webnovel

CHAPTER 6: CONFESSION

"CONGRATULATIONS!" Kinamayan ako nina Ms. Joanna ganun din ang mga judges ng cooking show.

"Salamat po."

Nakatingin naman sa akin ang mga nakasama ko sa cooking show. Binati ko sila at umalis na rin agad. Nagkaroon kami ng ilangan dahil sa naging issue nung nakaraan. Wala na si Direk. Hindi ko na siya nakita pa. Masaya ako dahil nagbunga ang lahat ng pinaghirapan ko pero malungkot dahil alam kong may kulang.

Nagtungo ako sa dressing room para ayusin ang mga gamit ko. Napansin ko ang isang black na paperbag sa table. Binuksan ko ito. May maliit na box. Laman nito ang isang bracelet.

Kanino galing to?

* knock knock *

"Shin ..." pumasok si Joanna. Napatingin siya sa hawak ko. "Regalo yan ni Direk."

"H-huh? Regalo nya?"

Tumango siya. "Nga pala ... nandito ako para iabot to' sayo." Binigay nya ang isang brown envelope."Mga pictures mo yan."

Binuksan ko at nakita ko ang mga pictures namin.

( BACK TO PRESENT )

"Naalala mo na ko?"

"H-huh?"

"Yung bracelet mo."

"O-oo." Ngumiti ako.

Ngumiti siya.

-

"Ano? Siya yung-" nagulat si Tinay nang malaman nyang si Won yung direktor na nakilala ko sa cooking show noon. "Panong naging siya yun?" Pinakita ko ang picture ni Won sa kanya. Nagbalik balik ang tingin nya kay Won at sa picture. "Masgwapo ka ngayong long hair ka."

Ngumiti si Won. "Diba siya yung..." sinipa ko ang paa ni Adan. "Ay... sorry."

"Ano yun?" Tanong ni Won

"Wala wala."

"So... marunong ka talagang magluto?" Tumaas ang kilay ni Tinay

Dahan dahan namang tumango tong' isa.

"Sorry."

"Bakit hindi mo sinabi kay Shin na ikaw si Direktor Haewon?" - Tinay

"Ah... eh..." nagkatinginan kami

"Gusto ko kasing siya mismo ang makaalala sa akin." Yumuko siya.

"Schoolmate ko din siya nung highschool."

"Oh... mygad! First Love?" Tanong ni Adan na kinikilig

Nagkatinginan ulit kami ni Won.

Biglang pumasok si Sen. Natigil kami sa pag uusap.

"Oh... sen, goodmorning." Bati ni Adan

"Good morning din."

"Tara na mag almusal na tayo." Sabi ko. Tumayo na ako para kumuha ng mga plato.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami tungkol sa mga bagay bagay nang lagyan ni Sen ng ulam ang plato ko. Nagkatinginan kaming apat.

"Kumain ka ng marami ..."

"Ah... eh... salamat."

Nang umalis na sina Won at Sen ay nilapitan ako nina Tinay at Adan.

"Alam mo parang ibang tao si Won." Bulong ni Tinay. "Hindi ko talaga maimagine na siya yung direktor na yun."

"Oo nga. Pero infairness, gwapo siya kapag clean cut." Sabi ni Adan.

"Actually, hindi ko nga siya namukhaan."

"Medyo malayo kasi yung itsura nya noon saka ngayon. Pero kahit ano pa man ang gupit nya. Gwapo si Won." - Tinay

Nakatingin lang ako sa kanila sabay talim ng mga mata nila.

"Anong meron kanina?" Tanong nilang dalawa.

"H-huh?"

"Ano yung ginawa ni Sen?" Adan

"Huh? Ah... eh... Hindi ko alam."

Nagkatinginan sila. Sabay sabi ng "Ok." Tumalikod na sila.

Nagready na ako papasok. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Won. Kakababa nya lang mula sa rooftop. Ngumiti lang kami sa isa't isa. Medyo nakaka awkward kasi hindi ko akalain na magkikita kami ulit.

"Ingat ka." Sabi nya. "Saka... umuwi ka ng maaga mamaya ok. Mag babarbeque tayo."

"Ah... s-sige."

WON

Pinagmamasdan ko si Shin habang naglalakad palayo. Bumaba na rin si Sen.

"Ano? May bbq party mamaya?"

"Narinig mo pa yun?"

"Hindi mo manlang ako ininvite?"

"Bakit? Saan ba gaganapin yun? Dyan sa taas kaya pumunta ka kung gusto mo. Tsk."

Bumaba na rin ako.

"Ang sungit mo naman!" Sigaw nya sa akin

"Maslalo ka na!" Sigaw ko

Naglalakad ako patungo kina Bum nang makasalubong ko si Ms. Kim. Anong ginagawa nya dito? Eh... nandun si Sen sa bahay.

"Good morning Mr. Jung." Bati nya

Paano nya nalaman ang apelyido ko?

"Ah... eh... Ms. Kim, nandun si Sen sa-"

"Ikaw ang sadya ko dito."

Pumasok kami sa bahay ni Bum at nag usap.

"Ano bang kailangan mo sa akin?"

"Magiging totoo na ako sayo, I'm doing a background check and I found out something ..."

"Sinong nag utos sayo?" Tanong ko

"It's the CEO. Gusto ka nilang makita and he didn't know that he's living with someone he is looking for."

"Bakit nya ako pinapahanap?"

"Hindi ko pa alam ang dahilan nya. Pero ..." tinignan nya ako ng diretso sa mata. "Hindi lang kayo magpinsan ... magkapatid kayo."

Nagulat si Bum. Napatingin siya sa akin. "Paano nya nalaman?" Bulong nya sa akin

"Umalis ka na."

Bumuntong hininga si Ms. Kim. Tumayo siya.

"Hindi ako babalik sa pamilyang yun." Sabi ko

Tinignan nya ako at lumabas na siya. Pagkasara ng gate ay agad na nilapitan ako ni Bum.

"Paano nya nalaman?"

"Hindi ko alam."

Hapon na. Bumalik ako sa bahay. Nadatnan ko si Tinay na tinitignan ang mga photo albums nila nina Shin at Adan.

"Ang aga mo ah." Sabi ko

"Ah... oo, si Adan mamaya pa daw."

Naupo ako sa tabi nya.

"Ang dami nyong pictures."

Tumango siya.

"Hindi ko alam na schoolmate ka namin ni Shin nung highschool."

"Sorry. Hindi ko sinabi sainyo."

"Matalas ang memorya mo ha." Tumawa siya

"How can I forget someone so special?"

Bumuntong hininga si Tinay. "Siguro nagtaka ka nun bakit kami biglang nawala..." tinignan ko siya. "Namatay ang mga magulang ni Shin. Only child lang siya at wala siyang matakbuhan. Nasa abroad ang mga magulang ko, ayaw ni Shin na kupkupin namin siya. Dahil nag iisang anak lang din ako, tinuring naming pamilya ang isa't isa. Nag aral kami sa public school hanggang college. Hinahati ko yung padala nina Mama at Papa para sa aming dalawa kasi wala naman ibang magtutulungan kundi kami lang dalawa eh... until tinulungan kami ni Adan. Nag working students din kami at ito nakaraos. Hindi ko masamahan si Shin na mag audition sa mga cooking show noon dahil hindi ko pwedeng iwanan ang trabaho ko. Kasi kapag lumiban ako ... wala akong bayad." Naramdaman ko ang hirap na pinagdaanan nilang magkaibigan. Kaya sobrang protective nila sa isa't isa. Sa hirap at ginhawa magkasama sila. Nakangiti si Tinay habang kinukwento nya sa akin ang lahat. "Won... wag mong iisipin na nakalimutan ka ni Shin. May mga oras na naalala ka nya. Minsan iniisip nya kung kamusta ka na... nasaan na kaya yung schoolmate namin na lagi siyang pinagtatanggol? Sana maintindihan mo na nagfocus siya sa buhay dahil kailangan nyang maka survive sa murang edad nya." Tinignan nya ang mga pictures. "Alam mo bang... Ikaw ang first love nya?"

-

Nagsimula ng mag ihaw sina Adan at Tinay. Nagpresinta namang bumili ng beer si Sen. Kumuha ako ng mga baso at chopsticks na gagamitin. Nang makita ko sa di kalayuan si Shin. Kumaway ako sa kanya. Agad kong nilapag ang mga hawak ko sa table at pinuntahan siya.

"Nagsisimula na kayo?" Tanong nya

Tumango ako. "Magbihis ka na tapos umakyat ka na ok." Malambing kong sagot

"Sige."

* Phone ringing *

"Hello..."

"Won, wala palang ice." Sabi ni Adan. "Ipapasabay ko sana kay Sen kaya lang naiwan nya yung phone nya."

"Ah... sige. Pupunta nalang ako."

Kinuha ko agad ang bike ko at nagpunta sa convenient store. Nadatnan ko doon si Sen na may lumalapit na lalaki sa kanya na may hawak na patalim. Bumaba ako ng bisekleta at tumakbo para sipain ang kumag.

"AH!" sigaw nya paglagapak nya sa sahig.

"Holdaper yan !" Sigaw ni Sen

Nakita naman kami ng guard ng Convenient store kaya agad siyang rumesponde. Tumakbo ang lalaki ng mabilis at di na nahabol pa.

Tinignan ko si Sen.

"Dapat kanina ka pa sumigaw!"

"Tsk."

"Ok ka lang?" Tanong ko

Tumango siya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Naramdaman ko kasing mahoholdap ka kaya nagpunta ako dito."

"Di nga?"

"Joke." Sabay pasok ko sa convenient store. Naiwan siya sa labas. "Sumama ka dito baka mapano ka naman !"

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

Umakyat na si Shin sa rooftop matapos nyang magbihis. Nadatnan nya sina Tinay at Adan na busy sa pag iihaw.

Tinay: Pag yan nasunog humanda ka sakin!

Adan: Nasaan na ba sina Won at Sen? Lapit lapit ng convenient store eh.

Tinay: Baka nag bromance.

Nag apir sila. Ngumiti naman si Shin nang mapansin siya ng dalawa.

Tinay: Shin! Lika na dito.

Lumapit si Shin sa kanila.

Adan: Wala pa sila?

Shin: Ha? Ah... eh... wala pa.

Naglalakad naman si Sen habang si Won ay mabagal na nagpipedal.

Sen: Bakit hindi mo nalang ako pasakayin dyan?

Tinignan siya ni Won mula ulo hanggang paa.

Won: Anong height mo?

Sen: 1.85 Meters. Bakit?

Won: 1.76 meters ako. Mabigat ka.

Napanganga si Sen

Sen: Hoy! Magkaiba ang tangkad sa bigat

Won: Alam ko. Masyado kang malaki para sa bike.

Nagpedal na si Won at Hinabol siya ni Sen.

Maya maya ay nakarating na sila.

Shin: Anong nangyari sainyo bakit ang tagal nyo?

Sen: Kasi...

Won: Nagkwentuhan lang kami sa daan.

Nagkatinginan silang dalawa. Pumasok sila sa loob ng bahay ni Sen para iayos ang yelo at beer.

Sen: Bakit hindi mo sinabi yung nangyari?

Won: Baka isipin nila duwag ka.

Sen: Tsk.

Tumulong na siya.

Sen: Bukas... uuwi ako sa amin.

Won: Sige.

Sen: Wala ka manlang bang emosyon?

Won: Plastic ko naman kung kunwari malungkot ako.

Tumalikod na siya.

Won: Umuwi ka din. Mahirap ang kulang kami sa pagkain.

Nakaupo na silang lahat at kumakain ng bbq.

Shin: Ah... eh... may pupuntahan akong birthday party bukas.

Nahinto silang lahat.

Adan: Saan? Sinong may birthday?

Shin: Nakatanggap ako ng invitation mula sa prime minister.

Nabalot ng katahimikan ang lahat sa sinabi ni Shin. Napatingin si Won kay Sen

Won: May alam ka ba dito?

Umiling si Sen. Napaisip siya.

Sen: (hindi kaya ... yung naging away namin ni Papa nung nakaraan) sinong nagbigay sayo ng invitation?

Shin: Si Ms. Kim. Actually, nagulat nga ako kasi inabot nya sa akin eh.

Muling natahimik ang lahat.

Tinay: Nga pala Shin, speaking of birthday... nagplano kaming mag out of town tayo sa araw na yun.

Adan: yeah... diba? May balak kang mag leave ng 3 days? Pwede tayong mag staycation.

Shin: Ah... sige. Maganda yan. Mag file na ko bukas.

Tinay: Good.

-

SEN

Tinawagan ko si Ms. Kim para sabihin na kailangan naming mag usap bukas ng maaga. Bakit hindi ko alam na ininvite ng Prime minister si Shin? Napabuntong hininga ako. Sumilip ako sa bintana. Nag aayos na sila. Lumabas ako para tumulong. Naiwan kami ni Won.

"Bakit ininvite ng prime minister si Shin?" Tinignan ako ni Won

"Hindi ko rin alam." Naupo ako. "Nag iisip din ako."

"Kapag napahamak si Shin. Magtutuos tayo." Inayos na nya ang lamesa at pumasok na siya sa bahay nya.

Hayst... ano bang gustong mangyari ni Papa?

Hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip. 6 AM ay nakaupo ako sa sala habang umiinom ng kape nang may kumatok. Binuksan ko agad ang pinto.

"Good morning Mr. Sen."

Pinapasok ko si Ms. Kim at pinaupo sa sofa.

"Bakit nyo po ako pinapunta ng ganito kaaga?"

"May ginawa ka bang hindi ko alam?"

Natigil siya.

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

Nilapag ko ang invitation card sa lamesa.

"Bakit gustong makita ng Prime Minister si shin?"

"Hindi ko po alam ang pakay ng Prime Minister-"

"Ilan ba ang boss mo Ms. kim?"

"Mr.-"

"Maghanap ka na ng kapalit mo. Train her."

Hindi na siya nakapagsalita pa. Tumayo ako at nagbihis na. Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Ms. Kim. Nagdidilig naman ng halaman si Won sa labas. Nilapitan ko siya.

"Pahiram ako ng cellphone mo."

Nagtaka siya. "Bakit?"

"Basta."

Inabot nya sa akin ang cellphone nya. Niring up ko sa phone nya ang number ko.

"Tatawagan kita mamayang gabi para sunduin si Shin."

"Ha?"

Umalis na ako.

Dumiretso ako sa bahay para batiin si Papa sa birthday nya. Sinalubong naman ako ni Mama sa may sala.

"I miss you Anak." Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Nasaan po si Papa?"

"Naghahanda siya para mamayang gabi."

"Ah... Sana nandito rin si Hae Won. Lagi pa naman siyang kumakanta kapag birthday ni Papa."

"Anak, nasa abroad na siguro ang pinsan mo. Masmagandang wag na natin siyang banggitin."

Ngumiti ako. "Ma, matagal kong nakasama si Hae Won. Parang kapatid ko na rin siya."

"I know. Pero ang mga taong matagal ng wala... hindi na dapat sila pinag uusapan dahil maspinili nilang lumayo."

Natahimik ako sa sinabi ni Mama.

"Alam ko parang kapatid mo na si Hae Won pero matagal na siyang wala dito. Tanggapin mo na ang katotohanan na baka hindi ka nya tinuring na kapatid."

-

Nakaupo ako sa study room ni Papa nang pumasok siya. Tumayo ako.

"Happy birthday Pa."

Ngumiti siya. Lumapit sa akin. "Thank you." Naupo na kaming dalawa. "I just hope someone remembers me."

Alam ko ang tinutukoy nya. Katulad ko namimiss ko rin siya.

"Naalala nya ang birthday mo Pa, don't worry."

"Naalala ko pa noon kung gaano ako napapasaya ng boses ni Hae Won sa tuwing kumakanta siya."

The truth is Hae Won didn't know how he made my dad happy. Seryoso lang si Papa kapag kumakanta siya. Hindi pumapalakpak or ngumingiti manlang pero deep inside sobrang saya nya. Minsan iniisip ko... paano kung naging magkapatid kami? Siguro masmasaya ang buhay. May kasangga ka sa lahat ng oras. Mapagsasabihan ng problema at siyempre kakampi.

9 PM nagstart ang birthday celebration ni Papa. Binabati ko naman ang mga dumarating na bisita ganun din si Mama.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa coat ko.

To: Won

-     Nandyan ka na ba?

Naghintay ako ng ilang minuto pero walang reply. Maya maya ay dumating na si Shin. Naka white long dress siya at black na heels. Nagpagupit din siya. Karamihan sa mga bisita na binata ay nakatingin din sa kanya.

"Sen..." tawag nya sa akin.

Nilapitan ko siya. Nakangiti lang ako at di nagsasalita.

"B-bakit ganyan yung tingin mo? H-hindi ba bagay sa akin?"

"Bagay sayo."

Tumawa siya. Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko.

"Hindi siguro kita dapat tawaging Sen sa ganitong okasyon."

"Bakit naman?"

"Syempre... CEO ka."

"Sus... wag mo ng isipin yun."

Nagtuloy tuloy ang party hindi pa din nagrereply si Won. Nasaan na kaya yung kumag na yun? Katabi ko si Shin sa lamesa. Dumating naman si Ms. Kim nakita nya ako pero umiwas siya ng tingin. Nang lingunin ko si Shin ay wala na siya.

"Nasaan na yun?"

Nakita ko siyang kausap ng Prime Minister. Agad akong tumayo pero tinawag ako ni Mama.

"Sen, bakit hindi mo puntahan si Ms. Kim?"

"Ma, k-kasi..." tumingin ako kay Shin. Lumapit ako sakanila kahit anong tawag sa akin ni Mama.

"Sen!"

"Hindi po ako ang pumilit kay Sen-"

"Sinasabi mo bang anak ko ang lumapit sayo?!"

"Pa!" Hinila ko si Shin papunta sa likod ko. "Anong ginagawa nyo?"

"Gusto kong malaman ng babaeng yan kung saan siya dapat."

WON:

Nakatayo ako sa labas ng mansion ng Prime Minister. Ano na kayang nangyayari sa loob? Sa likod ng bahay nila ginawa ang party kaya wala akong balita. Naiwan ko din ang cellphone ko sa bahay kaya hindi ko rin matawagan si Sen. Si Shin kaya dumating na?

Sa di kalayuan ay nakita ko si Ms. Kim na bumaba ng kotse. Nakita nya rin ako. Kumaway siya at lumapit.

"Bakit ka nandito? Pumasok tayo sa loob."

"Ah... eh... hindi na. May hinihintay lang ako."

"Ah... ganun ba? Si Shin?"

Tumango ako. Bakas sa mukha nya ang lungkot. Mukang hindi sila ok ni Sen

"Ayos ka lang ba?"

Ngumiti lang siya. "Medyo."

"Kung anuman ang nangyari... magiging ok din ang lahat."

"Sana nga... pero mukang hindi na babalik yun."

Hindi naman nagtagal ang pag uusap namin. Pumasok na siya sa loob.

Tinitigan ko ang mansion.

"Happy Birthday Pa" Bulong ko. "Sana marinig mo ang kanta ko para sayo..." kumanta ako... I just hope na nasa harap ko siya at nakikinig sa akin.

* Phone ringing *

JOANNA CALLING

"Hello ..."

"Hello Direk."

"Oh..."

"Napadala ko na."

"Ah... good. Salamat."

"Pasensiya ka na ha.. ngayon ko lang sinabi kasi medyo busy din ako kanina eh."

"It's okay. Salamat ulit Joanna."

"You're always welcome."

Nakita ko si Shin na lumabas ng gate. Natulala ako sa ganda nya. Naibaba ko ang phone ko. Parang inaaninag nya ako mula sa malayo. Alanganin pa akong kumaway.

"Won!" Tumakbo siya pero halatang hirap kasi naka heels siya. Tumawa ako. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Aray!" Hinampas nya ako sa dibdib.

"Hindi mo manlang ako lapitan ! Siraulo ka! Talagang pinatakbo mo pa ako ha."

"Sorry na."

"Teka... bakit nandito ka pala? Saka bakit naka formal ka?"

"Kasi susunduin kita ... nakakahiya naman kung naka Tshirt lang ako."

"Sus..." umikot ang mata nya.

Tinanggal ko ang coat ko at sinuot sa kanya.

"Inaway ka ba sa loob?" Seryosong tanong ko.

Natahimik siya. Nawala ang ngiti nya. "Inimbitahan pala ako para laitin."

Hinila ko siya at niyakap. "Hindi na ulit kita papayagan pumasok ulit dyan."

Sinalabay ko siya. Bitbit ko ang heels nya. Nasugat kasi ang paa nya dahil hindi siya sanay sa suot nyang sapatos.

"Baka mabigatan ka sa akin ha?"

Umiling ako. "Hindi ito ang unang beses na binuhat kita."

"Ha?" Nagpumilit siyang bumaba pero hinawakan ko siya ng mahigpit.

"Baka malaglag ka!"

"Ibaba mo ko!"

"Mamaya! Hahanap muna ako ng paglalapagan sayo. Baka madumihan yung paa mo."

Nagtuloy tuloy ang paglalakad namin patungo sa bus station. Dinig na dinig ko ang singhal nya habang buhat ko siya.

"Saan naman yung una?, paano nangyari yun? Paano tayo nagkita? Saan?..." pangungulit nya.

May nadaanan kaming park. Binaba ko siya sa upuan. Nag exercise lang ako ng kaunti saka naupo sa tabi nya. Masama ang tingin nya sa akin.

"Alam ko marami kang tanong ..."

"Oo,madami."

"Sige... simulan mo na."

Lumiit ang mga mata nya na parang inuusisa nya ako.

"Ok... nakita kita sa isang kainan kasama ang mga co-workers mo. Nag inuman kayo. Iniwan ka nila kaya nilapitan kita at sinalabay sa likod ko. Tinanong mo pa ako nun kung alam ko kung saan ka uuwi. Alam ko dahil kapitbahay kita. Nilagay ko pa nga sa leeg mo yung balabal ko eh. Hindi mo na siguro napansin."

"Thank you." Malaking ngiti nya. "Hindi siguro ako makakauwi kung wala ka... parurusahan ko silang lahat dahil iniwan nila ako nung gabing yun..."

Nagtawanan kami. Nagbus na kami pauwi. Pagdating namin sa bahay ay patay na ang ilaw.

"Tulog na sina Tinay."

"Oo nga eh. May susi ka ba?"

"Wala eh. Nakalimutan ko."

Nang maalala kong may binigay na duplicate sa akin si Adan nung nakaraan na umalis sila ni Tinay.

"Dito ka lang ha... hintayin mo ko."

"Saan ka pupunta?"

"Kukunin ko yung duplicate na binigay sa akin ni Adan."

"Sige."

Binuksan ko ang bahay ko. Kinuha ang susi sa drawer. Lumabas ako agad. Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Sen at Shin na magkausap.

"Gusto kita Shin..."

Nanglaki ang mata ko sa narinig ko.

"Bigyan mo sana ako ng chance na mahalin ka."