2nd Chapter
Paglabas namin ng restaurant, namataan ko si Veron na naglalakad at lilinga-linga, mukhang hinahanap ako. Nakasuot na s'ya ngayon ng swimwear n'ya, isang white swim-shorts at yellow tank top. Medyo basa na rin, halatang nakapagbabad na.
"Nawawala yata si nene." sabi ni Jake habang nakatingin kay Veron. Tinakpan ko ang bibig ko para magpigil ng tawa. Nagtago pa ako sa likod ni Jake at Tristan para lalo n'ya akong hindi makita.
Nene daw! Gagi 'tong Jake na 'to! Tawang-tawa ako, hayop! Pero sabagay, mukha naman kasi talagang bata si Veron. Parang elementary student na nabasa ng ulan.
Maglalakad na sana si Veron pabalik nang magsalita si Jake.
"Ineng! You need help?"
Kunot-noong tiningala ni Veron si Jake. Galit ang mukha nito, parang batang inagawan ng candy.
"Hala, nagalit yata?" nahihiyang bulong ni Jake. Ngayon ay hindi ko na napigilan ang tawa ko. Dahil doon ay napansin na ako ni Veron.
"Punyeta ka! Nand'yan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!" inis na sabi nito habang sumisimpleng irap kay Jake.
"Ay, kakilala mo pala." sabi ni Jake sa akin na tinanguan ko naman.
"Oo. Sige, una na ako. Nice meeting you, guys."
Kumapit ako kay Veron. Kumaway pa ako sa kanila at nag-last glance sa future bebe kong si Tristan bago tumulak paalis.
"Sino ba 'yong gurang na 'yon? Pasmado ang bunganga! Ineng daw, punyemas s'ya!" inis na litanya nito nang nakalayo na kami.
"New friends ko, 'te. Huwag ka nang ma-highblood, pretty ka parin nene!" sabi ko na natatawa.
"Gago! New frieeeends? Baka crush!?" tinaasan ako nito ng kilay. "Bet mo 'yung isa 'no!?" pinanliitan ako nito ng mata.
"Eh, eng pogi n'ye keye!" sabi ko sabay hawi pa ng buhok ko sa tainga.
Humagikhik s'ya. "Sabagay, sobrang pogi nga, 'di kita masisisi! Kaso nga lang medyo mukhang gurang na."
Napahawak ako sa dibdib dahil sa sinabi n'ya. "Maka-gurang ka naman!" irap ko. "Anyway, totoo namang mas matanda sila sa atin, but, duuuh, age doesn't matter because time is gold!" humagikhik ako.
"Wow, bagong kasabihan ba 'yon?" sarkastikong sabi nito.
"Huwag ka nang kumontra d'yan bubwit ka, dahil s'ya lang naman ang owner ng resort na 'to! Oh, diba!? Bongga talaga s'ya, Veron! Ta's tignan mo 'tong suot ko!" tuwang-tuwa kong inirampa ang damit sa harap n'ya.
"Gi-ven-chay? Ano ba 'yan?" naguguluhang tanong n'ya.
Napairap sabay iling nalang ako. "Anong gibenchay!? Lakas maka pechay! Zhu-van-shee ang basa dito!"
"Ang layo naman ng spelling sa pronunciation, mukhang tanga!" kunot-noo pa ang bruha, tila naiirita.
"Pangmayaman kasi kaya gano'n! Mahal 'to, Veron, mahal pa 'to sa buhay natin! At walang anu-ano n'yang pinahiram sa'kin para lang hindi ako lamigin kasi concern s'ya dahil mahal na n'ya ako! OMG!" at nangisay na nga ako sa kilig.
"Wow! Nadaan sa inipit na pantal!"
Natawa ako at hinila ang buhok n'ya. "Kung makalait ka naman sa boobs ko, eh 'yung sa'yo nga mukhang munggong walang dilig!"
Hinila din n'ya ang buhok ko. "Punyeta ka! Saan mo naman sila nakilala?"
"Kasi natamaan nila ako ng bola sa likod kanina. Tapos ayun, tinamaan na rin ako sa kan'ya. Tristan ang name n'ya, Ron, he's 24 na, pero okay lang naman diba?!" nag-puppy eyes pa ako sa kan'ya.
Nanlaki naman ang mata nito. "Gago ka, Arah, ang tanda na nu'n ah!"
"Shh! Hindi naman ako katulad mong mukhang nene kaya pwede pa rin kami. Kaya huwag kang maingay d'yan!" sabi ko at pinanlakihan s'ya ng mata.
"Luh, bakit? Crush mo talaga s'ya? May balak ka 'no!?" Nanlalaki mata nitong tanong.
Tumangu-tango ako. "Oo! Kaya hindi n'ya pwedeng malaman na 17 palang ako. Buti nalang Quin ang pakilala ko, hindi Arah."
Nasapo ni Veron ang noo n'ya. "Naku, malaking problema 'yan kapag nahuli ka, landi!"
"Kaya nga hindi papahuli, Veron! Huwag ka nang kumontra d'yan. Kapag nalang nililibre n'ya ako, isasama kita minsan! Gusto mo yayain natin s'ya sa Enchanted Kingdom? Mayaman 'yun, may kotse 'yun for sure!"
Agad nagningning ang mata ni Veron nang marinig ang Enchanted Kingdom. Pero bigla s'yang umiling at pumikit na parang pinipigilan ang tuwa.
"Eh, ayoko nga! Nakakaawa talaga ang mga lalaki sa'yo. Palagi mo nalang sila ginagawang sugar daddy mo. Ngayon, ni-literal mo pa kasi matanda na talaga 'yang lalandiin mo!"
Napairap ako sa litanya n'ya. Palibhasa itong si Veron, binigyan lang ng mais ng nagkakagusto sa kan'ya, nakonsenysa na! Binalik 'yung mais! Kaloka! Vero wrong!
"Bakit? Guwapo naman s'ya, kaya okay lang 'yan kahit matanda na s'ya. Pati, kailan mo ba marerealize na that's how the world works? Men should provide all women's needs and wants dahil tayo ang nabubuntis at nagbibigay ng anak sa kanila. Don't you know how hard it is to give birth? They will wasak your pepe or tiyan if cesarean. Your other foot will be in the hukay because it's very dangerous, you could die! Kaya, the least they can do for us is to provide all our needs and WANTS!"
Nag-nyenye lang si Veron sa naging litanya ko sa kan'ya. "Hindi naman ako tulad mong kapal-muks! Ako, nahihiya talaga ako."
Umirap ako at nagtaas ng isang kilay sa kan'ya. "Shunga! Walang biyaya kung pinapairal ang hiya!"
"Tumayo ka d'yan, we need the table, ang daming tao."
Napanguso ako kay mommy dahil sa mataray na pagpapaalis sa akin nito sa mesa. I'm here in our restaurant eating halo-halo kasi nagcrave ako.
"Bilis, anak." naiinis na sabi nito. I brought my halo-halo with me at pumasok sa loob ng kitchen. Dumiretso ako sa locker room/mini pantry ng mga employees namin at doon nalang tumambay.
It's been three days since I met Tristan. At simula nang makilala ko s'ya, nag-ala detective na ako sa pagkalkal ng buhay n'ya sa world wide web.
I found his Facebook account and his full name was Tristan Alonso Castañeda. My gosh, pangalan palang pang-heridero na! Bagay talaga kami kasi mukha rin akong haciendera.
Dahil walang laman ang Facebook n'ya, I searched his name on Google nalang at maraming lumabas tungkol sa kan'ya at sa family n'ya especially their businesses. Yes, businesses, dahil hindi lang pala 'yung resort nila sa Indang ang business nila. Mas marami silang business sa Bacoor! Doon yata talaga sila nakatira. May resort din sila do'n, restaurant and bar, grocery stores, convenient stores, pawn shops, remmittance centers, at logistics services! Hindi ko kinakaya ang kayamanan ng mga Castañeda!
"I-text ko na ba s'ya?" sabi ko sa sarili habang tinitignan ang number n'yang naka-save sa phone ko.
Sa totoo lang, naduduwag akong landiin s'ya dahil sa mga nalaman ko sa kan'ya. Bigatin eh! But at the same time, mas nagustuhan ko s'ya at mas nachallenge ako! Sobrang bet na bet ko na talaga s'ya. Kaya hindi ako pwedeng maduwag.
Ngayon pa ba, Arah? Kung kailan nahanap mo na ang lalaking perfect para sa'yo?
Kinapalan ko na nga ang mukha ko at nagtype ng message para kay Tristan.
To: Tristan
Hi, Tristan. Si Quin to. How can I return your shit to you?
Salamat nalang talaga at pinahiram n'ya ako ng shirt! May reason akong i-text s'ya.
Mabilis kong ni-send ang message ko at kinikilig na nag-intay ng reply n'ya.
1 minute... 2 minutes... wala pa rin! Ang tagal naman!?
Binuksan ko muli ang message ko sa kan'ya at nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang na-type ko.
"Shirt! Pota! Bakit shit ang na-type ko!?"
Nasapo ko ang noo ko sa sobrang hiya. I decided na tawagan nalang s'ya. I would say sorry and make pa-cute nalang para makabawi.
Calling Tristan...
Hindi ito sumagot. Kinagat ko ang labi ko at binaba nalang ang phone ko. Nakakahiya! Baka nagalit nga. Hays!
Tinuloy ko nalang ang pagkain ng halo-halo. Pero maya-maya lang, tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag sa akin.
Tristan
OMG! OMG! He's calling! He's calling!
"H-hello..."
Kinagat ko ang labi ko at nag-antay ng sagot n'ya. Maingay ang background. May mga lalaking nagku-kwentuhan.
"Who's this? I received a missed call from your number."
Kinagat ko uli ang labi ko para pigilan ang kilig. Boses palang, ulam na!
"Hi, Tristan. Si... Quin 'to."
"Quin?" I heard confusion in his voice.
"Si Quin? 'Yung na-meet natin nu'ng nakaraan? Hi Quin!"
"Hello Quin!"
Napangiti ako sa mga sumingit sa tawag. Probably Jake and Seth. Buti pa sila natandaan ako. Itong si Tristan mukhang limot na ang beauty ko!
Ako lang naman ang future jowa mo, hoy!
"Ah, yes, hi. How are you?" pormal na pormal nitong sabi nang ma-realize na n'ya kung sino ako.
"Okay lang. Ikaw?" Miss mo na ba 'ko? Char!
"I'm good. Bakit ka napatawag? Sorry, hindi ko nasagot kanina, we were playing basketball."
Ahhh. Kaya pala. So ibigsabihin, baka hindi pa rin n'ya nabasa ang text ko?
"Tell her to visit, bro! Quin, busy ka? Punta ka dito if hindi!"
"Tara dito, Quin!"
Unti-unting humina 'yung boses ng mga nakikisingit sa tawag. Lumayo yata si Tristan sa kanila.
Luh, pinagdadamot na agad ako sa iba? Possessive mo naman po!
"Sorry. Kulit ni Jake at Seth. Bakit ka nga napatawag?"
"Uhm, gusto ko sanang ibalik 'yung shirt mo. Okay lang bang pumunta ako d'yan today?"
Saglit s'yang natahimik bago sumagot. "You don't need to return it. You can have it."
Nanlaki ang mata ko. Oh my gosh, sobrang mahal nito, binibigay na n'ya sa'kin!? Pero ay, ayaw n'ya ba akong pumunta? Ouch, ah!
Nalungkot ang mukha ko. "Ah, sige, hindi nalang ako pupunt–"
"No. I didn't mean that." mabilis na bawi nito na nagpakilig sa'kin.
Yiiieeee! Eme! Gusto din ako pumunta! Mahal mo na rin ako 'no? Char!
"You can visit if you want to. But the shirt, iyo nalang."
Gagiiii, seryoso ba 'to!? Grabeng mapagbigay naman nito! Baka sa susunod, puso na n'ya ibigay n'ya sa'kin, ah! Tatanggapin ko talaga 'yan, nanginginig-nginig pa!
"Uhm, sige, thank you." kunwaring dedma kong sagot para hindi halatang patay na patay, gano'n!
"Sure."
"Ay, wait! 'Wag mo muna ibaba!" pa-habol ko dahil naalala ko 'yung na-tanga kong text sa kan'ya kanina.
"Still here."
"Thanks. Uhm, ano kasi, hindi naman talaga dapat ako tatawag. Text lang talaga. Kaso na-typo kasi ako sa text ko sa'yo. Akala ko nagalit ka, that's why I called."
Ilang sandali s'yang natahimik. Bigla ay narinig ko s'yang natawa ng mahina.
"It's okay." sabi nito na mukhang nakita na 'yung text ko.
Yiieee! Tumawa! Napatawa ko s'ya!
"Okay, thanks, see you!"
Binaba ko na ang tawag at napakagat agad ako ng labi para magpigil ng kilig. Ilang segundo lang, may dumating na message sa phone ko.
From: Unknown Number
Hi, Queen. This is Seth. Got your number from Tristan. Bisita ka dito? :)
QUEEN. Literal talaga? Kaloka. Pero, hmm, binigay ni Tristan kay Seth ang number ko? Dapat ipagdamot n'ya 'ko! Char, anyway, bet ko rin naman si Seth, so, ayos lang.
To: Unknown Number
I know naman na mukha akong Queen but it's actually Quin haha char. Yes, I'm visiting. I'm actually planning to take my bestfriends with me. Is that okay?
Ni-save ko ang number ni bebe Seth after my reply.
From: Seth
Sure! Of course! Dito na rin kayo mag-lunch :) Tapos swimming na rin tayo. Nagkayayaan kami kasi wala masyadong tao ngayon sa resort.
To: Seth
Okay. See you later!
Ngiting-ngiti ako nang i-text ko ang mga kaibigan ko. Parang umuusok ang puwet ko at hindi ako mapakali sa upuan sa sobrang excite. Syempre, bukod sa makikita ko si Tristan na main target ko, naroon din si Seth na pwedeng second option kapag hindi ako pinatulan ni Tristan. Char!
To Veronica Bukaka, Birheng Ahlia, Tuyot na Daisy:
Mga teeeee! Tara swimming libre ko! Kitakits sa balur, daliiii!!!!!
Habang nga-aantay ng reply nila, lumabas na ako ng locker room at nagpaalam kay mommy na aalis ako at gagala kasama ang mga bestfriends ko. Pumayag naman ito, as usual. Hindi naman mahigpit sa akin sina mommy basta nagpapaalam ako ng maayos.
From: Veronica Bukaka
coming!!!
Napangiti ako at agad itong nireplyan.
To: Veronica Bukaka
Come to momma!!
After ko replyan si Veron ay binuksan ko naman ang reply din nina Ahlia at Daisy.
From: Birheng Ahlia
Yayyy sige ligo na koooo see youuu
From: Tuyot na Daisy
Asa pampanga parin ako matsurang moret
Kumunot ako noo ko. What's matsurang moret? Punyetang Daisy 'to, kinakapampangan na naman ako!
Umuwi ako agad para maligo at mag-ayos. I wore my white boho summer dress na pinaresan ko ng brown strappy sandals. Inside my dress was my nude tube top push-up bikini. Para isang hubaran nalang ulit mamaya. I pulled my up hair in a messy bun. I didn't put make-up anymore since swimming naman 'yon kaya mawawala lang din. Ginamit ko nalang ang favorite MAC lipstick ko in the shade Taupe na tinitipid-tipid ko dahil ninakaw ko lang ito kay mommy at alam kong wala akong pambili kapag naubos ko ito agad!
Ilang saglit lang, dumating na rin sina Veron at Ahlia sa bahay. Veron was wearing a pink halter top and a denim skirt. Medyo may heels ang sandals n'ya kaya nagmukha s'yang matangkad. Si Ahlia naman, naka-fitted black V-neck shirt at tattered denim shorts tapos naka-white sneakers. Laki ng joga ni Ahlia, grabe. Kahit naka-shirt lang s'ya, naghuhumiyaw pa rin. Wow!
"Ahlia, you will meet my future jowa!" excited na kwento ko dito nang nasa jeep na kami papuntang resort nina Tristan. Si Veron ay ang-nyenyenye pero hindi ko nalang pinansin.
Ngumuso si Ahlia at kumunot ang noo. "Edi ikaw talo sa pustahan? Babayaran mo kami? Magkano na nga ngayon? 15k na diba?"
Umirap ako sa kan'ya. May pustahan nga pala kaming magbebestfriend na kung sino unang mag-jowa, magbabayad. Dati 1k lang ngayon umabot na ng kinse! Punyeta!
"Okay lang, mayaman naman s'ya so I'll let him pay." taas noo kong sabi.
"Kailan ka ba naglandi sa hindi mayaman? Pustahan, mga suot mo ngayon, bigay lahat ng mga lalaki mo?" si Veron na dumila pa.
"Dila-dila ka pa, mukha kang tuko!" sabi ko dito at mabilis ako nitong minura.
"Hayaan mo na nga si Arah, deserve naman n'ya ang mga binibigay sa kan'ya." nakangiting sabi ni Ahlia.
Malambing ko itong niyakap at pasimpleng pinisil ang dede. Hinampas ako nito habang natatawa. "Kinakampihan na nga kita, nanggagago ka pa." sabi nito na tinawanan ko.
Pagdating sa resort ay sinalubong kami ng tatlo sa entrance palang. Agad dumako ang mata ko kay Tristan na ngayon ay naka-white plain shirt at gray shorts. Shit, naka-white din s'ya! Soul mate talaga kami! Pwede na ideretso sa simbahan! Char!
Pinakilala ko sila sa isa't isa. Matapos no'n, napansin ni Tristan ang dala kong eco-bag.
"Ah, I cooked sisig and kare-kare, para naman may ambag kami. Nagdala rin ako ng ube at lecheflan na ginawa ko kahapon." I smiled after saying that para mas convincing kasi hindi ko naman talaga niluto 'to at kinuha ko lang ito sa restaurant namin!
"Wow, hindi ka na sana nag-abala!" nakangiti at tila namamanghang sabi ni Jake. Parang sa reaksyon naman n'ya, natuwa pa s'yang nag-abala ako.
"Nakakaexcite naman tikman ang mga luto mo, siguradong masarap 'yan." sabi naman ni Seth.
Kinuha naman ni Tristan ang eco-bag na dala ko. "Let me help you. Thanks, by the way." simpleng sabi nito pero nagtumbling na agad ang puso ko.
Naglakad na kami agad patungo sa isang cottage kung saan daw kami maglalunch. Nasa likod kaming girls at nasa unahan naman sila.
"Galing mo talaga magsinungaling, girl. Ikaw na talaga ang nababagay na reyna ng impyerno." bulong ni Veron na tinawanan ko lang.
"Tanga, una ka pa rin sa first kasi mas malalang kasalanan ang sumali ng religious clan para lang sa lalaki." bawi ko na tinawanan din n'ya.
"Mga baliw kayo." sabi naman ni Ahlia na aliw na aliw sa pagtawa.
"Pero crush ko 'yung Seth, 'te." sabi ulit ni Veron na ngayon ay kinikilig.
"Eh, akin din s'ya eh?" natatawang sabi ko.
"Pota, dapat sa'yo mag-Chowking Lauriat tutal gusto mo naman lahat." irap nito sa akin. "Akin na 'yan. Isa-isa lang dapat. Kay Ahlia naman 'yung gurang."
"Huy." siniko ni Ahlia si Veron. "Salbahe ka, maka-gurang ka naman."
"Eh, bakit, tinawag nga n'ya akong nene, eh." nakangusong sabi nito kay Ahlia.
Natawa ako at sumang-ayon kay Ahlia. "Oo nga, ito talaga. Kasalanan n'ya bang mukha kang nene that time."
Nag-nyenye lang ito sa amin. "Basta akin 'yan si Seth." sabay irap nito.
Sa cottage ay may iba pa silang kaibigan na naroon at nag-iintay. Dalawang babae at dalawang lalaki. Pinakilala kami sa isa't isa pero hindi ko na tinandaan ang mga pangalan nila kasi si Tristan lang naman ang mahalaga sa'kin.
Marami ngang food sa mesa. Pero nang ilapag ni Tristan doon ang mga dala ko, iyon ang unang tinikman nina Jake at Seth. Medyo kinabahan tuloy ako, syempre, hindi man ako ang magluto n'yan, mga putahe naman 'yan sa restaurant namin kaya dapat masarapan sila!
"Wow! Luto mo ba talaga 'to?" namamanghang sabi ni Seth habang puno pa ang bunganga ng kanin at sisig.
"Kahit bagoong lang, pwede nang gawing ulam." sabi naman ni Jake na ngayon ay nilalantakan ang kare-kate.
Natatawa akong tumingin sa kanila. "Talaga bang masarap? Baka chinacharot n'yo lang ako. Pero, salamat." nahihiyang sabi ko.
Nagtikiman din tuloy ang iba. At tulad nina Jake at Seth, pinuri nila ang mga dala ko. Pero pinakamasaya ako sa reaksyon ni Tristan.
"Sarap nga." nakangiting sabi nito sa akin. Nahihiyang ngumiti din ako sa kan'ya.