webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Historia
Sin suficientes valoraciones
70 Chs

Capítulo Seis

Nang maayos ng nakaupo ang dalaga ay siya naman ang sumampa sa kalesa. Inis niyang sinulyapan ang katabi at lalo pang nagdugtong ang kaniyang kilay ng makitang may maliit na ngiti sa dalaga para sa binatang kutsero.

Nagsimula ng umandar ang kanilang kalesa. Ang mga telang nabili ng dalaga ay kasunod nila, hila-hila ng mga kalesang ginagamit sa pangangalakal. "Marunong ka din bang mangabayo ginoo?" Ang tanong na iyon ay para sa kutsero.

"Marunong ako binibini." Malaki ang ngiting sagot ng binata. "Masaya ang pangangabayo." Ani pa nito. Ang tunog ng pagsasalita nito ay parang umaawit, pataas at pababa. Ganito ang tunog ng pagsasalita ng mga naninirahan dito sa Batanggas.

Hindi niya pinansin ang pagkukwentuhan ng dalawa at tumingin na lamang sa daanan.

"Hindi ko pa nasusubukan ang pangangabayo, subalit tingin ko nga ay masaya yun." Tumango ang binata bilang pagsang-ayon at patuloy na ginigiya ang kabayo. "Sabihin mo, kailan ka natutong mangabayo?" Sumimangot si Lucas, bakit masyado namang interesado ang katabi sa buhay ng binatang kutsero. At bakit naiinis siya, dahil ba masungit ito sa kaniya at magiliw ito sa kutsero?

"Bata pa lamang ako ay natuto na akong mangabayo at ang pagdadala ng kalesa na ang naging trabaho ko hanggang ngayon binibini." Kwento ng binata, nakita niya sa gilid ng mata na tumango-tango ang dalaga.

"Kung matuturuan mo ako ng pangangabayo ay uupahan kita." Agad napalingon si Lucas sa katabi.

"Marunong din akong mangabayo." Mabilis niyang sabi at humarap pa dito. Napakurap ito at napatitig sa kanya para bang nagulat sa taas ng kaniyang boses at ang pakikisali niya sa usapan.

"Talaga? Sa tingin ko nga ay marunong ka Lucas." Hinintay niyang tanungin siya nito kung maaari niya itong turuang mangabayo subalit nanatili itong tahimik.

"Ikalulugod kong turuan ka binibini." Ang sagot ng binatang kutsero at lumingon pa ito sa dalaga upang ipakita ang kasiyahan nito. Sinuklian din ito ng ngiti ng dalaga. Nagpatuloy pa sa kwentuhan ang dalawa, nagngingitngit ang kanyang loob.

Nagpanggap na lamang siyang nakatulog at pilit na nag-iisip ng kung ano-ano upang hindi niya marinig ang usapan ng dalawa. Gusto na niyang sipain ang kutsero sa inis o kaya naman ay pababain ito at siya na lamang ang magpatakbo ng kalesa para tumahimik ang paligid, masyadong maingay ang dalawa.

Matagal ang kanilang biyahe kaya kinailangan nilang huminto upang makapagpahinga ng sandali. Huminto sila sa tapat ng bahay kainan. Agad na bumaba si Kallyra, nagugutom na siya, mabuti na lang at meron siyang pera, she helped the old man who kindly let her stay in his house for a mean time to sell goods and he gave her a good tip.

Malaki daw ang kinita nito at nadoble ang kakaunti nitong puhunan, hindi niya tinanggihan ang pera dahil nangangailangan siya.

Who would have thought that she will be this helpless? She was a billionaire, and now she is a rat poor princess.

Bumaba din ng kalesa si Lucas at naiwan ang kutsero. Masayang kausap ang binata, nakikita niya dito ang kasamahang si Ashton, isa sa mga astronomer si Ashton at isa ito sa mga madalas niyang nakausap sa space ship, he is American at naging kaklase din niya ito sa ilang subjects niya sa Harvard University dahil parehong Astronomical science and kurso nila.

Agad siyang pumasok sa loob ng Pancitan, mayroong mga nagsisikain sa loob at inuukupa ang ilang mga upuan at mesang yari sa kahoy, bawat lamesa ay may mga gaserang yari sa bubog, ngunit dahil sa maaga pa ay wala iyong sindi.

Hindi niya pinansin ang mga tinging ipinukol sa kaniya ng mga naaroon, may mga grupo ng kalalakihan sa kabilang sulok ng kainan na animo'y may mga pinagpupulungan ay nagsihinto sa pagkain at pinagmasdan ang paglapit niya sa upuang malapit sa mga ito, maging ang ilang mga kababaihang may mga hawak na abaniko ay nag-sihinto din sa pagkain.

Sanay na siya sa ganitong uri ng atensyon kaya naman hindi na lamang niya pinansin ang mga ito, naupo siya ng makalapit sa bakanteng mesa, at hinintay lumapit ang magsisilbi sa kaniya.

Sa lalaking sunod na pumasok sa Pancitan naman nabaling ang atensyon ng mga nasa loob, narinig niya ang pagsinghap ng mga kababaihan at ang mahihinang bulungan, nahagip ng kaniyang pandinig ang pangalan ng lalaki na binanggit ng isang babaeng may dilaw na kasuotan at maraming alahas sa katawan.

Mukang kilala talaga ang pamilya ni Lucas, at mukang sikat din ito sa mga kababaihan. Tumaas ang sulok nang kaniyang labi ng marinig ang hagikhikan ng mga babae.

Maging sa ganitong panahon pala ay uso na ang mga fansclub, parang artistang sinundan ng mga ito ng tingin ang binata. Nakangiti itong naupo sa kaniyang harapan at tinawag ang tagasilbi.

"El restaurant está lleno hoy." Punong-puno ang kainan ngayon. That's sexy voice again. Gumanti sya ng tipid na ngiti, sandali itong napatitig sa kaniyang labi, pagkatapos ay mabilis itong umiwas at ngumiti sa lumapit na serbidora.

"Sí, hay mucha gente." Oo, madami ngang tao. Sang-ayon niya. At ngumiti din sa babae.

"Magandang araw ginoong Lucas." Malaki ang ngiting bati nito, kilala nito ang kasama at parang hindi siya nito napansin. Mukhang bata pa ito nasa edad katorse hanggang desiotso. "Anong ihahain ko Ginoo?"

Muling siyang tiningnan ni Lucas. "¿Que quieren ustedes para comer, señorita?" Anong gusto mong kainin Senyorita? Ngiting-ngiti nitong tanong sa kaniya.

Wala siyang ideya kung anong mga pagkaing iniaalok ng kainang ito. The store's name is Pancitan, so they probably offer pancit, pero hindi niya gusto ang pansit.

"Ikaw ang bahala Lucas, ano bang masarap na makakain dito maliban sa pansit?" tanong niya. Lalong lumaki ang ngiti ng binata.

"Paborito ko ang tinola at sinigang nila dito, masarap iyon sa mainit na kanin." Tumango siya, she never heard of that, adobo pa lang ang nakakain niyang authentic Filipino dish, kahit pa ang mother niya ay lumaki sa Pilipinas never siya nitong pinagluto dahil hindi naman marunong magluto ang sosyal niyang ina, but she was able to learned her language, dahil iyon sa pinsan niyang si Carlotta, parang girl version ito ni Lucas.

"Yun na lang ang kakainin ko." Aniya.

"¿Quieren ustedes algo de postre?" anong gusto mong panghimagas?

Sandali siyang nag-isip. "Prefiero fruta fresco." I prefer some fresh fruits.

"Ipaghain mo kami ng pangdalawang tao binibini, at ipaghain mo din kami ng bilo-bilo at prutas." Napansin niya ang masamang tinging ipinukol sa kaniya ng dalagita.

"Para sa tatlong tao ang ihain mo." Nginitian niya ang masungit na dalagita. Sa ikinikilos nito ay halatang maypaghanga ito para sa lalaking kasama niya.

"Labis ba ang iyong gutom senyorita?" nakangising biro ni Lucas, umiling siya, nagpaalam na ang dalagita upang ihanda ang kanilang pagkain, she wished wala itong ilalagay na kababalaghan sa pagkain niya dahil sa inis nito sa kaniya.

"Hindi para sakin, hindi mo ba narinig na inimbitahan kong kumain si Diego?" marahil ay dahil tulog ang binata kanina.

Nagsalubong ang kilay nito. "Sinong Diego?"

"Yung mamang kutsero, inayos lamang nito ang kabayo, pinainom at pinakain, susunod na iyon dito maya-maya." Nawala ang ngiti ng binata, mariin ang titig nito sa kaniya na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan dito. May bahid na iritasyon sa mata at meron ding hinanakit.

"May pagtingin ka ba sa kaniya?" siya naman ang nagsalubong ang kilay. Papaano naman naisip ng lalaking to na may gusto siya sa mabait na kutsero.

"Hindi ko akalaing magkakagusto ka sa lalaking hindi maganda ang mukha, pandak at pango ang ilong, hindi yun palaging naliligo at masama ang ugali, hindi mo kilala ang binatang iyon Senyorita, ang mabuti pa ay umupa na lamang tayo ng ibang kutsero upang mas mabilis din ang ating biyahe at makarating kaagad sa Maynila, mabagal magpatakbo ang binatang iyon at halatang hindi ganoon kagaling mangabayo, samantalang ako'y mahusay at lumalahok talaga sa mga karera ng pangangabayo, marami na rin akong naturuang mangabayo at lahat sila ay mahuhusay ng mangabayo ngayon, ako na lang ang magtuturo sa iyo señorita.

Hindi ako tumatanggap ng upa kaya mas makakatipid ka, bukod pa doon ay malayo ang tirahan ng binatang yun, narito siya sa Batanggas at doon ka na maninirahan sa Maynila, mas magiging madali para sayo, ang isa pa'y marami akong magagandang uri ng kabayo, ibibigay ko sayo si maliksi, kulay puti siya at matikas. At mas magiging palagay ang loob mo kung ako ang magtuturo sayo dahil mas matagal mo akong nakilala kesa sa binatang iyon." may diin pa sa huli nitong pangungusap.

Bumukas at sumarado ang bibig ni Kallyra. Sa dami ng sinabi nito ay napatanga lamang siya. Wala siyang masabi. Magsasalita na sana siya ng putulin iyon ng pagdating ng nahihiyang binata, nakangiti niya itong binati at pinaupo sa bakanteng upuan.

Pang-apatan ang pwestong nakuha niya at mayroon itong bilog na mesa, maya-maya pa ay dumating na ang inorder nilang pagkain na umuusok pa.

Tahimik lamang kumain si Lucas at ni hindi man lamang sila tinapunan ng tingin, maging ang binatang si Diego ay tahimik rin at halatang naiilang sa kanilang dalawa ni Lucas, subalit nakikipag-usap naman ito sa kaniya hindi katulad ng huli.

Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya si Lucas hanggang matapos silang kumain, nabusog siya, she liked the meal, it was delicious. Matapos ng ilang minuto pa ay nagpasya na silang umalis sa Pancitan at nagsimula na ulit bumiyahe.

Dahil sa dami ng kinain ay nakaramdam si Kallyra ng antok, lalo pa at inuuga sila ng kalesa kapag nadadaan sa lubak, malayo na sila sa kabayanan at ngayon ay dumadaan sila sa magubat na daan, ang daang nararaanan lamang ng gulong ng kalesa ang walang damo.

Marahil dahil sa paulit-ulit na dinaraanan ay hindi na ito tinubuan pa, pulos mga puno at halaman ang makikita sa paligid, natatakpan ng mga iyon ang sinag ng araw kaya nagsisilbing kanlong nila sa mainit na biyahe. Unti-unting pumungay ang kaniyang mga mata at tuluyan na siyang tinalo ng antok.

Napansin ni Lucas ang maya't mayang pagtumba ng ulo ng katabi, at ng tingnan niya ito ay nakatulog na pala, napangiti si Lucas at inabot ang tumutumbang ulo nito, iniangat niya ang kaniyang braso at marahang isinandal ang dalaga sa kaniyang katawan, halos nakahiga na ito sa kaniya, ang ulo nito ay bahagyang sumubsob sa kaniyang leeg.

Ipinikit rin niya ang mga mata at isinandal ang ulo sa upuan ng kalesa, nalalanghap niya ang napakabangong amoy ng dalaga, parang sa amoy ng mahalimuyak na bulaklak at pinipig. Ang bilis ng tibok ng kaniyang puso at nag-aalala siyang baka magising ang dalaga dahil napakalapit ng tenga nito sa kaniyang dibdib. Hindi niya napigilan ang marahang paghalik sa noo nito.

Makalipas ang ilang sandali ay nakatulog na rin si Lucas, mayroong maliit na ngiti sa labi at mapayapa ang pakiramdam sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib.

Sa kaniyang panaginip ay nakikipagdigma daw siya gamit ang pinakamatikas na itim niyang kabayong si Hudas at si Diego sakay ng mabagal at matanda nitong kabayo ay naglaban sila subalit walang panama ang kalaban niya kaya't ito'y kaniyang natalo at umuwi siya sa kanilang palasyo, natuwa ang hari sa kaniyang tagumpay at pinakasal siya sa anak nitong prinsesa, at iyon ay ang babaeng kasakay niya sa kalesa.

Naramdaman ni Lucas ang paghinto ng kanilang sasakyan, nagmulat siya ng mata at napakurap ng dalawang beses. Madilim na ang paligid, tanging ang ilaw ng gasera lamang ang tanglaw nila sa dilim ng gabi.

Nagulat siya sa malakas na hiyaw ng kabayo, maging ang babaeng nakasandal sa kanya ay gulat na napaupo ng tuwid at marahas na luminga-linga sa paligid. Narinig niyang nagkakagulo ang kanilang mga tauhan na nasa kanilang likuran.

"Mga tulisan! Mga tulisan!" narinig niyang sigaw ng mga natatarantang indyo. Agad ang pagsalakay ng kaba sa kaniyang dibdib, tinambangan sila ng mga tulisan!

Tumalon siya pababa ng kalesa at agad na nasilyan ang mga tauhang nagsisipagtakbuhan sa kung saan-saang direksyon, alam niyang marunong makipaglaban ang kanilang mga tauhan subalit may mga dalang itak ang mga tulisan, at tanging mga kutsilyo lamang ang maari nilang gamiting armas, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paghawak ng baril malibang ikaw ay gwardiya sibil.

Kahit ang mga ilustradong tulad niya ay bawal magmay-ari ng baril.

"Binibini tumakbo na kayo at magtago sa gubat!" narinig niyang sigaw ni Ginoong Diego, agad hinanap ng kaniyang mata ang dalaga parang may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa kaniyang dibdib nasa kabila ng kalesa ito at tulad niya'y gulantang na nanonood sa mga nangyayari.

Parang may sariling isip ang mga paa na tumakbo sa direksyon nito ang nasaisip ay mailayo ang dalaga sa kaguluhan.

"İSeñorita ten cuidado!" mag-ingat ka senyorita! nahintatakutang sigaw niya, nakita niya ang mabilis na paglapit dito ng isang lalaking may tangang mahabang itak at nakahandang itaga sa dalaga.

"F***ing fat bastard!" narinig niyang singhal ng dalaga parang bumagal ang paligid ng makitang hinampas na ito ng lalaki, tumigil sa pagtibok ang kaniyang puso, subalit ang paglapat ng itak sa katawan ng babae ay hindi nangyari, mabilis itong nakaiwas pahiga at tinalapid ang lalaking may hawak ng itak, tagilid pa ang balanse nito dahil sa malakas na paghampas ng itak kaya hindi nito naiwasan ang pagtumba, saktong nahulog ang puluhan ng itak sa kamay ng dalaga, walang pagaalinlangan itong inihagis ng dalaga sa paparating na isa pang lalaking may hawak ding itak, tumama iyon sa binti nito at napasigaw ito, napaluhod at bumagsak sa lupa.

Tumayo ang dalaga, saka lamang siya natauhan at tinakbo ang pagitan nila, agad niyang inundayan ng suntok ang lalaking tinalapid nito ng muli itong makatayo.

Nakita niya sa gilid ng kaniyang mata ang mabilis na pagtakbo ng dalaga pasalubong sa tumatakbo ring lalaking may hawak na palakol nakahawak and dalaga sa laylayan ng saya nito na nakaangat hanggang tuhod at tumalon ito paikot sa ere, umigkas ang kaliwa nitong binti at tumama ang paa nito sa leeg ng lalaking pasugod dito.

Agad itong tumumbang nakadilat ang mata na parang hindi na humihinga. Kasabay niyon ang paglapat ng mga paa ng dalaga sa damuhan, walang tunog at halatang eksperto sa pakikipaglaban.

Isang malakas na suntok ang tumama sa kaniyang mukha, napaigik siya at nahilo, unti-unting dumidilim ang kaniyang paligid, subalit bago pa tuluyang pumikit ang kaniyang mata ay naaninag niya ang malakas na suntok ng babae na nagpatumba sa lalaking sumuntok sa kaniya.