Chapter 25
Para bang pinako si Rod sa kinatatayuan matapos sapilitang binuksan ang pinto ng kanyang tinutuluyan.
Kasabay ng pagpasok ng malaking tao ay siyang paggapang ng kilabot sa buong katawan ni Rod. Nakasuot ito ng itim na cloak na tumatabing sa mukha nito.
The newcomer smirked at the sight of him cowering in fear.
Is this the guy? He looks like a wimp, the huge man thought. Is he even worthy of getting killed by my hands?
He suddenly grabs Rod but to his surprise, he nonchalantly evades his big hands by turning sidewards.
A fluke? he thought then smirked. Let's see.
He tried grabbing him again but just like the first try, he easily dodged it.
Hindi niya napigilang mapakunot habang nakatingin kay Rod.
He did it for the third time and yet, he avoided it.
He is fast, but Rod is faster. This thought makes him lose his cool as he starts going berserk.
Napakurap si Rod nang bigla itong mawala sa sarili habang patuloy na umiiwas sa bawat atake na ginagawa nito.
Kung kanina ay gusto niya lang akong dakmain, ngayon ay talagang gusto na niya akong patayin.
Lalong bumilis ang bawat galaw nito na pilit namang sinabayan ni Rod, pero kahit anong iwas ang gawin niya, mayroon pa ding atake ang nakalusot.
Kapwa natigilan ang dalawa kasabay ng pagtama ng suntok ng malaking lalaki sa brason ni Rod, na siyang pinangsalag nito. Napaurong pa ang huli ng ilang pulgada, senyales na masyadong malakas ang pwersang ginamit ng kalaban.
The attacker then tried to hit Rod but he quickly leaped backwards. Upon landing, he quickly did a roundhouse kick which landed on his opponent's face, followed by a sweep kick.
Kahit na malaki ang kalaban ay mabilis pa din ang mga galaw nito. Maliksi itong tumambling paatras para maiwasan ang atake ni Rod. Dahil sa ginawa nito ay tuluyan ng natanggal ang nakatalukbong sa ulo nito.
Tumambad ang mukha ng lalaki na may malaking kalmot mula sa kanang kilay hanggang sa kaliwang panga. Ang kanang mata nito na kulay puti ay halatang bulag na kahit naididilat pa ito.
Rod unconsciously gulped. Not only is the intruder huge, he is also scary. And he's currently not in his right mind and is emitting too much killing intent.
Kailangan ko na itong tapusin kung gusto ko pang mabuhay! bulong ni Rod.
Walang sabi-sabing bigla nitong sinugod si Rod ng may kakaibnag kislap sa mga mata. Sa sobrang bilis ng galaw ng lalaki ay hindi nakaiwas si Rod sa malakas na suntok nito na tumama sa tiyan ng huli.
Halos mapaluhod si Rod sa sakit ngunit, hindi pa man siya nakakabawi ay muli nitong inundayan ng sunud-sunod na suntok.
Dahil doon ay tuluyan ng nawalan ng balanse si Rod.
Hindi na napansin ni Rod ang kung anong bagay na hinugot ng kalaban mula sa likod nito at walang pagbabakasakaling itinarak sa kanya.
Kurohana woke abruptly as chills crept throughout her body. She quickly scanned the place to check if there's any potential danger until her eyes fell on the sleeping children on her side.
Napabuntung-hininga na lang siya.
"Kuya Rod..."
Dahil sa bulong na iyon, ay hindi niya naiwasang mapatitig sa maamong mukha ni Jess. Ang pisngi nito ay basang-basa dahil sa luhang tumutulo mula sa mga nakapikit na mata nito.
Dahan-dahang pinunasan ito ni Kurohana matapos ay hinaplos ang ulo ng bata na siyang nagpakalma dito.
Habang nakatingin sa payapang mukha ng mga bata ay hindi niya naiwasang maisip si Rod.
"Kamusta ka na ba Rod?"