webnovel

CHAPTER 6

Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.

Mga Kawikaan 21:5

RTPV05

----

"What is the meaning of this?" nakapameywang na tanong ni Katrina nang mapag-buksan si Zach ng pinto. Kakatapos lang niyang maligo and she looks gorgeous with her bathrub on.  Sinipat niya nang tingin si Zach mula ulo hanggang paa at pabalik sa nakabungisngis na mukha nito. May hawak pa itong flowers and chocolates sa magkabilang kamay. He's so damn effortlessly gorgeous in his gray polo and khaki pants.

"May I come in?" malumanay na tanong nito na nakapagpaangat ng kilay niya bagaman niluwagan niya ang pagbukas ng pinto.

Hindi ito ang unang beses ni Zach Esguirre na makapasok sa condo unit ni Katrina but this is his first time bringing flowers and chocolates to a lady friend. Kung hindi lang dahil sa bet ay hindi niya isusugal ang gwapong mukha niya. He's not used to courting dahil siya ang hinahabol-habol ng mga babae, siya ang nililigawan ng mga ito. But Katrina is an exception, dahil may nais siyang makuha or let us rephrase it —dahil gusto niyang manalo sa bet ng barkada.

"So, what do you want?" masungit na tanong ni Katrina, tila may hinala na siya sa pinaggagawa ng kaibigan ngunit hindi niya iyon ipinahalata.

"I'm here to court you Katrina." puno ng sensiridad na sambit nito. Kung simpleng babae lamang siya at hindi niya ito kilala ay sigurado siyang maaantig sa pananalita nito but hey! It's Zach, he's a versatile actor and he's a close friend more like a brother to her.

"Cut the crap Zach!" putol niya.

"I know you won't believe me now but give me some time to prove my intentions." lalo nitong nilambingan ang boses. She got goosebumps.

"And what are your intentions?" tanong niya.

"I like you and I wanted to prove to you my worth. I wanted to make you happy Katrina." makahulugang sagot nito.

"And, how do you suppose to make me happy?" nais niyang matawa sa pinagsasabi ni Zach ngunit dahil bored siya ay sasakyan muna niya ang kadramahan nito.

"I'll do everything for you, Kat." at tinitigan siya nito ng puno ng sinseridad. Sinalubong niya ang mga tingin nito at humakbang palapit. Itinaas niya ang kanang kamay at hinaplos ang mamula-mulang pisngi nito.

"I'm touched." she murmured ngunit sa loob ng isipan niya ay minumura niya ito.

Napalunok si Zach nang matitigan niya si Katrina nang malapitan. Sobrang ganda nito at preskong-presko. It is as if he was tempted to kiss her, but she is his friend and more like a sister at wala sa bokabolaryo niya ang patulan ni isa sa grupo niya.  "Will you consider me?" hinawakan niya ang kamay ni Katrina na nakahaplos sa kanyang mukha at dahan-dahang kinuha iyon. Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ng dalaga bagaman hindi niya ito pinansin, inilapit niya ang kamay nito sa mukha at dinampi ang kanyang mga labi sa mala-kandila nitong mga daliri.

===

Isinuot ni Desiree ang mamahaling sunglasses by Chopard pagkalabas niya sa elevator habang naglalakad siya with her signature walk palabas ng studio.

A smile was formed at the corner of her lips knowing that people can't help to turn their heads on to her...and drool?

Pasimple siyang lumingon sa isang lalaking nakasalamin at halos tumulo na ang laway habang nakatingin sa kanyang naglalakad kung saan nakasunod ang kanyang personal assistant at make-up artist.

Sa likod ng kanyang sunglasses ay naningkit ang mga mata niya nang matanaw ang isang binata na may pulang-buhok na palabas sa isang makintab na puting convertible na pumarada sa harap ng station.

Saglit siyang napatigil sa paglalakad. 'What is he doing here? Akala ko ba nasa Cebu siya?', saisip niya.

In a blink of an eye, all the attention turned to him as she heard gasps scaped on their lips. She turned around and found that women are swooning to their heels.

She gave him a scornful look and he grinned. He opened the door for her and offer his hand like a gentleman.

Napahalukipkip siya at napa-iling-iling.

"Come'n dear--" naalarma siya nang magsalita ito kaya bago pa ito matapos sa sasabihin ay inabot na niya ang kamay nito at maayos na umupo sa kotse. Kaagad namang gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata.

Saglit niyang nilingon ang P.A. nang maalala ang bouquet. Kaagad naman iyong inabot sa kanya. Naagpaalam siya dito at sa make-up artist niya. Nangingiti naman ang mga ito sa kilig na inirapan niya.

Kaagad na pinaharurot ng binata ang kotse habang hindi mapalis ang ngiti sa mga labi.

Sa gilid ng mga mata ni Desiree ay pinagmamasdan niya si Atty. Gervis Daniel, ang pinakahuling taong gusto niyang makita dito sa mundo.

Magkababata sila ni Gervis, in fact he lived with them since he was 10 years old. His parents died from a plane crash wayback year 1999 while they were on a trip from USA to Egypt.

His father was a Judge and his mother was a prosecutor. Once a year, the couple travel to unwind and reminisced their beautiful love story. Unfortunately, they happen to be one of the passengers of Boeing 767 operating the route crashed into Atlantic Ocean about 60 miles or 100km, south of Nantucket Island, Massachusettes, killing all 217 passengers and crew on board.

Search and rescue operations were launched within minutes of the loss of radar contact, with the bulk of the operation being conducted by the United States Coast Guard.

Rescue efforts continued by air and by sea, with a group of U.S. Coast Guard cutters covering 10,000 square miles (26,000 km2) on October 31 with the hope of locating survivors, but no bodies were recovered from the debris field. Eventually most passengers were identified by DNA from fractured remains recovered from the debris field and the ocean floor. [1]

May tatlong nakakabatang kapatid si Gervis na pawang mga babae na nasa pangangalaga ng mga kamag-anak nito na nasa U.S., Canada at Ireland habang siya ay nagpaiwan dito sa Philippines.

"Those flowers are beautiful." he commented while looking straight to her eyes. She turned to look at him and their eyes met. His captivating hazel eyes made her weak heart skip a beat.

He has this unique eye color which often appears to shift from brown to green that complement his white skin.

The gentle wind then played his red mahogany hair which he inhereted from his irish grandfather. Some strands of his hair touched his long lashes. Looking at him is like seeing a handsome vampire during the Middle Ages.

She can't resist the urged to touched his hair the way she used to do back then. It was already late when she find out that her hand betrayed herself.

"You can't resist my charm!" he teased, she abruptly take her hand and turned her attention to the bouquet of flowers in her lap. She then smiled as she remembered her mystery guy.

'That's right! I'll just focused my attention to that mystery guy.' she thought.

He closed the roof of the convertible while his eyes are on the road.

"If I give you flowers, kikiligin ka rin ba?" she can tell that he is serious from his tone but why is he asking her that way? As if a suitor waiting a response from a women he is courting. Deretso lang ang mga mata nito sa daan ngunit batid niyang nakikiramdam lang ito.

Napakurap-kurap siya. Hindi siya sanay sa ganitong usapan lalo na't si Gervis ang kausap niya. Ayaw niyang umasa. Kilala niya ito at tiyak na masasaktan lang siya.

'Honey calling...'

Bumasag sa katahimikan nila ang pagtunog ng phone ni Gervis. Napatingin din si Desiree sa pangalan na naka-register sa screen. Honey. Hindi niya maitago sa sarili ang nararamdamang kirot sa kanyang puso kaya ibinaling nalang niya ang atensyon sa tanawin sa daan.

"Yes Honey." sagot nito.

"Hello cuppy-cake!" malanding tugon ng babae sa kabilang linya. "I just arrived at the airport sweety."

"I am on my way lovely."

"I will wait for you in here sugar!" naka-loudspeaker ang call kaya rinig na rinig ni Desiree ang pag-uusap ng dalawa.

Nilingon niya ito at kunut-noong napangiwi. She mouthed, 'Seriously?!'

Nais niyang matawa, mainis at masuka at the same time sa harapan ng lalaking nag-uumapaw sa kalandian.

"I'm afraid I might be late babe, I'm with a friend right now." sagot ni Gervis at nakangising nakatingin kay Desiree.

Hindi niya mapigilang pandilatan ito ng mata sabay halukipkip. Nagpupuyos na ang dibdib niya. 'I'm with a friend right now.' Friend. Just a friend...

Knowing na dalawang buwan na lang bago sila ikasal ay friend pa rin ang pakilala nito sa kanya. May isang butil ng luhang tumakas sa kanyang kanang mata kaya kaagad siyang napalingon sa bintana at palihim na pinahid iyon.

Matapos ang pag-uusap ng dalawa ay hinarap niya ito.

"I can't believe that my father entrusted me to a playboy like you." matiim niya itong tinitigan, binabasa ang bawat galaw nito.

"It is because I can play well, dearest." anito at ngumisi ng nakakaloka.

'That smile, that breathtaking and irritating smile of him.' animoy kinuyumos ang kanyang puso.

"I'm not your playmate, just find another woman to fool around." matigas na wika niya.

"I'm not that type of a guy who fools around dearest." she cringed, naiirita na siya sa endearment na yun.

"You...Pervert!" bulyaw niya dito. Alam niyang walang katuturan ang sinasabi niya ngunit wala na siyang maisip sabihin dito.

"Watch your mouth baby." makahulugang babala nito.

"You're crazy." aniya at napabuntong-hininga.

"You're accusing me dearest." walang emosyon na wika nito.

"I have evidence." aniya at itinaas ang cellphone. Palihim niyang ni-record kanina ang conversation ni Gervis at ng honey nito. Maliban doon ay may mga photos pa ito na may mga babaeng nakalambitin dito sa public places.

"Whatever evidence you have darling, I can assure that they are all invalid. I've never broken the rules sweetheart."

"Will you please stop with your endearments? You're giving me goosebumps!" she cringed.

Kahit anong sabihin niya, alam niyang hinding-hindi siya mananalo dito. Atty. Gervis Daniel haven't lose to any argument. He always wins and he always will.

Napatingin siya sa labas ng kotse, natatanaw na niya ang magandang struktura ng bagong Airport. Hindi na siya tumingin sa katabi dahil lalo lang siyang maiinis dito.

Pumasok ang kotse sa malawak na parking lot at mabilis itong nakaparada. Wala siyang balak bumaba at wala din siyang balak lingunin ito.

Pinagmamasdan niya si Gervis sa gilid ng kanyang mga mata. Ilang sandali din itong tahimik hanggang magsalita ito dahilan na magpanting ang kanyang tenga.

"If you look at me, you are mine." He uttered.

Biglang dumagundong ang kaba ng kanyang dibdib na tila nagpapabingi sa kanya.

"What did you just say?" bigla siyang napalingon dito.

"I said..." and he gave her a peck on the lips. Mabilis siyang naapatras ngunit nahuli parin nito ang mga labi niya.

"You are mine." at ngumisi ito ng nakakaloka.

"The heck!" kasabay ng pagsigaw niya ay ang pagdampi ng kanyang mainit na palad sa maputla nitong pisngi.

===

"Good morning nana!" bungad ni Jasmin kay nana Rosa pagpasok niya sa dining area. Nakapaligo na siya at nakapag-ayos na rin, she was wearing her favorite floral dress na bumagay sa kulay ng buhok niya. Lalo siyang tumingkad sa mata ng mga nakakakita.

Nana Rosa already informed her on the breakfast schedule of Kyle at kung gusto niyang makasabay ito sa almusal ay kailangan niyang gumising ng maaga.

She is a morning person at wala iyong problema sa kanya, in fact, mas maaga pa nga siyang nagigising dahil yung brain cells niya mas ganadong mag isip kapagka madaling araw.

"Good morning Hija! Have a seat." anito at iminwestra ang upuan.

"My apology, kakatapos ko lang mag prepare." anito at itinuro ang nakahain sa mesa na walong putahe.

"Isn't it too much po para sa atin?" nag-aalalang tanong niya.

"It's enough, in fact kulang pa yan." nana Rosa gave her a mysterious smile. "By the way, which do you prefer? Coffee, milk or tea?"

"Tea nalang po, diet eh." aniya at napahagikhik.

Kaagad na tumalikod si Nana Rosa habang si Kyle naman ay kakapasok palang sa dining area. Naamoy kaagad ni Jasmin ang pabango nito, a relaxing scent of peppermint.

"Good morning" lumingon si Jasmin at nginitian ito. He simply nod before he sit at the head of the table.

Bigla namang napalis ang hinandang ngiti ni Jasmin sa kanyang mukha. Mabuti nalang at pumasok na si nana Rosa bitbit ang isang tray ng mga inumin. Nakasunod sa kanya sina Butler John at ang driver na si Alex.

"Tama na po siguro to." halos ayawan na niya ang pagkain nang sunud-sunod na nilagyan nina nana Rosa, butler John at Alex ang plato niya ng iba't ibang putahe.

"Kain ka lang ng kain, hija. Tignan natin kung hindi ka tataba pagkatapos ng dalawang linggo."

"Nana naman eh, pinaparusahan nyo po ba ako?" maktol niya ngunit sumubo parin ng pagkain.

"Kung hindi namin alam na kaklase ka ni Kyle, aakalain naming dese-otso ka pa. Ang payat mo kasi at batang-bata."

"Bumawi si nana! Pero di po ako payat, i'm sexy." aniya na sinabi ang huling salita ng pabulong.

"Mabuti naman at naisipan kang dalhin ni Kyle dito, ineng." makahulugan siyang tinignan ni butler John. Kinabahan naman siya.

"Hunyo!" mariing saway ni nana Rosa. "Pagpasensyahan mo na yang kapatid kong yan. H'wag kang mag-alala, harmless yang matandang yan." pinanatag ni nana ang kanyang kalooban ngunit parang hindi iyon tumalab. Lalo pa at malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang ginawa ni Alex na pananakot kagabi.

Ibinaling nalang niya ang atensyon kay Kyle, tahimik lang itong kumakain. Hindi pa ito nangangalahati sa plato ay tumingin ito sa relos bago uminom ng tubig.

"My apology, I have an important meeting this morning." hinarap siya nito ngunit banaag sa mga mata nito ang tila malalim na iniisip. "Nana, paki samahan nyo na lang po si Jasmin sa paglilibot sa mansyon." once again, hearing him speaks Tagalog feels awkward, hindi talaga siya sanay dito. "And if you have questions, kindly ask nana." he said with a ghost of a smile on his lips.

Hindi mapigilan ni Jasmin ang sariling mag-alala sa tinuran ni Kyle, naniniwala siyang may bumabagabag sa gwapong mukha nito ngunit wala naman siya sa posisyon na ipakita iyon.

Nagpa-alam na si Kyle kaya ibinalik na lamang niya ang atensyon sa pagkain, gayun na lang ang kanyang pagtataka dahil biglang nawala ang laman ng mga bandehado.

Napatingin siya sa dalawang lalaki sa kanyang harapan. Si butler John ay dumighay ng pagkahaba-haba at pagkalakas-lakas na parang barko habang si Alex naman ay nagpipigil sa pagtawa at tinatakpan ng isang palad ang bibig habang nagto-toothpick.

"Hunyo! Mahiya ka nga sa bisita!" inis na sinapak ni nana ang hita ng kapatid na nakapag-patigil dito.

"Pasensya na miss beautiful!" nakangising wika nito sa kanya.

Kahapon ay inakala niya na napaka-outstanding ng mga kasambahay ni Kyle ngunit ngayon ay binabawi na niya.

Pwede pa naman sigurong bawiin, diba?

Pagkatapos niyang kumain ay kinuha niya ang dslr camera sa kwarto. Sinamahan siya ni nana Rosa na suyurin ang buong kabahayan.

Si butler John naman ay naghanda ng meryenda nila habang si alex ay naliligo sa pool dahil hindi naman nagpahatid si Kyle sa hospital.

"Nana, pwede po bang makita ang kwarto ni Kyle?" nahihiyang tanong pa niya.

"Sure, halika at samahan kita!" excited na wika ni nana Rosa.

"Wow! Nasa langit na ba tayo nana?" nabighani siya pagpasok sa kwarto ni Kyle. Sa halip na plain white yung flooring ay 3D iyon, yung bed ni Kyle nakapatong sa malaking ulap. Yung feeling mo nasa atmosphere ka habang tinitignan mo ang mundo. Bigla din siyang napa-tip toe, iniisip nya kasing totoo yung naapakan niyang agila.

Yung dingding din 3D. Totoong-too yung clouds, bigla nga siyang napa-ilag dahil nakaharap sa kanya ang cockpit ng eroplano na tila anumang oras ay masasagasaan siya.

"Tumingin ka sa itaas." ani nana.

"Wow!" akala niya, tapos na ang sopresa, nasa taas pa pala.

"Constellations!" sa tingin nyo, magpapatalo din ang kisame?

Kahit sa dinami-dami ng stars sa kisame ay hindi siya mag-aalinlangang ituro ang 88 constellations! She smiled with the thought of that young boy.

Ngayon naalala na niya ang pangarap ni Kyle, ang maging astronomer!

Pagkatapos mamangha ay inilibot ulit niya ang paningin sa paligid. May isang gitara na nakasukbit sa stand. Lumapit siya at hinimas niya iyon habang inaalala ang mga panahong pinagmamasdan niya si Kyle na naggi-gitara sa mula sa malayo.

"Pag nakita mo si Kyle na nag-gi-gitara, lalo kang mai-inlove." bigla siyang napalingon kay nana Rosa at napailing-iling.

"Hay naku, hija. Hwag kang mag-alala, alam na iyan ni Kyle. Doctor yun at sensitive yun sa mga pangyayari sa paligid niya lalo na sa mga expression ng pasyente niya."

"I'm not a patient nana. Pero baka, mako-confine ako ng wala sa oras." hawak-hawak nya ang kanyang dibdib habang ang kanyang mukha ay pulang-pula sa hiya.

"Bago ka ma-confine, tingnan mo muna yun." itinuro ni nana ang telescope na nakapwesto malapit sa floor to ceiling window.

"Wala naman tayong makikita ngayong umaga nana."

"Meron, halika." wika ni nana at in-adjust niya ang telescope habang ang isang mata any nakasilip doon.

"Ang galing nyo po nana," kumento niya habang pinagmamasdan itong minamaneho ang telescope.

"Heto, tingnan mo." aya nito.

"Wow! Anong planet po ito nana?"

"Jupiter." wika nito.

"Nakakabighani, ang ganda!"

"Maganda talaga."

Makahulungang wika ni nana Rosa habang sinusundan ng tanaw ang direction ng telescope. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng isang butil ng luha sa kanyang kanang mata.

===

Iniligpit ni Jasmin ang laptop at camera. Katatapos lang niyang mag encode doon. Hindi ito ang first time niyang maging ghost blogger, may mga client na din siyang ginawan ng blog dati ngunit kay Kyle lang siya nate-tense.

Kinuha niya ang cellphone na nakasaksak sa charger, mahigit isang araw din siyang hindi nakapag check ng social media account niya at tiyak siyang marami ng nagme-message sa kanya dun.

"Shemay! Nag-comment si Katrina!" hindi niya mapigilan ang tuwa nang mag-comment ang idol niya sa photo na pi-nost niya kasama si Kyle.

'Beautiful photo😍😊😇'

At sa comment ni Katrina ay mahigit kalahating milyon ang nag-react at nag-reply dun.

@Katrinatics_lucy: 'Miss Katrina, ang ganda-ganda nyo po! 😍😍😍😍'

@PrettyJaded:'Miss Katrina, super idol kita. Hindi ka lang mabait, subrang ganda mo pa!😘😘😘'

@Dayablo:'OMG! Katey! Bakit ang sweet mo?! Hindi ka man lang nagseselos na may kasamang ibang babae ang bf mo!😘😘😘'

@SexyGranny:'FYI, hindi niya gf si Katrina. She's just a friend. Ako ang tunay na nagmamay-ari ng puso ni papa Kyle!😝😝😝'

Hindi na itinuloy ni Jasmin ang pagbabasa ng mga comments, nasasaktan siya para kay Katrina. Wala naman itong ginagawang masama ngunit bakit meron parin itong mga haters? Napagtanto niyang kahit anong gawin mo sa harap ng isang tao, kung ayaw nya talaga sayo ay hindi mo talaga siya mapipilit.

~~ chapter epilogue ~~

(Year 2003)

"Okay class. Get a one half sheet of paper, we're going to have a quiz today." wika ni Mr. Tolentino pagpasok nito sa classroom. 

"One half sheet sir?" wala sa sariling tanong ng ilang studyante habang hinalungkat ang backpack. Napahalungkat din siya sa backpack. 'Shocks! Wala akong papel at ballpen!' hindi siya makapaniwala sa sarili nang maalala na naiwan niya sa study table kagabi ang isang pad ng papel niya at ballpen habang nag-aaral.

Napalingon siya sa katabing si Kyle, oo magkatabi sila ngunit hindi sila nag-iimikan. Napatingin siya sa kaklaseng naka-upo sa harap niya —si Andrea, kakalabitin sana niya ito ngunit napansin niyang kinakalabit din nito ang katabi. Double shocks!

Napalingon siya sa kaklaseng naka-upo sa likod niya, ito ang tahimik niyang kaklase, katulad niya naka-suot din ito ng makapal na eyeglasses at maliban dun ay may braces din ito. Super nerd ang tawag ng mga kaklase nila dito, sa kabila kasi ng pagiging nerd nito ay nagsa-sideline ito bilang kargador ng mga banyera ng isda sa palengke at iba pang trabahong mabibigat. Maganda ang tindig nito at hugis ng pangangatawan gayunpaman nerd parin itong tingnan.

"Excuse me, may kahati ka sa papel?" aniya habang nginunguso ang one whole na papel na hinahati ni Super nerd. Umiling ito. "Pwedeng mahingi?" nahihiya niyang sabi at pilit na ngumiti dito.

"Heto." kaagad naman niyang tinanggap ang papel. "Thank you—" pilit niyang inalala ang pangalan nito ngunit Super nerd lang talaga ang pumapasok sa utak niya. Nahihiya din siyang tawagin itong ganun baka ano pang masabi nito sa kanya. "Ano ulit ang pangalan mo?" tanong niya. Nagtama ang kanilang paningin, nakita niyang napakurap-kurap ito bago yumuko. "Vince Modesto. Tawagin mo nalang akong Vince." anitong hindi makatingin sa kanya.

"Thank you, Vince." aniya at nginitian ito. "By the way, may extra ballpen ka?" pahabol niya. Kaagad itong yumuko at hinalungkat ang bag na isinabit nito sa likod ng armchair niya. Ngunit bago pa makuha ni Vince ang ballpen sa bag ay narinig ni Jasmin na may nagsalita sa tabi niya.

"Here, use mine." nagtama ang kanilang paningin ni Kyle habang inilalahad niya ang isang kamay na may hawak na ballpen. Naramdaman niya na biglang tumigil ang kaniyang puso sa pag-pump ng dugo. Shocks! "Take it." utos nito na nakapagpabalik sa kanyang ulirat at sirkulasyon ng dugo. Double shocks!

Tinanggap niya ito bago lumingon kay Vince. She mouth 'Thank You'. Napatingin ito kay Kyle at muli tumingin sa kanya at tumango.

Binaling niya ang atensyon kay sir Tolentino na nagsusulat sa blackboard ng mga equations habang sa gilid ng kanyang mga mata ay pinanuod niya si Kyle na kumuha ng ballpen sa black and white na pencil case nito. Super neat at very organize talaga nito sa gamit, lalo tuloy siyang nabighani dito.

===

"Ahm, Kyle?"  Eksaktong nakalabas na ang kanilang mga kaklase nang tawagin niya ito. Bihira lang itong oppurtunity na maka-usap niya ng sarilinan si Kyle kaya hindi na siya nagpaliguy-liguy pa.

"Yes?" lumingon ito sa kanya. Napatuwid siya ng tayo sa tindi ng presensya nito lalo na ang mga tingin nitong tila tumatagos.

"Yung jacket mo, hindi ko pa pala nasasauli." tinatagan niya ang boses.

"Ah, dalhin mo nalang bukas." sagot nito.

"Okay."

"Hindi na pala kita nahintay nun...mabuti na lang at naka-abot ka." wika nito.

"Okay lang. Maraming salamat talaga sa tulong mo."

"Walang anuman 'yun. Basta't kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako." bumilog ang kanyang mga mata sa sinabi nito.

"Ah." tanging nasambit niya.

"H'wag ka nang mahiya sa akin, hindi naman ako nangangagat." sumilay ang ngiti nito sa mga labi.

'Gush! Kyle, may nakapagsabi na ba sa'yo na sobrang gwapo mo?' saisip niya habang pinagmamasdan ito.

"Oo?" sagot ni Kyle.

"Huh?" tanong niya dito, nagtataka.

"Nothing." anito at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

----

Author's note: Ang plane crash po sa parents ni Gervis ay based po sa totoong pangyayari bagaman fictional characters po ang mga bida dito, ibig sabihin wala po sa passengers' lists ang name ng parents ni Gervis.

Mga mahal na kaibigan, i hope nagustuhan nyo po ang story ko. Please please please, do hit vote, like, then comment na din po. I will surely appreciate it.

I also do have a wattpad account. you can visit my page there as well as my story. May mga instrumental music po don every chapter na kung maririnig nyo po ay lalo nyo pong mararamdaman ang existence ng mga characters.

my wattpad story: https://my.w.tt/FVHt7kP66S

➡️➡️➡️➡️☝️☝️☝️

[1]Bible verse: https://www.google.com.ph/amp/s/www.bible.com/tl/bible/399/PRO.21.5.RTPV05

[2]Plane crash sourch: https://en.m.wikipedia.org/wiki/EgyptAir_Flight_990