webnovel

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? -Writer: 4the_blg3, chasing_dreams a.k.a chace_gonzales

Chace_Gonzales · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
17 Chs

10

Bully

Pagkarating namin sa cafeteria agad naming napansin si Jez. Nasa dulo siya sa katabing bintana. May iilan na bumabati sa kanya pero ang iba ay hindi niya pinapansin.

Meron namang grupo ng mga babaeng nagtatakang lumapit sa kanya. Sobrang ganda nung isa sa kanila. Apat silang kababaihan na nagtutulukan. Pero 'yung babaeng may hairclip ang talaga namang iba ang mukha sa kanila.

Kahawig ng pusa ang mga mata nito.  Ang balingusan ng ilong niya ay depina at ang labi niya ay kumikinang dahil sa glitters ng liptint nito.

Mukha siyang anime dahil sa ikli ng palda niya. Nakakapagtaka dahil nakalusot siya sa guard at alam kong bawal iyon.

Pumila kami sandali habang naghihintay si Jez. Hindi ko alam kung sinasadya ng ilang kababaihan na magtulukan para ang isa sa kanila ay mapayakap sa lalaking nasa likuran ko.

"Ganito ba talaga rito?", aniya Marcus na imbis mainis ay kumamot na lang sa ulo nito.

"Hayaan mo na lang sila. Saka mo na lang pagsabihan pag sumusobra na"

Konting pagkain lang ang kinuha kasi hindi naman ako gutom. Dalawang tasang kanin, menudo, saka lumpiang shanghai tapos pang desert syempre salad.

"Akala ko hindi ka gutom?", sabi niya habang kumukuha ng ulam.

"Hindi nga. Konti lang", sabi ko habang hinihintay siya sa tabi.

Nagtulukan ulit sa pila ang mga babae kaya muntik mabitiwan ni Marcus ang hawak nito. Ang babaeng nasa likod niya ay halos yumakap sa kanya.

"Pasensya na po", lumabi siya at inayos ang buhok nito.

Umikot ang mga mata ko dahil halata namang sinasadya nila iyon.

"Wag kasi kayong magtulukan! Pati ako nadadamay!", saway nito sa mga kaibigan niyang humagikhik.

Akala mo naman hindi sinasadya.

Umupo ako sa tabi ni Marcus ng pinaghila niya ko ng upuan. Si Jez ay salubong ang kilay ang binungad sa amin.

"Girl! Ang tagal niyo ha! Nagmamantika na 'yung mukha ko", reklamo nito habang nagpupunas ng tissue.

May electric fan pero kakaunti lang. Hindi sapat sa dami ng tao sa loob ng cafeteria. Idagdag pa 'yung init na nanggagaling sa ilaw.

"Buti nga nakasingit pa kami", sagot ko.

"Anyways, kumusta ang first day niyo?", si Jez. Tumikim siya ng salad ko. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Well. Kind of... disaster", humalakhak ako sa sagot ni Marcus.

Sino ba namang hindi masasabi ang ganong bagay? Kahit sa hallway habang naglalakad kami may mga babaeng sumusunod sa kanya.

"Para sa akin, okay naman. Low-key lang kasi ang ganda ko", confident kong sambit.

Halos mabulunan si Jez kaya inabutan siya ni Marcus ng tubig.

"Masyadong feeling te'?"

"Yes. Mana kasi sayo", pambawi ko.

Nagpatuloy kami sa pagkwe-kwentuhan sa gitna ng pagkain. Hagalpak kami sa tawa dahil yung pantalon ni Jez ay sumabit sa pako kaya nasira ang gitnang bahagi nito.

Buti na nga lang daw at hindi ganon kalaki ang sira.

"Nako! Kung alam niyo lang 'yung reaksyon ko! Ang epic!", napasapo na lamang siya sa noo.

Ang kwento niya rin tinawag siya ng professor niya sa unahan para i-guide 'yung freshmen nila. Siya kasi ang President ng kanilang department kaya siya ang nanguna sa pag-orient.

Karamihan ay tumawa sa nangyari dahil rinig kung paanong napunit ang tela ng suot niya.

"Uhm. Sorry for the interruption"

Tumingin kami sa kung sino ang nagsalita. Siya 'yung babae kanina! 'Yung naka hairclip.

"May kailangan ka ba?", sabi ko.

"Baka kasi kailangan ni Jez. You know? His jeans got ripped off", ang ganda ng accent niya kaso maarte.

Nilagay niya ang maliit na sewing box sa mesa.

"No. That won't help", saad ni Jez at hindi manlang tumitingin sa babae.

Taray niya ron!

"It will help. Gusto mo ba ako ang tumahi niyan?", alok nito pero mukhang sumama ang timpla ng kaibigan ko.

Mariin niyang binaba ang hawak niyang kubyertos.

"Pasensya ka na ha. Hindi kasi okay si Jez ngayon", ngumuso ako.

Nakapamewang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Ang kapal naman pala.

"Sino ka ba? Don't be so epal. Akala mo naman may papel ka sa buhay niya"

Grabe lang?

"FYI. May papel talaga ko. Ikaw 'yung mapapel. Saka sino ka ba?"

"Ako si Jaz. You know naka--"

Pinutol ni Jez ang gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng malakas na pagbaba niya ng baso sa mesa.

"Jaz, please leave habang may respeto pa ko sayo"

"Oh. Come on, Jez", pag-iinarte nito.

Come on, Come on pa siya. Si Dora ba siya?

Come on pahunos everybody let's go?

"Okay. Fine"

Pinanood ko siyang umalis palayo kasama ang mga alipores niya.

"Is that some kind of joke? Chic mo ba 'yun?", sabi ni Marcus na nakuha pangmagbiro.

"Eww! Chic my nerve! Gosh, Marcus! Nakakasuka! Alam mo naman ang fetish ko! Lalaki rin!"

Kinuha nito ang grooming niya saka nag-ayos ng mukha.

Hinaplos nito ang kanyang pisngi habang nakatingin sa salamin. "Ayan! Tinubuan na ko ng pimple because of that girl! Stressor ko talaga 'yon!"

Nagkatinginan na lang kami ni Marcus dahil sa reklamo niya.

"Isang pimple lang 'yan. Hindi mo yan ikakamatay"

"Panget sa picture pag may pimple!"

"Kung panget ka talaga wala ka ng magagawa ron, Jez"

Tinignan niya kong masama.

"So, anong gusto mong palabasin?"

"Kung talagang maganda ka kahit may pimple ka maganda ka pa rin. Katulad ko", I flipped hair saka kumindat.

"The nerve. Ewan ko sayo. Nga pala, nagtext si T.H kanina"

Sayang! Bakit hindi na lang si Wyn?

"Siya raw ang susundo sa atin. May pupuntahan mamaya si Wyn", bumaling ang mga mata niya sa akin. "kaya behave ka lang girl. Ayaw non ng maingay sa sasakyan niya"

"Si Latrelle na lang sumundo sa atin. Chat ko lang si Latrelle", suhestiyon ni Marcus. Kinuha niya ang phone nito sa bulsa.

Pinigilan ko siya.

"No! Wag! Okay na ko kay T.H!", agad niyang binalik iyon.

"Uh. Sige. Sayang naman. May freedom tayong mag-ingay don"

Mas gugustuhin kong walang ingay kaysa maingay. Alam ko naman na trip ako ni Latrelle. Ewan ko kung anong kinain ng lalaking iyon kung bakit ako ang laging pinagdidiskitahan.

Nagvibrate ang phone ko.

Unknown Number

Kumusta ang first day, lugaw girl? May nang bu-bully ba sayo?

Kahit hindi kilalang number ang nakalagay kilala ko agad kung sino siya.

Buti na lang wala akong load para hindi ako makareply sa kanya.

Ibabalik ko na sana ulit sa bag ang cellphone ko ng muling nagvibrate.

Unknown Number

Sumbong mo sa akin pag may nang bully sayo. Ako lang pwede mangbully sayo.

Nagpanting ang tenga ko.