webnovel

21st Door

"Man is not worried by real problems so much as by his imagined anxieties about real problems"

―Epictetus

***

What made me worried was the peaceful transition we had from 23rd and 22nd floor. Mas lalo akong kinabahan sa susunod na mangyayari. Nagsimula na akong pagpawisan habang hindi mapakali ang utak ko sa kakaisip kung ano ang susunod na mangyayari.

Ano nga ba ang susunod na mangyayari?

Are we going to be all dead soon that's why the killer spared us on the 22nd and 23rd?

Madilim na sa labas. My laptop is going to ran out of battery soon. What's next? Ano na ang kasunod kapag deadbat na ang MacBook?

"This ends us all. This ends us all. Holly fuck!" Narinig kong sigaw ni Natas habang padausdos na bumagsak sa sahig. Kaagad naman siyang nilapitan ni Larryson na may pasa sa kaliwang pisngi. Sykyoe might have hit him solid.

The guy sat next beside Natas. Then he said, "Nate right? Nasa resume mo, I remember... you prefer to be called Nate."

Hindi umimik si Natas. Nagpipigil ito habang nakaupo sa tabi ni Larryson.

"We all die in His time, Nate. May mauuna, may sabay, may mga aabutan ng ilang dekada. I know we're here because we have reasons. Like me, I'm here because of the opportunity. The rewards that can change my daughter's life. Tell me, why are you here in the first place?" Larry's voice is calming. Parang alam nito kung paano pakakalmahin ang mga kagaya ni Natas. He is the head of the Human Resource Department after all.

Nate's jaw trembled as he opens his mouth. Halata ang labis na kabiguan sa ekspresyon ng mukha nito. "I don't want to live under the shadows of my parents." He paused to gather his guts. "T-that's why I'm here."

Larry tapped Nate's back like a big brother to his younger sibling. Then he uttered, "That's what we always want to do. Be free from all the shadows. Live the way how we wished life could be. But, it isn't always the case Nate."

"Yeah, it isn't." The young lad agreed. Pain blurted in his eyes.

"Failure is not the opposite of success, it's part of it. This... this thing that's killing us, the deaths we just witnessed, they're part of the failures which we view as our downfall. Pero hindi ba dapat mas matuto tayo sa mga ganitong sitwasyon? If we learn from our failures, we have not really lost. So, we learn from our fails, we change from it, we change to try again to succeed." Larry delivered spontaneously.

Napangiti si Natas. He tapped Larry's right shoulder and sighed deep. Mas maliwanag na sa kanya ang lahat. "Thank you, sir."

Tumawa si Larryson saka umiling-iling, "Just Larry. Huwag mo na akong sini-sir."

"Ay, taray. May philosophical discussion sa bandang 'yon. Life discussion. Makabuluhan. Makatotohanan. Bongga! Ganern!" Bulong ni Satana na nakaupo sa may sofang nakaharap sa buong lounge area ng MOS tower.

"HR manager 'yan. Siyempre alam na alam niyang i-handle ang mga kagaya ni Natas." Susol naman ng nurse na si Athena na nakaupo sa pang-isahang sofa paharap kay Satana.

"Mga kagaya ni Natas? Bakit ano ba si Nate?" Natatawang tanong ni Kid na nasa tabi ng kaibigang si Satana.

Satana smiled crookedly as she raised her eyebrows and crossed her legs. "Pakawala? Gangster?" She suggested saka humagikgik.

Pigil na tumawa si Athena saka nagsalita, "Juvenile delinquent. Juvie. Diba kagaya ni Zyril na may frustrated murder case?"

"So we call them juvie?" Kid asked for approval. "What do you think Nics?" Baling ng lalaki sa tahimik na nakikinig na si Nicolla.

Natulala si Nicolla. Hindi nito alam ang isasagot. "G-grabe kayo kay Natas."

"Ang killjoy mo naman Nicolla. Maganda ka nga pero mamamatay ka sa boredom." Pigil na humagikgik si Satana na lingon-likod na nakikipagtsismisan kina Athena at Kid.

Kilala ko na si Satana simula unang araw ko sa MOS. Malakas ang personalidad nito. Others see her as snobby, strong-willed, loud and opinionated but to us, she isn't. Kumbaga ang pinapakita niyang personality ay defense mechanism lang niya sa mapanghusga at mapang-aping lipunan. I quote her for that.

Galing ito sa isang mayamang pamilya pero mas piniling magtrabaho sa MOS. Spoiled brat ito noong araw. Nakwento niyang madalas siyang magrebelde dahil hindi siya binibigyan ng atensyon ng kanyang mga magulang. So she decided to make a name of her own.

Satana is the kind of girl who does not trust easily. May trust issues ito sa mga taong nakakasalamuha niya lalo na sa mga bagong kakilala. But when she finally submits herself to a friendship or to whatever circle she's invited in, she commits and dedicates her loyalty 100%.

Ako at si Kid ang mga una nitong naging kaibigan sa MOS. O kami lang yata ang kaibigan niyang pinagkakatiwalaan. Maging si Zyril na kaibigan ko ay hindi niya lubos na pinagkakatiwalaan. Para kay Satana, you have to bleed and prove your blood is worth keeping in order to join our circle.

Zyril knew that. Kaya lagi silang nagkakabanga ni Satana dahil parehas silang malakas ang personality. Zy is a silent worker. She is a trusted friend despite of her criminal records, which were not proven. Pero gaya ni Satana, mahigpit itong humahawak sa mga prinsipyo niya sa buhay. 'Hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw saakin', she once said.

Ganoon na nga ang nangyari. Satana was resistant to accept her in the circle and Zyril took her pride to stay away. Pero nanatili itong kaibigan ko at kahit papaano'y nakakasama saamin tuwing kami'y lumalabas. I knew, she was only doing it for me.

Sa paglipas ng oras, habang namamaalam ang haring araw sa Kanluran, biglang tumunog ang notification ng laptop ko. It was a warning tone. Mac OS alerts that the battery is about to run out!

"Halah, pa-lowbat na ang laptop!" bulalas ng receptionist na si Thrina kasunod ni Maddie.

Nagtinginan ang dalawa habang nakatutok sa monitor ng laptop.

"K-kapag namatay ang laptop mo Vlad, p-papaano tayo makakakuha ng clue sa bawat pintuan?" Nanginginig na tanong ni Maddie. Bakas sa mukha nito ang magkahalong, kaba at takot.

Nagsimula na rin akong kabahan. Tama si Maddie, papaano ako makikipagcommunicate sa killer kapag wala nang laptop? Papaano kami lulusot sa bawat pintuan o elevator?

"We need a charger for the MacBook! I repeat, we need a charger for Vlad's laptop!" isang baritonong boses ang sumulpot mula sa kaliwang sulok ng lounge area. Nang lingunin ko ang bulto nito'y sumambulat saakin ang seryosong titig ni Sykyoe.

"Syk, battery is at 15%. We're losing it in a few minutes!" asik ko.

Mabilis na nagsigalawan ang ilan sa mga naroon para maghanap ng charger maliban kina Mina, Haliya, Simond at Andreas.

The four remained seated as if they're willing to let the laptop die -our only source and key to survival.

Muli na namang tumunog ang laptop. It's a warning notification about the battery life expectancy. The mac is about to turn off in 20 minutes.

"Look for a MacBook charger from the cubicles! Baka may naligaw diyan!" muling sigaw ni Syk. Muli itong bumaling saakin. Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "Any contingency plan bro if you laptop dies soon?"

Wala akong maisip. Umiling-iling ako. "I have no idea Syk. I have no idea."

"We let the MacBook die and wait for that killer to contact us. For sure he'll find a way to keep us in this Maze Runner inspired or whatever experiment this shit is based from." Minalyn made her way closer to us. "We're trap here anyway. If the killer wants us all dead, sana hindi na tayo umabot sa 21st floor."

"Mina is right." Andreas walked closely. He wore his bored face as he came to pass us. "It may be harder for us to communicate with that sonofabitch, but if we give him what he wants, we will all end up running and dying."

"I agree." Haliya whispered. Unang beses itong wala sa tabi ng mga bosses. What changed her mind?

"Mas mahirap saating makalusot sa mga floors kung walang laptop! The MacBook is our tool for clues!" Giit ni Thrina na tutol sa opinyon ng tatlo.

"Opinion mo 'yan receptionist, pero hindi nangangahulugang kailangang masunod ang gusto mo." Sambit ni Andreas na umupo na sa harap ko habang pabalik-balik ang titig saakin at sa laptop. His intent gaze meant something.

Dagli, mabilis nitong hinablot ang monitor ng laptop na kaagad namang napigilan ni Syk. Nahila ni Syk ang kamay ni Andreas at nagbunuan ang mga ito sa harap ko. Mabilis na pinakawalan ni Andreas ang kanang kamao na siya namang nagawang ilagan ni Syk.

Tumilapon ang dalawa sa carpeted floor.

Nasagi ni Syk ang malaking vase at nabasag iyon. The broken vase cut the arm of Syk. He grunted in pain.

"Guys! Stop that! May email!" Malakas na sigaw ni Haliya. Napakapit ito sa balikat ko habang nakikibasa sa pinadalang email ng killer.

This is your last chance to form an ally. Your last peaceful floor. No one dies in this door. Bear this in mind before you go down: It is weightless. It is not even visible. Though, two or more people need to hold it. What is it?

A warning tone came after the riddle. Malapit nang mamatay ang laptop. Nagtinginan ang lahat at tila tuliro sa kung anong susunod na gagawin.

"Charger! We need charger! Bilis!" halos humiyaw si Thrina sa likuran ko. Nagkakagulo na rin ang mga empleyado sa bawat sulog ng 21st floor.

Natulala naman sina Mina, Simond at Haliya sa harapan ko habang nagbabasagan ng bungo sina Syk at Andreas sa isang sulok.

"Mina, anong sagot diyan?" Niyugyog na ni Maddie ang tulalang si Mina na tila may ideya kung anong naghihintay saamin sa susunod na floor. "Minaaa!"

Nangilid ang mga luha sa mata ni Mina. Ito ang unang beses na tila kakikitaan ito ng ganoong ekpresyon. Napaupo ito sa sofang kaharap ng kinaroroonan ko. She whispered, "It is weightless. It is not even visible. Though two or more people needs to hold it. Oh shit!"

"Just tell us, anong ibig sabihin niyan?" Untag pa rin ni Maddie.

"Friendship. The answer is friendship." Haliya answered voluntarily. Muling sumilay ang kaba at takot sa mukha nito. Nanginginig ang mga kamay na lumapit saakin. "The killer spared our life on the 23rd, 22nd and this floor. Kasi... kasi..."

"I found one charger!" sigaw ni boss Michonne sa kabilang dako ng lounge area. Mabilis itong tumakbo palapit saamin.

Pero bago pa man makalapit si Miss Michonne, isang malakas na pwersa ang humablot sa laptop. Hindi iyon namalayan ng lahat.

"No one answers the killer!" malakas na utas ni Andreas na dumudugo ang pumutok na labi at kilay. Malakas nitong ibinalibag ang laptop sa pader na ilang metro ang layo mula saamin.

Halos napanganga ang lahat habang pinagmamasdan ang paglalakbay ng MacBook patungo sa pader. Isang mahinang pagsabog ang naging kasunod no'n bago nagkanda-lasug-lasog ang mga bahagi ng gadget.

That MacBook costs almost sixty thousand pesos but it costs more than that...

It costs more than one life.

###