webnovel

CHAPTER 4

Huwag ipagyayabang ang araw ng bukas, pagkat di mo alam kung anong magaganap.

Mga Kawikaan 27:1

MBBTAG [1]

----

"Cedric!" nagpupuyos si Katrina sa galit habang natatawa naman si Cedric.

He can't help it, her tetchy behavior made her look cuter. Her face was swollen red, unable to withstand the burst of emotions.

"Oh gosh, you are really laughing?" napahawak siya sa dibdib. "All this time, pinagtatawanan mo lang ako!"

Kaagad namang napatikom sa bibig si Cedric.

"Ginawa na natin ang lahat sa abot ng ating makakaya but still we failed to keep you and Kyle together." Cedric concluded.

"No!" histerya niya. "Cedric please, you knew how much I love Kyle. We only have less than two months to secure my place in his heart." mahigpit niyang hinawakan ang manggas ng polo nito.

Napatingin si Cedric sa mukha ni Katrina, nangingilid ang mga luha sa magkabilang pisngi nito. Tila nahiwa ang kanyang puso, if only Katrina would open her eyes, makikita nito na may ibang tao na lubos na nagpapahalaga sa kanya at hindi niya kailangang manlimos ng pagmamahal at atensyon kay Kyle.

"Bakit di mo nalang kaya puntahan sa bahay niya para malaman mo ang plano niya at magawan natin ng paraan." he suggested.

"Are you kidding me? Do you really think I would go strip in front of the guards and undergo a series of security measures just to enter his house?"

Napa-iling-iling si Cedric. He almost forgot, the security measures in Kyle's House was so strict which prevented any visitor from trying to pay him a visit.

Kyle lived in Regal Estate wherein the top 5 richest people for the past decade are allowed to live. They have this very strict security system all over the estate vicinity as well as 20 meter radius outside. They have the most advanced CCTV cameras installed that could gather related informations in every person caught on cam.

Ayon din sa reliable source, kahit sabihin pa na handa silang maghubad sa harap ng mga gwardya ngunit kung hindi naman sila papahintulutan ni Kyle ay hindi parin sila makakapasok. Eversince, wala pang kahit sino sa barkada ang naimbitahan sa bahay ni Kyle, maging si Katrina.

===

4:30 am

Maagang nagising si Jasmin. Kaagad siyang naligo at nagbihis. She wanted to capture the sunrise from the terrace.

She prepared her camera and replaced the lens. She placed her pocket notebook, pen, and cellphone in her belt bag.

She already listed down her activities for the day and she must follow her strict schedule.

While waiting for the time, she took some photos inside the hotel suite, each and every detail of it. She wanted to include it in her blog as well as the welcoming gift she received.

She adjusted the tripod and positioned it to a spot where she can capture the perfect sunrise. She then attached the camera.

She is a morning person and she really enjoyed watching the sunrise. It brings her hope for a new day, a promise of new life and new beginnings.

After the sunrise photoshoot, she went down to snap photographs at the resort amenities.

Time flew so fast than she could imagine,  she prepared her camera and replaced her lens for the fireflies photoshoot. She positioned the tripod at a certain spot.

The sunset view in the lagoon was so relaxing. She forgot how tired she felt from the whole day of work. A smile was painted on her face.

She snapped a photo of the sunset as well.

After the fireflies photoshoot, she gathered her things and went back to her room. She organized the data gathered and started writing her review.

Magdamag siyang nagsulat sa harap ng laptop niya. Nagpadeliver din siya ng foods kaya sa tuwing kumakalam ang sikmura niya ay sasaglit siya sa pagkain.

She is also a foodie kaya nag-eenjoy siya sa pagsusulat habang kumakain.

3:33 a.m.

"T.K.O. na'ko." bulong niya sa sarili bago siya bumyahe papuntang dreamland.

10:59am

"Ring. Ring." tumunog ang cellphone niya. Kinapa niya ito sa side table habang nakapikit ang mata.

"Hey! Saan ka ngayon?" tanong ni Tess sa kabilang linya.

"Five minutes." she whispered.

"Hey!" natatawang wika nito. "Gising! May sunog!" pagbibiro nito habang hindi mapigil ang tuwa.

"Un." sagot niya. "Bakit ba?" inis niyang tanong, nakapikit parin.

"Bonding tayo."

"May work ako."

"Bukas?"

"May special assignment ako for two weeks."

"Saan?"

"Sa Regal-" napabalikwas siya at kaagad na bumangon, nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya sa kaibigan ang tungkol sa request ni Kyle, but knowing Tess walang sekretong nakakalampas dito.

She heaved a sigh.

"-estate." she continued.

"With whom?"

"Dr. Kyle V. Tan. Nagpapagawa siya ng blog and I need to spend 2 weeks with him until I finished my assignment."

Wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya kaya tinawag niya ito. "Hello! Tess, are you with me?"

"Y-yes. Just, be careful." Tess answered apologetically. "Kailan ka aalis?"

"Bukas na. By the way, maliligo muna ako. Tawagan na lang kita later."

"Okay, maghihintay ako."

"Okay." aniya at in-end call. Dumeretso siya sa banyo para maligo.

----

"Ma, pa!" humalik siya sa pisngi ng mga magulang pagpasok sa kusina.

"Anong oras ka aalis bunso?" tanong ng papa niya habang inilapag ang mga plato sa mesa. Ganito talaga ang mga magulang nya, nagtutulungan sa kusina.

"Mga 9 am pa po, pa." sagot niya at tinulungan ang mama na ihain ang kanin at ulam sa mesa.

"Sino ba ang client mo ngayon?" usisa nito habang nagtitimpla ng gatas at inabot sa kanya.

"Ahm, kaklase ko po nung highschool pa." tipid siyang ngumiti bago inumin ang gatas.

"Kailangan ba talaga dalawang linggo ka dun?" anito at uminom ng kape.

Ding! Dong!

"Pa, may tao ata sa labas."

"Ako na." wika ng mama niya at tumayo.

Ilang sandali ay bumalik ang mama niya sa kusina na pangiti-ngiti na animo'y dalagang kinikilig.

"Ma, anong nangyari sa'yo?" di niya mapigilang matawa sa reaksyon nito.

"Bunso, may bisita ka." pagkasabi niyon ay tumambad sa kanilang harapan ang isang nilalang na sa panaginip lang niya nakikita. Ay! Nagkita pala sila kahapon and take note, hindi iyon panaginip!

Her mom's voice brought her back to the past. Ganitong-ganito din ang eksena nang mamanhik-i mean nang unang bumisita si Kyle sa bahay nila upang magpa-alam sa kanyang parents na maging date siya sa prom.

"Bunso! Jasmin!" pukaw sa kanya ng kanyang ina. "Pasensya kana hijo, ganyan talaga ang anak namin kapagka nakakakita ng pogi." wika nito na dinugtungan ng paghagikhik.

"Ma, narinig ko 'yon." sabat niya. Hagikhik lang ang sagot ni tita Gina sa kanya.

"Hijo, sabayan mo muna kami sa almusal at tsaka natin pag-usapan ang pakay mo ngayon." ani tito Romy.

"Okay po."

Napatingin siya dito, 'Oh My Gush! The legendary Dr. Kyle V. Tan ay sasabay sa aming kakain ng almusal!' magkahalong  excitement at kilig ang kanyang nararamdaman. Pagkatapos ng meeting nila sa cafe noong nakaraang araw ay kinondisyon na niya ang isipan at damdamin kaya hindi na siya tinatablan ng hiya.

The shy, nerdy and boring Jasmin 13 years ago ay wala na. As in, ERASED. She is a millennial and she must act like a millennial.

Kaagad niyang kinuha ang smartphone at pasimpleng nag peace sign sa harap ng camera. Eksakto namang napatingin si Kyle pagclick niya sa button.

Hindi nabawasan ang kagwapuhan nito kahit nabigla sa pangyayari.

"Documentation." palusot niya nang malingunan ito.

"Will you post that on your instagram account?" nahimigan niya ng pagkabalisa ang boses nito ngunit saglit lang iyon. Kalmado lang ang mukha nito.

"Can I?"

"Do as you please." he smiled. Ngiting tagumpay naman si Jasmin.

"Ma, Pa, harap po kayo sa camera." aya niya sa mga magulang. Kaagad naman ang mga itong nag pose kasabay ng pag heart sign gamit ang dalawang daliri. Hindi din siya nagpatalo at ng heart sign din siya. "Doc Kyle," kaagad namang nakuha ni Kyle ang ibig niyang sabihin at nag heart sign din ito. Gush!

"Meeting with my client..." Bigkas niya habang nagtitipa ng caption sa post niya. "Hashtag Breakfast, hashtag AtHome...Post!"

2 hours later..

4,386 reacted

1,213 liked

4,198 shared

5,116 commented

2,009 followed

Walang humpay ang pagtunog ng notifications sa post niya kaya napilitan siyang i-airplane mode ang cellphone habang nasa byahe sila patungong Regal State.

Tahimik lang si Kyle na nagmamaneho habang sa gilid ng kanyang mga mata ay pinag-aaralan niya ang bawat kilos ni Jasmin.

Sumikdo naman ang dibdib ni Jasmin. Hindi parin siya makapaniwala sa mga pangyayari. Ilang dangkal lang ang pagitan nila ni Kyle, tuliro na ang kanyang isipan habang nagdedeliryo naman ang kanyang damdamin. Napasilip siya dito sa gilid ng kanyang mga mata, napakagwapo nito at sobrang tangos pa ng ilong, nangangati tuloy ang mga daliri niyang pisilin iyon. Naalala na naman niya ang kanyang mga pamangkin, sa tuwing nanggigigil kasi siya sa ka-kyutan ng mga ito ay pinipisil niya ang ilong ng mga ito. Napangiti siya sa kanyang mga naiisip, mabibigyan kaya siya ng pagkakataong mapisil ang ilong ni Kyle? E, ang mahahaba na mga pilik-mata kaya nito, may pagkakataon din kaya siyang mahawakan iyon sa dulo ng kanyang hintuturo? Pano naman ang makakapal na kilay nito, mabigyan din kaya siya ng pagkakataong mahimas ang mga iyon? At, ang mga mapupulang mga labi nito....napalunok na lamang siya sa huling naisip. Mahaba-haba pa ang byahe nila at batid niya sa kanyang sarili na masisiraan siya nang bait bago pa sila makarating sa tahanan ng binata.

Half of her life ay puno iyon ng pantasya para kay Kyle at ngayong nasa tabi na niya ito ay hindi na magkamayaw ang kanyang isipan sa samu't-saring isipin na bumabagabag sa kanya.

He is an epitome of perfection and she can't still imagine that all of her fantasies might come true. Kyah!

"Are you okay-?" may himig ng pag-aalala ang boses ni Kyle na pumukaw sa kanya. Kaagad naman siyang napalingon dito at tumango.

Pagkatapos ay ibinaling niya ang atensyon sa labas ng kotse nang mapagtantong huminto iyon sa intersection. Pinagmasdan niya ang mga taong tumatawid sa pedestrian lane.

"If you are worried that you might stripped--"

"Eh?" halos lumuwa ang mga mata niya sa sinasabi nito. Teka, ganun ba talaga ka epic ang mukha niya na napagkamalan siyang nag-alala sa security measures ng Regal Estate?

"--in front of the guards, as long as I am with you--" natigil ito sa pagsasalita. Napaurong din siya at napatitig sa hintuturo niyang tinatakpan ang mga labi nito. Gush! Kani-kanina lang ay pinagpapantasyahan niya ang mga labi nito at ngayon....

Ilang segundo din silang napatulala sa isa't-isa bago sila natauhan nang bumusina ang sasakyan sa likuran nila. Animo'y napaso ang kanyang hintuturo at dagling binawi iyon buhat sa mga labi ni Kyle. Namumula siyang napatingin sa may bintana habang si Kyle naman ay napatikhim nang tila may bumara sa lalamunan nito.

Kaagad namang pinaandar ni Kyle ang sasakyan na tila walang nangyari habang siya ay pinagmamasdan ito sa gilid ng kanyang mga mata.

'Ano bang ginawa ko? Nakakahiya. Siya naman kasi eh ang nagpasimula niyon,  may iniisip lang naman ako kanina. Isa pa, hindi ko talaga iyon sinasadya. Haist!' tahimik niyang sumbat sa sarili.

'Pero yung lips nya...ang lambot! Kyah!' kaagad siyang napatakip sa mukha upang hindi nito mapansin ang pagbungisngis niya dahil sa kilig, palihim pa niyang inihaplos ang hintuturo sa kanyang mga labi at ninanamnam ang init na kumakapit pa doon.

'Ito ba ang tinatawag nilang indirect kiss?' painosenteng tanong ng utak niya.

Bahagyang tumigil ang kotse ni Kyle sa may entrance ng Regal Estate. Bumukas ang matayog na gate na kasing kinang ng ginto. Sa gilid niyon ay may malaking vehicle x-ray scanner. Ilang segundo lang ang proseso ng security at kaagad din silang pinapasok.

"You can now breathe," pahayag ni Kyle. Napalingon naman siya dito, hindi niya inakalang napansin pala nito ang pagpigil niya ng hininga kanina sa may gate.

She heaved a sigh of relief, mabuti nalang at hindi siya pinababa ng guard sa kotse. Sa dina-dami kasi ng pwede niyang maiwan ay yung i.d. pa niya. Laking pasalamat din niya na kasama niya si Kyle, malakas kasi ang kapit nito sa guards.

Huminto ang sasakyan nang tumapat ulit sila sa isang matayog na gate na kakulay ng langit. May sensor siguro iyon kaya kusang bumukas.

"Wow!" napasinghap siya nang tumambad sa kanyang harapan ang magarang masion ni Kyle. It is a mediterranian modern mansion.

'Ito yun eh! Yung dream house ko!' hiyaw ng isipan ni Jasmin. 'Large exterior windows kung saan maayos na makakapasok ang sariwang hangin pag nabuksan. Malawak at makulay na beranda kung saan pwede kang magpahinga habang pinagmamasdan ang pag-indayog ng mga sanga ng kahoy. Brick walls na karaniwang nakikita sa european countries. Tiled roof na eleganteng nakapatong sa tuktok.'

Ipinarada ni Kyle ang kotse sa parking area kung saan nakahelera ang limang limited edition cars, maliban doon ay may isang vintage car na kulay puti na napalibutan ng glass wall. Samantalang yung ginamit niyang kotse pag sundo kay Jasmin ang pinaka-mura sa lahat, low profile kunyari.

Sa gilid ng parking area ay nasilipan ni Jasmin ang backyard landscape ng hardin, ang mga bulaklak na sa ibang bansa lang matatagpuan at ang iba't-ibang laki ng swimming pool na gawa sa bato. May mini falls din na nagbibigay ng natural na musika sa paligid.

"Oh, hijo. You have a visitor?" sumalubong sa kanila ang isang may edad na babae na nakasuot ng all white na daster. Ngunit ang naka-agaw sa kanyang atensyon ay ang kumikinang na gintong hikaw, kwentas, mga singsing sa sampung daliri at pulseras sa mga kamay nito.

"Nana, she's Jasmin. She is a blogger." pagpapakilala nito sa kanya.

"Oh!" anito na tila may naalala. "Nice to meet you, hija." kaagad naman itong lumapit at nakipag-beso-beso sa kanya.

"Nice to meet you din po." Nakangiti naman niyang tugon.

"Jasmin, she is nana Rosa, my nanny." halos lumuwa ang kanyang mga mata sa sinabi nito.

'Nanny?! As in?! Naka-suot ng mamahaling alahas? Nag-e-english? At higit sa lahat, mas mayaman pa kesa sa akin?!' her mind screamed in shock. 'Kung ganito ang nanny nya, magkano ang pinapasweldo niya dito? At pwede ba akong mag-apply kahit tagalinis ng kubeta?' she nearly got crazy with the thought.

"Nana Rosa was my mother's personal maid and she was also my nanny since I was born." Kyle explained.

"You might be wondering, these jewelries I am wearing were my daughter's gifts." nana Rosa smiled, slightly amused.

"...also, nana Rosa stayed with me at the states for more than 20 years." dagdag ni Kyle.

"Ah..." tanging nasambit niya.

"Did we satisfied your questions?" tanong ni Kyle.

"Questions? 'Di naman ako nagtatanong ah?" sagot niya.

"'Coz your thoughts were written all over your face." he sneered.

She grimaced.

Nana Rosa escorted her to her room while Kyle told her to meet before dinner.

"Nana Rosa, kayo lang po bang dalawa dito ni Kyle ang nakatira?" tanong niya habang ipinasok ang dalang maleta sa kwarto.

"Nope. We have butler John and our driver, Alex." malumanay na sagot nito habang siya naman ay nagno-nosebleed na.

Ramdam niya ang kabaitan ni nana Rosa, kaya siguro malaki ang tiwala ng pamilya Tan sa kanya.

Inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng kwarto. Puti ang pinturang gamit gaya ng sa kabuoan ng bahay. May balcony at floor to ceiling window na nakaharap sa magarang pool. May queen sized bed na kulay pink ang beddings. May vanity table din at 3 sided full view mirror pa.

"Ang ganda dito nana. Curious lang po ako, sino po bang gumamit ng kwartong ito dati?"

"Actually, you are our first guest in this house eversince and no one was using this room until you came." masayang wika nito na halata ang excitement. Marahil dahil sa mahabang panahon ay ngayon lang ito tatanggap ng bisita.

"Wow! Ilan po pala ang kwarto dito?"

"We have 12 bedrooms including the 2 servants quarters but walang natutulog doon. Kyle treated us as his own family kaya hinayaan niya kaming gamitin ang mga bedrooms dito sa taas." napabuntong-hininga siya, at last naringgan na din niya itong nagtagalog but still with american accent.

Nana rosa giggled habang nagtatanong naman ang kanyang mga mata sa turan nito.

"You're such an open book. As what have Kyle said, you're thoughts are well written all over your face." hinaplos nito ang mukha niya na bahagyang ikinabigla niya.

"I'm sorry, I started to miss my unica hija. She is a nurse and was leaving in the states with her family. She married a marine officer and has 3 kids already." pagkukwento nito na may lungkot sa mga mata. Napayakap naman siya dito. "Anyway, we do video calls every day but still my heart is aching to see them." naramdaman naman niya ang pagpatak ng mga luha nito na bumasa sa kanyang balikat.

"I'm sorry to hear that, nana."

"It's okay, Kyle needs me more. My daughter has a family already and as long as she is happy, I am also happy."

"Oh, nana. Naiisip ko rin yung parents ko. Ganyan din siguro ang mararamdaman nila pag nagka-asawa na ako." she tried to comfort nana Rosa but found herself emotional instead.

"Are you getting married?"

She suddenly felt a struck of lightning. At dahil sa tanong nito ay napahagulhol siya sa realidad.

"Oh, bakit ka umiiyak?" hindi alam ni nana kung matatawa ba o maaawa sa kanya.

"Wala po nana. Payakap po muna, isipin nyo nalang na ako yung anak n'yo." nasambit niya habang dahan-dahang pinahid ang mga luha sa pisngi.

Nagpa-alam na si nana upang makapagpahinga siya.

Nakahiga lang siya sa kama habang naghihintay ng oras. Maya-maya ay magkikita na naman sila ni Kyle, hindi niya mapigilang kabahan ngunit nananaig ang nararamdaman niyang excitement na makita ito.

She has a secret, she actually met Kyle when they were 6 years old. They were both confined in a hospital. She got into an accident while he is suffering from autism. She didn't know the full details, all she remembered that he was sent to the states to get a proper treatment. He also suffered memory loss from a trauma they both encountered at the forest.

Naalimpungatan siya nang biglang tumunog ang alarm, napagtanto niyang nakatulog pala siya. Kaagad niyang pinatay iyon at pumasok sa banyo at nagmumog siya ng mouthwash.

'Malay ba natin, baka bigla nya nalang akong sunggaban ng halik. At least, fresh breath.' she smiled from her own silly thoughts.

Inayos din niya ang sarili sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto.

~~ chapter epilogue ~~

(Year 2002)

                   F.  L.  A.  M.  E.  S.

Isang salita na ang ibig sabihin ay nag-aalab na apoy ngunit sa mga kabataan na katulad ni Jasmin ay ang salitang ito ang magdidikta ng kanilang magandang kapalaran sa larangan ng pag-ibig.

Isang salita na binubuo ng anim na makapayangyarihang mga salita na ang kahulugan ay:

Friendship.  Lovers.  Admiration.  Marriage.  Enemy.  Sweetheart.

Pinagpawisan si Jasmin habang sinusulat ang kanyang pangalan sa papel kasunod ng pangalan ni Kyle. Habang pinagmamasdan kasi niya ang mga kaklase niyang kababaehan kanina na nagsusulat ng mga pangalan nila at ng kanilang crushes sa papel ay naengganyo din siyang gawin iyon.

Maraming mga tanong ang naglalaro sa kanyang isipan. Ano kaya ang iniisip ni Kyle sa kanya? Maaari kaya silang maging magkaibigan? Maaari din kayang mahulog ang puso nito sa kanya? May pag-asa kaya siya dito? Gush!

Ilang sandali lang ay natapos na niyang i-solve ang flames at laking tuwa niya sa resulta.

"Oh my gush!" bigla siyang napalingon nang marinig ang boses ni Tess. Napatutop ito sa bibig at nangingiting tinutukso siya. "Gusto ka niyang....pakasalan.  Gusto mo rin siyang....pakasalan. At TIYAK, kayung dalawa ang magkakatuluyannnnn!" anitong inaawitan pa siya.

Gush! Nahihiya na talaga siya sa pinaggagawa ng baliw niyang kaibigan. Napaayos na lamang siya sa suot na salamin habang iniiwas ang sinulatang papel dito. Hindi niya mapigilang silipin ang sinulat niya.

Kyle Tan             -  4   married

Jasmin Flores    -  4   married

                                 8   LOVERS

Ibig sabihin ba niyon, magkakatuluyan sila ni Kyle? Gush!

===

"Tess, nakita mo ba ang songhits ko?" ang tinutukoy niya ay ang koleksyon niya ng mga kanta na pinagkaka-abalahan niyang gupitin araw-araw sa mga dyaryo na inaabangan pa niya kada umaga at idinidikit niya sa lumang kwaderno na pinagtagpi-tagpi pa niya.

Walang palya si totoy Alvin sa paghahatid sa kanilang tahanan ng dyaryo tuwing alas singko ng madaling araw, bata pa lang ito ay rumaraket na sa pagdedeliver ng dyaryo na lubhang hinahangaan niya. Sampung taon lamang ito at sobrang sipag na talaga. Binibigyan din nila ito ng mainit na pandesal tuwing umaga dahil lubhang kinalulugdan din ito ng kanyang papa Romy.

"Tess, diba ikaw yung huling gumamit nun?" paalala niya sa kaibigan, hiniram kasi nito ang isa sa koleksyon niya ng songhits na minarkahan pa niya: Volume 1, volume 2, volume 3 and volume 4. Ang volume 1 ay yung pinaka-una na compilation niya ng mga lumang kanta habang ang volume 4 naman ang pinaka-latest at ang pinakasakit dahil ang iniingat-ingatan niyang volume 1 pa ang nawala. Oo, may kaya ang kanyang mga magulang at kaya siyang bilhan ng mga ito ng mas mainam na songhits na gawa sa mamahaling papel ngunit iba siya, mas mahalaga sa kanya ang songhits na binuo niya kasama ang kanyang puso. Oo, mumurahin lang ang mga iyon, ngunit hindi kayang tumbasan ng anumang uri ng salapi ang kanyang lakas, panahon at pagmamahal sa paggawa niyon. Isa pa, natatangi ang songhits niya, makulay ang mga papel niyon kung saan kakulay ng entairtainment section ng mga dyaryo at may guitar chords pa iyong kasama.  Sumikip lalo ang kanyang dibdib sa isiping nawala na iyon ng tuluyan.

"Nakalimutan ko talaga, promise!" anitong naka-taas pa ang isang kamay.  "Teka, ipagtatanong ko sa mga kaklase natin." nagpa-alam ito saglit sa kanya habang siya naman ay inaayos ang mga gamit pabalik sa bag buhat nang ibinuhos niya ang mga ito sa ibabaw ng upuan upang masiguro kung nandun ba talaga ang songhits.

"Napansin ko iyon kanina," narinig niyang wika ni Martin. Tinignan naman niya ito ng matalim. Napakamot nalang sa batok si Marvin at bumulong kay Tess. Napatutop naman sa bibig si Tess pagkatapos marinig ang sinabi ni Martin. Kaagad siyang lumapit sa mga ito.

"Nasan?" inirapan niya si Martin pagkalapit. Hindi siya maldita ngunit kung ang pinakainingat-ingatan niyang mga gamit ang mawawala ay makakatitiyak kang hindi din siya mabait.

"Nasa kabilang section." pabulong na wika nito, ang tinutukoy ang star section. Napahinga siya ng malalim at naglakad patungo sa kabilang section.

Nang makarating siya sa may pintuan ng section 1 ay kaagad naman siyang napa-urong. Totoo nga ang sinasabi ni Martin, nasa kabilang section nga ang songhits niya at sa dinami-dami ng mga studyanteng pwedeng kumuha niyon ay si Kyle pa ang kanyang naabutan na may hawak niyon.

"O, lapitan mo na!" itinulak pa siya ng walang-hiya niyang kaibigan kaya wala na siyang nagawa kundi ang lapitan ito.

'Malilintikan ka talaga sa akin Tess, hay naku!' saisip niya.

"Ahm, excuse me." biglang napa-angat si Kyle ng mukha. Muntikan na siyang mawalan nang panimbang nang magtama ang kanilang mga mata. Gush!

"How may I help you?" tanong nito na animo'y musika ang boses sa kanyang pandinig.

"I t-think, t-that's my notebook." aniya at itinuro ang songhits niya, sinundan naman ni Kyle ng tingin ang hintuturo niya.

"Ah! So you're Jasmin." anito at ngumiti. Ngayon lang niya napansin na umurong ang lahat ng mga estudyante sa ginagawa ng mga ito at buong atensyong nakatingin na pala sa kanila. At heto naman siya na kilala bilang isang mahiyaing dalaga na hindi sanay sa atensyon ay hindi na magkamayaw ang kanyang damdamin sa magkahalong takot, kaba at hiya na kaniyang nadarama.

Tanging tango nalang ang kanyang nasagot dito. Hindi niya maintindihan ang sarili, anyong maluluha na siya nang di oras.

"To borrow is better, to steal is danger. But don't forget to remember....Jasmin B. Flores is the owner." narinig niyang binasa ni Kyle ang nakasulat sa first page ng notebook. "Can I borrow this for awhile, Jasmin? I promise, I won't forget...that you're the owner." anito at ngumiti. Tila tumigil ang kanyang mundo nang mga sandaling iyon,  nakatitig lang siya ng deretso sa mga mata ni Kyle habang ito naman ay sinalubong ang mga tinging ipinukol niya.

'Kyle, ano bang ginagawa mo? Pinapahamak mo na naman ang puso ko!' umiiyak na ang puso niya at nang mga sandaling iyon ay napagtanto niya na...nahuhulog na siya kay Kyle at ito ay malubha, napakalubha...

➡️➡️➡️➡️☝️☝️☝️

[1] Bible Verse: https://www.google.com.ph/amp/s/www.biblegateway.com/passage/%3fsearch=Mga%2bKawikaan%2b27:1&version=MBBTAG&interface=amp