webnovel

chapter 5

"anong sabi nang boss mo?" bungad niya nang makapasok na ako at umupo.

"remind lang na wag ko daw kalimutan yung tugon niya." pagsisinungaling ko.

"ok, so uuwi ka agad pagkatapos nang date natin?" tanung niya.

"di pa, unlimited yung oras ko ehhh." may halong ngiti na pagkasabi ko.

"good." she just smiled at me, at ako naman, pinipilit kong mawala sa isip ko si Jullie Ann Nicole Chua. Or should I call her JANC.

Kumain lang kami at nag usap nang mga kalukahan. Pagkatapos, napagpasyahan namin na puntaha yung favorite place namin.

VIEW DECK:

Nasa view deck na kami, naka open yung trunk nang kotse at dun kami umupo.

"wala ka na ba talagang balak mag aral?" tanung niya.

"meron pa naman, pero kailangan ko pang tustusan yung mga pangangailangan namin. Alam mo na, parehong baldado yung parents ko ,tsaka crisis pa." alam niya yung sitwasyon namin, dahil naka punta na siya sa bahay.

"pwede ka namang mag night shift kung gusto mo. Tutulungan kita sa lahat nang projects at assignments mo."

"di muna sa ngayun. Alam mo naman, namamasada ako pag gabi." ganito yung diskarte ko, mahirap kasi kung iisang trabaho lang yung aasahan, di ako makakaipon. Sa totoo lang, pinagplanuhan ko ang mag aral, at pinag iipunan ko pa sa ngayun.

"ikaw, may scholarship pa naman ngayun ang CHED, sayang din."

"hayaan mo, meron pa naman yan sa susunod." yun na lang at nanunuod lang kami sa mga magagandang tanawin sa view deck.

Umakbay ako sa kanya, at hinalikan ko ang noo niya. Sarap pala sa feeling nu? Mag a-unwind, tapos kasama mo yung taong mahal ka at mahal mo.

Teka? siya ba talaga ang mahal ko?

Bat, parang mali?

Ano ba yang JANC?? Bat bigla bigla ka na lang pumapasok sa kokote ko???

I don't want you to ruin my date.

"Jullie Ann." opss, naging bukambibig ko bigla, kaya napatingin siya sakin.

"sinong Jullie Ann?" tanong niya na parang alam niya yung nasa isip ko.

"ay wala, isinasaulo ko lang yung pangalan nang kukuhanan ko nang pera sa opisina." mabilis pa sa kidlat na palusot ko. Mukhang naniwala naman siya.

Nag uusap lang kami nang mga bagay.x nag kukulitan, nagtatawanan, kitang kita ko na masaya siya. Pero ako, iba ang hanap nang aking mata, Si Jullie Ann Nicole Chua.

Narinig naming tumutugtog yung cellphone niya, kaya kinuha niya at sinabing babalik na daw kami sa school niya. Oras na pala, ambilis naman, girlscout talaga tong babaeng to. Isipin mo, naka pag alarm pala siya, habang ako halos nakalimutan ko na yung oras.

Pumasok na kami sa kotse at ihahatid ko na siya patungong school niya. Nang makarating na kami, bago siya bumaba, hinalikan niya muna ako. Teka, bat parang wala akong ganang gumanti nang halik? Kahit na, gumanti parin ako nang halik para naman hindi niya masabing nanlalamig ako sa kanya.

"salamat sa oras." sabi niya bago bumaba.

"no, thank you for the love. Ingat ka palage ahh? wag tatanga tanga." sabi ko.

" ikaw ang mag ingat, ikaw ang mag babyahe, i love you."

"i love you." sabi ko, at humalik siya sakin tsaka tuluyan nang bumaba nang kotse. "Jullie Ann Nicole Chua." sabi nang utak ko.

Mga ilang hakbang lang ay lumingon siya sakin sabay kindat. Now I'm turned between two lovers, the one who loves me, and the one who I wanted to love me.

Siguiente capítulo