webnovel

11th Door

Be careful when you cast out your demons that you don't throw away the best of yourself.

Friedrich Nietzsche

***

This was definitely a suicide. Going against the Infinite was suicide.

But I will make it meaningful if it's the case.

Nagpagulong-gulong ako sa semento para makaiwas sa sunod-sunod na pag-atake ni Mildred.

Naalaa kong halos sabay kaming nakapasok sa Infinite noon at lagi kaming pinagtatapat sa sparring. Lagi niya akong nauungusan sa sword combat. Malakas siya. Maabilidad.

Nag-aral ito ng mixed martial arts at wushu sa isang kilalang assassin institute sa Tokyo. Ang pagiging mahirap nito sa mata ng lipunan ay bahagi lamang ng pagpapanggap niya. It was all for a show.

A wolf must hide in constant under a sheep's clothing by wearing it more convincingly. Mildred was one of Infinite's asset. I was always second best.

Mataas ang naging pagtalon nito sa ere with both her hands holding the mighty blade. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko halos mabasa ang susunod na galaw ng espada.

Gumulong ako pakaliwa with my samurai's blade consistently covering my back. Dumapo ang espada ni Mildred sa samurai ko. Malakas ang pagkakahampas no'n kaya ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng patalim ng sarili kong espada sa kanang braso ko kung saan nakamarka ang infinity symbol.

Napadaing ako sa sakit. I ducked down and rolled my body with my head going first. Pero huli na nang muling matapyasan ng patalim ni Mildred ang likuran ko.

Napasigaw ako sa sobrang kirot. Pakiramdam ko'y binalatan ang buong likod ko.

Pagtayo ko'y dumaloy ang masaganang dugo mula sa balikat at likod ko hanggang sa mga binti ko pababa sa semento.

I was loosing too much blood. Hindi ko pa napupuruhan ang impaktang si Mildred. Kaya ko pa, bulong ko sa sarili.

"You're always behid me, Satana. Hinding-hindi mo ako matatalo." Mayabang na sambit ng babae ba nagsinula na namang humakbang palapit saakin.

Mas bumilis ang takbo ng mga paa nito habang hawak ang parehong kamay nito ang duguang espada. Napaluhod ako na tila susuko na sa kalaban pero hindi iyon naging dahilan para tumigil si Mildred.

I will never be beheaded no matter what.

Ilang metro bago tuluyang makalapit si Mildred ay ipinahid ko ang aking espada sa bumahang dugo sa paanan ko. I gathered as much blood as I can.

Then.

As Mildred ran for a kill, I created a forward slash to splatter the blood on my sword towards her face, specifically her eyes.

It was a chance I was not allowed to miss. I did it. Nabuhusan ng ilang patak ng dugo ang mga mata ng babae dahilan para hindi nito makita kaagad ang ang mga galaw ko.

Sa isang mabilis na iglap, nagpadausdos ako palapit sa hindi makakitang kalaban at buong lakas na itinarak ang espada sa lalamunan nito. Lumabas ang duguang dulo ng samurai sa ulo ni Mildred.

Nakadilat ito. Gulat na gulat sa ginawa ko habang unti-unti siyang binabawian ng buhay.

I made sure that she was able to hear me before she dies. So I said, "Second rates become better when belittled. Hindi araw-araw ginawa para sa'yo. Akin ang araw na 'to, Mildred. Suffer in hell."

Pagkatapos no'n ay hinugot ko ang espada sa lalamunan ng babae saka ako mabilis na tumalikod. Narinig kong bumagsak ang katawan nito sa sementong binaha na ng dugo bago ako tuluyang lumabas ng fire exit pababa sa 11th floor.

Marahil sa mga oras na ito ay naghahanap na sila ng puzzle pieces para mabuksan ang pintuan. I was one of those who set up this floor. Nakakalat ang mga puzzle pieces na bubuo ng isang image na siyang sagot sa pinadalang riddle ng Infinite.

A scorpion.

We're not in Antarctica.

We glow under the moon. Without a bone inside,

We can kill a warrior in just a single sting.

Basic ang riddle na 'yan sa training ng Infinite. Scorpions are not found in Antarctica, they only have exoskeleton, they glow under the moon due to their skin component, and they can kill with their venom in just a single sting.

Obviously, everyone knew it was a scorpion. Marahil ay may natutunan na sila sa mga nagdaang floors.

All of them thought it was just a simple riddle, but it signifies something. It is a symbol that calls someone's blood. Someone's identity.

The riddle was for Andreas. The reason behind all this.

Isang malawak na library ang kalahating bahagi ng 11th floor. Everyone scavenged for puzzle pieces that could form the image of the scorpion. Nakadikit ang puzzle sheet sa malaking pintuan na siyang magdadala sa kanila sa 10th floor.

I came down not for the riddles. I came down to keep my promise. That is to help Vlad survive this, or contribute to their greater survival.

And to fulfill that, Larryson and Maddie must be killed.

Nagkubli ako sa isang malaking cabinet nang mapansin kong nagkukumahog sa paghanap ng puzzle pieces sina Bella, Ryanne at Mina.

Nasa harap naman ng puzzle sheet sina Andreas at Larryson. Halatang tuliro si Andreas sa puzzle at riddle. Alam nitong sa kanya patungkol ang mga iyon.

My eyes were looking for Maddie.

Tiniis ko ang kirot ng mga hiwang iniwan ni Mildred. Halos maihi ako sa sobrang kirot nang dumikit ang sugat ko sa sinasandalan kong pader.

But I had to go on.

I will kill Maddie to make Larryson feel the pain that I have felt when I lost Kid.

In the first place, he's the reason behind all these.

Siya ang dahilan kung bakit narito kaming lahat. He hired all possible prospects and all those who contributed to Karen's death. Isa ako sa mga nagpadala ng fake email sa mga empleyado ng MOS. Larryson, being the HR manager did all the recruitment process to finally execute one of Infinite's masterpiece.

Maddie must die... Maddie must die. Paulit-ulit na bulong ng utak ko habang dahan-dahang nagpapalipat-lipat ng pagtataguan.

Hanggang sa mahagilap ko si Maddie sa isang maliit na cubicle. May hawak itong cellphone. Marahil ay nagpapadala na naman ito ng text message kay Mina.

Dahan-dahan, lumapit ako sa babae habang pahigpit ng pahigpit ang paghawak ko sa samurai.

Naramdaman ng babae ang pagdating ko. A killer's instinct. Napaatras ito nang mapansin ang hawak kong espada.

"S-Satana... We can talk about this." Kunyari'y madiplomasyang usal ng babae habang umaatras papasok sa mas liblib na sulok ng library.

"I did not ask for any words Maddie. Wala tayong dapat pag-usapan." Matigas kong sambit.

"Hel-"

Hindi nito natapos ang tangkang pagsigaw. Itinapat ko ang dulo ng samurai sa bibig nito. The sharp edge burried on her red lips. Tumulo ang masaganang dugo mula sa nahiwa nitong bibig.

"P-patawarin mo ako Satana..." she gasped for an air mid-sentence. Matindi ang nerbyos nito sa katawan. She won't survive Infinite. Kaya dapat ko na siyang tapusin.

"Humingi ka ba ng tawad sa kina Thrina, Syk at Kyziel?" Inilipat ko ang talim ng samurai sa leeg nito at doon ko idiniin ang dulo hanggang sa dumugo ito. "Syk loved you, but you ignored it. Thrina treated you as a friend, pero hinayaan mo lang siyang mamatay. We'll I should understand that you are trying to impress the Infinite. You're doing very well? I guess?"

"It not that I w-"

"Shhh... Wala kang karapatang magsalita Maddie kung hawak ko na ang buhay mo. Wala kang dapat ihingan ng tawad dahil patay na ang mga taong deserve ang sorry mo. Like Kyziel," I smirked devilishly. "Hindi ba't inutusan ka ni Larry na patayin siya dahil nakita niya sina Larryson at Nyl na nagtatalo the day before Mildred poisoned Nyl?"

"Satana..." muli kong diniinan ang samurai sa leeg nito. Mas masaganang dugo ang tumulo mula sa hiwa.

"Don't you Satana me, Maddie. I know I don't have the right to live as well. Pero may pagkakataon pa ako para makabawi.

Nanlisik ang mga mata ko. Hindi na ako nagsayang ng oras pa. Habang tumatagal kasi na nakikita ko ang mukha ni Maddie ay mas nanggigigil akong gilitan siya sa leeg.

"I will not make it hard for you, Maddie. Kahit papaano'y may natitira pa akong awa sa dulo ng kilay ko."

"Satana, please don't! Please d-"

Mabilis na lumipad ang dulo ng samurai pahalang sa leeg ni Maddie. Bumulwak ang mapulang dugo mula sa leeg nito. Nasapo ni Maddie ang hiwa no'n habang nakamulagat ang takot na takot na mga mata sa mukha ko.

"Magkikita kayo ng animal na si Larry soon. Very soon..." bulong ko sa hangin bago mabilis na umalis sa pinangyarihan ng karumal-dumal na krimen kung saan ako ang suspect.

Narinig ko ang mga yabag ng paa sa paligid. Ilang book shelves ang nalagpasan ko bago ko namataan ang kinaroroonan ng pintuan kung saan nakatayo sa harap nito ang lahat.

They've completed the puzzle pieces. Nakatitig lang si Andreas sa scorpion picture na binuo nina Vlad at Natas.

Napansin kong kanina pa hinahagilap ni Larryson si Maddie sa bawat sulok ng library. Natuon ang tingin nito sa kinatatayuan ko. Nagulat siya.

Nagtama ang aming paningin. Ngumisi ako. Ngising tagumpay.

Bago pa man tangkaing lumapit ng lalaki ay nagawa ko nang umatras at magtago.

Ilang saglit lang narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Kasabay no'n ay isang malakas na sigaw na sinundan ng hagulgol ang mula sa kinaroroonan ng bangkay ni Maddie ang sumakop sa buong 11th floor. It was Larry.

The scream of agony, the cry of pain, his mourning sounded music to my ears.

Pero...

Hindi pa ako tapos.

Kailangang pang mamatay ni Larry...

Kailangan ko siyang patayin.

###