webnovel

CHAPTER 2

Maaaring maitago ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagtawa, ngunit pagkatapos ng kasiyahan nariyan pa rin ang kalungkutan.

Kawikaan14:13

ASND [1]

----

Nung nagpaulan ng kagwapuhan, katalinuhan at karangyaan ang langit ay sinalo na ata ni Kyle ang lahat.

Kyle Velez Tan; isang pangalan na kahit sa mga musmos na bata ay tanyag at lubhang mahalaga.

Nag-iisa siyang anak at tagapagmana ng Tan Group. Kabilang sa mga kompanya at establisyementong pagmamay-ari ng pamilya niya ay ang Velez Children's Hospital na pinamumunuan niya sa kasalukuyan.

Nang mamayapa si Dr. Nica Velez-Tan; ina ni Kyle, ay napagdesisyunan niyang ipagpatuloy niya ang responsibilidad na naiwan nito. Batid niya kung gaano kamahal nito ang propesyon nito kaya hindi siya nagdalawang-isip na sundan ang mga yapak nito.

Pagka-graduate niya sa business management course ay nag proceed siya ng medicine sa Harvard University Medical School. Nagtagumpay siya pag-aaral at pagkalipas ng ilang taon ay naging ganap siyang Pediatric Specialist. Tinapos din niya ang tatlong taong residency program in pediatrics sa Boston Children's Hospital bago siya nagdesisyong umuwi sa Pilipinas upang mag-take ng board exam.

Dahil sa kanyang angking katalinuhan ay madali niyang naipasa ang board exam. Mabilis ang paglipas ng buwan at mga taon at lalo pang lumago at naging tanyag ang Velez Children's Hospital (VCH). Nagpatayo sila ng bagong building na may mahigit 20 rooms. Nagdagdag din sila ng mga equipments at makabagong teknolohiya na sa US lang matatagpuan. Nag-hire din sila ng additional nurses and doctors.

Umaalingawngaw ang pangalan ni Dr. Kyle V. Tan, M.D. ngunit nananatiling mysteryo ang kanyang buhay. Kamakailan lang ay pinaunlakan niya ang isang magazine na mahigit limang taon nang nanliligaw sa kanya at binigyan niya ng exclusive interview ngunit maraming tanong ang mga ito tungkol sa personal niyang buhay ang hindi niya sinagot.

Sinuyod ng tingin ni Kyle ang mga nakahelerang iba't-ibang klase ng relo na nakalagay sa isang glass-covered na drawer.

Iniangat niya ang kamay upang kunin ang isang limited edition Rolex watch.

Isinuot niya ang relo habang matamang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng 3-sided mirror.

He is simply wearing a blue lapel suit and a checkered tie. He has this refined aura which made him look seemingly devoid of imperfection.

Kinuha niya ang susi ng kotse bago umalis. Paglabas niya ng kwarto ay sumalubong sa kanya si Alex, ang driver niya. Iniabot niya ang susi ng kotse dito. Kaagad naman itong bumaba upang ihanda ang kotse.

"Nana, i might be home a little late tonight." aniya sa mayordoma nang maka-baba ng hagdan. "You don't need to wait for me." nag-aalala siya dito dahil batid niyang maghihintay ito sa pag-uwi niya at hindi ito matutulog hanggat hindi pa siya nakakatulog. Ramdam niya ang labis na pagmamahal ni nana Rosa sa kanya, itinuring na rin niya itong pangalawang ina sapagkat ito ang nag-alaga sa kanya buhat nang sanggol pa siya.

"H'wag kang mag-alala hijo, nakatulog naman ako kanina, hihintayin ka namin." nakangiting tugon ni nana Rosa.

"It's up to you, nana." tipid siyang ngumiti bago magpa-alam.

Hindi mapigilan ni nana Rosa ang mapabuntung-hininga habang pinagmamasdan ang alaga, malamlam ang mga mata nito at tila palaging may malalim na iniisip. Wala naman siyang magawa upang tulungan ito. Kung kaya lang niyang pawiin ang kalungkutan sa mga mata nito kahit kunti ay matagal na niyang ginawa.

May mga taong inaakala nating nasa kanya na ang lahat ngunit kung bubuksan lang natin ang ating mga mata, makikita natin ang kawalan na kanilang nadarama.

Pagdating ni Kyle sa venue ay kakaunti pa lamang ang mga sasakyan kaya mabilis niyang naiparada ang menamaneho niyang 2015 model ng Aston Martin Vanguish. Pagbaba niya sa kotse ay napatingin siya sa isang pamilyar na mukha at napangiti.

Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Gumanti din siya nang yakap dito habang tinapik-tapik ang likod nito bago kumalas.

"I'm glad you're here." masayang wika ng isang matandang ginang, bakas parin sa mukha nito ang angking ganda noong kabataan nito. Ito ay walang iba kundi ang dating Principal ng Collins high, si Mrs. Alicia Buenaventura.

Nginitian niya ito.

"Kamusta na si Crisanto?" tanong nito, ang tinutukoy ay ang ama niya. Naglalakad na sila ngayon papasok ng pavilion habang may isang pares ng mata ang kanina pa kumukurap-kurap habang pinagmamasdan sila. Si Jasmin.

Namula ang mukha nito sa hiya, mabuti na lang hindi ito ngumiti kanina bilang tugon sa ngiti ni Kyle. Akala kasi nito na ito ang nginitian niya at laking pasalamat nito nang makita sa peripheral view nito si Mrs. Buenaventura na papalapit sa kanya. Kaagad nitong hinarap si Tess at nagkunwaring kinausap ito habang hindi siya nakatingin.

"He's okay...i guess." sagot ni Kyle dito. Halos dalawang taon na din niyang hindi nakikita ni nakakausap ang ama niya at wala siyang balita tungkol dito. Magmula nang mamayapa si Dr. Nica ay mas lalo pa nitong isinubsob ang sarili sa trabaho. May pagkakataong hindi niya maintindihan ang kanyang ama, marahil ito ang paraan nito sa pagluluksa sa pumanaw na asawa.

"I haven't seen him for a while. Maging ikaw, hindi ka na dumalaw sa bahay." banaag sa boses nito ang lungkot.

Tinapik niya ang balikat nito. "I will visit tomorrow, auntie." binigyan niya ito ng isang ngiting may katiyakan.

"Good evening ladies and gentlemen! I would like to personally thanks each and every one for making this wonderful grand alumni homecoming a success! Without further ado, I hereby welcome the Batch 2006!" wika ng kanilang emcee na si Alonzo Cruz ang dating classroom president nila.

"Before we will start the program, I would like to call miss-I mean madam Tess Madrigal for the National Anthem." anito at in-emphasize pa ang salitang madam. Dumagundong ang palakpakan habang umaakyak si Tess patungo sa stage.

Nagsimulang tumugtog ang orchestra na nasa gilid ng stage kasabay ng paglagay nila ng kanang kamay sa bandang puso nila. Pagkatapos ng mahabang intro ay umalingawngaw ang napakagandang boses ni Tess sa malawak na convention hall.

"....Ang mamatay ng dahil sa'yo." pagkatapos ng pag-awit ng national anthem ay sumunod naman ang prayer na pinangunahan ng dating Vice President na si Ariane Santos.

"I would like to acknowledge the presence of our ever dearest principal, Mrs. Alicia Buenaventura! A round of applause please." dumagundong ang palakpakan sa loob ng malaking convention hall nang tawagin ni Alonzo ang kanilang pinakamamahal na principal.

Umakyat sa stage si Mrs. Buenaventura at kumaway pa sa kanila. Parang hindi man lang ito tumanda at nakasuot pa ito ng high heels.

"Good evening everyone!" magiliw na bati ni madam principal. Sumagot naman sila.

"Op, hindi pa tapos ang surprise namin!" wika ni Alonzo.

"Hubby, single muna ako ngayon ah." wika ng babaeng emcee na tumabi sa kanya, walang iba kundi ang asawa niya na kaklase din nila nung highschool, si Mrs. Evytte Cruz.

"Sige, pagbibigyan kita." nangingiting sagot ni Alonzo at kumindat pa.

Kinilig naman ang mga dating kaklase nila na nanunuod sa kanila.

"Kung hindi dahil sa susunod nating guest, hindi magiging exciting ang mathematics class natin!" napahiyaw ang mga kababaehan sa sinabi ni Evytte.

"Anyway, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa. Let us all welcome our heartthrob teacher, ang mala-adonis na si Mr. Tolentino!" ulit ay dumagundong ang palakpakan sa loob ng convention hall. Nabuhay ang dugo ng mga kababaehan lalo na sa mga hindi pa nakapag-asawa.

Kahawig ni Mr. Tolentino ang reknowned actor na si Mr. Ian Veneracion. Sino kayang babae ang hindi manlalambot ang mga tuhod kapag tinititigan niya at nginingitian? Aber?

Pagkatapos ng introduction ng emcee ay umakyat sa stage ang isang batang lalaki na abot-tenga ang ngiti. May biloy ito sa magkabilang pisngi.

"Ay, ang cute!" hiyawan ng audience. Nilapitan naman ni Evytte ang bata at pinisil ang pisngi nito.

"Pwedeng akin ka na lang baby boy!" kinilig na wika ni Evytte. Lumiit naman ang mga mata ng bata sa sinabi niya na nagdulot ng malakas na tili ng mga kababaehan sa ibaba ng stage.

"Baby boy, may kuya ka ba?" kinikilig na tanong ulit ni Evytte, napatikhim naman si Alonzo habang ang batang lalaki ay inilibot nito ang paningin sa likuran.

Sinundan din nila ng tingin ang tinatanaw ng bata at napasinghap sila nang makita si Mr. Bryan Tolentino na may inaakbayan na binatilyo na kasing-tangkad din nito.

"Oh!" napasinghap sila sa dalawang gwapong nakatayo sa gilid ng stage. Kaagad namang kumaway sa kanila si Mr. Tolentino at naglakad papuntang stage kasama ang gwapong anak nito.

"Sir! Sir!!" tili ng mga kababaehan sa harap ng stage. Umakyat naman si sir Tolentino kasama ang binatang inaakbayan nito.

"Good evening students!" lumiit ang mga mata ni sir habang nakangiti sa kanila. Lalo tuloy naghiyawan ang mga kababaehan. Nakasuot ito ng checkered grey three piece suit na lalong nagpatingkad sa kagwapohan at kakisigan nito.

"Sir naman. Graduate na kami." sagot naman nila.

"Sir, pwede favor?" tanong pa ng isang babae sa harap, siya iyong palaging kinukulit si Mr. Tolentino sa klase.

"Ano yon?" nakangiting tugon ni sir.

"Pwede ba malaman name ng mga anak mo sir?"

"My eldest is Brent and my youngest is Basty."

"Ang cute ni Basty!" hiyawan nila na pinangunahan ng emcee. Kinurot pa nito ang pisngi ni baby boy Basty.

"Sir, baka may chance pa kami kay Brent." biro ng isa sa mga babaeng nasa harap ng stage.

"My eldest is 17 years young---" napa 'ow' naman silang bigla. "---er than you." pagtutuloy ni sir nang may nakakalokang ngiti sa mga labi.

Napa-'Ahhh' naman sila pagkatapos.

"Oy, ang tangkad nya sir!" komento ng karamihan.

"Yes. Just like her mom." at ginulo nito ang buhok ng anak.

"How sweet." kinikilig sila na pinagmamasdan ang mag-ama.

Pagkatapos ng kamustahan ay nagsimula na ang performance.  Lalo silang kinilig dahil may surprise performance din si Brent Tolentino sa kanila.

"Let us all welcome Mr. Brent Tolentino!" dumagundong ulit ang masigabong palakpakan.

Biglang namatay yung ilaw sa stage, pagkatapos ng limang segundo ay bumalik ulit ang ilaw kasabay ng kanilang hiyawan at palakpakan nang matunghayan ang napaka-gwapong binata sa itaas ng stage habang bitbit ang violin nito.

"Once again, a round of applause to Mr. Brent Tolentino!"

Nagsimulang tumugtog si Brent, kasabay niya ang pag-indak ng mga panauhin sa ibaba ng stage. Tinugtog niya ang 'smooth criminal' na sobrang husay habang ang mga panauhin ay tumitili ng walang humpay. Kasabay ng pagtugtog niya ay ang pag-indayog ng kanyang malambot na katawan. Nakapako ang lahat ng paningin sa kanya, may iilan na nakanganga pa.

Pagkatapos ng performance ni Brent ay sumunod na nagperform ang mga dating dancers ng campus, may inihanda silang interpretative dance na nagdulot ng matinding hiyawan. Ang iba din ay hindi nagpa-awat, may mga kumanta at sumayaw pa ng mga latest dance moves nila. Oha! Naka-flanax ata sila!

Napuno ng tawanan at hiyawan ang convention hall ng mga dating kamag-aral habang nagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa nakaraan.

Hindi rin inaasahan ni Jasmin na lapitan siya ng ilan sa mga dating kaklase nila at makipag-kwentuhan.

"Hey! Hey! Hey!" mabilis na lumakad si Gervis patungo sa table ng barkada.

Kaagad silang napatigil sa kwentuhan at napalingon dito. Simula sa kaliwa ay naka-upo ang magkapatid na Cedric at Zach, sumunod ay ang mag-asawang sina Dustin at Elle at ang dalawang beauty queen na sina Desiree at Katrina Marie at ang panghuli ay si Kyle.

"Guys, look around!" naaliw nitong sabi. Lumingon naman sila sa paligid.

"OMG!" halos lumuwa ang mga mata ni Elle sa nakita. Napatakip siya sa bibig at dahan-dahang lumingon kay Katrina at sa dress na suot nito.

Hindi umimik si Katrina bagkus kinuha nito ang wine glass at inubos ang laman niyon na namumula ang magkabilang pisngi.

"Do you want to get change?" mahinang tanong ni Desiree kay Katrina.

"Yes, accompany me." aniya at tumayo. Sa totoo lang, ayaw niyang ikumpara sa ibang babae lalo na sa katulad ni Jasmin na mababa ang status.

Katrina Marie was born with a silver spoon in her mouth. Her family managed the entertainment industry for more than two decades now. She graduated in business but turned to be a model dahil narin sa udyok ng kanyang ina na isang sikat na modelo din.

Tumayo din si Elle pagkatapos magpaalam kay Dustin at sumunod sa dalawang babae.

"Stalker ka ba?" pabulong na tanong ni Tess kay Jasmin, nangingiti itong tinignan ang kabuoan niya.

"Hm?" naguguluhang tanong ni Jasmin habang ang paningin ay nakatuon sa mga nagsisayawan sa dance floor.

"I knew, idol mo si Katrina pero super galing mo naman beh." kumislap ang liwanag sa mga mata nito nang sinabi iyon.

Kumunot ang noo niya sa narinig habang nagtatanong ang mga matang tinitigan ito. Ngumiti si Tess ng makahulugan at tumingin sa di kalayuan. Kaagad niyang sinundan ang tingin nito at bigla nalang siyang napatawa. Hindi niya alam kung matutuwa ba talaga siya o magagalit ngunit hindi parin siya makapaniwala sa nangyayari.

"Siya ba ang nawawala mong kakambal?" natatawang tanong ni Tess, nabasa kaagad nito ang iniisip niya.

Katrina Marie and Jasmin simply wore the same dress and the same color and it was so fascinating to watch!

"Hindi ko pala naikwento sa'yo, may surprise dance performance kami mamaya." natatawa niyang wika.

"Magtatampo na ako niyan." inirapan siya ni Tess.

"Wee, di nga!" naaliw naman siya sa reaksyon nito.

"Akala ko ba, ako yung bestfriend mo?" nag-pout pa ito.

"Haha. Palagi mo kasi akong binubully. Weee."

"Ah, bully pala!" anito at binatukan siya. Gumanti din siya ng batok dito at nagtawanan sila.

Anyway, will it be more fascinating when they would know what was Katrina thinking at this moment?

Katrina is extremely beautiful but to her surprise ay wala na masyadong pumupuri sa kanya, people were used to her beauty. Hindi naman siya nakakasawa but people are more interested in there new found beauty this time. Si Jasmin.

"Jasmin, right?" napalingon ang magkaibigan sa baritonong boses sa kanilang likuran. He was wearing a well-fitted black suit but his dazzling smile blinded their eyes temporarily.

"Oh, it's Vince!" kaagad itong nakilala ni Tess. She then initiated a handshake.

"Hi Tess, nice to meet you!" hindi napalis ang matamis na ngiti nito na parang naka plaster na ang mga labi sa pisngi.

"Nice to meet you too, Engineer Vince!" ani Tess at lumingon kay Jasmin.

Hindi alam ni Jasmin kung ano ang sasabihin, nais sana niyang makisali sa kwentuhan ng dalawa ngunit hindi talaga niya maalala si Vince. Sobrang gwapo kasi nito at sa pagkakatanda niya, si Kyle lang nag-iisang gwapo sa batch nila. Oha? Nakakabulag talaga ang pag-ibig!

"By the way, I've seen the article few weeks ago. Congratulations! Itinayo mo ang bandera ng mga Civil Engineers." Tess smiled sincerely.

Mas lalong tumingkad ang ngiti ni Vince bilang tugon.

Ang tinutukoy ni Tess ay ang article tungkol sa tidiest and fastest roadworks in Philippine History kung saan pinamamahalaan ni Engineer Vince Modesto. "I simply make sure that no one is slacking off at work. For me, time is precious that I couldn't afford to waste." pahayag ni Vince sa article.

"Thank you Tess."

"C-congratulations." at last nahanap na rin ni Jasmin ang sasabihin.

"Thank you, Jasmin." humarap si Vince sa kanya, kumikinang ang mga mata. "By the way, I'm a fan of yours." anito at iniunat ang kamay, gesturing for a handshake.

Tinanggap naman niya iyon habang nagtatanong ang mga mata.

"I've read your blog posts. It inspires me, really." animo'y musika sa pandinig niya ang boses nito na nagpataba sa kanyang puso. 'Hano daw? Inspire? Saan banda kaya ito na-inspire?' Kinakabahan siya sa sinabi nito. Maliban kasi sa mga reviews na sinulat niya tungkol sa hotels, restaurants at mga tourist attractions na napuntahan niya ay tungkol sa personal life and experiences lang naman niya ang nakasulat sa blog posts. Wait! Baka nabasa nito ang post niya tungkol sa pagiging NBSB niya? Shocks! Wahhh!  Ibig sabihin, inspired ito nang malaman na single siya and never been kissed, never been touched? Wehhhhh.

'Assuming ka na naman Jasmin! Nag-assume ka na dati na may gusto sa'yo si Kyle dahil sa dinami-dami ng babae sa classroom eh ikaw ang napili niyang i-date sa prom, at ano ang napala mo edi nganga! After ng prom, kinontak ka ba niya? Aber?' saway niya sa sarili. Tila kinuyumos ang kanyang puso nang maalala ang nangyari thirteen years ago. 'At baka nakakalimutan mong, si Kyle ang first kiss mo? Kaya hwag mong ipagyayabang na virgin pa yang lips mo!' bigla naman siyang napahawak sa lips habang naka-pout.

Napakurap-kurap siya at kaagad binawi ang ang kanang kamay na kanina pa hawak ni Vince. Nakaramdam siya ng sandaling pamumula sa kanyang pisngi.

"Thank you." simpleng tugon niya habang nakatingin sa gilid nito.

"I am the one to thank you. I really appreciate your appearance today. Lately, I've been wondering on how to meet you in person but I think today is my lucky day." malumanay na wika nito habang siya ay hindi makatingin ng deretso.

Wala siyang alam sa background ni Vince, hindi kasi sila close nung high school, actually si Tess lang talaga ang masasabi niyang kaibigan.

"Do you want to celebrate your lucky day with us?" Tess joined the conversation.

"Very much." anito at kumuha ng wineglass sa dumaan na waiter.

"Cheers." isa-isang itinaas nila ang wine glass bago inubos ang laman niyon.

Katrina had changed her dress afterwards and was almost done retouching her make-up when suddenly her phone rang.

"He's calling." Desiree gestured while holding Katrina's phone. Kaagad silang tumahimik. She glanced at her phone, Cedric's name was registered on the screen. She then looked back at the mirror, a radiant smile was painted on her face.

She felt victory was on her way.

She swiped on the screen to answer the call then took out the headset in her purse and plugged it to the phone.

She placed the earpad to her left ear while Desiree got the other one to her ear.

"Good!" it was Cedric's voice.

"I will wager my Lamborghini Veneno Coupe."Cedric's voice sounded calmly. Desiree glanced at Katrina with wide eyes.

"What's the bet?" the four men asked in unison.

"Name your number first." Cedric instructed.

"One." Kyle's voice resounded. Katrina then took note of that.

"Two!" Zach shouted.

"Three?" Gervis answered last.

"Vince has a good taste." boses iyon ni Tess. Napaangat ng tingin ang tatlong babae nang may biglang pumasok sa ladies room.

Katrina narrowed her eyes.

"Hi Miss Katrina!" Jasmin smiled upon noticing her idol, her eyes sparkling.

Katrina curved her lips automatically, after all she was clear minded; Jasmin is not that someone who can messed up on her plans for Kyle.

"It's Jasmin, right?" Katrina responded.

"Oh!" Jasmin looked at Tess, asking for a confirmation that she was not dreaming. Tess winked.

"I didn't know miss Katrina knows my name." nahihiya niyang tugon. "I am your number 1 fan." Desiree and Elle looked at her in surprise.

"By the way, I'm Tess. I hope you remembered me." Tess smiled and gestured for a handshake. Katrina accepted it with a smile.

Suddenly, Jasmin's phone ring. "Excuse me, I need to take this call." agad siyang tumalikod at dagling lumabas.

"WAIT!" the three girls shouted dramatically but to their surprise Jasmin continue walking out not bothering to turn her head.

Katrina tried to chase her but she was too late. She clenched her fists, her eyes were red. She wanted to shout but she didn't want to make a scene. She value her status too much to break her heart.

"Katrina, we're sorry." Desiree comforted her, her voice broken.

"OMO!" Elle exclaimed in Korean language. She's actually a kdrama addict and a kpop fan. "Diba si Jasmin yung sa JS Prom?" she reminded them.

"DAEBAK! Is this really a coincidence?" hindi makapaniwalang wika ni Elle. "Katrina, don't you think you are playing cupid for the two?"

"Elle!" Desiree shouted. Elle suddenly realized what she had said was wrong.

"I'm sorry." she covered her mouth.

"Don't you think I've waited for him for twenty years because I am cupid?" she wanted to tear Elle in pieces, her looks piercing.

"I'm s-sorry." Elle lowered her head.

Katrina turned around and walked out. Desiree followed her and also Elle.

The girls have forgotten, someone was watching behind them with amusement and curiousity gleaming on her eyes.

Nakaramadan si Jasmin na may mga matang nagmamasid sa kanya, nanayo ang kanyang mga balahiba sa batok, sa pisngi at maging sa kanyang mga braso. Napahaplos siya sa batok habang inilibot niya ang paningin sa paligid. "Okay mam, thank you and goodnight." paalam niya sa kausap sa kabilang linya.

Biglang umihip ng  marahan ang hangin. Nasa may garden siya ngayon sa harap ng mini pond. Nakita niya ang iilang kaklase na nakatayo sa di kalayuan habang masayang nag-uusap. Sinuyod niya ang paningin sa mga tao sa paligid hanggang sa dumapo ang kanyang mga mata sa isang nilalang.

He is the tallest among the guys and has a wide and muscular shoulders. More importantly, he has this noble aura that no one can imitate.

He tilted his head on his left, revealing a perfect silhouette of his half face.

Her breathing halted as her world suddenly stopped. She find herself once again drowning with her endless desire of having a glimpse of this man who captured her frail heart. Kyle.

~~ chapter epilogue ~~

(Year 2002)

"Sino yan?"

"Oh my God! Mga artista ba sila?"

"Artista? Saan?"

"Ayun oh!"

"Wow! Ang gugwapo at sobrang tangkad nila!"

"Ang gaganda din ng mga kasama nila! OMAYGHAD!"

Napuno nang hiyawan ang buong Collins High nang matanaw ang walong grupo ng mga kabataan na naglalakad sa hallway patungong principal's office. Third day of school at nawingdang ang lahat nang may mga nag-gagandahan at nag-gugwapuhang nilalang ang bumisita sa campus nila. Bisita lang ba talaga? Bakit naka school uniform sila. Oh my goodnesssss!

"Shocks! Alam nyo ba ang nasagap kong balita? Hindi kayo maniniwala." tumatakbong lumapit sa kanila si Evytte, ang kaklase nilang ala-newscaster sa talent nitong mabalis makasagap ng tsismis.

Nagkumpulan naman silang nilapitan ito. "Actually may good news and bad news ako. Ano ba gusto nyo mauna?" tanong nito.

"Good news muna." sagot naman nila.

"Guyz, maniwala kayo o sa hindi, ang mga artistang nakita natin kanina ay totoong enrolled sa school at katulad natin, first year din sila! Yehey!" pumalakpak pa ito pagkasabi niyon. "Sila pala ang tinatawag na Gliterrati guyz at super yaman nila! To the highest level." maarteng wika nito. Marami ang napapalakpak at nasiyahan sa balita ni Evytte. Sino ba naman ang hindi matutuwa na magkaroon ng nagugwapuhan at nagagandahang kaklase? Aber?

"Eh, ano naman ang bad news?" tanong ng isang kaklase nila. Bigla namang nanlumo si Evette, kaagad lumongkot ang mukha nito.

"Ang bad news ay....hindi natin sila kaklase."

"Ano?" halos mabingi si Evytte sa sigaw nila. Nagmamaktol namang bumalik sa upuan ang mga kaklase nito.

"Kaya guys, challenge sa atin ito. Magsikap tayong lahat na makakuha ng mataas na grade upang malipat tayo sa section 1." panghihimok ni Evytte sa kanila.

Sa pinakadulo na armchair ay kung saan nakaupo si Jasmin. Nakatingin siya sa labas habang inaalala ang isa sa mga lalaking kasapi sa grupong Gliteratti. Siya ang pinakamatangkad sa lahat. First time niyang nakakita ng ganun kagwapo kaya hindi niya mapigilan ang pamumula ng pisngi at dala-dala niya iyon hanggang sa kanyang pag-uwi.

Ang Collins High ay tanyag sa pagiging mahigpit. Limited lang ang tinatanggap na students nila taon-taon, each year level ay may dalawang section, ang star section o section 1 at ang fighter section o section 2. Bawat section ay may twenty-five students at bawat taon ay ini-evaluate ang mga students, kung karapat-dapat ba silang ma-promote sa star section or ma-remain sa fighter section at kung may ma-promote man sa star section, may mga galing sa star section din ang made-demote.

Maraming bawal sa campus. Una, bawal ang late; may penalty ito, dalawang oras na nakatayo sa tapat ng flagpole sa ilalim ng init ng araw.  Pangalawa, bawal ang cutting classes; pag nahuhuli ay pinagpapalinis sa lahat ng c.r. buong araw. Pangatlo at panghuli, bawal ang bully; automatic expelled sa collins high.

➡️➡️➡️➡️☝️☝️☝️

[1] Bible Verse: https://www.google.com.ph/amp/s/www.bible.com/tl/bible/1264/PRO.14.13.ASND