webnovel
[Chapter 2]
<span style="font-size:10px" ;="">Papalubog na ang araw ng makatapos kami ng anim na sunod-sunod na episodes ng Playful Kiss ay s'ya namang anunsyo ni dad na nasa San Lorenzo na kami. Mula sa labas ay narinig namin ang pagbukas nang malaking puting gate at saka tumigil sa malaking hardin katapat ng engradeng mansyon. Nasa may dalawang palapag ito at sa tingin ko ang disensyo ay katulad ng spanish era houses, beige naman ang kulay nito, at may ilang hagdan patungo sa main door. 
<span style="font-size:10px" ;="">Hindi pa kami tuluyang nakakababa nang sasakyan ay may nauna nang kumuha ng mga gamit namin mula sa likod ng sasakyan, nakita ko din mula sa bintana ng sasakyan na nauna ng bumaba si daddy and mommy pagtapos nila ay sumunod naman ang triplets at dahil kami ang nasa dulo ay nahuli kami sa pagbaba. Pagka-ikot namin sa sasakyan ay nakita naming may kausap na sila na sa tingin ko ay sina tita Marissa at tito Benedict. Hindi ko na masyado maalala ang mukha nila dahil 7 years old lang ako noon, and it's already 10 years at ngayon na lang ulit kami bumisita. Sa pagkaka alala ko ay dalawang taon lamang ang tanda ni tita Marissa kay mommy na nakababata n'yang kapatid, pero kahit na ganon ay mukha pa rin s'yang bata parang hindi nga tumatanda ang muka. Si tito Benedict naman parang binata pa rin ang pisikal na katawan. Siguro nga ay ganito ang nagagawa ng walang anak. 
<span style="font-size:10px" ;="">Huli na ng mapagtanto kong masyado na akong nakatitig sa kanila kung hindi pa ako tinawag ni tita Marissa. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Ashrielle, hija, ikaw na ba iyan?" 
<span style="font-size:10px" ;="">"Ah opo, magandang gabi po, tita at tito." Bati ko at saka lumapit para humalik sa kanila. 
<span style="font-size:10px" ;="">Malapad na ngumiti sa akin si tita habang hinihimas ang buhok ko. "Kita mo nga naman Lili, binata at dalaga na ang mga anak mo." natutuwang ani n'ya. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Oh s'ya, tayo na sa loob at doon na lamang mag kamustahan, dumidilim na rin." anyaya ni tito Benedict at sabay-sabay kaming pumasok sa mansyon. 
<span style="font-size:10px" ;="">Masasabi kong mula labas hanggang loob ng mansyon na ito ay sumisigaw talaga ng karangyaan, magmula sa marble floor, crystal rain drops chandelier, huge antique vases, at ang kulay gintong engradeng hagdan na nasa tapat lang ng main door, sobrang lawak nito sa loob kumikinang ang bawat sulok. Malaki naman ang mansyon namin sa syudad, iyon nga lang ay moderno ang exterior at interior designs nito. 
<span style="font-size:10px" ;="">Lumiko pakanan sina tita kaya sumunod din kami, pumasok kami sa loob ng malaking double door at doon nga ay nakalatag ang malaki at mahabang lamesa na may nakahandang iba't-ibang putahe. Mukha yatang may fiesta. 
<span style="font-size:10px" ;="">Naunang maupo si tito sa dulo at gitnang parte ng lamesa, habang si tita naman sa kaliwa niya, ako kuya Casper at si mom ang dad naman ay naupo sa kanang parte ng lamesa, si kuya Damian at Elion sa tabi nila tita Marissa. 
<span style="font-size:10px" ;="">I was having a good dream when I suddenly woke up. I immediately grab my phone, and saw that it's just 4:03 a.m. I spat my forehead. Dahil sa biglaan lamang pag gising ay hindi na ako dinalaw ng antok, kaliwa't-kanan na ang pag-ikot ko pero wala pa rin. Doon ko lang napansin ang balcony sa kaliwang bahagi ng kwarto, lumabas ako para tignan ito. Mayroong isang puting bilog na lamesa ang naroon at apat na puting upuan, naupo na rin ako at saka mas binigyang pansin ang tanawin sa harap. Medyo madilim pa ang kalangitan pero makikita pa rin paligid, maraming puno ang nagkalat kaya masamyo ang bawat hampas ng hangin sa akin direksyon. Ngunit higit na naka agaw ng aking pansin ay ang hillock sa hindi kalayuan, sa ibabaw nito ay may nag iisang mukhang lumang bahay. Ang sarap nitong pagmasdan dahil mukha kang nakitingin sa isang realistic painting. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa balkonahe, sinubukan kong isandal ang ulo ko sa pader sa aking likuran, tila ang tanawin, hampas ng hangin, at huni ng mga ibon ang s'yang humihele sa akin. 
<span style="font-size:10px" ;="">Mainit na dampi ng sikat ng araw ang gumising sa akin. Binalik ko ang tingin sa bundok at nakita ito ng mas malinaw. Mas gumanda ito sa aking paningin ngayon na nakikita ko s'ya ng maayos. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Pwede ka 'yang pumunta d'yan?" Sambit ko sa sarili habang nakatingin sa puting bahay. Wala naman akong ibang gagawin bukod sa magliligpit nang mga gamit. Siguro ay subukan kong magpaalam mamaya kung pwede ako umalis. 
<span style="font-size:10px" ;="">A knock on my door enveloped my ears. I know it's my brothers, so I didn't mind opening it for them. The door creaks, and I can hear footsteps coming in my direction.
<span style="font-size:10px" ;=""> "Good morning, sweet cake. How's your sleep?" si kuya Damian. He then kissed my forehead, and after him was kuya Elion. Kuya Damian sits next to me, while kuya Elion leaned in the railings.
<span style="font-size:10px" ;="">"Good. Nagising nga lang ako ng mas maaga."
<span style="font-size:10px" ;="">"Hm I see. Namamahay ka lang siguro." kuya Elion said as he drifted his sight in front of us.
<span style="font-size:10px" ;="">"You have a really nice view here, huh?" ani kuya Damian.
<span style="font-size:10px" ;="">"Yeah, it's relaxing. Actually simula alas kwatro ng magising ako ay dito na ako tumambay."
<span style="font-size:10px" ;="">"Do you — "
<span style="font-size:10px" ;="">Naputol ang sasabihin sana ni kuya Damian nang biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito ang dalawa ko pang mga kuya. Si kuya Casper na unang bumati ay may yakap-yakap pang unan at mukhang inaantok pang naglakad patungo sa direksyon ko't humalik sa noo at saka dumiretso kay kuya Damian para maupo sa tabi nito. Sumunod naman si kuya Dusk na nag sara muna ng pinto bago lumapit at humalik sa noo ko at sinundan si kuya Elion para sumandal sa railings. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Masama yata ang panaginip nang mga kuya ko at mga naka simangkot ngayong umaga." Puna ko ng ni isa ay walang nag-uusap ng ilang minuto. Maski si kuya Damian na may sasabihin kanina ay hindi n'ya na tinuloy pa, lahat sila ay nakatingin lamang sa senaryo sa aming harapan. Siguro ay hindi lamang ako ang nabighani ng tanawin. 
<span style="font-size:10px" ;="">Panibagong katok ang bumalot sa aking silid at lahat kami ay napalingon kung saan nanggaling ito. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Come in.." sigaw ni kuya Damian, tama lang para marinig ng nasa labas. Umalingawngaw ang langitngit ng nagbubukas na pinto at pumasok ang babae mala porselana ang balat na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. Kung hindi nga lang siya naka suot ng unipormeng pang katulong ay mapag kakamalan mo siyang galing sa marangyang pamilya. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Magandang umaga po" naka ngiting bati niya. "Pinapatawag na po kayo nila ma'am sa baba at kakain na po kayo." Mahinahon s'yang magsalita, maliit ang maganda nitong mukha. Unat na unat din ang mahaba nitong buhok. 
<span style="font-size:10px" ;="">Tumango ang mga kapatid ko at saka tumayo. Pinauna nila ako ng lakad ngunit ang babae ay hindi pa rin gumagalaw sa kanyang kinatatayuan hanggang sa makalabas na kaming magkakapatid at siya na ang nag sarado ng pinto. Habang naglalakd kami ay unti-unti kong binagalan ang lakad para mapantayan siya. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Hi, anong pangalan mo?" tanong ko at sinilip siya ng kaunti. 
<span style="font-size:10px" ;="">Mas iniyuko ng babae ang kanyang ulo at tila nahihiya. "I'm Ashrielle. But, you can call me Rielle if you want" I spat in a hopeful tone. Baka hindi na s'ya mahiya kung mauuna akong magpakilala 'di ba? 
<span style="font-size:10px" ;="">"Ako po si.. " 
<span style="font-size:10px" ;="">Hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya dahil bukod sa nakayuko pa rin siya ay mahina din ang boses nito. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Ae... what??" I asked.
<span style="font-size:10px" ;="">Nahihiya siyang ipinantay ang tingin sa akin. Ang mga pisngi nitonay pulang-pula. Teka kinikilig ba s'ya sa'kin? I'm not in that sort of thing huh. I have girl friends who prefere girls too. But I never did. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Aella po." Pag uulit niya. 
<span style="font-size:10px" ;="">Right after she introduced herself my forehead bumped into somebody's back. Aella stopped walking too asked if im ok. I looked up only to see kuya Damian wearing an annoyed face while looking to Aella. Aella's cheeks turned redder, and I think that's because of kuya. Is she shy to introduce herself because my brothers are here? Hindi naman ganoon ka gwapo ang mga kuya ko. Confirm, hindi ako ang gusto n'ya. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Gosh kuya, what's with you. Ang sakit tuloy ng noo ko." I said, slightly punching his shoulder.
<span style="font-size:10px" ;="">Mukhang nahimasmasan yata ang kuya ko at dali-daling tinignan ang noo ko, and said sorry. 
<span style="font-size:10px" ;="">Ng malapit na kami sa dining area ay muli kong sinulyapan si Aella. Pulang-pula pa rin ang mukha niya at hindi na mawari kung saan lilingon. 
<span style="font-size:10px" ;="">"Are you... ok?" 
<span style="font-size:10px" ;="">"Opo!" 
<span style="font-size:10px" ;="">I'm a bit shocked at her answer. Gulat na gulat siya. Nang na-realize ang ginawa n'ya ay tinakpan nito ang muka sa hiya. I chuckle. She's so cute. I want to be friends with her. 