Pinigilan ni Kallyra ang sariling magalit upang hindi na sila magtalo pa. Itinikom niya ang bibig at nagpatuloy na lang sa paglakad.
"Kailangan mong humingi ng paumanhin sa kanila bukas." ang matigas nitong utos at sumunod sa kaniya sa paglalakad.
Ibinuga niya ng marahan ang pinigil na hininga at mababa ang tinig na sumagot. "Kung iyon ang gusto mo."
"Dahil yun ang dapat mong gawin." ang galit pa ring sambit nito. Hindi na lamang siya sumagot at nagpatuloy sa paglakad. Masamang-masama ang loob niya at parang naiiyak siya sa inis.
Makalipas ang ilang minuto ay narating na din nila ang tahanang tinutukoy nitong pinahiram ng isang mabait na magsasaka. Maliit lang iyon at yari sa pawid at kawayan.
It looks like those cottages in the rural areas near the beach. Maraming mga halaman, at pananim na gulay sa paligid katulad ng talong, okra, kamatis at mayroon ding mga nakabitin sa itinayong mga kahoy na may suleras katulad ng upo at kalabasa. Muka iyong green house minus the glass covers.
"Isa lang?" hindi niya mapigilang itanong sa tahimik na kasama. Ang iniisip ay baka pag-usapan sila sa barangay dahil hindi naman sila mag-asawa subalit titira sila sa isang bahay.
"What do you expect? Mabuti nga at nagmagandang loob ang may-ari ng bahay na ito na ngayon ay nakikitira sa bahay ng anak nitong may pamilya na, sa halip na magpasalamat ay nagrereklamo ka pa." sarkastikong turan nito.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin at hindi ako nagrereklamo."
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Nasa loob na ang mga gamit natin, pinadala kanina ni ginoong Fausto. Wala silang pinakialaman sa gamit mo kaya wag kang mag-alala."
"Stop putting words to my mouth Lucas!" pigil ang galit na singhal niya.
He just shrugged his shoulder, lalo siyang nainis dahil parang wala itong pakialam sa galit niya. Lumapit na ito sa munting kubo at nilampasan siya. Nakakunot ang noong sumunod siya papasok sa binuksan nitong pintuan.
Hindi mapigilang mamangha sa kasimplehan ng kubo. Yari din sa kawayan ang sahig na makintab na makintab at maging ang lahat ng mga kasangkapang naroon ay yari din sa kawayan tulad ng mga upuan at maliit na lamesa. Mayroong dalawang silid sa kanan at sa kaliwa ay may pintuang natatakpan lamang ng kurtinang yari sa mga tinuhog na kabibe. Palagay niya ay iyon ang kusina.
Pumapasok ang malamig na hangin sa bintana at maging sa mga siwang ng magkakadikit na kawayan. Lumpit siya sa isang bintanang nasa kabilang dingding. Binuksan niya iyon at itinukod ang nakatabing panukod sa gilid ng bintana. Kaagad pumasok ang hangin at isinayaw noon ang mga nalaglag niyang buhok mula sa pagkakasulapid.
Naramdamam niya ang paglapit ni Lucas sa kaniyang likod. "Naroon sa likod ng bahay ang paliguan." anito.
Tumango siya kahit naiinis pa din, hindi siya umalis sa kinatatayuan at hindi na ito pinansin. Tinatanaw niya ang mga alagang manok at baboy na malayang gumagala sa parang. Naisip niyang sa mga panahong ito ay payapa ang mga tao at hindi ka makakaramdam ng takot na baka may mga akyat-bahay o di kaya naman ay manakawan ng mga alagang hayop.
Kapansin-pansin din ang mga masayahing magsasakang indio, mababait sila at palakaibigan. Tila ay ngayon lamang siya nakaramdam ng hiya sa inakto niya kanina. Tama na naman si Lucas sa mga sinabi nito sa kaniya kanina tungkol sa masamang asal niya.
Hindi niya napapansin ang masamang ugali niya dahil wala namang pumupuna ng mga iyon noon at pawang mga papuri lamang ang kaniyang naririnig sa mga kaibigan at kakilala. Subalit ngayon ay paulit-ulit iyong sinasampal sa kaniya ni Lucas. She never realize she was this ugly.
"Were you thinking of running away again?" napukaw ng malamig nitong tanong ang malalim niyang pag-iisip.
"What?" nilingon niya ito sa kaniyang likuran. Nakapamulsa ito sa suot na kulduroy at nakatanaw din sa parang, sinasayaw din ng hangin ang makapal at magulong buhok. Isa pa iyon sa pinagbago nito, noon ay maayos palagi ang buhok nito katulad ng mga kabinataan sa panahong ito subalit ngayon ay malaki na ang pagkakahawig ng ayos at mga kilos nito kay Maxwell.
"Sa tuwing nakikita kitang ganiyan ay palagi kang may malalim na iniisip at nagbabalak umalis." mababa at pabulong lamang iyon subalit malinaw iyong nakarating sa kaniyang pandinig.
"I'm not thinking of going anywhere. Ang balak ko ay manatili na lamang dito sa Pilipinas." 'O kung saan ka man magpunta.' dugtong niya sa isip.
"Big word." he mocked.
Inis na hinarap na niya ito.
"Why do you always see the worst of me?" hindi niya mapigilang sabihin ang hinanakit nitong mga nakaraang araw. "You insult me all the time, you say I'm a coward, sinungaling, matapobre, makasarili, at walang utang na loob ngayon naman ay reklamador at walang isang salita . I have never felt this ugly before, you make me feel like I am the worst person in the world. At ang mas nakakainis ay sang-ayon ako sa lahat ng mga iniisip mo tungkol sakin but I'm more than that!... hindi mo lang nakikita." 'dahil sa iba ka lagi nakatingin.' dugtong niyang muli sa isip.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito at pinagsalikop ang mga braso. "Care
to tell me those?"
"I... hindi ko sasabihin." inirapan niya ito at lumakad palabas ng bahay.
"Saan ka pupunta?"
"Maliligo!" inis na asik niya na hindi ito nilingon at nagpatuloy sa pagmartsa palabas ng bahay.
"Hindi ka magdadala ng damit na susuotin?" he asked in amusement.
Pumihit siya pabalik at nagtungo sa silid kung saan niya nakita kanina ang supot ng damit pagkatapos ay pabagsak na sinara ang pintuan ng makalabas at muntik ng masira iyon.
"Don't break the door it's not our house!" narinig pa niyang saway nito pero hindi niya ito pinansin.
"Manhid." bulong niya ng makapasok sa loob ng paliguan at pabalang na tinanggal ang pagkakasulapid ng buhok. Lalo siyang naasar ng hindi niya matanggal ang pagkakabuhol-buhol noon.
"Aw! ouch!" reklamo niya ng nabunot ang ilang piraso ng kaniyang buhok. Naluluha na ang gilid ng mata niya sa labis na frustration. Nang matapos ay tinanggal na niya ang damit na suot at isinampay iyon sa mababang pintuan katabi ng malinis niyang damit at tuwalya.
"Urgh.." ginulo niya ang magulo ng buhok ng malamang wala pang kalahati ang tubig na laman ng malaking banga, hindi iyon sapat na pangligo. Sinipa niya ang tapayan at napaigik ng tumama ang kuko. Sunod-sunod siyang nagmura sa isip.
She took a deep breath and tried to calm herself. Nang medyo ayos na siya ay hinila niya ang nakasampay na tuwalya at ibinalot ang sarili. Umabot lamang iyon hanggang aa kalahati ng hita at dibdib.
Hinanap ng kaniyang mata ang timba na gingamit sa pag-igib at nang makita iyon ay kaagad siyang lumabas ng paliguan at ang balon naman ang hinanap. Ngunit lumipas na ang ilang minuto at nalibot na niya ang buong likuran ng kubo, narating din niya ang masukal na bahagi ng likod bahay ay wala siyang nakitang balon.
"Ahhh!!!" sigaw niya sa labis na pagka-asar. Meron pa bang mas nakakainis sa sitwasyon niya ngayon? Totoo ngang tuwing umuulan ay bumubuhos iyon. Pinagpag niya ang ilang mga tuyong dahong sumabit sa tuwalya niya.
"Anong nangyari?" napatingala siya sa bintana ng bahay kung saan nakadungaw si Lucas. Kumibot ang labi nito at kinagat ang labi ng makita siya na parang nagpipigil matawa.
Kahit hindi niya tingnan ang sarili ay alam niyang muka na siyang baliw sa hitsura niya ngayon. Magulong-magulo ang nanlalagkit na buhok niya at madungis dahil sa paghawi ng mga halaman sa kahahanap ng balon.
Pinilit niyang huminahon at sinagot ang tanong nito. "Hindi ko mahanap ang balon."
"What?"
"I can't find the freaking well!" she shouted.
"Walang balon dito, batis lang ang mayroon at doon sila nag-iigib ng tubig, doon na rin sila naliligo madalas. Hintayin mo ako at bababa ako, sasamahan na kita sa batis." anito at nawala na sa pagkakadungaw sa bintana.
Bumalik siya saglit sa paliguan habang hinihintay ito at kinuha ang malinis niyang damit at sabong pangligo. Mabilis din niyang isinuot ang pangloob pagkatapos ay muling nagtapis ng tuwalya. Iniwan na niya doon ang hinubad na baro at sayang suot niya kanina at inilagay iyon sa timba at lumabas na.
Nagulat siya ng makitang naroon na kaagad ito.
"Tayo na." aniya pero hindi ito kumilos na kaniyang ipinagtaka at muling tiningnan ito. Kumunot ang kaniyang noo ng mapansin ang amusement sa mata nito. "What?"
"You look like a woman who lives in the jungle. What happened to you?" he chuckled. Lumapit ito sa kaniya at nagtanggal ng ilang dahon na sumabit din sa buhok niya at marahang sinuklay ang gusot noon gamit ang daliri nito. "Hindi ka ba nagsusuklay kaya masapnot ang buhok mo?"
She just rolled her eyes and did not answer pero hinayaan niya ito sa ginagawa. She likes the feeling kaya hindi niya napigilang ipikit ang mata at hinintay na matapos ito. Subalit tahimik din siyang humiling na sana ay hindi na ito matapos. Napangiti siya ng lihim.
'God.. she wanted to live in this moment,
"Mabuti pa si binibining Luisa, sa tingin ko ay inaalagan niyang mabuti ang buhok niya dahil makapal at bagsak iyon."
or not....'
Kaagad nawala ang kaniyang ngiti at tumiim ang labi. "Gusto ko ng maligo, tayo na." hinawi niya ang kamay nito upang pahintuin ito sa pagsuklay ng buhok niya at nauna ng naglakad.
"Sa kanan ang daan Lyra. And put your damn clothes first, baka may ibang tao sa batis."
"I have my underwear on."
"Put your goddamn clothes Lyra." mariing utos nito.
"Tatanggalin ko din naman yun mamaya kapag naligo na ko, hindi ako maliligo na suot ang mahabang saya ko." inis na pagdadahilan niya. Bakit ba napaka-konserbatibo ng mga tao sa panahong ito?
"If you badly want to show your body, do it inside our house. Panonoorin kita kahit wala naman akong magandang makikita. Pagtitiyagaan ko na lang."
Umawang ang bibig niya sa gulat dahil sa narinig na sinabi nito. "W-what did you say?" hindi makapaniwalang sambit niya. "How dare you! baka nakalimutan mong halos sambahin mo ako nung----"
"-----suotin mo na ang damit mo at magdadapit-hapon na, hindi ka na makakaligo doon kapag dumilim na, pakidala ng timba paglabas mo ng paliguan at mag-iigib na rin ako para bukas."