tayo dun kumain?" Sabi ni Yasumi while pinapanuod si Aikoh na kinukuha ang mga pagkaing binili niya sa cafeteria mula sa plastic.
"Pagkatapos ng nangyari, may gana ka pa kumain dun? At isa pa, masyadong maraming tao, I don't like crowded places," Sabi ni Aikoh habang abala sa paglalabas ng mga pagkain.
"Nga naman~" Naisip ulit ni Yasumi ang nangyari kanina.
"Yaaaaanyaaaaaan!" Habang kumakain sila Yasumi at Aikoh, nakarinig sila ng tili sa di kalayuan.
Iisa lang kilala nila na tinatawag si Yasumi nang Yanyan.
At ayun nga. Pagkalingon nilang dalawa, nakita nila si Akaza na tumatakbo papunta sa kanila. Mamasamasa ang kanyang mga mata, indicating na umiiyak siya.
"Za~ umiiyak kaba?" Tanong ni Yasumi na may halong pagaaalala.
Nang makalapit si Akaza sa kanila, bigla siyang lumuhod at chineck buong katawan ni Yasumi for any injuries.
"O~okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong ni Akaza.
"Wag ka na magalala Zaza~ Okay lang ako, niligtas ulit ako ni Aikoh," Yasumi smiled at her. Assuring her na okay lang siya.
Nakahinga ng maluwag si Akaza nang masure niya na okay lang talaga si Yasumi.
Nagpasalamat naman siya kay Aikoh dahil sa ginawa niya.
The day continued on without a hitch.
After class, magkasamang lumabas ng skwelahan si Aikoh, Yasumi at Akaza. Due to Aikoh's introvert character, nakasunod lang si Aikoh kina Yasumi at Akaza.
"Babe ni Yanyan, ilibre mo naman kami ng ice cream oh," Sabi ni Akaza kay Aikoh.
"Si Yasumi lang girlfriend ko kaya sa kanya lang ako obliged na magbigay," Plain na sagot ni Aikoh.
"Hala~ dapat pala di nalang kita sinupurtahan para kay Yanyan!" Akaza said with a pout.
"May ginawa ka ba bukod sa moral support?" Aikoh cast a glance towards Akaza.
"HAHAHAHA" Di napigilan ni Yasumi ang kanyang tawa sa kulitan nang dalawa.
Habang naglalakad sila, di tumigil sa pangungulit si Akaza kay Aikoh hanggang sa napilit niya itong bilhan sila ni Yasumi ng Ice Cream.
Pagkatapus nila kumain ng Ice Cream, inihatid ni Aikoh si Yasumi pauwi. Di na nagpahatid si Akaza dahil may pupuntahan pa daw siya.
Pagkatapus ihatid ni Aikoh si Yasumi, tahimik lang na nagdadrive si Joakim habang nakaupo sa backseat si Aikoh na nakatingin sa bintana. Suddenly, sumulpot nanaman si Hiro sa tabi ni Aikoh mula sa kawalan.
"Kinacareer mo na talaga pagiging boyfriend mo ha," Sabi ni Hiro habang nginingitian si Aikoh.
"Di mo parin ba nahahanap ang sagot?" Tanong ni Hiro.
"Hindi pa," Seryusong sabi ni Aikoh habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Nasa pintuan kana nga ng bahay mo pero hindi ibig sabihin nun nakauwi kana," Matalinghagang sabi ni Hiro. "Nasa sayo na yan kung di mo susundin payo ko, pero wag mo kung hanapin pag nagsisisi kana," Sabi ni Hiro.
Nagpalabas ng isang sigh si Aikoh habanh iniisip niya ang imahe ni Yasumi.
"Nasa sayo ba talaga ang susi para matapos na tung parusa ko?" Tanung ni Aikoh sa kanyang isip. Masyado nang matagal pagaantay niya.
MEANWHILE
"Anak, may sasabihin sana ako sayo," Sabi ng mama ni Yasumi.
"Ano po ba yun ma?" Nagtatakang tanong ni Yasumi na may kunting takot sa puso.
"Kilangan mo munang huminto sa pagaaral. Di na kaya ng pinansyal natin anak, inaatake nanaman tatay mo ng sakit niya pero wala na tayong pera pangbili ng mga gamot. Tulongan mo nalang muna ako anak kumita ng pera para sa tatay mo," Sabi ng mama ni Yasumi.