" Ang Lagusan sa Aydendril p2 "
Ang Nakaraan...
Nag tapat si Raven kay Tyler sa kanyang nararamdaman, ngunit tila naguguluhan pa din si Tyler sakanyang nararamdaman. Ibig sabihin ba nito ay may nararamdaman pa sya kay Jake. Habang Sa Aydendril naman sa Lumang Kastilyo. Nakita na nina Olivia at Rica ang sinasabing Lagusan ngunit ang lagusang Hinahanap nila ay Isang Malaking Salamin. Samantala sa Unang Libro namatay ang kasintahan ni Ian na si Charlie sa Unang Labanan nila kay Sitan. At nung nagsimula na ang Ikalawang Libro. Naalala nyo pa ba ang bagong Kapitbahay ni Ian na Ka mukha ni Charlie.
Right now.....
Sa Unit ni Ian kung saan nakatira sila ni Charlie dati. Habang tinitingnan ni Charlie ang mga Dating Larawan ni Charlie mas lalong namimiss nya si Charlie at parati nyang naalala kung papano pinaslang si Charlie ni Sitan. Habang nag eemote si Ian ng biglang may nag door bell sa unit nya. Agad nyang tiningna kung sino ang nag doorbell. Nakita nya sa Maliit na monitor nya sa loob ng Unit nya ang Taong kamukha ni Charlie.
F L A S H B A C K !!!!!!!!!!!
" Hi, Ako nga Pala si Alex.. bagong Kapitbahay . Mag katapat lang unit natin.. I just want to invite you sa party later. Please come. Sya nga pala... mango Float gawa ko sana magustuhan mo. " Sabi Ni Alex na may kamukha ni Charlie. Nagulat lang si Ian sa kanyang nakita nang mga oras na yun.
" Hello ? May dumi ba ang mukha ko.. ? " Sabi ni Alex kay Ian.
" Ay sensya na.. I'm Ian sge Thanks. Pupunta ako later. " Sabi ni Ian. Habang pautal utal itong mag salita.
" Nice meeting you Ian... " Sagot ni Alex.
B A C K T O PRESENT....
" sya na pala..." Sabi ni Ian at agad nyang Binuksan ang Pintuan ng Unit nya.
At nang mabuksan na nya ay binati sya ni Alex.
" Hi Ian.. Kamusta ? Di ka pumunta sa Party ko nung Last Month. Sguro Busy ka and Pwde bang pumasok? " Sabi ni Alex. Samantala Si Ian naman ay tulala pa din.
" Ayan kananaman Tulala kananaman..
Madumi ba mukha ko? " Tanong ni Alex.
" Nako Hindi naman sa Ganun.. Sge pasok ka. " Sabi ni Ian.
" Tsaka nakakahiya man.. pwde bang makikain ako.? May ulam naman akong Dala. Sakin na ang Ulam ikw na ang taya sa Kanin. " Habang bitbit ni Alex ang Tatlong Baonan na may Ulam.
" Sge walang problema yun.. di pa ako nakasaing." Sabi ni Ian.
" Ok lang yun ako na mag sasaing..." Sabi ni Alex.
" Ha ? Ikaw na nga yung taya sa Ulam Ikaw pa mag sasaing.." Sabi ni Ian.
" Its ok, Sensya kana din taghirap kasi Ako ngayon. Hayaan mo pag nakaka LL nako ako naman manlilibre sayo. " Sabi ni Alex. Habang papunta sila ng Kusina na daanan ni Alex ang Sala ni Ian kung saan may malaking picture ni Ian na naka Shirtless.
" Hanep...Ang hot mo dun oh. " Sabi ni Alex. Tumawa lang si Ian.
" Dito ko nalang ilalagay yung Ulam ko. Wow, Ang Ganda ng Rice cooker mo. Ito yung bagong Rice cooker na very fast to cook. Promise di ko sisirian.. " Sabi ni Alex at Nagsimula na syang mag saing.
" Sge sa Sala lang ako Lex. If may kailangan ka tawagin mo lang Sensya kana.. nakakaloka Wala talaga akong ma Lafang sa Unit ko. Nakakatuwa mang isipin naubusan ako ng Bigas. Hahaha. Tska di naman ako pinapansin ng iba pa nating Kapitbahay. " Daldal ni Alex.
" Ano bang trabaho mo Alex ?" Tanong ni Ian
" Ay ako, Call Center Agent lang... " Sagot ni Alex.
Samantala sa Lumang Kastilyo sa Aydendril..
Nahanap na nila ang engkantasyong gagamitin upang mabuksan ang Lagusang salamin.
" Lagusang salamin, Pakinggan ang aking Hiling...
Magbukas ka sa ngalan ng Aking Yumaong Lolo na si Gaspar. " Sambit ni Olivia.
Ilang Sandali pa ay, biglang Lumakas ang Hangin sa Loob ng Silid at Umilaw ang salamin at Mula doon may isang Boses Babae ang nagsalita.
" Matagal na kitang inaantay Prinsesa Olivia.. ako si Sara, ang Ispirito ng Salaming Lagusan. Ano ang maitutulong ko sainyo.?" Sabi ng Salamin.
" May pangalan ang Salamin? " Sabi ni Rica.
" Oo Prinsesa Rica ng Oceana... " Sabi ng Salamin.
" Oh my God Kilala nya ako Olivia.. " gulat na Sabi ni Rica.
" Natural Prinsesa Rica.. may kakayahan akong magbukas ng Lagusan Kahit saan mang mundo. Maging sainyong Mundo man Prinsesa Rica. " Sabi ng Salamin.
" Ngayon, Salamin nais naming makapunta sa Mundo ng mga tao upang humingi ng Tulong sa Mga kaibigan namin. " Sabi ni Olivia.
" Sandali Olivia.. Hindi natin pwdeng iwan ang ating mga kasamahan sa Kuta natin. Mas mabuting Kausapin nalang natin sila..maari ba yun ?" Sabi ni Rica.
" Kaya ko yan mga Prinsesa.. sandali at hahanapin ko ang mga tagalipon at itinakda.." sabi ng Salamin.
" Olivia Total parang napaka ligtas naman ng lumang kastilyong ito.bat di nalang natin silang dalhin dito. ?" Sabi ni Rica.
" Maari naman kaso medyo Marami rami sila kung gagamitin natin ang kakayahang mag laho at pumunta sa isang lugar.di kakayanin ng ating kapangyarihan. " Sabi ni Rica.
" Hindi naman natin sila isasabay sabay.. ako ng bahala dun. " Sabi ni Rica.
Habang sa Bahay ng mga Adonis...
Tyempong nanalamin si Katalina ay biglang may nagsalita.
" Sino yan ? Ikaw ba yan Tyler ? Insan Jenna ? Wag kayong mananakot mga loka kayo. " Sabi ni Katalina.
" Hindi sila... Ako nga Pala si Sara. Nanggaling ako sa Kaharian ng Aydendril. Inutusan ako ng Prinsesa Olivia upang Kausapin kayo... " Sabi ng Salamin.
" Nakakapagsalita ka ? " Gulat na Sabi ni Katalina.at agad ding Dumating si Theo.
" Anong nangyayari hon? " Tanong ni Theo kay Katalina.
" Itong Salamin nag sasalita... " Sabi ni Katalina.
" Magandang Umaga sayo Theo.. ako si Sara ang Ispirito ng Mahiwagang Salamin sa Kaharian ng Aydendril. Inutusan ako ng Prinsesa Olivia upang Kausapin kayo. " Sabi ng Salamin.
" Oo si Olivia ligtas ba sya... " Tanong ni Theo.
" Ligtas naman sila ng kanilang Kasama... " Sagot ng Salamin.
" Maari kabang lumapit sa Malaking Salamin namin sa Sala. " Pakiusap ni Katalina.
" Sge. Binibining Katalina.. " sagot ng Salamin at agad naman nilang tinawag sina Mia, Alpia, Jenna , Raven at Tyler sa Sala upang makausap si Olivia.
Balik sa Lumang Kastilyo sa Aydendril..
" Mahal na Prinsesa Olivia makakausap na ninyo sina Theo at Tyler ang iba pang kasamahan nya. " Sabi ng Salamin at ilang sandali pa ay nawala ang usok sa Loob ng Salamin at nakita na nila sina Theo at Tyler nakatayo.
" Mahal na Reyna Kamusta na kayo.. " tanong ni Tyler sa kabilang mundo.
" Ayus naman kami. Kelangan na namin ang inyong tulong dahil kung lalong tumatagal nawawalan nako ng kapangyarihan. Hindi literal na Trono kundi ang aking Mahika. " Sabi ni Olivia at Isinalaysay nya kina Tyler at Theo at sa mga kasamahan pa nila ang nangyayari sa Aydendril.
BALIK UNIT NI IAN...
" Ian okay na yung Kanin luto na." ginising ni Alex si Ian.
" Nakatulog na pala ako.. sensya na." Sabi ni Ian.
" Ayus lang halika sabayan mo na ako sa pagkain. " Sabi ni Alex ng makita nya ang Larawan sa may drawer ni Ian.
" Bakit kamukha ko sya.. " Tanong ni Alex.
" Sandali Malayo ako eh.. lalapitan ko para mas makita ko.. " Sabi ni Alex at nang malapitan nya ang picture ni Charlie mas lalo pa syang nagulat sa kanyang nakita.
Lahat ng bahagi sa mukha ni Charlie ay Parehong pareho sila. Mata, Ilong, Kilay Lahat pati Hugis ng Lips nila. Iisa din.!
" Yan ang Dahilan kung bakit natutulala ako pag nakikita ka.." Sabi ni Ian.
" Si - sino sya ? Kapatid mo?" Tanong ni Alex. At kinuha ni Ian ang kanyang Cellphone at ipinakita nya kay Alex ang mga Larawan nila ni Charlie noong nabubuhay pa ito.
Gulat na gulat pa din si Alex sa kanyang nakikita bawat picture ni Charlie ay Tinititigan nya talaga.
" Kasintahan ko sya Alex. Sya si Charlie. " Sagot ni Ian.
" Kasintahan mo? Nasaan na sya ngayon?" Tanong ni Alex. Kinuha naman ni Ian ang phone nya na hawak ni Alex.
" Patay na sya 5 Years ago. Sa isang Vehicle Accident. " Sagot ni Ian.
Napaupo nalang si Alex sa kanyang mga narinig.
" Ikaw Alex, Sino ka ba talaga.. Ikaw ba si Charlie o Hindi.. " tanong ni Ian.
" Hindi ko Alam.." sagot ni Alex at nakakakita sya ng malabong mga pangyayari. Niyakap naman sya ni Ian. Ngunit itinulak nya ito.
" Hindi ko alam kung sino ako.." Sabi ni Alex at Lumabas sya ng Unit ni Ian.
Nakakaintriga...
Ano kaya ang tunay na katauhan ni Alex, Sya nga ba talaga si Charlie..?
Habang sina Olivia at Rica naman ay magtatagumpay kaya sila sa kanilang gagawing paglipat sa Lumang Kastilyo sa Aydendril. At Ano kaya ang magiging Papel ni Sara. Ang Ispirito ng Salamin... Talo na ang Google sa kanyang talino lahat kilala nya. Hahaah. Anyhow ----
A B A N G A N sa Susunod na kabanata...
Thanks for being Solid readers...
Thanks sa mga Nakakataba ng Puso nyong Comments and Pm's. Mas lalo ko pang Galingan ngBongels ang pagsusulat. - Author