webnovel

CHAPTER 32

" Ang Iba pang Lagusan sa Aydendril "

Ang Nakaraan...

Nagtagumpay silang maibalik sa dating ganda ang Baryo Lupas, at ipinakilala sila nina Haliya at Bulan sa iba pang mga diwata.

Samantala, nag tungo sina Rica at Olivia sa nasabing Lumang Kastilyo upang tingnan ang nasabing Lagusan na ginawa ng kanyang ama noon.

Right now.....

Habang patungo pa sina Olivia at Rica sa Lumang Kastilyo na kanilang tinutukoy. Ay may natamaan silang Kawal ng Palasyo.

" Olivia halika dito dali.." Sabi ni Rica habang nag tatago sila sa mga Halamang malago.

At narinig nilang pinag uusapan nila ang tungkol sa malaking Piging na mangyayari.

" Totoo bang Dadalaw ang Panginoong Sitan sa Palasyo?" Sabi ng isang Kawal na dumaan sa Kakahuyan.

" Yun ang Sabi ng Haring Eron... " sagot ng isang kawal. At nang makalayo na ang mga kawal ay lumabas na silang dalawa sa kanilang pinagtataguan.

" Pupunta si Sitan dito? Papano yan kung nakasara na ang Lagusan. ?" Tanong ni Rica.

" Si Eron lang ang may kakayahang mag bukas o magsaba sa Lagusan dahil na sa kanya ang Susi. Na ninakaw nya sa kaharian. " Sagot ni Olivia.

" Teka Olivia Malayo pa ba ?" Tanong ni Rica.

" Malapit na nandito lang yung Lumang Kastilyo. " Sabi ni Olivia.

Samantala Balik sa Kan-laon,

Nagbigay na ng basbas ang mga Diwata sa mga Tagalipon at Itinakda . At napagpasyahan nilang umuwi sa bahay ng mga adonis upang magpahinga at mag handa sa pagpunta sa Mundo ng Engkanto kung saan nakatira ang mga Itinakdang engkanto na sina Alpia, Raven at Mia.

" We're Home! " Sabi ni Mia at Umupo sa Sofa.

" Ako na ang magluluto" Sabi ni Alpia.

" Yehey !!" Natutuwang Sabi ni Raven. Habang si Jake naman ay Nagmamadaling pina andar ang kanyang Motor.

" Ano bunso, di mo man lang ba sya pipigilan dito mo na sya pakainin. Kung gusto man nyang umuwi. " Sabi ni Katalina.

" Bahala sya.." Sabi ni Tyler at Tumalikod. Habang ningitian nalang ni Katalina si Jake at gumanti na din ng Ngiti si Jake.

" Ingat ka !" Sabi ni Katalina. At kumaway na din si Theo.

Habang sa Kusina naman ay tinulungan ni Jenna si Alpia sa pagluluto.

" tulungan na kita Sissy. " Sabi ni Jenna.

" Sige ba.. " sagot ni Alpia.

" Kamusta kana Alpia. May asawa kana ba?" Tanong ni Jenna.

" Hahaha Nako, Jenna sa edad kung to. Wala na akong balak sa mga ganyang scene." Natatawang Sabi ni Alpia habang naghihiwa sya ng mga sangkap.

" Ilang taon kana ba Alpia? Napaka bata mo pa kaya. " Sabi ni Jenna.

" Nako 25 years Old nako. At isa pa busy na din ako sa Flower shop ko sa U.S. Wala nakong Time sa Boyfriend na yan. " Sagot ni Alpia.

" Ay Oo nga pala, Ayus lang ba si Insan Gloria Doon. ?" Tanong ni Jenna.

" Oo nga pala mag pinsan pala kayo.. Oo, masipag naman syang Empleyado. Sakanya ko iniwan ang Flower shop dahil katulad mo ang galing nyang Mag alaga sa mga Halaman. " Sabi ni Alpia.

" Nako salamat naman.." Natutuwang Sabi ni Jenna.

" Ikaw Jenna, Bat di kapa nag aasawa? Kayo ba ni Ian..?" Tanong ni Alpia.

" Nako.. Hindi, Lalaki Gusto ni Ian. Haha. Wala na din sa isip ko ang mga Lalaki. " Sagot ni Jenna sabay Tikim sa Sabaw na kanilang pinakukulo.

" Ilang taon kana ba Jenna ?" Tanong ni Alpia.

" Magkasing Edad lang din tayo. 26 nako.. " sagot ni Jenna.

" Mukhang Kambal tayo ng Kapalaran Sis. Malas sa Lovelife. " Sabi ni Alpia at Tumawa silang Dalawa.

Balik sa Lumang Kastilyo sa Aydendril..

" Nandito na Tayo.. " Sabi ni Olivia, Habang nakikita ni Rica ang puro malalaking puno ang kanilang kaharap.

" Saan?? Puro Puno naman nakikita ko. " Sabi ni Rica at Nilibot pa nya ang kanyang mga mata sa paligid ngunit Wala syang nakita kundi puro Puno at mga Malalagong Halaman.

" Kaibigan ipakita mo saamin ang Kastilyong Luma. " Sabi ni Olivia at ilang sandali pa ay Gumalaw ang mga Puno at Mula sa mga Puno ay lumitaw ang isang daan at Mula sa Malayo ay nakikita nila ang isang Lumang Kastilyo.

" Ayun na nga.. " Sabi ni Rica.

" Halikana bilis parating na ang mga kawal.. " Sabi ni Olivia.

" Bakit ba kasi nandito sila sa Kakahuyan.." Reklamo ni Rica.

" Magsara ka Munting Ilusyon..." Sigaw ni Olivia at Sakto namang dumaan ang mga kawal at di sila nakita.

" Nakakaloka.. patuloy padin ang kanilang pag hahanap sa atin.. " Sabi ni Olivia.

" Teka Olivia, Bakit may Sagisag ng Aydendril ang Kastilyong iyan. ?" Tanong ni Rica.

" dahil ito ang dating Kastilyo ni Ina noong buhay pa sina Lola at Lolo. " Sagot ni Olivia.

" Napakaganda pa din ng Kastilyo.. Tila kelangan lang ng Konting Linis sa Labas.. " Sabi ni Rica.

" Nandito na tayo sa Pintuan papasok ng Palasyo. " Sabi ni Rica agad nyang binuksan ang Pintuang napakalaki. Nakita ni Rica ang mga lumang Gamit ng Lola ni Olivia pati na ang trono ng Reyna gawa ito sa ginto. 

" Halika nandito lang yun..." Sabi ni Olivia. Habang tinitingnan ni Rica ang mga Litrato sa mga Pader. At may kinapa sa mga Pader si Olivia.

" Ano ba kasi Hinahanap mo. ?" Tanong ni Rica.

" Yung pindutan dito sa Pader.. nandito lang yun." Sabi ni Olivia Habang patuloy sa paghahanap sa kanyang sinasabing pindutan habang si Rica naman ay Sumandal sa Pader at Aksidente nyang napindot ang Hinahanap na pindutan ni Olivia at nagbukas ito ng panibagong Daanan.

" Infairness, Ang galing mo.." Sabi ni Olivia.

" Pwde bang sabihin mo yan sa mga Kapatid ko. ?" Sagot ni Rica at Hinila sya ni Olivia patungo sa isang Daanan.

At nang makarating sila... May nakita silang isang Malaking Salamin.

" Wow napakalaki naman ng Salaming yan.." Manghang Sabi ni Olivia.

" Sandali..wag Mong hahawakan yan. " Sabi ni Olivia.

" Di ko naman hinahawakan ah? " Sabi ni Rica.

" Baka lang kasi Hahawakan mo.. " Sabi ni Olivia.

" So Ito na yun? Yung Lagusang sinasabi mo?" Tanong ni Rica.

" Ang Salaming yan, ang Lagusan na sinasabi ko. Dapat may engkantasyon akong sasabihin dito. Nakalimutan ko." Sabi ni Olivia.

" Pumupurol na utak mo Olivia.. " Sabi ni Rica.

" Wow hiyang hiya naman ako sayo.. mas mabuti pang tulungan mokong basahin ang mga Librong ito. " Sagot ni Olivia sabay lapag ng mga Libro sa Maliit na lamesa.

Balik sa Bahay ng mga Adonis...

" Movie Marathon tayo... Nag luto sina Jenna at miss Alpia ng Pop corn kanina.." Sabi ni Theo.

" Yehey anong movie ba ang Sikat ngayon.?" Sabi ni Mia.

" Kahit ano hon.. go ako.. " Sabi ni Katalina sabay upo sa sofa. kasama sina Mia, Alpia at Jenna.

" Teka nasaan ba si Raven ?" Tanong ni Alpia.

" tulog na Sis.. tsaka si Tyler naman ay nasa Banyo ata naliligo. " Sagot ni Jenna.

Habang sa Guess room kung saan natutulog si Raven. Nagising sya dahil sa uhaw. At nagtungo sya ng kusina. Habang naglalakad sya nakita nyang nanonood sa may Sala. Sina Jenna, Alpia, Mia At Theo.

" Umuwi din pala si Ian.. " Sabi ni Raven sabay kamot sa ulo.

At nagtungo sya ng Kusina.. nakita nyang bukas ang Banyo kung saan Kumakanta si Tyler. Ngumiti lang sya. At kumuha ng pitchel na may malamig na tubig at Umupo sa Lamesa.

" Parang alam ko ang kantang yan.. " Sabi ni Raven.

" Pangarap ko ang Ibigin ka..

At sa Habang Panahon.. Ikaw ay makasama..

Ikaw na lang ang syang Kulang sa Buhay kong ito.. " kanta ni Tyler sa Loob ng Banyo at Sinabayan naman ito ni Raven.

" Napakaganda naman pala ng Boses..ni Tyler. " Sabi ni Raven habang pinapakinggan nya ito. Ilang sandali pa nang matapos na si Tyler sa kanyang paliligo. Nakita nya si Raven naka upo sa Silya at Tila Tulog ito.

" Bakit ba kasi Dyan sya natutulog. Hindi pa sya Magaling.. " Sabi ni Tyler at dali dali nyang ginamit ang tuwalya. At sa oras na yun tanging Tuwalya lang naka takip sa katawan nya. Habang si Raven naman ay nakasando at sout ang Boxer Shorts nya.

" Raven...raven.. gising Bat dyan ka natutulog! " Gising ni Tyler kay Raven na nakatulog na pala sa silya. Ilang sandali pa ay nagising na ito.

" Oh kakatapos mo lang ba Ty? Ilang oras ba akong nakatulog? " Sabi ni raven.

" Hindi ko alam.. basta pag labas ko ng banyo dyan kana nakatulog. Bat bumangon ka. Di kapa magaling..." Pag aalalang Sabi ni Tyler.

" Hindi Okay nako...nanghihina lang sguro ng konti. " Sagot ni Raven.

" Halikana Iaakyat na kita sa Kwarto mo. Baka mapano kapa.." sabi ni Tyler. Habang inaakay sya ni Tyler, nakaramdam ng kakaibang kuryente na dumadaloy sa buong katawan ni Raven ng Sandaling mag dikit ang kanilang katawan.

Nang Marating nila ang Guessroom. Agad nyang pinahiga si Raven sa kama ng biglang nawalan silang dalawa ng balanse. At natumba silang Dalawa sa sahig. Kasabay din nun, na tanggal ang Tuwalya na nakatakip sa pang ibabang parte ng katawan ni Tyler. Nakapatong si Raven kay Tyler at naglapat ang kanilang mga Labi.

Agad bumangon si Tyler Mula sa posisyong yun. At si Raven naman ay biglang nakaramdam ng kakaibang init sa buo nyang katawan.

" Sorry, I'm clumsy.. " Sabi ni Tyler at agad nyang tinakpan ng tuwalya ang pamgibabang bahagi ng kanyang katawan.

" It's Ok.. it's my Fault. Thanks kaya ko nang humiga sa kama.." sagot ni Raven at Humiga sya sa kama. Habang nakita ni Tyler ang pagbukol sa sandata ni Raven sa Loob ng Boxer short nya.

" Okay Sige, if may kelangan ka nasa kabila lang ang kwarto ko. Sge magbibihis pako.sorry Ulit.." Sabi ni Tyler. At nang bubuksan na sana ni Tyler ang pintuan biglang may sinabi si Raven na kanyang ikinagulat nya.

" Ty, I like you. On the first day that I saw you. Gusto na kita.. " Sabi ni Raven.

" Raven.. anong pinagsasabi mo. " Gulat na Sabi ni Tyler. Nang Biglang bumangon si Raven sa kama at lumapit sa kanya.

" Hindi mo ba nararamdaman na may gusto ako sayo.. gusto ko sanang Ligawan ka kaso. baka naman Ibasted moko.. " Sabi ni Raven habang si Tyler naman ay parang nagyelo ang kanyang binti at di sya makagalaw. Nakatalikud pa din sya kay Raven sa oras na yun.

Biglang Yumakap si Raven sakanya... Sabay sabing. " Mahal kita Mr. Tyler Adonis, Please Be mine.. " Naramdaman ni Tyler ang bukol sa loob ng Boxer short ni Raven sa kanyang Likuran.

" Please Let me Love you Tyler.. di kita Sasaktan katulad ng sa Ex mong Jake. I don't know what is the reason, bakit kayo nag Hiwalay but I will assured to you that I'm serious for my Feelings para sayo. " Sabi ni Raven habang nakayakap pa din ito kay Tyler.

" Raven.. Hindi pako ready sa bagong Relasyon o kung magiging handa ba ako o mas dapat sabihing papasok paba ako sa ganyang bagay.. " humarap si Tyler kay raven.

" Kaya kung mag antay Tyler kung Kelan ka handa. Liligawan kita kung gusto mo.. " Sabi ni Raven habang nagtitigan silang dalawa.

" Mabait ka naman, caring and Napaka sweet mong tao. Di lang akin pati na kina Mia at Alpia. Nakikita kung mabuti kang tao. Pero... " Sabi ni Tyler.

" Mahal Mo pa ba si Jake ? " Tanong ni Raven sakanya.

" Sorry... " Tanging naisagot ni Tyler at Ginamit nya ang kapangyarihan maglaho.

TO BE CONTINUE...

Siguiente capítulo