webnovel

CHAPTER 3

21Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak, ngunit ugali ng tao ay makikilala sa gawa araw-araw.

Mga Kawikaan 27:21

MBB (Revised) [1]

----

Labin-tatlong taon na ang nagdaan nung huli niyang mapagmasdan si Jasmin, ganito din ang eksena, mga tatlong metro ang pagitan nila sa isa't-isa. Hindi siya napapansin nito gaya ng dati na animo'y may sarili itong mundo. Sa dinami-dami ng taong nagnanais pasukin ang mundo niya ay siya namang pagnanais na masilip man lang ang mundo nito. Bahagyang umarko ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi, napakaganda nito sa suot na pulang damit, at lalo pa itong tumingkad sa kulay ng buhok nito.

Tila walang nagbago, ganun parin ang nararamdaman niya... nangangatog ang kanyang kalamnan na animo'y nahigop ang buo niyang lakas sa tuwing matitigan ito, maliban doon ay nakaramdam din siya ng kakaibang kirot sa kanyang dibdib at habang tumatagal ay lalo lang iyong sumasakit.

Marahil ay napansin nito ang mga tinging ipinukol niya kaya bigla itong napalingon-lingon sa paligid. Mabuti nalang at nakita niya ang ilang kakilala at lumapit siya sa mga ito, nakatalikod siya ngayon sa pwesto ni Jasmin upang hindi nito makita ang mukha niya.

==

'Reminder: Bet Day 1'

Kyle was holding his cellphone when a message from Cedric suddenly poped-up on the screen. Nasa hospital siya ngayon habang may inaasikasong mga papeles. Memories from yesterday night flashed like a lightning striking him unnoticed. He touched his forhead, closing his eyes for a moment. "Jasmin Flores." he murmured.

==

Tiningnan ulit ni Jasmin ang laman ng bag upang masiguro na nandoon ang lahat na kakailanganin niya sa 3 days vacation-slash-work-slash-bachelorhunting.

Di nga?

Well, malaki ang tiwala niya na hindi pa huli ang lahat, the perfect man will eventually come her way. Nang mapagtanto niya na wala na siyang nakalimutan ay napatingala siya sa langit na may maaliwalas na ngiti sa mga labi.

Jasmin is a blogger and a freelance writer at the same time. Nakahiligan na niya ang pagsusulat ng blog during college days. Blogging is only her hobby hanggang sa may isang resort owner na nagka-interest sa sinulat niya.

He was pleased with the reviews she wrote on her blog about her one day and one night stay at the resort.

Her writing style provides a different feels to the readers. She chooses her words appropriately, simple words devoid of falsehood and flattery.

The resort owner personally envited her at nag-offer sa kanya ng hindi inaasahang oportunidad kagaya ng 3days and 2nights stay for free which also entitled her free access on the luxurious amenities of the resort and in return she needs to write a review on her extravagant experience.

From that successful review, naging matunog ang pangalan niya sa bloggers society, may mga advertisement offers na din siyang ginagawa sa blog niya. Famous advertisement agencies contacted her to promote their products and write reviews as well.

Binuksan niya ang pinto ng orange mini cooper niya at sinalampak ang mga gamit sa backseat. Inimbitahan kasi siya ng manager sa isang newly opened filipino-korean restaurant upang magsulat ng reviews tungkol sa restaurant nila, simula sa reception, service, foods, facilities, etc. Lahat ng kung anong pwede niyang isulat.

"A meat-lover like you must first try their Kimchidobo, I'm sure makakalimutan mong pangalan mo!" naalala niyang wika ni Tess nung kinwento niya ang gagawin niyang review sa Sarang Ikaw Restaurant.

guru-guru

bigla siyang nasamid nang tumunog yung tiyan niya. Tinapay at kape lang kasi kinain nya sa almusal. It's almost lunch time at kailangan na niyang magmadali.

Laking-pasalamat niya dahil wala masyadong traffic sa daan. It only took her 30mins to the restaurant.

Malawak ang parking area, may mga kahoy sa paligid na kahit tanghaling tapat ay hindi mo mararamdaman ang tindi ng init.

She took her camera and snap some photos.

Pumunta siya sa mini-garden kung saan may wooden garden swing sa gitna niyon. May mga pillows, ibat-ibang size at color.

Umupo siya sa swing at dinama ang lambot ng upuang kutson, napayakap din siya sa unan na kasing-lambot ng bilbil ng mga pamangkin niya. Na-miss tuloy niya si Kurt, ang pinakamalaman na pamangkin niya.

"Ang ganda dito." gumuhit ang isang napaka-aliwalas na ngiti sa kanyang mga labi.

"Excuse me." napabalikwas siya nang may tumikhim sa likuran niya. Nalingunan niya ang isang babae na halos kaedad lang niya. Nakasuot ito ng white blouse and coat and a pair of pleated pants.

Napangiti siya bilang tugon.

"Miss Jasmin?" pagkukumpirma nito.

"Yes." aniya.

"I'm Gertrude Lu, it's nice to meet you in person." anito at inilahad ang kamay. Tinanggap naman niya iyon.

"Oh! Nice to meet you too Miss Lu." gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Miss Gertrude Lu was the restaurant manager who called her for conducting a review. Seryoso ang boses nito sa phone pero hindi niya inaasahan na mas seryoso ang mukha nito sa personal.

Inilibot siya ni Miss Gertrude sa loob ng restaurant, ipinakilala siya sa receptionist at sa iba pang staff. Magiliw ang pagtanggap ng mga ito sa kanya.

Nagpa-alam siya saglit para pumunta sa ladies room. Hindi niya inaasahang ma-impress pag pasok doon.

Yung interior design ng c.r., para kang nasa ibang dimension. The view is cozy and warm. Parang kang nasa spa, may music pa nang umaagos na tubig-ilog habang may mga huni ng ibon.

May bunsai tree sa ibabaw ng sink  at sa ilalim niyon ay may mini fountain. May mga maliliit na koi fish din. Napakabango at napakalinis pa ng palikuran.

"Mirror mirror on the wall, who's the fairiest of them all?" seryosong chant niya habang naka-harap sa isang century old na salamin or marahil desinyo lang talaga iyon ng salamin na mukhang vintage. Kinuha niya ang phone at nag-selfie dun. Lalong nagpatingkad sa kanyang ganda ang lighting ng c.r. na kulay dilaw, hindi mahahalata ang pores niya.

Kaagad naman niyang in-upload ang photos sa kanyang instagram account.

#LittleParadise

#SimplyElegant

#SarangIkawRestaurant

Kung wala sanang kumatok ay hindi niya maisipang lumabas agad.

Miss Gertrude explained her the history of Sarang Ikaw Restaurant. Napagtanto niyang hindi naman pala strikta si Gertrude na taliwas sa mukha nito. May sense of humor din ito at sobrang talino pa, saulo nito lahat ng mga herbs and spices na ginagamit nila sa pagtimpla ng mga pagkain pati ang history at purpose ng bawat-isa.

Tinawag ni Miss Gertrude si Chef Dan, lumabas ito na may bitbit na tray habang nakangiti. Isa-isa nitong ibinaba ang laman ng tray habang ipinapakilala kung anong mga putahe iyon. Mabilis naman siyang nag-snap ng mga photos. Hindi siya professional photographer kaya hindi siya masyadong nag-e-effort sa pagbalance ng lightings sa mga photos niya. Anyway, may kunting kaalaman din naman siya sa photography, as in kunti lang talaga. Atleast, hindi pa naman siya na-bash sa mga photos niya.

Mga labintatlong putahe sa menu ang tinikman niya at super-sarap ng mga iyon. Mabuti nalang at tinapay lang ang kinain niya kaninang almusal kung kaya ganado siya sa pagnguya habang nagtitipa sa kanyang netbook. Draft muna ang sinulat niya kung saan kaniyang inilalarawan kung ano ang nararamdaman niya habang nginunguya ang bawat putahe; yung pag-burst ng mga ingredients sa kanyang bibig ay nakadetalye din doon, yung magkahalong tamis at asim ng isang putahe ay hindi rin niya pinalampas, yung tamis at katamtamang anghang naman ng isa pang putahe ay inihahalintulad pa niya sa isang relasyon na nadadaan sa mga pagsubok na habang tumatagal ay lalong nangingababaw ang tamis ng pag-ibig.

Mabilis ang paglipas ng mga oras, sa wakas ay natikman din niya ang pinagmamalaki ng Sarang Ikaw, ang pinakamasarap na Kimchidobo! Hmmmm.

Pagkatapos niyang matikman lahat ng mga putahe ay nakipagkwentohan pa siyang saglit kay miss Lu bago magpa-alam.

Nakapinta ang ngiti sa kanyang mga labi habang nag-preview siya sa mga kuha niyang larawan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nasa parking area siya ng mga sandaling iyon.

'Hi Jasmin! It's me, Kyle Tan. Can we meet later at dinner? I have some important matters to talk with you.'

Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang mabasa ang mensahe. Samu't-saring emosyon ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Kaagad siyang pumasok sa kotse at pinaandar ang aircon.

Butil-butil ang pawis niya, for the first time ngayon lang ito nangyari sa kanya. Praning na talaga siya, ang lakas talaga ng tama ni Kyle sa kanya. Naku! Kung alam mo lang Kyle.

Kinalma muna niya ang sarili bago siya nag-reply.

'Scam?'

Haller? Bakit naman magtetxt si Kyle sa kanya, aber? Sino nga ba naman siya upang pag-aksayahan ni Kyle ng oras?

Wala pang limang segundo ang lumipas ay kaagad nag-ring ang phone niya.

Unregistered number. Nag-dadalawang isip pa siya sagutin iyon ngunit ang kanyang puso ay tinutukso na siyang sagutin iyon. After five consecutive ring ay hindi na niya napigilan pa ang mga daliri nang kusa itong mag-swipe sa answer button ng screen.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "Hello?" tinatagan niya ang boses. Char! Oh ha, ikaw na matatag.

"Hi, it's me Kyle." bigla siyang napatutop sa bibig. Oh my gush! Buong buhay niya, kilala niya ang boses ni Kyle and she is totally certain na si Kyle nga iyon.

"Oh! I'm so sorry for doubting you." hindi mo naman siya masisisi Kyle, binigla mo si Jasmin sa txt mo.

"No, it's alright. It is good that you don't always put your trust on anyone else....Kindly save my number." Napangiti naman siya sa kilig. Enebeh?!

"Yes." tipid niyang sagot.

"By the way, are you free later at dinner?"

"Yes." gush! Speechless talaga siya pagdating kay Kyle.

"I'll txt you the exact address. Okay. See you later."

"Yes." sagot niya, nag-aantay siya na i-end call nito ngunit ilang segundo ang lumipas ay naririnig parin niya ang paghinga nito sa kabilang linya. Graveh, kahit paghinga nito, ang sexy pakinggan! "Still there?" nasambit na lamang niya.

"Yeah."

"I was waiting for you to end the call." kinakabahan na naman siya, halos pabulong na iyong boses niya.

"I don't want to end the call either."

"What-" hindi na niya natapos ang sasabihin nang marinig ang dial tone sa kabilang linya. I don't want to end the call either. Tama ba talaga ang narinig niya?

Dahan-dahang pinatakbo ni Jasmin paalis ang kotse. Tuliro ang kanyang isipan ngunit isa lang ang sigurado siya, magkikita sila ni Kyle mamayang dinner.

Jasmin held her breath upon the sight of him entering the cafeteria. Malayo pa lang si Kyle ay ramdam na niya ang matinding aura ng binata, napapalingon dito ng di kusa ang mga tao sa paligid nito.

Dumadagundong ang kaba niya sa bawat paghakbang ni Kyle. Ilang segundo na lang ay kakaharapin na niya ang minamahal niyang kaklase noong high school.

Kaagad siyang napatayo pagdating nito at nagbigay-galang.

"Hi Jasmin." napakurap-kurap siya  nang masilayan ang ngiti nito at kaagad niyang iniwas ang paningin. 'Naka-dalawa kana Kyle. Dalawang beses mo nang binanggit ang pangalan ko ngayong araw....Enebeh, matatag ako.' aniya sa sarili nang maramdamang nangangatog na ang kanyang mga tuhod.

Narinig na lamang niya ang isang malutong na tawa mula sa binata.

"H-hello," tanging sagot niya nang hindi parin makatingin dito.

"Please, have a seat." malumanay na wika nito, napaupo na lamang siya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay sinilip niya si Kyle. Nakangiti parin ito.

His smile complimented with his eyes. Habang tinitigan niya ang mga mata nito ay hindi niya mapigilang maisip si Edward Cullen ng Twilight; his tantalizing brown eyes, his long and curly lashes and his thick brows.

Napalunok siya.

Umupo si Kyle sa harapan niya. Tinawag nito ang waiter at nag-order ng dishes. Batid nitong tameme siya kaya ito na ang nag-order para sa kanya. Napatingin na lamang si Jasmin kay Kyle, nakatulala.

'Am I dreaming?', iyan ang mababasa mo sa mukha niya ng mga sandaling iyon.

"You're not dreaming." ani Kyle at napangiti. Napa-urong naman siya sa kinauupuan niya dahil sa bigla.

"Mind-reader ka ba?"

"Not really. By the way, how was your day?" shocks! 'Tama ba ang narinig ko na tinatanong nya kung kamusta ang araw ko?' saisip ni Jasmin.

"It's good." aniya at nahihiyang napaiwas ng tingin.

"Good to hear it though." pagkasabi nito niyon ay gayun naman ang pagdating ng waiter na may dalang putaheng inorder ni Kyle at dahan-dahan niyong ibinaba sa mesa ang mga pagkain.

"Let's eat." namalayan niyang favorite dishes niya ang mga inorder nito; pumpkin soup, embutido, fish fillet, carbonara, vegetable salad. Woah! Was it a coincidence? Pero, imposible iyon.

Pagkatapos nilang kumain ay nakatulala na naman ulit siya.

"I'm here to discuss a business with you." pasimula nito.

"..." ibinuka niya ang kanyang bibig ngunit umuurong naman ang kanyang dila.

"Relax." ngumiti ulit si Kyle. "I would like you to create a blog about me."

"A-about you?"

"Yes...all about me." animo'y tumigil ang mundo niya habang ina-absorb ang sinabi ng gwapong doctor.

'Damn! Dr. Kyle Velez Tan M.D.....the sought after bachelor in town, the mysterious doctor who live in Regal Estate, the youngest multi-billionaire and the sole heir of Tan Group of companies including Tan Shipping, Tan Air, Tan City Mall, Tan Express, K Towers, Velez Children's Hospital, etc....ay magpapagawa sa akin ng blog?! Kung sa isang reporter ay malaking scoop ito! Of all the bloggers, sadyang napakaswerte ko naman!' tili ng isipan niya, hindi makapaniwala si Jasmin sa opportunity na dumapo sa kanya.

"Deal?"

"Deal." sagot niya. Sino ba ang aayaw, aber?

"Here." iniabot nito ang isang folder. Binasa niya iyon at pagkatapos ay pumirma.

"Para magawa mo yan, you will need to spend 2 weeks with me."

"T-TWO WEEKS?! WITH YOU?!" napalakas ang boses niyang tanong, mabuti nalang nasa exclusive area sila ng cafe, may glass wall na nakapagitan sa kanila at ng ibang customers kaya walang nakapansin sa kanya.

There is a saying, The best thing happen unexpedtedly.

Ito na kaya ang hininitay niyang pagkakataon?

"Yes, you need to get to know me better and I think two weeks is enough." teka, parang may double meaning yung sinabi niya or ako lang talaga itong malubha ang imahinasyon?

"Two weeks seems too long, I guess." Jasmin forced a smile.

"You don't have to worry, if ever you'll finish gathering all the data and working with my blog, you'll free to go." he assured her.

"Where am I supposed to stay?"

"My house in Regal Estate."

"Oh!" napatutop siya sa bibig. 'REGAL ESTATE? THE PLACE FOR NOBLES?AM I HEARING THINGS?'

Kyle was trying to read her thoughts.

"Don't worry, you don't have to strip-" he concluded.

"eh?" she blushed unable to find her words.

"-in front of the guard since you're coming with me."

Yep, tama kayo ng pagkakarinig. Sa sobrang tindi ng security ng Regal Estate ay kailangan mo talagang maghubad sa harap ng gwardya bago ka makapasok sa gate kahit may invitation ka pang dala galing sa resident doon.

"O-okay." she tried to answer in her calmest tone.

"But, I still have to finish my review for a newly opened resort. I need to stay there for two nights and two days. Apparently, I'll be staying there tonight." she tried to tell him that she has a hectic sched.

"I'll be waiting on the third day then."

"O-okay." aniyang nagpipigil ng hinga.

Pagkatapos magbayad ni Kyle ng bill ay inihatid pa siya nito sa parking area, pinagbuksan ng pinto ng kotse at kumaway pa ito sa kanya habang tinatanaw siyang nagmamaneho paalis. Kulang nalang talaga ang goodbye kiss. Kyah!

===

Ipinarada ni Jasmin ang mini cooper niya sa underground parking ng Firefly resort at dumeretso sa reception area. Alas siete na nang makarating siya doon.

Magiliw siyang binati ng mga receptionists lalo na nang marecognized siya ng mga ito. She felt gratified knowing that there were several people appreciated her work.

The manager welcome her a few moments later. She envited her to the restaurant for dinner. Yes, pangalawang dinner na to. Goodluck nalang sa sikmura ni Jasmin.

Mabilis ang paglipas ng oras at marami din siyang na-gather na data tungkol sa resort. Quarter to nine na nang gabi nang imbitahan siya ng manager sa mangrove lagoon ng nasabing resort.

The resort was named after the place was discovered with the fireflies appearance at the mangrove lagoon.

Since the resort was new, the owner wanted the resort to be featured on the web highlighting the natural beauty of the lagoon and the magnifiscent appearance of fireflies.

Inalalayan si Jasmin ng manager papunta ng lagoon, sumalubong sa kanila ang isang bangkero na may dalang ilawan na kulay pula.

"This red light helps us to attract more fireflies." paliwanag ng manager nang makasakay na sila sa bangka.

She scanned the area. The lagoon was pitch-dark until small flickering lights started to dance with rythm. The mangrove trees came to life in an instant.

"Splendid!" she was breathless, unang beses niyang makakita ng fireflies na ganito karami.

She held her camera tighter, she wanted to snap some photos but deep in her decided not to, it was not the right timing. At this moment, she only wanted to enjoy the magical beauty of nature.

Past ten na nang ihatid siya ng manager sa suite niya, the resort has a hotel in there which she can cosider a three-star hotel.

Binuksan niya ang pinto gamit ang card key niya.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang masamyo ang halimuyak ng

sampaguita sa loob ng kanyang kwarto.

Biglang nawala ang antok niya, binuksan niya ang ilaw at bumungan sa kanyang harapan ang isang flower basket na may lamang sampaguita.

"What a beautiful welcoming gift." kinuha niya ang basket at inilagay sa mesa. Inilibot niya ang paningin sa kwarto at napangiti.

Lumapit siya sa floor to ceiling window at pinagmasdan ang magandang view ng resort.

Pagkalipas ng ilang sandali ay pumasok na siya sa bedroom at inayos ang mga gamit. Kumuha siya ng tuwalya sa bag at pumasok ng banyo.

===

"Marco," hinawakan ni Dr. Nica Velez Tan ang balikat ng batang si Marco. Tinanggal nito ang surgical mask gamit ang kabilang kamay at yumukod upang maging ka-level ng mga mata nito ang mga mata niya.

Nakatitig lang siya dito, walang emosyon.

"Marco, I knew you were hurt and I knew you missed your mom so much." puno ng pag-aalala ang boses nito. "Kagaya ng mom mo, my mom left me when I was young." napatitig siya sa mga mata nito, nagtatanong.

"Even though I am already married and has a family of my own, I still miss my mom. Deep in my heart, her memories remain. I will always love her and I will never ever forget her." she blinked, forcing her tears back. "I want you to know that I love you Marco, as much as I love your father. I knew you didn't came from me but you are my son, my eldest son. I am hoping that one day, you can also call me mom." itinaas nito ang kamay galing sa balikat niya papunta sa pisngi at pinisil iyon. Bigla ay nangilid sa pisngi nito ang mga luha.

"Mom!" napabalikwas si Kyle sa higaan, mabilis ang kanyang paghinga. Kaagad siyang napalingon sa side table, doon niya namalayan ang oras at petsa.

1:46 am.

Oct. 14.

Dr. Nica Velez Tan 8th year death anniversary.

Hindi siya naniniwala sa multo o ligaw na kaluluwa ngunit hindi niya maintindahan kung bakit pagkatapos ng walong taon ay napanaginipan niya si Dr. Nica, ang itinuring niyang ina.

Bumangon siya sa higaan at naghilamos, nagpalit ng damit at kinuha ang susi ng kotse.

Pitong taon ang nagdaan nang huli niyang nabisita ang mausoleum ni Dr. Nica. Ibinaba niya ang bitbit na white roses sa ibabaw ng puntod at nag alay ng kaunting panalangin bago umalis.

'Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is what dies inside us while we live' totoo nga ang kasabihang iyon ni sir Norman Cousins.

~~ chapter epilogue ~~

(Year 2002)

"Mam, please naman po kailangan po ako ni Tess." umiiyak na pakiusap ni Jasmin kay Gng. Clarin, ang adviser nila. Kailangan kasi niyang lumabas sa campus dahil mag-isa lang si Tess sa bahay nito at inaapoy pa ng lagnat. Out of the country din ang parents nito at wala itong ibang mahingan ng tulong.

"We can call for an ambulance." ani Gng. Clarin at lumapit sa telepono at dinial ang numero ng hospital.

"Wait po mam, may phobia po si Tess sa hospital." napitigil naman ang ginang.

"Hindi ka doctor hija, at kung papayagan ka naming puntahan siya sa gitna ng klase, masisigurado mo ba na gagaling si Tess sa tulong mo? Isa pa, paano kung mapahamak ka habang nasa daan, kargo ka parin namin. Sana maintindihan mo hija." may punto nga rin naman si Gng. Clarin, kahit anong gawin nyang paki-usap dito ay hindi na niya mababago ang isip nito.

Lumabas na lamang siya sa teacher's office na mugto ang mata buhat sa pag-iyak.

"Bata." napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon, kaagad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Gayun nalang ang kanyang pagkabigla nang matunghayan si Kyle, napakuskus pa siya sa kanyang mga mga sa pag-aakalang isang imahinasyon lang niya iyon ngunit laking pagkakamali niya. Hindi iyon panaginip.

Nandito siya ngayon nakaharap sa isang napaka-gwapo at napakatangkad na nilalang. Sa pagkaka-alam niya ay 6 footer ito sa edad na trese samantalang siya ay limang talampakan lamang, ganito na ang hight niya simula noong grade five pa siya at feeling niya, hindi na talaga siya tatangkad pa.

"A-ako?" napalingon-lingon pa siya dahil baka iba ang tinatawag nito.

"Yes, you." ngayon lang niya namalayan na kanina pa pala ito nakasandal sa pader na tila modelo na mayroong photoshoot doon. Naka-suot ito ng shades at leather jacket na ipinatong nito sa uniform habang nakalingon sa kanya.

"Do you want to cut class?" hano daw? Tinatanong siya nito kung gusto ba niya mag-cutting?

"Yes." never pa niya nasubukan mag-cutting pero dahil ito lang ang tanging solusyon meron siya ngayon ay handa siyang gawin iyon para sa kanyang kaibigan.

"Come with me." napasunod naman siya dito.

Habang naglalakad sila patungo sa likod ng school building at nilalakbay ang mamasa-masang lupa sa may backyard kung saan sila nag-ga-gardening ay doon lang siya may na-realize. Teka? Bakit niya alam na kailangan kong makalabas sa campus?

Pero bago pa siya nakahanap ng kasagutan sa kanyang tanong ay nakita na lamang niya itong hinahawi ang mga halamang baging na kumakapit ngayon sa matayog na pader na iyon na bahagi ng campus nila. Walang nakakapansin sa kanila dahil sa matatabang puno ng mangga at mahogany sa palibot nila. Tumambad sa kanila ang isang lagusan na gawa sa bakal. Nakakandado iyon at ang ipinagtataka niya ay kung bakit may susi niyon si Kyle. Magkahalong paghanga at excitement ang mababasa sa mukha niya habang binubuksan ni Kyle ang lagusan.

Nang mabuksan nito iyon ay lumingon ito sa kanya. "Absent si Sir Tolintino ng Math at si Mrs. Uy ng Science naman ay inutusan ng principal. Ako na ang bahala kay Miss Cruz sa third subject mo. You only have 3 hours. Just make sure, you will be here before eleven." bilin nito sa kanya in his American accent. Gush! First time niya itong narinig mag-taglish at ang hot! Teka, hwag ka munang lumandi Jasmin, hindi ngayon ang panahon para jan.

Tumango-tango nalang siya habang nakikinig dito.

"And lastly, wear this. Maulan ngayon, baka magkasakit ka." Oo nga, June ngayon at pabigla-bigla lang ang buhos ng ulan. Naiwan pa niya ang bag at payong sa classroom, mabuti nalang nasa bulsa niya ang wallet niya.

Nang masuot na niya ang jacket ng binata ay bigla na lamang siyang nanigas nang hinawi nito ang buhok niya sa likod at dahan-dahang ipinaloob iyon sa hood na ipinatong nito sa ulo niya. Napatingin siya sa mga mata nito habang wala nang pakundangan ang pagkalabog ng kanyang puso. Umihip ng marahan ang hangin sa paligid nila at nagsilaglagan ang mga tuyong dahon ng mahogany at mangga. Napayakap siya sa sarili nang makaramdam ng panlalamig, tinignan niyang maigi si Kyle na animo'y bakal na hindi alintana ang lamig sa paligid. Habang pinagmamasdan niya si Kyle ay may kakaibang kislap siyang nakita sa mga mata nito. "Hwag mong tatanggalin ang hood." anito at tinapik-tapik ang hood sa ibabaw ng ulo niya. Napangiti na lamang siya bilang tugon dito bago magpa-alam.

"Hintayin mo'ko Kyle." bulong ng kanyang puso na batid niyang hindi nito maririnig.

➡️➡️➡️➡️☝️☝️☝️

[1] Bible Verse: https://www.google.com.ph/amp/s/www.bible.com/tl/bible/399/PRO.27.21.RTPV05