NAPALUNOK AKO saka humawak sa braso ni Rance. Inalalayan niya ako papasok sa malaking main door ng mansyon nila. Gaano ba sila kayaman?
"Are you okay?"
Napansin siguro ni Rance na para bang nanginginig pa ang kamay ko. Sino bang hindi kakabahan? Makakaharap ko lang naman ang pamilya niya na kailanman ay hindi ko pa nakilala.
Bukod sa wala akong ideya kung anong klaseng mga tao sila, hindi ko rin alam kung nakakatanggap ako ng approval sa kanila bilang girlfriend "kunwari" ni Rance.
"Okay lang ako, pero sure ka ba talaga, Ramce na ako ang ipapakilala mo?"
Ngumisi siya. "Ngayon ka pa talaga nagtabong nyan? We're here, of course I am sure."
"E, kita mo naman, simple lang ako. Hindi ako classy tulad niyong mayayaman saka baka ma-disappoint ang family mo kasi hindi nayaman ang girlfriend mo."
Nakakapanliit kaya sa pakiramdam iyong kitang kita ko na agad sa bahay palang nila kung gaano kalaki ang agwat namin sa buhay.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com