webnovel

CHAPTER 5

Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

1 Juan 4:18-19

MBB (revised) [1]

----

"Look what you've done!" singhal ni Katrina kay Cedric, inilapag niya sa harapan nito ang ipad kung saan makikita sa screen ang photos ni Kyle kasama si Jasmin at ang mga magulang nito sa dining area. There were only two pictures but the internet made it a trending topic.

Kinuha ni Cedric ang Ipad at sumandal sa swivel chair habang niluwagan ang suot na necktie. Kakatapos lang ng meeting niya with his client, he felt light headed due to anxiety but he tried to conceal it when he saw her enter his office.

"Well, not bad." he smirked. "We now has a lead on Kyle's plan." ibinalik niya ang ipad dito, inirapan naman siya ni Katrina bago umupo sa sofa.

"Knowing Kyle, he was not planning on getting close to the Flores family, however he is trying to gain control of the situation and not to earn their fury." Cedric concluded.

"But, that bitch--"

"Hush. It's a good thing that she is updated in the social media nonetheless it would be hard for us to track them." anito habang pinaikot ang swivel chair paharap sa floor to ceiling window kung saan maaaninag ang kagandahan ng papalubog na araw.

Katrina turned to watch the sunset, she tried to comfort herself believing that what Cedric said could be true. All along, there is nothing they could do. They cannot revert the situation either.

===

Katatapos lang ng photoshoot ni Desiree Menchavez, she is a fashion model of Vogue, a versatile one from her generation. Just like Katrina, she joined the latest Binibining Pilipinas and won the title of Binibining Pilipinas International. Dahil doon ay umani siya ng maraming papuri hindi lang sa social media kundi sa buong angkan ng Menchavez.

She is the eldest daughter of Mr. Franco and Eleonor Menchavez. Her father wanted to have a son as the eldest child due to his beliefs that women were less valuable than men and they were not eligible to manage the business effectively.

She tried to convince her father that she is an intelligent and talented woman by finishing her studies with flying colors, she got herself involve in singing and dancing competitions at school as well as her talent in painting and playing musical instruments.

But still...

In the eyes of her father, she is nothing...

'As a business magnate, Intelligence is not enough, you must be smart.. Talent is not enough, you also need to be skilled.' her father's voice ringed on her ears. 'You have no future in business world.'

Her heart broke but she managed not to cry. She managed to develop a heart of steel.

Most of her life is filled with the desire to please her father, forgetting her own desires, her own feelings and her own dreams.

She wanted not just to be a model, but also to be an actress. She wanted to be known to the whole world and in other way, she wanted her father to be proud.

"Miss Desiree, yung mystery guy nyo po nagpapabigay na naman po ng flowers." kinikilig na wika ni Aya, ang kanyang personal assistant. Tinanggap niya iyon at inamoy.

Binuksan niya ang card na nakapatong sa bulaklak at binasa ang nakasulat doon.

'I love thee, I love but thee

With a love that shall not die

Till the sun grows cold

And the stars grow old.' [2]

-Thy adoring slave

She can't help it but from the many fans and suitors she had, only this mystery guy made her heart flutter. Iyong feeling na parang kilalang-kilala siya nito.

"Did you managed to trace this mystery guy's whereabouts?" tanong niya sa kanyang P.A.

"Pasensya na po miss, hindi po eh." nanlulumo na wika nito.

"It's alright, if his intentions are pure and sincere, he would reveal himself." pinanatag niya ang sarili.

Tatlong araw nang nagpapadala ng bouquet of flowers with card ang mystery guy niya. Bata pa lang siya ay paborito na niya ang mga bulaklak, in fact may flower garden siya sa backyard nila. Wala naman siyang particular na favorite flower, yung kulay kasi nito ang gustung-gusto niya. Yung kulay ng kalikasan.

===

Pagkalabas ni Jasmin sa c.r. ay sinulyapan niyang muli ang wallclock na nasa centro ng dingding sa tapat ng kama niya, pasado alas singko na. Kulay pink ang wall clock na hello kitty ang design -napa ngiwi siya. Favorite niya si Hello Kitty noong bata pa siya but then after she graduated college, nagbago na ang preferences niya. Marahil nagmature siya or di kaya mas gusto lang talaga niya yung mga totoong bagay at hindi bunga ng imahenasyon.

Hindi rin naman niya na mention sa blog niya ang tungkol sa hello kitty stuffs maliban sa slumbook nila noong high school days na pinagpasa-pasahan pa nila noon. Parang siyang artista na maraming nagpapa-autograph, halos lahat kasi ng mga babaeng kaklase nila ay may kani-kaniyang slumbook na pinagpapasa-pasahan noon upang ma-fill-upon ng bawat isa. Halos taon-taon din ang mga itong gumagawa niyon. Natutuwa din siyang basahin ang mga sinulat ng mga kaklase niya lalong-lalo na sa parte kung saan na mention ng mga ito ang first crush, first love at first kiss. Hindi niya mapigilang kiligin. Kyah!

Dumeritso siya sa library, hindi naman siya nahirapang tuntunin iyon dahil kasing linaw sa tubig ilog ang dereksyong ibinigay sa kanya ni nana Rosa. Kumatok muna siya nang mga tatlong beses bago pihitin ang doorknob. Pagpasok niya ay naghihintay na doon si Kyle. He was wearing a light blue polo shirt na tinernohan ng slacks.

'Kahit nasa bahay pala ito ay nakapustora padin,' saisip niya.

"I hope nagustuhan mo ang kwarto mo." wika nito nang maka-upo siya. Hearing him speaks tagalog felt awkward, she had goosebumps. Saglit niyang tinignan ang maaliwalas na mukha nito.

'Wala ba siyang pores?' her eyes wandered, every details on his face looks perfecr.

"Alien lang ang walang pores." sagot ni Kyle sa iniisip niya.

"Teka, pano mong-?"

"I'm not an alien either." humalukipkip ito, kaagad namang napatuon ang paningin niya sa dibdib nito na bumakat sa suot na polo.

Napalunok siya. Her mind wandered again.

"As what I have told you, your thoughts were written all over your face. And I think, I knew what you were thinking right now." he sneered.

Kaagad naman siyang napatakip sa namumulang mukha.

"Ganyan ba talaga ako ka obvious?" nakayuko niyang tanong.

"Yes."

"By the way, I have here the contract with regards to our business deal. I wanted you to review the terms and conditions before signing it." anito at ipinasa ang isang folder.

Binuksan niya iyon at binasa ang mga nakasulat doon. Kabilang sa listahan ng condition ay ang hindi pag post ng mga photos at other informations online without his confirmation, if she disobey any of if, she will be charged 1 million pesos and if she perfectly followed the terms and conditions, she will receive additional 1 million pesos. Napalunok siya, after two weeks, magiging milyonaryo na sya. She can assure it.

Pinirmahan niya ang contrata bago iyon isauli dito.

"By the way, meron din sana akong ipapa-fill up sa 'yo." aniya at iniabot ang isang manipis na libro.

"Slumbook?" he read out loud.

"Yeah," ginagawa natin to nung high school.

"Well, I'm not really into it."

"But I need it for your blog." nagdadalawang-isip pa ito bago tanggapin iyon.

"Okay, ipapahatid ko nalang ito kay nana Rosa sa kwarto mo." anito bago magpa-alam, sinabihan din siya nitong mauna nalang sa dining area. Ni hindi man lang niya nakitaan ito ng ngiti ngunit ganun pa man, hindi parin nabawasan ang kagwapohan nito. He's hot when he smile yet he's way hotter when he smirk or when he is serious.

Pagkatapos maghapunan ay bumalik siya sa kwarto at nahiga. Ilang sandali ang lumipas ay kumatok si nana Rosa.

"Nana,"

"Kyle asked me to deliver this to you." nakangiti nitong wika.

"Thank you po, nana."

"You're welcome. Just call me when you need something." anito at itinuro ang room phone.

"Okay po, nana."

"I'll take my leave then."

"Salamat po ulit, nana." aniya bago isara ang pinto.

Dinala niya sa higaan ang slumbook at binasa ang mga nakasulat doon.

"Ang ganda ng penmanship niya." puna niya sa sulat-kamay nito na tila calligrapher sa stilo at linis ng pagkagawa. Napangiti siya habang binubuklat ang bawat pahina ng slumbook.

Name: Kyle Velez Tan

Nickname: Kyle, Kiki

Napa-hagikhik siya sa kiki.

Gender: M

Birthday: September 14, 1989

Zodiac: Virgo

Romantic status: Single

'Single and ready to mingle...' Saisip niya.

FAVORITES

Color: white

Food: Italian foods

Song: lullabye

Movie/Show: Titanic

Actor/Actress: Angelina Jolie

Book: Da Vinci Code

Vacation Spot: Beach

Hobbies:

Special talent:

Ambition:

Motto:

Nanlumo siya nang hindi sinagutan ni Kyle ang ibang katanungan. Ipinaling niya ang kabilang pahina.

What is love? Love is like a star, it shines when there is nothing but darkness.

'Ohhh...' She felt emotional sa diffinition nito ng love.

Who was your first crush? Angelina Jolie

Who was your first love?

She smirked nang wala na namang sagot ang first love nito.

'Wala ba talaga?' napaisip siya but then wala talaga siyang maalala na ibang babaeng malapit kay Kyle maliban kay Katrina. 'Baka si Katrina.' nanlumo siya sa naisip ngunit bago pa siya mawalan ng pag-asa at napa-singhap siya sa susunod na sagot nito.

.

.

.

Who was your first kiss? Jasmin B. Flores

When was your first kiss? on JS prom 13 years ago

"No way!" halos hindi siya makapaniwala sa nabasa. Napahawak siya sa bandang puso niya habang dinadama ang bawat kalabog niyon. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw kaya napagdesisyunan niyang pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Alas nuebe na ng gabi at patay na ang ilaw sa buong kabahayan maliban sa ilaw sa pose na nasa palibot ng mansyon ni Kyle na may mga cctv cameras. Ginamit niya ang liwanag buhat sa flashlight ng cellphone niya. Hindi naman siya nahirapang tuntunin ang kusina, dahan-dahan niyang binuksan ang ref ngunit sa kanyang pagkadismaya ay wala iyong tubig. Naalala niya ang water despenser kaya isinara niyang muli ang ref ngunit gayun nalang ang pagkagulat niya nang may isang taong nakatayo sa likod ng ref. Nakatingin ito sa kanya ng deretso habang hawak-hawak ang flashlight sa may dibdib at nakatutok pataas sa mukha nito.

"Wahhhhh!" sigaw niya at dagli siyang napaatras, napahawak pa siya sa kanyang dibdib habang wala nang humpay ang paghinga niya ngunit nang tumawa ito ng malakas ay gayun nalang ang pag-arko ng kanyang kanang kilay ngunit bago pa man niya makilala ang nakakatakot na nilalang ay bumagsak na siya sa marmol na sahig.

Biglang bumukas ang ilaw sa kusina at tumambad sa kanya ang naka-pulang daster na si nana Rosa, naniningkit pa ang mga mata nito, marahil nagising itong bigla dulot ng pagsigaw niya.

"Anong nangyari hija?" tanong nito. "Dios ko!" mabilis na nakalapit si nana Rosa sa kanya at nag-aalalang tinulungan siyang makabangon. Kumuha naman kaagad si alex ng isang baso ng tubig at pinainom sa kanya, bakas sa mukha nito ang pagsisisi sa ginawang pananakot sa kanya. Nang mahimasmasan siya ay kumapit siya sa braso ni nana Rosa habang naka-pout. "Si Alex po kasi nana, tinakot ako." O hah, siya na ang feeling close.

"Tss. Alex naman." binalingan nito ang binatang nakahawak parin sa flashlight na nakatuon sa mukha nito. Hindi niya mapigilang matawa ngunit saglit lang, naalala parin niya ang ginawa nitong pananakot.

"Sorry po nana." anito at napakamot pa sa batok.

"Siya, sige matulog ka na." utos ni nana.

"Kukuha muna ako ng tubig nana." anito at tinungo ang water despenser at kumuha ng tubig saka patakbong umalis.

"Pagpasensyahan mo na si Alex hija, sadyang maloko talaga ang batang iyon." ani nana Rosa nang makalabas na si Alex sa kusina.

"Wala po 'yon nana. Hindi naman talaga ako matatakutin sa mga multo. Nabigla lang talaga ako sa presensya niya. Akala ko kasi mamamatay tao."

"Hwag kang mag-alala hija, safe ka dito." napatango-tango na lamang siya at napabuntong-hininga.

"Bakit hija?"

"Ewan ko po nana, may phobia kasi ako sa mga malalaking tao, lalo na yung naka-suot ng itim at naka-hawak ng flashlight. Hindi ko alam kung paano nagsimula basta kapagka nakakita ako ng ganoong tao ay nagha-papanic po ako, nagha-hyperventilate at minsan naman ay umaabot pa sa pagkahimatay ko." napahaplos na lang si nana Rosa sa buhok ng dalaga, nakaramdam siya ng simpatya dito gayung katulad din ito ng alaga niyang si Kyle nung bata pa ito. Mabuti nalang at nung nagbinata si Kyle ay hindi na ito binisita ng mga bangungot ng nakaraan.

Inalalayan parin siya ni nana Rosa makatayo kahit pa sinabi niyang kaya na niya. Inihatid din siya nito sa kanyang kwarto. "Sweet dreams hija." ngumiti ito na nakapagpanatag sa kanyang kalooban.

"Salamat po, kayo din po nana, sweet dreams din." aniya bago isarado ang pinto ng kwarto.

===

Nagtatawanan ang dalawang batang sina Kyle at Jasmin habang nilalaro ang binoculars. Naka-upo si Kyle sa wheelchair habang si Jasmin naman ay nakatayo sa tulong ng saklay at nakasemento ang kanang paa dulot ng isang aksidente.

Kyle was the only patient in that huge hospital until Jasmin came kaya laking tuwa ng bata nang may makilala siyang kasing edad niya.

"Re-ga-lo ito ni Ku-ya Mar-co ga-ling s-tates." Mahina at paputol-putol na wika ni Kyle na hawak-hawak ang binoculars. "Ma-ki-kita mo ang pina-ka-mala-yong lu-gar ga-mit ito."

"Sige nga, pahiram." excited na wika ni Jasmin, kaagad naman siyang ginabayan ni Kyle sa panunuod, hawak ng magkabila nilang kamay ang binoculars.

"Wow! Ang galing! Haha. Tingnan mo yung mama na nagtatanim sa bukid na kasinliit ng munggo biglang lumaki!" natutuwang sambit ni Jasmin at itinuro ang bukid na bagaman malayo sa kinatatayuan nila ay tila malapit parin dahil walang anumang establisyemento ang nakapagitan sa kanila at puro mga matatayog na kahoy ang pumalibot sa hospital.

"Pati-ngin." inilagay naman ni Jasmin ang binoculars sa mata ni Kyle. "O-o nga! Ha-ha! Yung u-lo na-lang n'ya ang nana-tiling ma-liit. Ha-ha!"

Kanina pa pinagmasdan ni Marco ang kapatid at ang batang babaeng kasama nito na nasa veranda ng hospital.

Dahil sa karamdaman ng anak ay hindi mapigilan ng mga magulang niya na i confine ang bunsong si Kyle sa isang liblib na hospital na pagmamay-ari ng mga Velez habang nilulunasan iyon. Kyle is suffering from autism since birth, hindi nito kayang makipagtitigan at kahit tinatawag ang pangalan nito ay para itong walang naririnig. Dati nakakapagsalita pa ito ng normal ngunit isang araw ay bigla na lamang itong napipi. Mabilis na uminit ang ulo nito at kadalasan ay nagsisigaw at nagwawala.

He was only 6 years old and he already suffered a lot. He didn't have a normal life, he is like a prisoner and an existence unbeknownst to the world. He didn't have a single friend of his age and didn't even experience pure happiness.

His mother tried everything to find a cure on his illness and to make his life somehow normal.

Dr. Nica Velez hired specialists from the states to collaborate in treating her child. He undergoes several therapy which includes behavior therapy, speech-language therapy, physical therapy, occupational therapy and nutritional therapy.

"Just like you, your brother is a fighter." napalingon ang batang si Marco sa nagsasalita. Mataman niyang tiningnan ang ina ni Kyle.

"I'm glad you're here Marco." yumukod ito at niyakap siya. "Kyle loves you so much, palagi ka niyang hinahanap sa amin. He wanted to get well soon because he wanted to visit you in the states and bring you back to our home... in here, with us." nabasa ang kanyang balikat sa pagbuhos ng luha nito. Little did he know, his arms had already wrapped around her.

Sa kalagitnaan ng gabi ay biglang nagising si Kyle, his eyes wandered. It was his first time dreaming on that scene, he had forgotten that little girl friend of her brother, but now those memories are all coming back at him. His head ached as he remembered the scene in the forest.

The kidnappers who had taken him and his brother Kyle.

That girl who had followed them secretly to the forest.

That moment when mercy is only a name given to a girl and ruthlessness is an understatement.

His muscles tensed up and he felt shaky, his heart rate accelerated as his breathing became faster and shallower.

His body temperature has risen significantly as sweat welled up from his body despite the freezing temperature.

"That girl, who is she?" his memory on her face is blurry from the trauma of the past. He tried to remember her name but his headache only worsen.

He grab his phone and look for Calvin's number, his private investigator.

~~ chapter epilogue ~~

(Year 2003)

Ngiting tagumpay si Jasmin habang pinagmamasdan ang magarbong paaralan, suot parin niya ang kanyang lumang salamin sa mata ngunit maliban doon ay bago na lahat- bagong uniform, bagong sapatos at medyas at bagong bag.

It was her first day being a sophomore and not only that, it was also her first day on the star section. May kasabihan na walang imposible sa taong naniniwala na lahat ay posible at isa si Jasmin sa mga taong iyon lalo na't ibinuhos niya ang kanyang buong puso at buong pagsisikap na makamit ang kanyang pangarap na mapabilang sa star section.

Pumwesto siya sa armchair sa second row na malapit sa bintana dahil para sa kanya, ito ang perfect spot kung saan siya may chance na makatabi si Kyle. Kinakabahan na siya, lima pa lang silang studyante sa classroom at batid niyang maya-maya ay darating na si Kyle, napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

Halos sabay-sabay na nagsipasukan ang mga kaklase niya sa classroom at sa kumpulan ng mga iyon ay kumuha sa kanyang atensyon ang pinaka-matangkad sa lahat- ang kintab ng buhok nito para sa isang lalaki, makinis at maputing kutis at kahit sa tingin pa lang ay halatang napakabango, bagong uniform din ang suot nito at ang pantalon nito ay tuwid na tuwid na parang binabad sa almirol. Si Kyle.

Dumako ang paningin nito sa kanya, specifically sa inuupuan niya, napag-alaman kasi niya na favorite spot ni Kyle ang pinakadulo ng second row na malapit sa bintana at kaya dito siya umupo ay upang mapansin siya nito. Galawang Jasmin ika nga.

Umiwas siya ng tingin dito at pasimple niyang binuklat ang notebook habang nagsusulat doon. Shocks! Noon lang niya napansin na ginawa niyang diary ang bagong notebook. Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya at kahit hindi siya lumingon ay kilalang-kilala na niya ito dahil sa gamit nitong pabango. Kailanman ay hindi niya makakalimutan ang pabangong iyon, lalo pa't hindi niya nagawang isauli dito ang jacket na pinasuot nito sa kanya noong magka-cut classes siya. Napasulyap siya sa sapatos nitong kasing kintab ng buhok nito. Napangiti siya nang mapagtantong ang haba pala ng paa ni Kyle di hamak na mas mahaba pa sa mga kuya niya.

English ang first subject nila at unang araw pa lang ay binigyan na sila ng activity. Kinabahan siya at lalong tumindi ang kaba niya nag magsalita si Gng. Suarez "Now, group yourselves into two." automatikong napalingon siya kay Kyle at gayun narin ito sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng kakaiba sa mga tinging ipinukol nito, napakurap-kurap siya, marahil ito na nga ang sinasabi ng karamihan na 'mutual understanding'. Tumango si Kyle sa kanya na tinugunan niya ng isang matamis na ngiti.

====

"Sali ka sa music club." aya ni Tess sa kanya nang ipulupot nito ang mga braso sa braso niya. Kakatapos lang niyang mag-enroll sa literary club at napagod siya sa mahabang pila doon.

"Teka, I smell something fishy." nakapamewang niyang tugon dito at sinuri ang lokaret na kaibigan.

Ngumisi ito ng nakakaloko at may ibinulong sa kanya.

Patakbo silang pumunta patungo sa theatre kung saan ginaganap ang audition ng mga sasali sa music club. Hindi kagandahan ang boses niya ngunit hindi rin naman siya sintunado, sakto lang. Sakto lang upang mabigyan siya ng pagkakataon na makasama si Kyle sa mga rehearsals nito. Kyah!

Alam niyang naggi-gitara ito ngunit hindi pa niya iyon narinig at ngayon ang pagkakataon niyang mapakinggan ito. Pumwesto sila sa third row kung saan nandoon ang mga kasamahan ni Tess. Kakatapos lang ng mga itong mag-audition at gaya ng inaasahan ay pasado ang mga ito. Vocalist si Tess ng isang banda at bata pa ito ay sumabak na ito sa pagi-gig. In fact, ito ang pinakabatang bokalista sa edad na walo.

Inilibot ni Jasmin ang paningin sa paligid, hindi nagtagal ay nakita niya si Kyle habang kinakalikut ang gitara nito. Nakasuot ito ng brown leather jacket sa ibabaw ng uniform nito na tila isang cowboy, maliban sa wala itong cowboy hat at lubid. Narinig niya ang tilihan at bulungan ng mga babae sa paligid, batid niyang si Kyle ang pinag-uusapan nito. Bigla siyang napaisip, mga paraan kung paano niya mababakuran si Kyle nang hindi siya mai-issue. 'Mag-isip ka Jasmin, alam ko namang diyan ka magaling.' sabi niya sa sarili.

Pagkatapos tawagin ang apat na auditionees ay sunod na tinawag si Kyle. Napasinghap siya nang umakyat ito sa stage, hindi lang pala siya -marami sila. Stage presence palang kasi nito, matindi na. Sinimulan nitong kilitiin ang gitara at bago pa rumehistro sa kanyang isipan ang pamagat ng tinugtog nito ay narinig niya ang boses nito.

"Woah!" ito ang reaksyon ng isa sa mga judge ng music club habang pumapalakpak.

Napailing-iling siya. 'Kyle is simply the epitome of pefection.' Complete package kumbaga. Hindi lang ito gwapo, mayaman at matalino, talentado pa ito. Napa-isip siya, kailangan niyang magsikap, hindi man niya kayang tumbasan kung anong meron ito ngayon, sisiguraduhin niyang hindi siya magpapahuli, magtatagumpay siya sa kaniyang mga pangarap sa buhay.

Maraming auditionees din ang nakapag-perform sa entablado bago tinawag ang kanyang pangalan. Tinatagan niya ang sarili bago siya sumabak paakyat sa entablado, may ilang pumalakpak sa kanya ngunit hindi niya ito maaninag buhat sa stage, kailangan pa niyang pasilongan ng palad ang kanyang mga mata sa ilalim ng nakakasilaw na liwanag.

"Go Jasmin!" boses iyon ni Tess, napahawak naman siya ng mahigpit sa mic nang makaramdam ng kaunting hiya.

"What are you going to sing?" tanong nung judge.

"I'm going to sing 'Top of the world' by Carpenters." sagot niya habang inaayos ang gilid ng kanyang salamin sa mata. Nakita niya sa kanyang peripheral view ang pag-ayos ng upo ni Kyle, habang nakatuon sa kanya. Tumikhim siya upang mapawi ang anumang bumara sa kanyang lalamunan.

Pagkahudyat ng judge ay kaagd siyang kumanta ng A cappella.

"Such a feelin's comin' over me. There is wonder in 'most ev'ry thing I see. Not a cloud in the sky, got the sun in my eyes. And I won't be surprised if it's a dream...." sinabayan pa niya ito ng pag-indayog ng kanyang katawan.

Napangiti siya habang inaalala ang unang pagtatagpo nila ni Kyle, nung tawagin siya nitong bata. Tila isa iyong panaginip ngunit ang jacket nito na nasa kaniya pa ang tanging patunay na katotohanan ang mga pangyayari. Nahiya man siya sa height niya ngunit lihim siyang nagpasalamat, kahit papano kasi ay napansin siya nito. Hindi man siya sigurado sa totoong nararamdaman ni Kyle para sa kanya ngunit ang puso niya ay lubos na nagagalak sa atensyong ibinigay nito.

Kahit papano ay nasasabi niya sa kanyang sarili na langit ang kanyang nadarama sa mga sandaling nakasama niya si Kyle.

➡️➡️➡️➡️☝️☝️☝️

[1] Bible Verse: https://www.google.com.ph/amp/s/www.bible.com/tl/bible/399/1JN.4.18-19.RTPV05

[2] The poems of Bayard Taylor: https://www.goodreads.com/quotes/109952-i-love-thee-i-love-but-thee-with-a-love