webnovel

29th Door

"Some infinities are bigger than other infinities." -John Green

166:45:05 hrs

The infinity symbol; that what's welcomed us as we enter the 29th floor. Isang malaking ∞ symbol ang bumungad saamin sa lobby ng 29th production floor. Kagaya ng 30th floor, wala rin kaming naabutang mga empleyado doon. The 29th floor was the executive room. Ito ang main office ng mga executives. Dito naglalagi ang CEO, ang Pesident at Vice pati ang mga major stock holders ng kompanya.

What's with the infinity symbol? Noong last time na bumisita ako sa 29 floor kung saan nagkaroon ako ng presentation with the bosses, ang nakalagay lang sa lobby ay ang logo ng Montellano Online Shop --isang malaking letter 'M' na nakapaloob sa isang paper bag na pula. Now, why would the higher management replace that with the infinity sign?

Is it trying to remind me of everything about my past? How I lost Karen, my fiancé who I loved more than anything and who happens to love the symbol. She almost had it tattooed on her left wrist. I was a bit skeptical about the idea of her having a print on her body. Para saakin madumi kasing tignan. But she was persistent that time because of her devotion to the unearthly concept of infinity, endlessness and limitless opportunities is best presented by a mathematical symbol '8' or the lemniscate. She's always telling me that the symbol binds us to infinity.

But it isn't true.

It was because of her kung bakit nandito ako sa MOS. It was a huge sacrifice; a decision I had to make. I had to leave the old life I got used to. I was happy living that old routine I had back in Cebu. I was happy and contented with her. Pero kailangan ko lang talagang lumuwas. Para sa pangarap namin.

Para sa kanya.

The offer given to me here was financially rewarding. I had to work here para makapag-ipon. Gaya ng sabi ng karamihan, para sa future. So, I had to leave Cebu and work here in Manila for quite some time. Working away from her was a bit difficult. I became busy and workaholic until we both realized that were growing apart. We grew apart. Hanggang sa tuluyan na kaming maghiwalay. She initiated it. I tried to hold on but shes on it. She wanted it over.

So para saan pat kailangan kong maniwala sa isang simbolo kung mismong ang taong pinanghahawakan ito ay kusang bumitaw?

"Dude. Ang lalim ng iniisip mo ah!" tinabig ako ni Kid. Naputol ang pagbabalik tanaw ko.

"I was thinking about my old life. Moments like this make me nostalgic. It makes me wanna go back to my old self." Paliwanag ko.

Umiling-iling ang lalaki saka bumuntong hininga. Nakapamulsa ito para maitago ang hanggang ngayo'y nanginginig niyang mga kamay. "I was a freelance artist before. Matumal ang kita kaya pumasok ako dito nang makareceive ako ng email sa jobstreet. After all what I've seen, mas gugustuhin ko na lang bumalik sa luma kong studio. Kahit walang masyadong kita, atleast safe ka."

"No place is safe," sabat ni Minalyn na nasa di kalayuan. Bumalik na naman ito sa pagiging poker face niya. "You only realize you're no longer safe when your breathing is bargained."

"You sound creepy Mina. Stop scaring us!" naiiritang sambit ni Kyziel. Ang top sales agent noong nakaraang buwan. May katangkaran ito, maputi at laging mukhang masaya. It's just now that I am seeing her like this. Tuliro at kinakabahan.

Nasa lobby parin kami ng 29th floor. Kanina pa sinusubukang basagin nina Simond at ng isang baguhang empleyado mula sa HR na si Larson Perey ang pintuan. Hindi kasi umubra ang access badge ng lahat pati na ang director na si Michonne at ang boss kong si Ryanne.

Malakas na hinampas ng upuang bakal ang pintuan. Hindi pa rin nagawang basagin ng mga ito ang fiber glass. Nasa likuran nila si Andreas na hawak pa rin ang laptop ko at tila may hinihintay na email galing sa strange mailer.

"Molina, seryosong tawag saakin ni Andreas. Sumenyas itong lumapit ako sa kanya. Mukhang galit na ito at ubos na ang pasensya. "Bilisan mo!"

Humakbang ako palapit sa katrabaho ko. Ang tangkad pa naman nito. Kung magsusuntukan kami'y dehado ako panigurado. My mixed martial arts skills wont work to a guy as fit as this monster. Isang dipa na lang halos ang agwat naming nang mabilis na hinablot ni Andreas ang kwelyo ng damit ko. Nagulat ako nang malakas niya akong nahila palapit sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito na parang titirisin ako ng walang kahirap-hirap.

He's six feet tall at nasa 5"9' lang ang taas ko. Lagi itong laman ng gym samantalang ako'y madalang nang umattend ng mixed martial arts class pagkatapos ng break-up namin ni Karen. It's been months.

"Tell me Vladimir Molina, anong kinalaman mo sa mga nangyayari at bakit ikaw lang ang nakakareceive ng email na 'to? Galit na sambit ni Andreas. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakakwelyo saakin. Naamoy ko ang alak mula sa bibig nito. This drunkard. Sinita na ito ng management minsan dahil sa pagpasok sa trabaho na lasing. Hindi pa pala tumitigil.

I took a heavy grasped on his wrist para matanggal ang pagkakakwelyo saakin. Mahigpit ang hawak nito at sadyang malakas ang grip niya. I dont want to engage in his mini-war. There is a bigger war to start with.

"Huwag nga kayong mag-away diyan!" sita ng boss kong si Ryanne na nagsisimula na namang maghisterikal. Kanina pa ito mangiyak-ngiyak kasama ng iba pang empleyado.

"Mr. Greyson Andreas Choi, you better stop that ngayong nakakapagtimpi pa ako!" bulyaw ni Michonne sa lalaki. Binanggit na nito ang buong pangalan ng lalaki kaya alam nang galit ito.

Bumuntong hininga ang kumalmang si Andreas. Binitawan ako nito saka itinulak. Muntik na akong matumba. Mabuti na lang at nasalo ako ng ilang empleyadong naroon.

"Okay ka lang sir?" dinaluhan ako ni Claina, ang isa sa mga supervisors na malapit saakin. Nasa likuran nito ang nag-aalala nitong pamangkin na si Emerald Reyes, bagong empleyado ng MOS.

"Im fine, thanks." Tipid kong sagot saka tumindig ng diretso.

Masama pa rin ang tingin saakin ni Andreas na pasulyap-sulyap sa laptop. Ilang saglit lang ay tumunog ang notification ng Macbook. Naagaw ng tunog no'n ang atensyon ng lahat. Mukhang kumbinsido ang lahat may kinalaman ang mailer na 'yon sa mga nangyayari. Nabanggit din ni Michonne na possible daw a na-hack ng isang terorista ang gamit kong computer at ito ang isa mga paraan nila para sa kanilang mga planong maghasik ng gulo.

Pero bakit kailangan naming sumunod?

Dahil posibleng maulit ang nangyari sa 31st at 30th floor. Isang maling kilos lang ay maaaring mabawasan ang mga empleyadong narito ngayon. Higit sa dalawampo na ang namatay sa loob ng mahigit isang oras. Marahil ay sapat na 'yon para sumunod kami sa kung ano mang kagustuhan ng mailer.

Pero ano nga ba ang sagot doon sa nauna niyang riddle? Muli ko na sanang babalikan ang isinulat kong code sa dilaw na post it nang magkagulo ang lahat sa harap ng laptop.

"Three wrong attempts. B-be careful!" nanginginig na sambit ng isang empleyadong nagngangalang si Nicolla. Maganda siya at mukhang mabait. Binalak ko itong ligawan noong bagong hiwalay kami ni Karen, kaso hindi ko na tinuloy dahil may nobyo na pala ito.

"Vladimir, here's a math problem. Everyone knows how good you are at this! My co-manager Sykyoe Laurel exclaimed, siya ang namamahala sa Foreign Operations sa MOS. Magkasingtangkad sila halos ni Andreas pero malayong mas kalmado ito sa huli.

Napalunok ako saka lumapit sa kinaroroonan ng Macbook. Binasa ko ang tanong na nasa email ng spammer: Can you make 1000 using eight eights in addition only? As fast as 8 seconds give me an answer. Every 8 seconds wasted, means another waste to be wasted. Key your answer to the access detector. Press enter for every + sign.

Napaisip ako. Noong sumali ako sa sa decathlon noong kolehiyo ako'y parang naitanong na ito dati. Hindi ko lang tanda kung paano ko hahatiin ng walong 8s sa isang addition equation. Tumigil ako ng ilang segundo. Kailangan kong masagutan ang tanong!

Nanginig ang mga kamay ko dahil sa time pressure. 8 seconds and we're safe. Pumindot ako 88 enter 88 enter 88 I realized I was doing it wrong.

May sumigaw sa bandang likuran. Biglang lumabas ang makapal na usok mula sa elevator papasok sa mismong lobby.

"Poison gas!" sigaw ni Rielle na tumakbo palapit sa kinaroroonan namin. Nagkumpulan na ang mga tao sa may access detector.

Pinagpawisan ako. Pipindot na sana ako ng second attempt nang Humarang sa harap ko si Simond. Another 8 seconds have passed at mas lalong lumakas ang pagbulwak ng poison gas papasok sa lobby. Nagsimula nang ubuin ang mga empleyadong nakalanghap ng gas.

Bilis! natarantang sabi ng karamihan.

I got this! kampanteng sambit ni Simond. Nagsimula itong pumindot sa access detector. 8 enter 8888 enter hindi pa lang natatapos ang pagpindot nitoy namula na ang access detector na nangangahulugang mali ang pinindot nito. Sorry guys. Apat na 8 ang napindot ko!

Minura siya ng ilang empleyado na halos mamatay na sa paglanghap sa gas.

Kumapal na ang usok sa paligid. Napatakip ako sa ilong. Muli akong humarap sa access detector. Titig na titig ako sa mga button na nasa detector. Nagsimula uli akong pumindot 888 enter 88 enter 8 enter 8 enter binilang ko pa ang bilang ng 8 sa memorya ko. I have entered 7 8s so I need 1 more para saktong walo. I calculated the sum of all the 888+88+8+8+8. Eksaktong 1000. Pinindot ko ang panghuling 8.

Umilaw ng berde ang access detector. Tumunog ang kaninay nakalock na fiberglass door at mabilis na nabuksan 'yon ni Andreas at ni Sykyoe. Umuubong pumasok ang mga empleyadong malapit sa pintuan. Natumba na ang iba at ang iba'y wala nang malay. Nagawa kong saklolohan ang isang babaeng umuubo at nakaluhod na sa sahig. Inalalayan ko itong maglakad hanggang sa maipasok ko sa mismong production floor. Mabilis ko siyang ibinaba sa isang bakanteng swivel chair at tinangkang balikan pa ang ibang naroon. Ngunit hinarangan ako nina Andreas at Simond.

"There are still survivors out there!" usal ko habang hinahabol ang aking paghinga.

"Tignan mo ang lobby, do you have a visibility?" tanong ni Simond.

"You can go back Molina, but you'll die with them," Andreas seconded. "I don't know what this mailer is up to, but we need you alive to find the answers."

May punto si Andreas. Alam kong may dahilan kung bakit ako lang ang pinadalhan ng mailer ng mga death riddles at puzzles. Ano ang tunay na intention ng spammer at bakit ako lang ang naisipan niyang padalhan ng mensahe?

"Vlad, dude, you can't save everyone. Hindi ikaw si superman." Mahinahong kumbinsi saakin ni Kid. He tapped my back and attended to the woman I just saved. Si Athena Sakura, ang resident nurse ng kompanya. Pinapainom na ito ng tubig ni Emerald na nginitian ako nang magtama ang aming paningin.

Maybe Kid is right. I cannot save everyone. Pero hindi naman sigurong mali na tangkaing tulungan ang ibang may pag-asa pa. In the end, Andreas and Simond guarded the door and we remained silent for a couple of minutes.

Sa kalagitnaan ng nakakabinging katahimikan sa 29th floor ay muling tumunog ang laptop na nasa tabi ko. Isa iyong mahabang paragraph na nagkukwento sa kasaysayan ng infinity symbol.

Infinity: The possibilities of choices multiplied to the number of the days or of minutes when we make decisions, reveals infinity of the endings and the outcomes. It shows that every single individual is infinite in its nature and the combinations of the individuals without any predetermined ending makes the world infinite.

Hango sa isang website ang mga linyang ito. Pero ano ang tunay na intension ng sender? Bakit kailangang ilagay niya kami sa mga riddles at puzzles? Kung may balak siyang patayin kaming lahat, sanay ginawa na niya 'yon kaninang nasa 31st floor pa kami. Bakit kailangan naming lusutan ang mga pakulo niya?

"Wait, the mailer sent another." Utas ni Rielle na nasa di kalayuan.

Andreas opens the mail and it shows us the next instruction.

Eight of the following are alike in a certain way and hence form a group. Which of the following is an outcast?

28, 48, 38, 68, 108, 128, 8, 88

Your answer minus 30 is the exact number of the items you'll need to find on this floor. Bring all these items to President Ruby Red's office in 8 minutes.

"Oh my, ayoko sa Math! Kung Math ang basehan para mabuhay sa sitwasyon ngayon, magsisisi ako kung bakit hindi ako nag-aral ng mabuti noon!" Kinakabahang sambit ni Angelyn. Nakayakap ito sa mga kabigang si Maxine at Bella. Malapit na magkakaibigan ang tatlo. Laging magkasama kahit saan mapadpad. Tatlong taon na din sila sa MOS at halos mga kasabayan ko lang din nang ma-hire sila ng kompanya.

"Lets all solve it. Majority with the same answers will be followed!" Haliya suggested. Bumalik ito sa harap ng computer at pinagmasdang maigi ang Math problem. Kumuha ito ng papel sa pinakamalapit na cubicle na nasa likuran niya saka nag-compute doon.

"Sir Vlad, I know youre good at this. We have eight minutes." Anas ng ahente kong si Deedrae. Madalang itong pumasok sa trabaho dahil part-timer lang siya bilang sales agent. Ang malas niya dahil nagkataon pang nangyari ito kung kailan nasa opisina siya.

Tinitigan ko at muling binasa ang tanong sa aking computer. Numbers run through my head. Randomly like the old days. Inisa-isa ko ang mga numerong naroon. 7, 12, 9.5, 17, 27, 32, 2 and 22. "All the numbers are multiple of 4 except 38. 38 is the outcast. Minus 30 equals 8!" Walang preno kong sambit. Lahat ay napatigil sa kanilang ginagawa.

"What 8 items are we going to find here?" Maarteng sambit ni Satana na nagsimula nang maglibot sa paligid.

Lahat kabado lalo na nang magsimulang magbilang ang 8-minute timer sa laptop.

6:43:05 minutes

"Hindi kaya kailangan nating maghanap ng walong infinity o number 8 sa opisinang ito?" Kid blurted out.

"I agree. Find items that looks like the infinity! malakas na sigaw ni Andreas." Nagsimula na itong kumilos para maghanap ng mga bagay na may simbolo ng 8.

"Five minutes!" narinig kong bilang ng isang empleyadong nakatitig sa Macbook.

"I found one!" Natas raised a mug that has a handle which looks like an infinity symbol.

"Vandergouh bring it to President Ruby's office!"

"I found one too!" Hawak ni Zyril Samonte ang isang posas. Nagtaka ako kung bakit may posas sa opisinang iyon at kung paano at saan niya nakuha iyon? Kilala ko ang pamilya ni Zyril. Halos araw-araw kong kasabay ito sa pag-uwi dahil parehas kami ng ruta. Minsan naihatid ko na siya at naabutan ko dating nakikipag-away ang tatay nito sa kanto. His dad is an ex-convict and Zyril has been convicted as well with frustrated murder pero naabswelto dahil self-defense lang daw ang ginawa nito.

Zyril met my gaze. Tipid itong ngumiti saakin bago tumalikod at tumakbo patungo sa office ng Presidente.

Naglibot din ako at inabala ang sarili sa paghahanap ng infinity object. Ayokong pag-isipan ng masama si Zyril dahil naging mabait naman ito saakin sa mga nakalipas na taon. Prangka ito at masayang kasama kapag may mga team outing kami. She should not be defined by her past.

Umabot ako sa reflection area ng mga bosses. Nakita ko ang mga santong naroon. Nagawa ko pang mag-sign of the cross bago pinasadahan ang mga ornamentong naroon. Nakita ko ang isang santong may pangalang St. Boniface. Hindi ako relihiyosong tao kaya hindi ko kilala kung sino si Boniface. Binasa ko ang pagkakakilanlan nito sa nakasulat sa mismong stand ng rebulto-- A missionary promoting Christianity in the Frankish Empire in the 8th century. Pinagmasdan ko ang cross na hawak ng santo. The symbol appears in the ornaments of the cross of Saint Boniface. An infinity symbol was then wrapped around the Latin cross.

Patawarin sana ako ng Diyos pero dagli kong binuhat ang dalawang pulgada kalaking rebulto ng santo. Nagkukumahog ang mga naroon sa paghahanap. Napakagulo na ng opisina ng mga bosses. Kung sa normal na sitwasyon lang nangyari ito, malamang ay nasesante an kaming lahat. Pero sino ba naman ang makakaisip na ayusin pa iyon kung sariling buhay na namin ang nakataya?

"Two more!" narinig kong sigaw ng boss kong si Ryanne na nasa loob na ng napakalaking opisina ni Madam Ruby Red.

Director Michonne is fidgeting. Parang ayaw na nitong lumabas ng opisina ng Presidente. Nahuli ko pa itong nakatingin saakin na tila may gustong sabihin.

I found a symbol in a Roman script! Pwede kaya ito? pinakita ni Rielle ang hawak nitong ancient scroll na may markang 'CIƆ' na nakasulat sa gitna mismo ng scroll. Marahil ay bahagi ito ng collection ng anak ni President Ruby na si Miss Rocess Red na mahilig mangolekta ng ancient artifacts.

Sa pagkakaalala ko sa history of numbers, Romans used to express 'large number' in simpler symbols. In most of the cases for Romani large number would be '1000' written like this – CIƆ. But looking at it, it would be like an infinity.

"That's fine. Wala na tayong mahanap kaya susubukan na natin 'yan." Bulalas ni Andreas na binibilang ang mga nakolektang bagay sa mismong table ng Presidente. "Were missing one! Just One minute!"

Pumasok ang mga empleyadong sina Nicolla, Emerald, Sykyou at Satana na kapwa hinihingal na. Marahil ay napagtanto nilang malapit nang matapos ang orasan. Walang bitbit ang mga ito na nangangahulugang kulang pa kami ng isang item.

"We only have seven! nanginginig ang boses ni Michonne." Hindi na ito mapakali sa kinatatayuan. Napakagat ito sa kuko para maibsan ang labis nag-alala. "A-and we only got 30 seconds."

The clock ran down to twenty seconds. Tila hinihintay na namin ang sarili naming kamatayan habang pinagmamasdan maubos ang oras.

"Ten seconds" bulong ng ni Zyril.

Pigil ang aking paghinga. All my senses were alerted lalo na ang pandinig ko. Paano kaya kami papatayin ng unknown killer?

"I got one!" Sa sobrang tahimik ng lahat, nagmistulang napakalakas ng pagkakasabi ni Maddielyn Saragoza na mayroon siyang dalang infinity symbol. Naglakad ito paharap at lumapit sa pitong koleksyon saka hinawi ang buhok at ipinakita ang tattoo sa kanyang batok. Tumambad saamin ang tattoo nito --a snake biting its own tail and forming an infinity sign.

Napadukot ako sa dilaw na post-it kung saan nakasulat ang mystery name. '1b2f3l4e possible kayang wala sa listahang binigay ng sender ang nagmamay-ari ng code na 'yan? Habang lumilipas kasi ang oras ay mas dumadami ang suspects sa listahan ko.

Posibleng si Andreas or kaya'y si Simond dahil matagal nang may sama ng loob ang dalawa dahil sa nakabinbin nilang promotion.

Maaari ding si Ryanne o kayay si Michonne ang may pakana nito dahil bali-balita ang plano nilang pabagsakin ang higher ops dahil na rin sa kompetisyon sa kapangyarihan.

Si Zyril, si Rielle, o si Mina ay kasama din sa listahan ko.

Ngayon na nagpakita si Maddie ng infinity sign na konektado sa lahat ng mayroon ngayon sa 29th floor, posible kayang si Maddie ang tinutukoy nito?

Nagkataon o sinadya?

Naubos ang oras sa monitor. Patuloy sa pagtakbo ang halos pitong araw na due. 168:08:08 hours.

May biglang lumangitngit sa kwarto. Mula 'yon sa book shelves. Sa likuran ng upuan ng Presidente, may dalawang book shelves na naroon. Kusang gumalaw ang dalawang book shelf; ang isay umurong pakanan at ang isa namay pakaliwa. The movements of the shelves revealed a secret entrance or exit. I am not sure yet. Nangangahulugang nakompleto namin ang walong infinity symbols.

Everybody is in a temporary relief.

"L-lets go!" kabadong sambit ni Kid kasama ni Satana.

Bago pa man makahakbang ang lahat ay isa na namang mensahe ang pumasok sa computer. That message changes everything.

The 28th floor is ready. Be careful who you trust. One of you is the killer.

###