webnovel

13th Door

"We're our own dragons as well as our own heroes, and we have to rescue ourselves from ourselves."

-Tom Robbins

****

Nagkalat ang dugo ni Nicolla sa paligid ng carousel. The lions did not leave too soon. They must have been craving for food for days at hindi sapat sa kanila ang iisang tao lang. They might need one more or even all of us for lunch.

Walang imikan sa carousel. The air was filled with the smell of stinking rusty blood. Lahat pigil ang paghinga habang nakaabang sa paligid ang tatlong mababangis na leon na parehong duguan ang mga mukha. The blood made them looked even scarier.

Halos dumikit na kami sa pinakagitna ng rolling wheels sa carousel. Sa bandang iyon, may mga nakaharang na wooden horses kaya bago pa man kami malapa ng mga leon ay magagawa na naming umiwas.

"Mina. W-what is going to happen next? Mukhang hindi tayo lulubayan ng mga leon na 'yan. W-wala bang nagtext sa'yo?" Niyugyug na ni Rielle ang braso ko. Mukhang nababaliw na ito sa kinatatayuan.

Base sa obserbasyon ko, labing-isa ang wooden horses na nasa carousel. The mastermind mind not be giving us any phrase for hints, riddles or puzzles but it can be clearly stated that the carousel did not stand here for nothing.

Eleven wooden horses for eleven people only.

There were twelve of us.

One must go.

One must die.

Kung puwede lang na magpakakontrabida ako dito at itulak na lang ang isa saamin, sana ginawa ko na. I have some facts gathered, but they weren't enough to judge people. This time I can be curious, but I can't be judgmental.

"Rielle, take one wooden horse." Wala sa sarili kong sambit.

"What the h-"

"Just ride on it! Mamaya mo na ako pasalamatan!" I cut her words. Pinandilatan ko ito to stress that I was goddamn serious about the command.

Kaagad naman itong sumakay sa wooden horse na malapit sa kinatatayuan namin. Pagkaupong-pagkaupo ng kaibigan ko sa kabayo ay mabilis na tumaas ito ng ilang talampakan. A height cannot be reached by the lions.

"So, kung nababasa ko ang tinutungo ng ideya mo Mina, there can only be eleven people surviving this floor?" I heard Andreas from behind. Nang lingunin ko ito'y wala na sa mukha niya ang ngisi ng isang manyak na kinaiinisan ko noon. He can be as equally handsome as Vladimir and Natas kapag nagseseryoso siya.

"Save your ass Andreas. Take one horse if you believe my instinct." I said calmly trying to impersonate my serious self.

"After you. Baka sabihin mong gago na naman ako at makasarili. So, I'll only take one horse after you."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ng lalaki. Is he trying to impress me? Basta ang pagkakaalam ko ay isa siyang gago, kaya kahit magbait-baitan pa siya dito sa building na 'to, gago pa rin siya kahit na makalabas pa kaming buhay dito pareho.

Napansin marahil ni Ryanne ang biglang pagtaas ni Rielle nang sumakay ito sa wooden horse. She took one and levitated instantly. Nagkopyahan ang lahat. Vlad, Bella, Larryson, Natas and Maddie took the wooden horses as well. Sunod-sunod na nagsi-akyatan ang mga kabayo sa carousel.

"Mina, take one goddamn horse now!" Sigaw ni Andreas na hinihintay akong sumakay. Pinapanindigan nito ang sinabi kanina na mauuna akong sumakay bago siya.

I hissed, napailing-iling ako bago tinungo ang isang bakanteng kabayo. Napansin kong tinangay ni Andreas ang bakanteng wooden horse sa di kalayuan. Sabay kaming tinangay pataas ng mga kabayong kinalalagyan namin.

Napansin kong pasakay na sa bakanteng wooden horse sina Kid at Satana. Kid was able to take his slot and so as Satana but someone interrupted to take Satan's seat. Hindi ko marinig ang pagtatalo ng dalawa pero parang pinapaalis ni Simond ang babae.

Nang lingunin ko si Vlad ay tila nagpipigil itong bumaba sa sinasakyan. Kinukumbinsi ito ni Natas na huwag nang bumaba pa para sa kaibigan. Hindi pa man nakakaakyat ang kabayong kinaroroonan ni Kid at awtomatiko na itong lumapag sa metallic floor ng carousel at mabilis na nakalapit kina Satana kahit na matulin na ang pag-ikot ng makina.

Hindi pa man nakakapagsalita si Simond ay isang malakas na suntok mula sa kanang kamao na ang napakawalan ni Kid. Kusang bumaba naman sa kabayo si Satana para bigyan ng isang malakas na tadyak sa sikmura ang natumbang si Simond.

"Satana, take your horse and save yourself! I will reward this bastard!" Dinig naming sigaw ni Kid mula sa ibaba. Nasa harap nito ang nagtatangkang bumangon na si Simond. Bago pa man makabangon si Simond ay isang malakas nang tadyak ang pinalasap dito ni Kid.

"Kid, leave him! Take that goddamn horse!" Untag ni Satana na nakahawak na sa metal pole na hihila sa mismong kabayo pataas.

Sumunod naman si Kid na pigil na pigil sa gigil. Sumakay na si Satana sa kabayo. Ilang segundo lang ay umakyat na pataas ang sinasakyan ng babae. Kid took his step towards the last wooden horse.

Unexpectedly, Simond pulled his left foot dahilan para matumba ito sa kinatatayuan. Nagpagulong-gulong ang dalawa sa umiikot na floor ng carousel. Napasigaw si Satana sa taas habang sinubukan namang bumaba ni Vladimir sa kinauupuan.

Nagawang tadyakan ni Simond si Kid nang makabangon ito dahilan para halos mahulog na ito sa dulo ng carousel. Nakakapit ito sa metal habang nilalabanan ang pwersa ng umiikot na makina. Muli nitong tinangkang lumapit sa natitirang wooden horse at gayundin si Simond.

"Kid, make it fast! Kid!" Tumitiling napapasigaw si Satana na hindi na mapakali sa kinaroroonan.

"Kid, bilis!" Hindi na nakatiis na sigaw ni Vlad.

Pigil hininga kong pinanood na magkarerahan sina Simond at Kid patungo sa natitirang wooden horse. Kid was too far from the horse. Sinubukan nitong unahan si Simond pero hindi na nakahabol pa si Kid.

The wooden horse took Simond to the safe zone. Nanatiling nakadapa si Kid habang umiikot ang carousel. Ilang segundo lang ay biglang bumagal ang ikot ng makina. Nahulaan na ng karamihan ang susunod na mangyayari.

"Kid!" Naluluhang sambit ni Satana habang nakatingin sa kaibigan.

"Kid... I'm sorry." Vlad felt guilty for leaving his friend behind. Though no one was to blame, the guilt lingered as expected.

"Vlad... bro. Save Zyril. Save Satana..." naluluhan si Kid habang unti-unting humihinto sa pag-ikot ang carousel. Pinigilan nito ang hikbi habang unti-unting pinipikit ang talukap ng mga mata. "Save them Vlad."

Umiwas ako ng tingin kay Kid nang tuluyan nang tumigil san pag-ikot ang carousel. Ilang saglit lang ay sumunod na narinig ang magkakasabay na ungol ng mga gutom na leon na sinundan ng malakas na sigaw ni Kid. Hindi tumagal ang boses ni Kid sa hangin. Kusa din iyong nawala pagkatapos ng ilang segundo.

Kid was dead. Eleven people survived the 14th floor.

Tahimik ang lahat habang nakikiramdam sa susunod na mangyayari. Halos manuyot ang lalamunan ko sa sobrang kaba. Mahigpit ang kapit ko sa metal na nakadikit sa sinasakyan kong wooden horse.

"W-what's next guys? The lions j-just left." nanginginig na sambit ni Bella. Mahigpit ang pagkapit nito sa sinasakyang kabayo.

"M-maybe we can go d-"

Hindi na natapos ni Natas ang sasabihin nang biglang gumalaw ang carousel. Muli itong umikot. Nagtinginan ang labing-isang nakasakay sa wooden horses. Mas lalong nagulat ang lahat nang maramdaman naming bumaba ang mismong carousel kasabay ng pagbaba din ng mga sinasakyan naming wooden rides.

"T-the carousel is going down to the 12th floor?" Nalilitong tanong ni Ryanne.

"It looks like it boss." Sagot ni Vlad. Bakas sa mukha nito na hindi pa rin makapaniwala sa sinapit ng kaibigan. I can sense the feeling of sadness and guilt in his face.

Satana was trying to sulk in her tears. Malalim ang iniisip nito at hindi na kumikibo. Apektado ito marahil sa nangyari din sa kabigang si Kid. Lahat naman kami.

Tama nga ang hinala ng lahat. Nakakapagtakang konektado ang buong carousel sa mga bakal na tila matagal nang installed sa 12th floor. Walang ideya ang lahat sa blueprint ng building ng MOS. Pero ang carousel na ito na konektado sa isa pang for lease floor ng MOS Building ay nakakapagtaka.

How could the management allow such facility?

No one can answer except the Reds, the owners or the business -Ruby Red and Rocess Red.

Pagbaba ng carousel sa mismong third floor ay bumungad saamin ang isang malaking cage kung saan nakapaloob ang kinaroroonan naming carousel. May nag-iisang pintuan sa malaking kahon na iyon kung saan kami maaaring lumabas.

Sa pagtigil ng carousel, kani-kaniyang babaan ang mga empleyadong naroon. Dahan-dahan ang bawat paghakbang ng lahat. Bilang ang bawat kilos pati pag-hinga.

"13th Door." Naibulong ni Maddie.

Napansin naming lahat iyon. May markang 13th door ang pintuan ng cage at punong-puno iyon ng malalaking padlocks.

"A-are we looking for keys here?" Andreas asked.

"Look for keys! Look for keys around you!" Malakas na sigaw ni Larryson.

Nataranta ang lahat ng naroon. Kaniya-kaniya kaming hanap ng susi. Nilibot ng lahat ang buong carousel. Sumunod saakin si Rielle.

"Mina, S-Satana is not the killer. Kasi kung siya man, h-hindi niya hahayaang mamatay si Kid!" Bulong nito habang naghahagilap ako ng susi sa paligid.

"You have a point. But the more that we have to be cautious kasi masyado nang magaling ang mastermind. Nagagawa niya tayong magsuspetsa sa mga taong inosente." Sagot ko.

Sa gitna ng paghahanap ng marami, isang boses ang bigla na lang nagsalita.

"I got the keys!" Galing iyon kay Maddie na nasa kabilang sulok ng carousel.

Nagsitinginan ang lahat habang pinagmamasdan ang hawak ni Maddie na isang malaking keychain na naglalaman ng mga susi sa pintuan.

Larryson immediately grabbed the keys and ran towards the door. Hindi ko na pinansin ang pagbukas nito sa napakaraming padlocks. Pinagmasdan ko ang reaksyon ng mga nakamasid. Mukhang walang kahina-hinala sa kanila.

Maliban kina Maddie at Larryson. Mukhang sa lahat ng narito, sila ang kanina pa tahimik at nagmamasid kagaya ko. Noong nasa taas pa kami, matagal ko nang pinagdudahan si Maddie na may infinity tattoo sa batok. Hindi kaya?

"There. It's opened!" Bulalas ni Bella nang matapos si Larryson.

Binuksan ng HR Manager ang pintuan. Nauna itong lumabas sa malaking cage kasunod si Maddie. The rest followed them. Nahuli kami nina Vlad, Rielle at Andreas.

"Mina," mahinang tawag saakin ni Vlad.

Hinayaan kong mauna sina Andreas at Rielle sa paglalakad kasunod ang iba pa. "Ano 'yon?" I asked.

"I have seen one of the killers. That was on the 16th floor. I know you won't believe this but I think, I think_"

Napatili si Bella sa harapan kasunod ni Ryanne dahilan para hindi matapos ni Vlad ang sasabihin. Vlad gazed at me nervously before he signaled me to ran towards them.

Mabilis naming tinakbo ang open floor.

Nagkumpulan ang mga empleyadong naroon. Parehas kaming natigilan ni Vlad sa likod ng iba pa nang tumambad saamin ang dalawang babaeng nakatali sa hugis krus na bakal na siyang nakadikit sa dingding.

Wala silang malay at tila nanghihina. May pasa si Zyril sa kanang pisngi habang si Mildred ay may malaking hiwa sa kanang binti.

It was Mildred and Zyril. They're alive!

###