webnovel

19th Door

"Confession is always weakness. The grave soul keeps its own secrets, and takes its own punishment in silence."

-Dorothy Dix

***

MAXINE

Pakiramdam ko'y binubuksan ang dibdib ko nang biglang bumukas ang pintuan ng elevator. Mas lalong nadagdagan ang takot ko dahil iniwan kami nina Andreas at Simond. Parang nalagasan kami ng depensa dahil walang lalaking haharang sa mga kutsilyo o balang dadapo saamin kung sakali.

Nakakapit ako sa braso ni Angelyn habang si Bella'y gayundin. Naririnig ang kinakabahang paghangos ng huli habang palabas kami sa elevator. Si Angelyn ay tahimik at tila pilit nilalabanan ang takot.

Dahan-dahan. Puno ng pag-iingat. Nanginginig kaming humakbang papasok sa madilim na open floor ng 19th. Wala ni isang ilaw sa loob. Tanging ang liwanag mula sa labas ang nagsisilbing ilaw naming tatlo.

"Angelyn, I'm scared." Nangangatal na sambit ni Bella na mahigpit ang pagkakakapit sa kanang braso ni Angelyn.

"Takot din ako. Lahat tayo takot." Nagpatuloy sa paglalakad si Angelyn. Ganoon din ako. Pare-parehas kaming takot sa kung anong posibleng kahantungan ng sagot namin. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa ganitong nakakagimbal na sitwasyon at parehong matatakutin din ang mga kasama mo.

It felt like no one can save us. Hopeless.

"Just imagine na nasa Korean TV Series tayo na 'Bad Guys' at tayo ang detective na si Oh Gu-tak. Tatlong Oh Gu-tak. We will solve this mystery." Muling pagpapalakas ng loob ni Angelyn saamin habang dahan-dahan kaming pumapasok sa madilim na open space ng 19th floor.

"Angelyn naman. Hindi ito K-Drama setting. Totoong horror ito! Totoong-totoo!" Bulalas ni Bella na halos yugyugin ang braso ng kaibigan. Humihikbi na ito. "Marami pa kaming pangarap ni Daryl. Marami pa kaming kailangang ayusin."

"Oo! Alam kong magpapakasal pa kayo ng nobyo mong si Daryl. Kaya nga kailangan nating lumusot dito! Takot din ako! Pero walang magagawa ang takot natin sa ganitong sitwasyon." Untag ni Angelyn. May bahagyang panginginig sa boses nito. Ramdam ko na rin ang malamig na pawis sa braso niya.

"This is real. I wish this is fucking unreal, but this is real!" Anas ng paiyak nang si Bella habang lumalayo kami sa mismong elevator.

Tama siya. Imposibleng panaginip ang lahat ng natunghayan namin. Totoong-totoo. Isang makatotohanang bangungot!

Pakiramdam ko'y katapusan ko na. Pakiram ko'y sa ilang nalalabing saglit ay babawian na ako ng buhay. Wala akong gagawin kundi sumama sa daloy ng kapalaran. Ang dibdib ko'y puno ng pangamba at takot.

Naglalaro sa utak ko ang nakaraan habang unti-unting binabalot ng mas malaking posibilidad na katapusan ko na talaga.

Pero.

Sa isang sulok ng utak at puso ko, may nag-uudyok saaking magpatuloy. 'Yong isang katiting ng pag-asa na nakakubli sa sandamukal na pangamba, na baka kaya pang lusutan ng swerte ang trahedyang ito.

Baka hindi pa.

I'll take the chance. No matter what. Even if the chance is the fool's name for fate.

I still have Angelyn and Bella to hold on to. They're my friends. Tested and proven. Hopefully. We can survive this.

Matagal ko nang kaibigan sina Bella at Angelyn. Simula grade school ay kami na ang magkabarkada. Magkakapitbahay kami. Pare-parehas kami ng school na pinasukan simula grade school, high school at college. Kahit na sa internship ay parehas naming pinili ang Montellano Online Shopping.

Parehas din naming pinagsisihan ang magtrabaho sa impiyernong kompanyang ito.

Nakailang hakbang din kami papasok sa walang hanggang madilim na 19th floor. We're all gasping and panting. Three hearts racing nervously. Three hearts beating fast. Nonstop.

Sabay-sabay kaming tumigil sa paghakbang nang biglang umilaw ang gitnang bahagi ng 19th floor. Isang spot or track lighting sa gitna ng madilim na floor. I noticed it has consistent light sources with tight beam control. The light showcases a wedding bouquet laid on the floor.

"A bouquet of ivy and yellow roses." Bulalas ko. Natigilan ako at kaagad napaisip kung ano ang kahulugan ng bulaklak na iyon. Could it be a funeral? Napalunok ako sa naisip. My throat tasted bitter.

Bella gasped intensely. Napaatras ito. "Is this a funeral? B-bakit may bulaklak sa gitna ng floor na 'to?"

Muli akong napalunok. Nagsimula akong pagpawisan. Nagsitayuan ang mga buhok ko sa katawan. Pakiramdam ko'y may baril na nakatutok sa sentido ko. Pakiramdam ko'y babawian kami ng buhay ano mang oras.

"Oh my god!" Nagsimula na ring kabahan si Angelyn. "This means something. K-kagaya ng mga napanood kong KDramas. Flowers symbolize something. Like t-the marigold in 'Here Comes Love. Pati 'yong tea bush flowers sa Legend of the Blue Sea, which represents memories according to Dam Ryung."

"A-anong ibig sabihin ng ivy and yellow roses?" Nangangambang sambit ni Bella na nakatago na sa likuran namin ni Angelyn. Humihikbi na ito sa sobrang kaba. "Ayoko pang mamatay... ayoko pang mamatay guys."

"The b-bouquet means friendship and trust. I have worked in a flower shop as a part-timer during sophomore days remember. I'm sure." Muli akong napakapit kay Angelyn. Lahat kami'y napapaatras na palayo sa bulaklak. "W-what shall we do?"

"Hindi ko alam! Hindi ko na alam! Oh god! Please save us!" Nananaghoy na si Angelyn. Kahit na madilim ang paligid, alam kong umiiyak na ito sa sobrang takot kagaya namin ni Bella. Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan nito.

Unti-unti kaming umaatras palayo nang sumambulat saamin ang malaking monitor sa likuran. The LED screen revealed the face of death. The scary symbol of death.

Sabay-sabay kaming napatili at halos tumakbo palayo sa monitor. Napapagitnaan na kami ng monitor na nakakabit sa dingding kung saan lagpas no'n ay ang elevator at ng bulaklak na hindi man gumagalaw ay parang kamatayang tinatawag na ang aming kaluluwa.

"Kapag nabubuhay ang laptop o kaya mga LED monitor na 'yan, isa lang ang kahulugan! Kamatayan! Diyos ko po! Mamamatay na ako sa nerbiyos! Patayin niyo na lang ako sa nerbiyos!" Bulalas ng naghihisterikal na si Bella na halos hilain kami ni Angelyn sa isang sulok.

Napadpad kami sa pinakadulo ng 19th floor kung saan tanaw namin ang buong ka-Maynilaan. Natigilan ako. Napansin kong buhay ang halos lahat ng ilaw sa labas pero parang walang buhay. Walang gumagalaw na sasakyan. Wala na rin ang malikot na spotlight na pinapailaw tuwing gabi. Walang gumagalaw sa labas.

Anong nangyayari? Bakit parang kami na lang sa building na 'to ang natitirang buhay? Anong nangyayari sa Maynila? Muli akong napalunok. Sasabihin ko na sana ang obserbasyon ko sa labas ng building nang muling tumili sina Angelyn at Bella.

Lumabas ang instructions sa monitor. Tama si Andreas, the killer will always find a way to contact us. Kahit na sira na ang laptop ni sir Vlad at wala sa floor na 'to si Minalyn na siyang may hawak ng cellphone kung saan nagtetext ang mastermind, he still got an access to everything.

Posible kayang isang technical expert ang killer? Posible kayang si sir Simond? Hindi ba siya ang IT specialist na natitirang buhay pa saamin?

The monitor displayed:

PLAY OR DIE.

This is not a party. Not even a wedding event. This could mean a part of you or even your life. Be the rightful bride.

Let's play! Childhood party game goes bridal when guests pass around the room. This time the music plays while the bouquet is handed from girl to girl. The music stops at intermittent points. The girl holding the bouquet will have two choices: confess a sin she had secretly committed with the other two girls or cut one of her fingers if she's not into a confession.

The game continues until the flower of friendship is wrecked or until there's no more finger to count!

The lights will turn red if your confession is not true or just made-up. Better be honest to save your fingers!

Confess. Cut a finger. Or forever hold your peace!

"No. I'm not playing!" Umiling-iling si Angelyn. Mas lalong humangos ito sa takot nang tatlong focus light ang umilaw palibot sa bouquet. "I don't wanna die! I'm not playing it!"

Nanginginig na humagulgol si Bella. Napatakip ito ng bibig nang makita ang tatlong ilaw na nakapaikot sa bouquet. "Guys, w-wala naman kayong sikretong kasalanan diba? S-so why don't we just play? B-baka ikamatay pa natin pag hindi tayo nanglaro."

Napalunok ako sa tinuran ni Bella. Hindi ako perpektong kaibigan, alam ko. Dehado ako. Pero may iba pa ba kaming choice kundi ang maglaro lang? Hindi ba't marami nang namatay sa upper floors? M-may karapatan pa ba kaming tumanggi?

Bahala na.

Bella stepped closer towards the bouquet. Nanghihina ang mga tuhod nito gaya ko. Sa sobrang kaba. Sa sobrang takot. "G-guys, let's finish this!"

Napahakbang na ako kasunod ni Bella. Bigla, naramdaman ko ang paghila ng mga kamay ni Angelyn. Nanginginig pa rin ito at namamasa na ang mga palad sa sobrang kaba.

"Max, I'm scared. I c-can't do this!" She whispered shaking.

"We have no choice Anj. W-we have to do this. To survive." Hinila ko ito at pinilit makalapit sa spotlight kung saan kami dapat tumayo. "Let's go."

Tahimik si Bella. Sa wakas ay narating na nito ang bouquet. Mabilis nitong dinampot ang bulaklak at tumayo sa tapat ng isang ilaw. Nakayuko ito kaya hindi ko alam kung anong nararamdaman nito ngayon. Marahil ay takot siya, kagaya namin ni Angelyn.

Humihikbi ang luhaan si Angelyn. Pasinghot-singhot itong tumayo sa tapat ng isa pang ilaw.

Nanghihina naman ang tuhod kong tumuntong sa tapat ng ikatlong focus light. Muli akong napalunok at mabilis na ninlingon sina Bella at Angelyn. I gathered a grip to hold my grip. Something terrible is going to happen.

Lahat kami tahimik habang hinihintay ang musika.

Once the music starts playing, we march our feet towards our grave.

The song started playing. Halos lumuwa ang puso ko sa aking lalamunan. Nagsimulang ipasa ni Bella ang bouquet saakin. Mabilis ko namang ipinasa ito kay Angelyn. Lahat kami'y nanginginig habang nagpapasahan.

'Bite the Pain' by Death (see multimedia).

♪♪♪Look down at the body

You may see no trace of wounds

But in the eye

The eye of the beholder

One cannot assume.

♪ ♪♪ Not a drop of blood is drawn

But you know how it bleeds

Beware of the sharp edged weapon

Called human being..♪♪♪

Ilang segundo ang lumipas. Walang tigil sa pag-iyak si Angelyn pati na rin si Bella. Halos mangisay naman ako sa sobrang kaba dahil sa ilang saglit lang ay mawawasak na ang aming pagkakaibigan o mamamatay kami o kaya'y matatanggalan ng daliri.

The music stopped. Angelyn was holding the bouquet. She gasped in fear.

Huminga ito ng malalim. Nanginginig at takot na takot. "G-guys, I'm sorry." She cried. "I was... I was talking behind your back. M-many times."

Hindi na kagulat-gulat iyon. Tinanggap ko iyon. Maski si Bella ay hindi na nagsalita. Gawain naman 'yan ng magkakaibigan, ang pag-usapan ang bawat isa kapag wala ang isa.

Muling nagpatuloy ang musika. The music was torture. It's Metallica. Scary. Deadly. Nahihirapan na akong huminga. The air suddenly became thick. Or was I only nervous? Too nervous and scared?

The music stopped.

Tumapat ang bouquet kay Bella.

Nilingon kami ni Bella bago ito nagsalita, "You know selosa talaga ako. P-pinagselosan ko kayong dalawa one time, b-but I trust Daryl."

Muli akong napalunok sa sinabi ni Bella.

Hanggang saan aabot ang larong ito? Ilang sikreto pa before it stops?

Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras. Paulit-ulit ang kanta. Nakailang confessions na kami. Pakiramdam ko'y nasira na ang pagkakaibigang ilang taon naming inalagaan. Nagsilabasan ang mga sikreto namin. Nagkasiraan. Pero may isa pang sikreto ang hindi nabubunyag.

Isang sikreto na tuluyang sisira sa aming tatlo.

The music stopped. Halos gutay na ang bouquet na hawak ni Angelyn. She's panting.

"I-I actually... T-tinangka akong landiin ni Daryl through Skype. B-but it did not progress. K-kasi kaibigan kita at hindi ko kayang gawin 'yon sa'yo."

"What?" gulat na tanong ni Bella. Umandar na naman ang pagkaselosa nito. "D-Daryl tried to flirt with you?"

Hindi nakasagot si Angelyn dahil biglang nagpalit ng kulay ang ilaw kung saan siya nakatayo.

Red.

It means it was all made-up.

"W-what comes next? N-nagsasabi ako ng totoo!" Tila nababaliw na untag ni Angelyn. "Nagsasabi ako ng totoo!"

Pigil hininga namin siyang tinitigan ni Bella. Hawak pa rin nito ang bouquet at nanginginig na hinintay ang susunod na mangyayari.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang biglang bumagsak sa gitna namin ang isang cleaver knife. Muli akong napalunok. Nadoble ang kaba ko sa katawan.

"Holly shit! No! N-no!" Napasinghap si Bella habang nakatitig kay Angelyn. Hindi na nito napigil ang humagulgol.

The lights will turn red if your confession is not true or just made-up. Better be honest to save your fingers!

She'll have to cut a finger. I know, Angelyn had an affair with Daryl too.

"I c-can't lose a finger! I can't! Oh my..." Bumagsak ito sa sariling tuhod. Nabitawan nito ang hawak na bouquet.

The lights blinked. A warning that Angelyn had to cut her finger.

"Angelyn..." tanging sambit ko. Nanghihina ang mga tuhod ko at hindi ko ito magawang lapitan.

The monitor flashed:

Cut a finger or die!

Muling humagulgol si Angelyn. Naiyak na rin ako pati si Bella. May mga confessions kami na hindi nagustuhan ng bawat isa; but we still care for each other. Atleast I do.

"Angelyn..." Bella uttered with grief.

Halos hindi mapalagay ang mga kamay ni Angelyn na inabot ang malaking kutsilyo. Napapasinghap ito at napapasinghot habang nakaupong hawak ang cleaver.

Ilang minuto ang lumipas. Muling kumislap ang pulang ilaw sa tapat nito.

"Damn you! Kung sino ka mang hayop ka, makakahanap ka ng katapat mo! Higit pa dito ang aabutin mo!" Sigaw nito habang nakatingala sa pulang ilaw. Itinaas nito ang kamay na may hawak na kutsilyo habang ang isang kamay nitoy nakalapat sa sahig.

Kitang-kita ko ang paglalakbay ng cleaver pababa sa nakalapat na kamay ni Angelyn.

We heard a loud thud. Tumalsik ang pulang likido sa gitna namin. Angely cut her finger. Patunay ang malakas nitong sigaw pagkatapos maputulan ng daliri. Napatili din si Bella sa sinapit ng kaibigan. Napatakip ako ng mukha. Nanlamig ang buong katawan ko.

The music started playing. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Nadoble. Natriple.

♪ ♪ ♪It is a shield of passion

And strong will

From this I am the victor

Instead of the killI will not feed your hunger, instead

I bite the pain

Looking not back, but forward

I bite down hard ♪ ♪ ♪

The music stopped. Tumigil ang mundo ko. Ang paghinga ko. Hawak ko ang bouquet ng ivy at rosas. Naubusan na ako ng confession. Pero may isang kasalanan pa akong nagawa. I bit my lower lip. Dumugo iyon.

Ayokong maputulan ng daliri. Kailangan nang malaman ni Bella ang katotohanan. Hindi ako pwedeng maputulan ng daliri. Hindi ko kakayanin.

"Come on Max. Say it! Say it nang matapos na ang lahat! Don't lose a finger... just sacrifice the friendship we all cared for." Hinihingal na usal ni Angelyn. She's lost a lot of blood.

"Max..." Bella was crying. Nonstop.

"Bella, I'm sorry. I'm so sorry..." humagulgol ako. Inipon ko ang lahat ng lakas ko sa dibdib bago ako nagpatuloy. "I... I slept with Daryl... b-but that was before I met Jake, my fiance."

Napanganga si Bella. Hindi ito nakapagsalita habang umiiling-iling. Habang si Angelyn nama'y nakatitig lang din. The light did not turn red; which means it's the truth. Our friendship was totally ruined.

"I'm sorry Bells." Bulong ko. Alam kong isa itong sikretong pinakatatago ko kina Bella at Angelyn pati sa fiance ko. Pero I'd rather tell the truth than lose a finger.

"How many more secrets?" Bella started sobbing as the music played.

♪ ♪ ♪Try to cover up the trail of deceit

And daggers spawned from your soulAcid, the tears of remorse

Flow in vain, too late for regrets

Save it

For the next ill fated game. ♪ ♪ ♪

Muling tumigil ang musika. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko hawak ang bouquet. Humihikbi si Bella. Hawak nito ang bouquet na halos guaty-gutay na. Naging hagulgol ang paghikbi nito hanggang sa napaluhod na rin ito.

"Ang sakit." Simula nito. "Ang sakit lang isipin na minimal ang naging kasalanan ko sa inyo. I have tried so hard to keep this friendship. Pero anong ginawa niyo?"

"Bells... Sorry." Umiiyak na sambit ni Angelyn. "Sorry talaga."

"Alam ko, selosa ako at babaero si Daryl." Suminghot ito saka muling tumulo ang mga luha nito sa pisngi pababa sa leeg nito. Basang-basa na ito ng luha. "Pero sana inisip niyo man lang kung anong mararamdaman ko. Kasi diba, kaibigan niyo ako? O tinuring niyo ba talaga akong kaibigan? All these years?"

"Bells, sinubukan kong pigilan. Pero n-natukso ako. Sorry." Sumamo ko habang nalalasahan ang sarili kong mga luha at ang dugo mula sa kinagat kong labi. Bumagsak ang katawan ko sa sahig dahil sa sobrang takot at panghihina. "Sorry..."

"Nasasaktan ako. Nasasaktan ako hindi dahil niloko ako ni Daryl. Dahil alam ko namang hindi ito ang unang beses. Mas nasasaktan ako kasi tinuring ko na kayong parang kapatid. Nasasaktan ako dahil mga kaibigan ko kayo at niloko niyo ako!" Napasigaw na sa kinatatayuan si Bella.

Mabilis ang mga naging pangyayari. Hindi ko namalayan ang pagdampot nito sa cleaver. She moved closer to Angelyn and slit her throat. Bumulwak ang masaganang dugo ng babae.

I was shock. Hindi ako kaagat nakagalaw. Bella killed Angelyn.

Nanlaki ang mga mata ko nang naglakad palapit saakin si Bella. Nanlilisik ang mga mata nito habang hawak ang kutsilyo at bouquet sa magkabila niyang kamay. Hindi ako kaagad nakagalaw sa sobrang gulat.

Paatras na ako nang mamataan kong hinampas nito ang hawak na kutsilyo sa mukha ko. My face felt numb after. Hanggang sa unti-unting nanuot ang kirot sa mukha ko. I felt the half of my face falling as Bella removed the knife from it.

"I am the rightful bride." Bella firmly uttered before I saw her slashing the edge of the knife towards my throat.

My breathing suddenly stopped. I felt the warm crimson fluid coming out of my face... of my throat. Nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko'y pinuno ng semento ang baga ko. Pakiramdam ko'y sinasakal ako. Hindi ako makahinga.

Bumigay ang katawan ko. Dumilim ang paningin ko habang nararamdaman ko ang pagbaksak ng katawan ko.

The last sound I heard was a footstep gearing away from us. It was from Bella. She survived the 19th.

###

This is an ongoing thriller written in Filipino. Ongoing chapters are randomly released every 7:00 A.M (UTC+8).

Ruru_Montcreators' thoughts