Rod's POV
It's been a year and yet, I still don't know where the hell Kurohana hides together with the kids. And during this year, I've been sensing that wherever I go, there is this very strong killing intent that keeps on following me.
I sighed. I started to pack my things. I need to move quickly, the aura is getting nearer and I don't want to be entangled in a worthless brawl.
As I pick the last item, I sense that something is about to hit me and thanks to my quick reflex, I manage to avoid it.
I took a glance where it hit. There in a nearby tree just a foot away from me, a huge ax is piercing deeply in it.
I swallowed hard and ran away from there.
Masyado ko pang mahal ang buhay ko para mag-stay ako doon.
After running a few meters, I saw the gate of the tiny town I'm currently staying at, Parvus. This is an offshore town that is currently in the state of territorial dispute between the two continents.
"Rod! Mukha ka nanamang hinabol ng sampung halimaw!" sabi ni Conrad na sinabayan pa niya ng mapang-asar na tawa.
Mula ng iwanan ako ni Kurohana bitbit ang mga bata ay nagdesisyon akong maglakbay, nagbabakasali na baka mahanap ko sila sa mapupuntahan ko. Pero nitong nakalipas na isang buwan, naisipan ko munang magpahinga dito.
"Lubayan mo nga ako, Conrad!" iritang sagot ko sa kanya.
Alam ko naman na nagbibiro lang siya, pero sa sitwasyon ko na walang maalala sa nakaraan at laging nanganganib ang buhay, hindi ito nakakatawa.
"Chill!" sabi niya, halatang nagulat sa naging reaksiyon ko. "Ano bang nangyari sa iyo?"
Ang kaninang nang-aasar niyang ngisi ay napalitan ng pag-aalala.
Hindi ko siya sinagot na nagpatuloy lang papunta sa tinutuluyan kong bahay.
Pasalampak akong napaupo sa papag. Napapagod na akong tumakbo sa kung anong hindi ko alam na gustong pumatay sa akin. Naiinis na din ako sa sarili dahil ni hindi ko alam kung sinong impakto ba ang nakaaway ko noon na gustong-gusto akong patahimikin.
While lying on the bed, a cold chill suddenly crept throughout my body.
Mabilis akong napabangon saka luminga sa paligid.
"He's gone."
Napakurap ako ng biglang sumulpot ang lalaki. He has brown hair and a pale skin.
Ilang minuto ko pa muna siyang tinitigan habang siya naman ay nakangiti sa akin, halatang naaaliw siya sa reaksiyon ko.
"You!" bigla kong sigaw na nakaturo pa sa kanya.
"Finally!" he said while clapping his hands. "Took you so long to remember me, huh?"
Nanlalaki ang matang nakatitig lang ako sa kanya.
"Come on, lad, stop gawking!" Then he laughs as he sits beside me.
"Sino ka?"
Bigla siyang tumigil sa pagtawa saka tumitig sa akin. Kasabay nito ang paglaho ng lahat ng emosyon sa kanyang mukha.
"You have to be careful." He then said, "They're already aware of your existence."
"What do~"
Bigla na lang siyang nawala bago ko pa man makumpleto ang tanong ko. At ilang segundo lang ang lumilipas ay siya namang paglamig ng paligid.
Hindi ko napigilang mapamura kasabay ng mabilis na pagkilos para makatakas pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay bigla na itong tumalsik kasabay ng pagpasok ng isang naka-hood.