1st Chapter
Naniniwala ako sa kasabihang "Ang maglandi ay 'di biro", pati na rin sa "Kung may tiyaga... may jowa", pero ang pinaka paborito ko sa lahat ay "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi nakita ang poging dumaan". Kaya naman palaging ready ang mata at leeg ko sa tuwing nasa mall ako dahil maraming cutiepatootie dito, kaso ang hirap mag-sight seeing kung may kaibigan kang walang tigil ang bibig.
"...tapos Lexus daw ang name n'ya. Diba, pangalan palang pogi na?! Mahal ko na agad s'ya, Arah!" Hinampas pa ako ng makireng si Veron tapos ay nangisay na ito sa kilig.
Nandito kami ngayon sa National Book Store sa SM Dasma. Namimili kami ng school supplies para sa nalalapit na pasukan next month. Pero hindi kami matapos-tapos dahil ang daming kuwento ni Veron! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao kasi mukhang s'yang sinapian. Tapos ang lakas pa ng boses n'ya, parang taratitat na chismosa sa kanto.
Hayyy, buti pa itong bestfriend ko, nakakalandi pa rin kahit bakasyon. Ako, nganga. May mga ka-text at ka-chat ako pero hindi ko naman masyadong bet. Minsan nagpupunta ako sa restaurant namin pero hindi naman ako makaporma sa mga cute na guests do'n dahil nandu'n lagi si daddy, baka sinturunin pa 'ko no'n sa harap nila, nakakahiya!
"Ta's nu'ng paalis na s'ya, hiningi n'ya 'yung number ko." pagpapatuloy ng burikit kong kaibigan. "Tapos sinali pa ako sa clan nila, 'te! May pa-outing nga next week, eh, tapos sabi n'ya sama daw ako! Syempre, oo ako agad! Wala nang patumpik-tumpik pa! Sama din ikaw ah? Aayain ko rin sina Ahlia at Daisy. OMG! I'm so excited!" Hinakawan nito ang braso ko at niyugyog. Napailing nalang ako habang natatawa.
Hilig talaga nito ni Veron sumali sa mga clan! Puro clan-dian lang naman!
"Ano? Sama ka ah? Oo na agad! Ihahanap kota ng crush du'n!"
"Oo na, hay'p ka!" sabay tawa ko kasi nangisay na naman s'ya sa kilig. Napatili pa kaya nilapitan tuloy kami ng guard at nagtanong kung may problema daw ba.
"Nakakatakot naman si kuya, gusto pa yata ako hampasin ng batuta n'ya!" nakangiwing sabi ni Veron nang nakapila na kami sa cashier. Natatawa nalang ako sa kagagahan n'ya.
Pinayagan naman ako ni mommy sa outing na sinasabi ni Veron. Kaso sina Daisy at Ahlia hindi parin nakasama. Si Daisy kasi nasa Pampanga parin, nakabakasyon doon. Si Ahlia naman bantay-bata sa kapatid n'ya lagi.
Alas syete ng umaga ay nasa bahay na agad si Veron para sunduin ako. Naka dilaw na sunday dress ito na sobrang cute tignan sa kan'ya. Ako naman ay naka maiksing swim shorts at kulay pink na sando. Sa loob ay ang puti kong bikini para mamaya, isang hubaran nalang.
Sa isang bagong resort sa Indang magaganap ang outing. Nag-jeep nalang kami ni Veron. Mga nasa 30 minutes ang byahe kaya nagchikahan nalang muna kami.
"Magpanggap kaya akong nalulunod para sagipin n'ya 'ko?" bulong nito sa akin kaya natawa kaming dalawa.
"Tapos ima-mouth to mouth ka n'ya, 'te. Mamasa-masa at nanginginig-nginig pa." suporta ko naman sa kalandian nito. Lalo tuloy lumakas ang tawanan namin at napapatingin ang mga pasahero kaya nanahimik nalang kami ulit kasi baka pababain na kami sa sobrang ingay naming dalawa, kaloka, baka mag-alay lakad kami bigla.
After ng byahe sa jeep ay nag-tricycle naman kami. Pagdating sa resort ay nagbayad kami ng entrance at agad kaming pinapasok. Medyo bungad lang naman ang cottage na kinuha ng mga ka-clan ni Veron kaya agad namin silang nakita. Pero nagulat ako nang makalapit na kami.
"Luh, gagi." bulong ko nang makita ang nakasulat sa nakasabit na banner sa cottage.
Youth Of Jesus Clan
Agad ko kinurot si Veron sa likod. Narinig ko ang impit nitong aray. "Punyeta ka, para lang sa crush mo, sumali ka ng religious clan? Ni hindi ka nga nagsisimba. Ginagamit mo pa si Lord sa kaharutan mo? Sinusunog na talaga ang kaluluwa mo sa impyerno." bulong ko sa kan'ya habang peke ang ngiti sa mga ka-clan kuno nitong sumasalubong at nagwe-welcome pa sa amin.
Lumipas ang isang oras na antayan ng mga member ay hindi parin dumarating ang crush ng maharot na si Veron. Dahil doon, tinawanan ko na s'ya at inasar.
"Hoe, hoe, hoe, karma is a bitch." kanta ko at saka muling tumawa. Pero natigilan ako nang magsalita na 'yung leader yata nila. Magsisimula na raw at naglead na s'ya ng prayer.
Pumikit ako para makisali sa dasal, pero nang nasa kalagitnaan na ay hinampas ako ni Veron. Napadilat ako at kunot-noong tumingin sa kan'ya. Nginuso naman nito sa akin ang isang lalaking mukhang kadarating lang.
"Si Lexus." she mouthed.
Pucha, nagdadasal kami, pero landi parin ang inuna! Tinakpan ko nga ang mata n'ya at agad naman itong pumikit ulit. Pero ang ngiti at kilig sa bilog nitong mukha ay nanatili.
"Amen!" sabay-sabay na sabi ng lahat. Natapos ang dasal at agad kong nilingon si Veron at tama nga ang hinala ko, naglalaway na agad ito du'n sa Lexus n'ya. Hinahampas-hampas pa 'yung hita ko.
"Sige, bro, ingat ka." rinig kong sabi ng mga kausap no'ng Lexus. Tapos ay nagpaalam ito sa mga members. Lumapit din ito kay Veron at nagpaalam din. Tapos ay agad na itong umalis.
Napanganga ako at nagsimula ulit tumawa. Si Veron ay hindi na naman maipinta ang mukha.
Punyeta, hindi naman pala nag-stay 'yung crush n'ya! Matindi du'n, he showed up when we were praying so ang ending, saglit lang talaga s'yang nakita ni Veron dahil sa dasal ay kailangan nakapikit.
Gumuho ang oplan kalandian ni Veron. Medyo natatawa pa rin nga ako pero pinipigilan ko nalang kasi baka mapikon na s'ya sa akin. Kaya naman nagsuggest nalang ako ng iba pang pwede n'yang jowain.
"Iyon nalang 'yung naka-dilaw din na shirt, oh. Para pareho pa kayo ng kulay ng damit. Soul mate!" udyok ko kay Veron.
Ngumuso ito. "Gusto ko si Lexus kasi ang cute ng braces n'ya."
Napangiwi ako. "Hindi ba ang weird kapag may brace ta's nagkiss kayo? Feeling ko magagasgas ang nguso at gilagid ko." napailing pa ako nang maimagine na dumudugo bibig ko dahil sa isang halik.
"Gago, hin-" natigilan s'ya at tinakpan ang bibig n'ya. Medyo napalakas kasi boses n'ya kaya narinig ng iba at napatingin sa amin, eh mga religious people nga sila so allergic sila sa mga palamura! Hayyy, ewan ko ba kasi bakit kami nandito! 'Nyetang Veron kasi 'to!
Nang kainan na, nagpresenta si Veron na s'ya nalang ang kukuha ng food namin kaya naiwan ako sa upuan para magre-apply ng sunblock. Do'n ko lang napansin na ako lang pala ang naka-shorts at sando. Most of them, kung hindi pants at shirt, sunday dress ang suot tulad kay Veron. Dinedma ko nalang. Nagtingin-tingin nalang ako sa cottage ng iba if may cutie bang pwedeng harutin.
Pagbalik ni Veron ay dala na nito ang mga pagkain namin at may kasama nang lalaki na ngayon ay katawanan na n'ya. Wow! Ibang pagkain naman pala ang nasandok! Amazing!
Dahil busy na nga ang malantod na si Veron sa bago n'yang crush, nagdesisyon akong magswimming nalang mag-isa nang matapos na akong kumain. Hinubad ko ang shorts at sando ko, revealing my white bikini. Ganda ng fit sa'kin. Medyo napush pa ang boobs ko kaya nagmukha akong may cleavage kahit ang totoo, parang namagang pantal lang naman ang dede ko. Push-up bra is life talaga!
Nakita ko na nanlaki ang mata ng iba at hindi yata inakalang ganito lang ang suot ko. May isa pang nahuli ko na mataray akong tinignan mula ulo hanggang paa. Edi tinignan ko rin s'ya, mula ulo mukhang paa!
Ba't galit, eh malamang swimming 'to kaya naka-swimsuit ako! Alangang mag-long gown ako dito? Duh!
Dinedma ko nalang ang mga mapanghusgang tingin ng iba. Naglangoy-langoy nalang ako at inaliw ang sarili. May mga nagsubok naman na lumapit sa akin para makipagkilala pero wala akong bet sa kanila kaya dedma.
Ilang minuto pa at nainip na ako sa ginagawa kaya naman nagdesisyon ako na maglakad-lakad nalang muna. Ibinalik ko ang shorts ko at nagdesisyon na rumampa nalang muna sa buong resort. Sa pantaas ay hinayaan kong naka-bra lang ako.
Sa paglalamyerda ko ay mas na-appreciate ko ang lugar. Ganda ah, in fairness. Parang tagong paraiso sa gitna ng gubat ang peg. Napapalibutan kasi ng mga puno at halaman ang buong lugar. Marami ring mga kung anu-anong bulaklak. Presko, maaliwalas at malinis pa. Bongga!
Habang naglalakad-lakad, napadaan ako sa recreational park ng resort kung saan may mga lalaking naglalaro ng basketball sa isang half court. Napahinto tuloy ako at napahanga. May play ground para sa mga bagets at volleyball court din doon. Amazing!
"Ouch!"
Kamuntik na akong matumba nang may kung anong malakas na tumama sa likod ko. Gagi, ang sakit! Kung sana sa boobs ko nalang tumama para namaga at lumaki, okay lang eh! Pero, shiiiitt, tinamaan ang backbone ko! Feeling ko nabali 'yung butu-buto ko sa likod, punyeta!
"Shit, sorry, miss!"
Naramdaman kong may naglapitang mga tao sa akin. Hindi ko sila pinansin dahil nakapikit ako at pinipilit himasin ang masakit na parte ng likod ko.
"Namumula, bro." rinig kong sabi nu'ng isa.
"Come with us, miss, we'll take you to the clinic."
Inis akong dumilat at sisigawan ko sana sila pero nawala agad ang galit ko kasi may gwapo pala. Wow, instant gamot.
"Okay." 'yung lang ang sabi ko at naglakad na sila kaya sumunod ako. Hindi naman kalayuan 'yon. Ni-check agad ng nurse ang likod ko. Mukhang wala naman daw bali o ano. Hindi pa s'ya sure, kaloka. Pero parang wala naman nga kasi humuhupa naman na ang sakit. Siguro 'yung puso ko nalang ang i-check mo nurse kasi 'yon yata ang pinaka napuruhan. Char!
Habang kausap ko ang nurse, ang tatlo nama'y tahimik na nakatingin lang sa akin. Hinagod-hagod ko ng kamay ang mahaba at tuwid kong mamasa-masang buhok at nagpa-crush na sa kanila. Sana umepekto du'n sa nakakulay puting muscle tee kasi s'ya ang bet ko! Mukha kasing s'ya lang nalalapit sa age ko. 'Yong dalawa kasi, mukhang mga tanders na.
"Sorry ulit, miss." naglakas loob magsalita 'yong naka-brown na t-shirt. "Hindi ko nasalo 'yung bola kaya ikaw ang tinamaan." nahihiyang pag-amin n'ya.
"Ayos lang po." sabi ko sabay simpleng sulyap sa naka puting muscle tee. Kinukotongan nito ang naka-brown at pabirong niloloko. Lalo tuloy ako nahumaling kasi ang ganda ng ngiti n'ya at walang dudang bagay na bagay kami.
"By the way, I'm Jake." sabi nu'ng naka-brown. Nilahad nito ang kamay n'ya sa akin.
"I'm Quin." pagpapakilala ko. Hindi agad sinabi ang first name ko kung saan ako mas kilala ng tao. Pa-mysterious effect lang.
"Seth." sabi naman no'ng bet ko! In-extrahan ko ng ganda ang smile ko sa kan'ya kasi s'ya talaga ang nagpapatibok ng puso ko ngayon.
"Miss, sorry ulit. We can request for a refund of your payment to compensate the inconvenience we caused you."
Napunta ang atensyon ko sa pangatlong lalaki. Naka-itim na muscle tee iyon at s'ya ang pinaka matangkad sa tatlo. Matanda na rin kaya kahit sobrang pogi, hindi ko masyadong bet.
"This is Tristan, he owns the resort." sabi ni Seth at tinapik ang likod ni Tristan.
"My parents, Seth, not me." pa-humble namang sabi nito.
Doon ko na nga lang napansin na lahat ng suot n'ya ay branded nga. Yayamanin! Sayang hindi kami talo kasi mukhang nasa 20s na talaga s'ya. Eh, 17 palang ako. Though, I don't look my age, matangkad kasi ako. Most of the time, people think I'm already 18 and sometimes, older than that pa kasi I look matured daw.
"Okay lang, kahit hindi na." nakangiti at umiiling-iling kong sabi. Natapos naman na ang nurse at inalalayan ako nitong tumayo.
"Nice piercing." sabi ni Seth, nakatingin sa pusod ko. Napangiti naman ako na napansin n'ya 'yon. Worth it talaga ang sakit nu'ng pinalagay ko 'to, eh! Daming nagagandahan! Ginulpi nga lang ako ni mommy pero sa huli wala na rin s'yang nagawa.
"Join us for lunch nalang, if okay lang sa'yo. Pambawi." sabi na naman nu'ng Jake. Syempre oo ako agad! Para mas makasama ko pa si Seth!
Pumunta kami sa maliit na restaurant ng resort na malapit lang din sa clinic. Umupo kami sa isang table. Si Seth at Tristan, nasa gilid ko. Si Jake naman sa harap ko.
"Gusto mo bang magpatong ng shirt? Medyo malamig dito."
Nilingon ko si Tristan at nginitian. Nadidistract ba s'ya sa pantal ko sa dibdib? Char! Oo, sabagay, malamig nga ang aircon sa restaurant.
"Sure." sabi ko dito. Tumayo naman ito at umalis. Siguro kukuha na nga ng shirt.
Chinika-chika naman ako ng dalawa at si Seth, na-feel ko agad na bet din ako! Aw! I love you na agad, Seth.
"Here."
Nakabalik na pala si Tristan. Inabot n'ya sa akin 'yung shirt at kinuha ko naman agad. At nang buklatin ko iyon ay halos lumuwa ang mata ko sa nakita.
Givenchy ang brand, oh my gosh! Napakurap-kurap nalang ako at pilit itinago ang gulat. Buti nalang abala silang nagchichikahan kaya hindi nila napansin ang hampas-lupa moment ko nang makita ang shirt na pinahiram sa akin ni Tristan. Mamaya nga at ise-search ko ang presyo nito! For sure mahal 'to! Parang mahal ko na rin tuloy s'ya! Char!
"...pero hindi ko na nireplyan, Trist."
Pinag-uusapan nila ang ex daw ni Tristan na nagmessage umano kay Jake matapos nila itong aksidenteng makita sa isang bar kagabi.
"Hiniwalayan s'ya?" pakikichismis ko naman.
"Hiniwalayan n'ya." pagtatama sa akin ni Jake.
"Let's not talk about it." tumikhim si Tristan, tila naiilang.
"Thank you pala dito, Tristan." I flashed my sweetest smile to him. Tumango lang naman s'ya sa akin na may konting ngiti.
Kumain na nga kami. Ang daldal ni Jake at Seth, nakakatuwa. Pero si Tristan, tahimik at nakikitawa lang. Bigla tuloy nabaling sa kan'ya ngayon ang atensyon ko dahil ang yaman-yaman na nga n'ya tapos ang pogi, ang humble at mukhang mabait pa s'ya. Kapag ganito, wala nang luhud-luhod, I do na agad!
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay ako naman ang inusisa nila. Tinanong kung sino ang kasama ko, kung saan ako nakatira, kung saan ako nag-aaral, at nang edad ko na ang tanungin nila ay...
"I'm 19." I smiled proudly para mas convincing. Tumangu-tango naman sila at mukhang hindi na nagduda. Hoo, buti nalang!
"Eh kayo?"
"25." sabi nu'ng Jake.
"I'm 19, too." ngingiti-ngiting sagot naman ni Seth.
"24." simpleng sagot naman ni Tristan.
Hmmm. 24 s'ya tapos I'm 17. 7 years pala ang agwat namin. Ang layo, nakakaloka, pero pwede na 'yan! Age is just a number!
Nang matapos kami kumain ay nagpaalam na agad si Seth. May kailangan pa raw s'yang puntahan. Nalungkot ako doon pero konti lang kasi si Tristan naman na ang bago kong crush at bago pa man mahuli ang lahat ay pinairal ko na nga ang magic harot ko sa kan'ya.
"I must say, ang ganda talaga ng resort n'yo, Tristan. I'm sure a lot of my friends would be happy to know na this paradise exists. 'Yung mga upcoming events and celebrations, I'll tell them na pwede namin dito ganapin." Matamis at nakakaakit ang ngiti ko matapos sabihin iyon.
Tristan smiled back, halatang nahihiya kaya naman sobrang cute n'yang tignan kasi medyo namula s'ya. "Thank you." sabi pa nito.
"My pleasure. By the way, can I have your number? For future reference." Tumango ito kaya nilabas ko ang cellphone ko at iniabot ko agad sa kan'ya. Nag-type naman s'ya doon ng number n'ya. Pak! Gano'n ang galawan, mga sis! Matuto kayo!
"Thank you." I bit my lower lip and smiled seductively. Tumango naman s'ya at bahagyang ngumiti at saka mabilis na lumingon kunwari sa relo n'ya pero nakita ko s'yang napalunok.