webnovel

CHAPTER 1

13 Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.

Juan 15:13

Magandang Balita Biblia (MBBTAG) [1]

----

"INSPIRATION! ALL YOU NEED IS AN INSPIRATION!" umaawra na wika ni Tess Madrigal. It seems like there were streaks of light from heaven surrounding her. Nakatingala siya sa langit at nakataas ang dalawang kamay na kagaya ng ginawa ni Nora Aunor noong sinambit niya ang mga katagang 'Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao!'

Matiim na tiningnan ni Jasmin ang bestfriend niya na lukaret at number one bully in friendship history! At tila may sariling isip ang kamay niya at biglang dinukot ang stuff toy sa ibabaw ng mesa at tinapon iyon sa mukha ni Tess bago niya hinayaang bumagsak ang ulo sa ibabaw ng mesa. Bahagyang nalaglag ang eyeglasses na suot niya patungo sa tungki ng kanyang maliit na ilong bago siya pumikit.

"Hey!" napahaplos ito sa mukha bago kinuha ang stuffed toy at binalik ulit sa mesa.

Hindi lang pangarap ni Jasmin B. Flores ang maging isang romance writer kundi para itong parte ng pagkatao niya na hindi niya mabuo-buo. Nagdadalamhati ang puso niya. She freakingly wanted to finish her story na noong high school pa niya sinimulan. That time, narealize niya sa kanyang sarili na isa pala siyang romantikong dyosa na nasa katauhan ng isang simpleng nerd ngunit sa tuwing nalalapit na siya sa climax ng story na kaniyang sinusulat ay nagkakaroon siya ng writer's block at hindi na niya matapos-tapos ang ginagawa. Ang mga sinusulat niya ay hindi basta-basta kwento na kagaya ng isang prinsesa na naghahanap ng prinsipe nito, ito ay kwento niya mismo, kwento ng buhay niya. Sa pamamagitan nito ay magagawa niyang i-express ang kaniyang totoong nararamdaman sa kataohan ng mga fictional characters kung saan naglalarawan sa tunay niyang pagkatao. Sa ganitong paraan, masasabi niya sa mga tao na siya ay may ginintuang puso, mapagmahal at masarap mahalin.

Inaamin niya, hindi siya kagandahan. Oo maputi siya, balingkinitan ang hugis ng kanyang katawan, hindi siya sinwerte sa tangkad bagaman umabot naman siya ng limang talampakan ang taas, sabi nila may 'doe eyes' siya na katulad ng mga mata ni Sue Ramirez at kaakit-akit daw iyon para sa isang babae. Maliban doon ay maliit lang ang kanyang ilong at maninipis ang kanyang mga labi. Kahit ganun, in her 29 years of existence ay hindi pa siya nagkaroon ng nobyo. Nakapag-asawa nalang ang bestfriend niya ngunit siya ay nag-iisa pa din.

She felt useless.

Her existence was useless

and...

it was helpless.

"Don't worry, tomorrow would be the day! I have this vibes that tomorrow, you will meet your soulmate! The one that the heaven prepared for you!" Tess consoled her, kumindat-kindat pa ito para matawa lamang siya.

Hindi niya pinansin ito sa halip ay isinarado niya ang laptop kung saan naka save ang lahat ng mga manuscript na sinimulan niyang isulat mula pa noong high school pa sila.

Kinuha niya ang magazine na nasa mesa niya. GLITTERATI ROYALE. Isa itong sikat na elite magazine kung saan nakalathala ang mga articles tungkol sa sikat na personalidad dito sa Pilipinas.

Hindi siya mahilig magkolekta nang magazine ngunit nang makita niya sa front cover ang mukha ni Dr. Kyle V. Tan, M.D. ay walang pag-aalinlangang binili niya iyon.

Maraming nag-uunahan na makakuha ng kopya niyon at maswerte siya nang maabutan ang kahuli-hulihang kopya sa magazine stand.

Marinig pa lang niya ang pangalang Kyle ay dumadagundong na kaagad ang kanyang dibdib sa kaba na tila sirang barko na umaalboroto. Hindi siya nakakapag-isip ng maayos sa tuwing dumaraan ito sa hallway ng campus nila dati kasama ang grupong Glitterati sa kanilang harapan.

Ang grupong Glitterati ay nagsimula noong unang taon pa lang nila sa Collins High at pinamumunuan ito ni Katrina Marie Cristobal, ang prinsesa ng entairtainment industry at nag-iisang anak ng may-ari ng KING ENTERTAINMENT at KING NETWORK.

Ang kanang kamay naman nito ay si Cedric Villafor, panganay na anak ng may-ari ng sikat na fastfood chains sa buong Asya kung saan may mahigit sa dalawang libong branches na. Kabilang sa grupo ay sina Gervis Daniel, half Filipino half Irish, tinaguriang cassanova ng campus at may misteryosong pagkatao, si Zach Esguirre ang half brother ni Cedric na anak ng may-ari ng Esguirre Hotel and Casino, si Kyle Tan ang prince charming at ang nag-iisang tagapagmana ng Tan Group, si Dustin Johnson ay ang panganay na anak ng isang betaranang aktress samantalang ang ama nito ay nananatiling isang misteryo, si Desiree Menchaves panganay na anak ng isang business tycoon at si Elle Salazar bunsong anak ng isang politiko.

Sa tuwing dumadaan ang grupo nila ay kusang napapatigil ang lahat sa paglalakad at napapatingin sa kanila na tila mga diyos at diyosang bumaba sa lupa. Kung may salitang kayang higitan ang salitang PERPEKTO ay maaari mong gamitin upang ilawaran ang mga katulad nila.

Si Kyle V. Tan ang first niya, first crush, first love at....

first kiss niya..

Paano nangyari iyon?

Ganito kasi iyon, inalok siya ni Kyle na magiging prom date nito. Sa dinami-rami ng babae sa 4th year high ay siya pa ang napili nitong maging date. That was her unforgettable date ever. Actually, that was her first and last date dahil wala naman siyang naging nobyo noong high school until now.

Everytime na maaalala niya ang mga panahong iyon ay hindi parin niya makakalimutan ang kakaibang sensasyong kanyang nararamdaman.

==

"Maniwala ka man o hindi, ikaw 'yan!" kinumbinsi ni Jasmin ang sarili sa harap ng salamin. Abot-tenga ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang kabuuan sa harap ng full length mirror.

"Ang ganda ko!" hawak ng dalawang palad niya ang namumulang pisngi, halos hindi siya makapaniwala sa pagbabago ng kanyang anyo na taliwas sa nakagisnan niya.

Ang dating nerdy princess ng Collins High ay isa nang millennial princess ng blogger society.

Tama lang talaga ang naging desisyon niya na magpagupit ng buhok at pina-curl niya ang dulo niyon. Maliban duon ay nagpakulay din siya; chestnut brown, na lalong nagpatingkad sa kanyang kutis. Pinalitan din niya ng contact lens ang nakagisnan niyang makakapal na salamin.

"Thank you!" kumikinang ang mga mata niyang hinarap ang make-up artist at hair specialist na inerekomenda ng bff niyang si Tess. Sinadya pa talaga siya nito sa bahay nila upang i-home service dahil timing na wala itong duty sa salon na pinagtatrabahuan nito.

"Bunso, ikaw ba 'yan?" napalingon siya, noon lang niya napansin ang mga kuya niyang nakatayo sa may pintuan ng kwarto niya. Nandoon din ang mama at papa niya.

Siya ang pinakabunso sa limang magkakapatid, babae ang panganay nila at tatlong lalaki naman ang sumunod na over-protective sa kanya. Limang taon naman ang agwat niya sa bunsong lalaki ng pamilya o ng kuya niyang si Joven.

Pawang may pamilya na ang kanyang mga kapatid na nakatira sa iisang compound. Iyon kasi ang gusto ng mga magulang nila, kahit na may kani-kaniyang pamilya na sila ay hindi parib sila magkakahiwalay.

At bilang bunsong anak ay may nakalaan na rin siyang bakanteng lote upang kung mapagdesisyunan na niyang mag-asawa ay doon din siya magpapatayo ng sariling bahay.

"Maganda ba?" nangingiti niyang tanong sa mga ito. Nakasuot siya ng kulay pula na one shoulder midi dress na pinaresan niya ng 5 inches stiletto heels.

Sa totoo lang, hindi siya sanay sa stiletto ngunit determinado siya na ito na talaga ang isusuot niya sa Alumni Homecoming.

Mahigit dalawang linggo din niyang pinagpractisan ang paglalakad sa stiletto at maging ang pag-aura sa harap ng salamin sa loob ng kwarto niya.

"Siyempre, saan ka ba naman nagmana?" magkasabay pa na balik-tanong ng tatlong kuya niya, halatang iisa lang talaga ang pag-iisip nila.

"Maswerte kayo dahil nagmana kayo sa'kin!" humalukipkip si Tito Romy, ang ama ni Jasmin.

"Yeah! Yeah! Ikaw na ang pinaka-gwapo!" napakamot sa batok si Jerome, ang panganay nila.

Pagkatapos ng isa pang lingon sa salamin ay bumaba na sila sa sala.

Nagpa-alam narin ang make-up artist na maunang umalis.

"Beep! Beep!" napalingon sila sa busina ng sasakyan sa labas ng gate nila.

"Nandito na po si Tess." aniya. "Ma, Pa alis na po ako." paalam niya at humalik sa pisngi ng mga ito.

"Mag-iingat ka bunso." hinawakan ni tita Gina ang kanang balikat niya. Pilit siyan napangiti, sa edad kasi niyang 29 ay bunso parin ang tawag ng mga ito sa kanya.

"Ingat po kayo tita bunso! Enjoy!" sabat ng pinakapanganay sa kanyang mga pamangkin. Nandito sila ngayon sa bahay ng mga magulang niya upang maki-wifi dahil malakas ang signal dito at maluwag din ang salas. Sila rin lang kasi ang mayroong internet connection dahil ayaw ng mga kapatid niya na magpa-connect upang makaiwas sa gastos at ma-control ang pagkahumaling ng mga anak nito sa internet ngunit tila wala namang epekto iyon. Tumatakas parin ang mga ito upang maki-wifi, bata pa lang kasi ay sinanay na sa cellphone.

Gaya ng karaniwang pamilya, dahil siya ang bunso, siya ang palaging nilalapitan at pinakikiusapan ng mga kapatid niya upang bantayan ang kanyang mga pamangkin kaya super close ng mga ito sa kanya.

"Tita bunso, pahiram ng cellphone!" kumikinang ang mga mata ni Alexa; ang 3 year old na pamangkin niya, habang nakikiusap.

"Sorry Lexy, gagamitin kasi ni tita." nag-pout naman ito sabay halukipkip. Napabuntong-hininga naman siya habang pinagmamasdan ang nagta-tantrums na pamangkin. Nilapitan niya ito at hinimas-himas ang buhok.

"No!" sigaw nito sabay irap sa kanya. "Leave me alone!" dagdag pa nito. Shocks! Kung wala lang dito ang ama ni Lexy, kanina pa niya piningot ang ilong nito. Kairita! Nang dahil sa cellphone at internet, ang mga batang walang muwang at paglalaro sana ng barbie doll ang inaatupag ay naging irritable at warfreak na.

"Mga kuya, alis na po ako!" paalam niya sa mga kapatid nang bumusina ulit ang sasakyan ni Tess.

"Geh, pasalubong ah!" biro ng pangalawa niyang kuya, si Jerwin.

"Sige bah, buto!" biro niya. "By the way," hinarap niya ang ina na kanina pa nakatunghay sa maganda niyang anak. "Ma, pakipatay po ng wifi." maawtoridad na wika niya bago tumalikod. Umalingawngaw ang boses niya sa buong salas na nagpa-angat sa ulo ng kanyang mga 'mababait' na pamangkin. Tiningnan niya ang mga ito sa gilid ng kanyang mga mata at napaismid. 'Tingnan lang natin kung sino ang masusunod, ako kaya ang nagbabayad ng bills.' saisip niya.

Napa-iling-iling na lamang siya habang iwinawaglit sa isipan ang mga pasaway na pamangkin. Iba na talaga ugali ng mga kabataan ngayon, laking pasalamat niya at lumaki siyang hindi pa na-uso ang internet. At proud siya sa kanyang kabataan kahit hindi pa magarbo ang tiknolohiya noon, yung hindi pa na-uso ang mga katagang 'One call away or one txt away'. Mas nararamdaman din niya ang kasipagan at effort ng mga tao noon.

"Oh-la-lam!" hiyaw ng lokaret niyang bestfriend na si Tess pagkapasok niya sa kotse nito.

Kumindat siya bilang tugon. Sinipat din niya ito ng tingin. Nakasuot ito ng silver gown na lampas tuhod ang haba. Ang liit-liit pa ng bewang nito, hindi halatang dinaanan ng anak.

"You mesmerized me!" anito at pinaharurot ng takbo ang kotse.

"Talbog na ba kita?" patuksong tanong niya.

Sinuyod ulit nito ng tingin ang kabuoan niya.

"Hmm...not bad. Pero wala ka parin sa kalingkingan ko." anito at tumawa ala-bruha

Umismid siya. "Ayaw mo talagang patalo. Hmp!" aniya at humalukipkip. Nagpupuyos na ngayon ang dibdib niya. Bakit ganun, kahit alam niyang joke lang iyon ni Tess ay hindi parin niya mapigilang masaktan. Matagal na niyang kilala ang bibig ng kaibigan niya. Taklesa ito at insensitive pa, may choice naman siya, pwede naman niyang iwasan ito at hindi pansinin. Ngunit parang kapatid na rin kasi ang turing niya dito kahit nasasaktan siya, tinitiis niya.

Narinig niya ang malulutong na tawa ng lokaret niyang kaibigan. Bully talaga ito kahit kelan.

"Siya sige, pagbibigyan na kita pero hanggang hating-gabi lang ah!"

Sinipat niya ito ng tingin. Bakas sa mukha nito na subrang aliw sa kanya. Bruha talaga ito, noh?

Ano siya, si Cinderella? Hanggang hating-gabi lang ang drama?

Upang mawala ang inis niya ay itinuon na lamang niya ang tingin sa daan.

Simula nung nasa daycare center ay BBF a.k.a. Best Bully Friend na talaga niya si Tess. Magkaklase din sila sa elementary at high school kaya lalong tumibay ang kanilang pagkakaibigan, maliban nalang nung college; mass communication kasi ang kinuha niyang course habang HRM naman ito.

Nag-iisang anak si Tess sa mag-asawang Madrigal. Captain pilot ang father niya habang high school teacher naman ang mother niya. Maliban doon, dean ang lola niya sa HRM department ng isang sikat na university.

Tess Madrigal is a total spoiled brat; what Tess wants, Tess gets

...including Jasmin.

Maliit kasi si Jasmin at payatot pa kaya madali niya itong i-bully.

Tess grow up into a beautiful lady but wala siyang balak na sumali sa pageants. She wanted to live a simple life with her long-time boyfriend, Martin Lopez. Nakaplano na ang magiging buhay niya. Dalawang araw ang nakalipas pagkatapos ng college graduation niya ay sumunod naman ang engrandeng kasalan nila.

'Always a bridesmaid, but never been a bride', ito ang mga katagang tumatak sa kanyang isipan sa tuwing naglalakad sa aisle. Limang beses na siyang naging bridesmaid ng kasal; ang apat ay sa kanyang apat na mga kapatid at ang panlima ay sa BBF niyang si Tess.

Okay lang naman iyon sa kanya, proud nga siya kasi napili siyang bridesmaid ngunit ang masaklap lang at hindi niya matanggap-tanggap ay ang katotohanang never pa siyang nagka-lovelife.

For 29 years! Can you imagine that? Twenty-nine whole years??? No boyfriend since birth?

Really?

Oh, come on!!!

Hahah.

So sad...

But it is all true.

"Hey, we're here!" pukaw ni Tess sa kanya. Nakatulog na kasi siya habang nasa byahe nang hindi namalayan. Napapahid siya sa gilid ng kanyang mga labi sa takot na baka may laway na tumulo doon.

Natatawa naman si Tess habang pinapanood siya. "May muta ka." saway nito. Naalarma naman siya at kaagad tiningnan ang mata sa rear view mirror ng kotse.

"Wala naman eh." aniya at natatawang tinampal ang braso ni Tess.

Paglabas niya ng kotse ay may umagaw sa kanyang paningin. Kaagad na bumilis ang tibok ng kanyang puso habang hindi niya namalayan ang saglit na pagtigil ng kanyang hininga. Sumabay naman ang marahan na pag-ihip ng hangin. Napayakap siya sa sarili ng maramdaman ang kakaibang panlalamig ng kanyang katawan ngunit sa kabila niyon ay walang humpay parin ang pagdagundong ng kaba niya.

Dugdug dugdug

Napalingon ito sa gawi niya at ngumiti.

Si Dr. Kyle V. Tan....

~~ chapter epilogue ~~

(Year 1995)

"Walang sinuman sa inyo ang may karapatang paiyakin si Jasmin!" sigaw ng batang si Tess sa limang batang nambubully sa kaklase nito.

Napa-angat ng ulo ang umiiyak na si Jasmin, pinagbabato kasi siya ng mga batang kalye habang naglalaro siya sa park na mag-isa. Mabuti nalang at dumating si Tess.

Iniunat nito ang kanang kamay sa harapan niya habang matiim na tinititigan ang mga batang umaaway sa kanya.

Napatingin siya rito at sa palad nito na naghihintay sa pag-abot niya; puno ng paghanga. Sa pagkakataong iyon, nakaramdam ng pag-asa ang musmos niyang puso.

"Tabatchoy! Bleh!" panunukso ng batang kalye kay Tess.

"Sige ulitin mo pa! Gusto mo sigurong daganan kita!" matigas na wika nito sabay angat sa dalawang kamay na tila malaking oso na handang tumalon anumang oras.

"Isa!" pananakot nito.

"Dalawa!" biglang nanginig ang mga batang kalye sa sigaw nito.

"Tat-"

"TAKBO!"

Hindi na natapos ni Tess ang pagbibilang dahil bigla na lamang kumaripas ng takbo ang limang bata.

"Haha, ayaw n'yo palang madaganan nang-aaway pa kayo." naaaliw na wika nito habang tinatanaw ang tumatakbong mga bata palayo.

Humarap ito sa kanya at iniabot ang kamay. Kaagad niyang tinanggap iyon at dahan-dahan na tumayo.

"Wala silang karapatang mam-bully sa'yo," napaangat si Jasmin ng tinggin dito; kumikinang ang mga mata.

"...ako lang." patuloy nito at gumuhit ang nakakalokang ngiti sa mga labi ng batang si Tess.

...and from that day onwards, her little life was doomed!

(Year 2017)

"Si Katrina Marie Cristobal na isang beauty queen, eh hindi pa nga nag-asawa!" paalala niya sa nanunuksong si Tess, ang tinutukoy niya ay ang kaklase nila noong high school na founder ng grupong Gliteratti. Sobrang ganda ni Katrina at matalino pa, maliban doon ay may-ari ang pamilya nito ng isang tv network. Ngunit katulad niya ay hindi parin ito nag-aasawa kaya hindi niya mapigilang makampante sa pagkakaalam na may mga kapareha pa siyang single at hindi nagmamadaling makapag-asawa.

Nanonood sila ngayon ng Binibining Pilipinas sa kwarto ni Tess habang pinapapak ang isang bandehadong pancit canton.

"Hindi ka naman kasi beauty queen!" ani Tess at nilunok ng deretso ang isang baso ng Coke, diniin pa nito ang katagang 'beauty'.

Ibig sabihin ba nun eh hindi siya maganda?

Eh bakit nung elementary, nanalo siya sa miss UNO? Anong ibig sabihin nun, aber?

Pera-perahan lang ba talaga?

Eh, yung beauty pageant kaya?!

"Panget ba ako?" nanlulumo niyang tanong dito habang ngumunguya ng pancit canton.

"Hindi ka naman panget." mabilis na sagot ni Tess at kumuha ng tinidor at pinaikot-ikot iyon sa pansit canton.

"Pero bakit ganun?" kumuha din siya ng coke at tinungga ang bote niyon.

"Hindi ka lang talaga attractive. In short, boring." prangkang sagot nito, ni hindi man lang tumingin sa kanya. Bigla naman siyang nasamid sa ininom na Coke.

"Ang harsh mo!" hinampas niya ng unan ang mukha nito. "Bestfriend ba talaga kita?" hindi niya mapigilang mapahagulgol sa harapan nito. Kaagad naman itong lumapit sa kanya at hinimas-himas ang likod niya. Nakita naman niya ang sinseridad sa mukha nito at batid niyang nag-aalala ito sa kanya ngunit ang hindi lang niya matanggap-tanggap ay never pa ito humingi ng sorry sa mga pinaggagawa at pinagsasabi nito sa kanya.

Kaibigan ba talaga niya ito? Alam naman siguro nito na balat-sibuyas siya, bakit parang hindi ito natuto? Bakit palagi nalang nitong sinasaktan ang damdamin niya?

---

Author's Note: Hi there bro and sis! Thank you for reading chapter 1. I do hope nagustuhan niyo ang kabanatang ito. And if you do, kindly vote po and leave your comments din para lalo pa po akong ma-inspire sa pagsusulat.

P.S.

Hindi po ako mahilig magbasa ng biblia but then a sudden inspiration struck me kaya ayon nag-include ako ng bible verse every chapter. Hindi po related sa riligion ang story na ito. Mema lang talaga ang bible verse. I hope ma-inspire din kayo, may mga link ako sa ibaba for reference nalang din.

Once again

Thank you and Have a good day!

➡️➡️➡️➡️☝️☝️☝️

[1] Bible Verse: https://www.google.com.ph/amp/s/www.biblegateway.com/passage/%3fsearch=Juan%2b15:13&version=MBBTAG&interface=amp