Natapos na ang isang mahabang araw, at papauwi na ako. Nakuha ko naman ying ipinakuha ni boss. Natapos ko lahat nang report, at nakapag linis na din nang cr.
Oo kasama yun sa trabaho ko.
Ako ang taga linis nang cr sa office, ako kasi ang junior.
Pagdating ko sa bahay inihanda ko na ang tricycle. Para mamamasada na naman. Hindi naman masyadong mabigat yung trabaho ko sa office kaya nagagawa ko pang mamasada kinahapunan.
Bandang alas otso umuwi na ako, bebe time na kasi yun. Pero di ako tumawag sa gf ko, tinawagan ko muna si JANC.
"hello, bat napatawag ka?" bungad niya pagkasagot nang tawag.
"la lang miss lang kita." bola ko sa kanya. Ewan ko ba, ang sarap pakinggan nang boses niya.
"bola. Kumusta naman yung date niyo kanina." tanung niya.
" okay lang naman so far." sagot ko.
"edi wow, ikaw na may jowa."
"ehh bakit? ikaw? wala ka bang jowa?"
"wala."
"wag ako, sa ganda mong yan?"
"porket ba maganda, may jowa na agad?"
"hindi naman sa ganun, pero, really? walang naglalakas loob sayong ligawan ka?"
"oo, ganun ako ka ganda."
"wow ha? o sadyang di mo lang gusto yung nanliligaw sayo?"
"parang ganun na nga."
"teka, ano bang gusto mo sa lalake?"
"simple lang, masipag, mabait, mapagkakatiwalaan."
"ehh di ako pasado pala."
"bakit mo naman nasabi?"
"ehh masipag nga ako, di naman mapagkakatiwalaan."
"so, I can't trust you? ganun?"
" no, you can trust me naman. Pero sa gf ko kasi, parang nagloloko na ako ehh."
"mahal mo ba?"
"ewan ko."parang mahal na ata kita. Sa loob loob ko.
"anong ewan." parang galit siya.
"siguraduin mo yan uii. Hindi biro ang masaktan." dagdag pa niya.
Oo nga pala nuh? Hindi pwedeng may masaktan ako. Sino naman ang pipiliin ko, yung gf ko? o itong taong hindi ako sigurado kung totoo.
bzzzzttt bzzztttt
May tumawag.
Tiningnan ko, si bhozz.
"crush, babye na ahh? tumatawag na yung gf ko." paalam ko sa kanya.
"hayy nako, buhay nga naman nang kabet, cge bye." at pinatay niya na yung call. Ano daw?
Sinagot ko yung tawag.
"Hi bhozz, goodevening?" bati ko sa kanya. Isang mahinang boses na para bang inaantok.
"goodevening, pagod ka ata ehhh." sabi nya.
" hindi naman, kaya pa naman. Kumusta?" sinasadya ko talangang mag drama para hindi magiging mataas yung tawag. Gusto kong ma sigurado kung anong ibig sabihin nung sinabi ni JANC kanina.
"ok lang naman ako. Nag hapunan ka na ba?" tanong niya. Caring naman tong gf ko. Kaya nanghihinayang ako.
"Oo tapos na. Ikaw ba?" tanung ko sa kanya.
" maghahapunan pa lang, tatapusin ko muna tong assignment."
"kain ka na. baka malipasan ka."
"oo tatapusin ko muna to. Ikaw, matulog ka na para fressh ka bukas."
"wag muna, gusto kong marinig yung boses mo."
"tigas naman nang ulo, kakantahan kita, pag natapos tong 7 mins. di na ako tatawag ha? tulog ka na. At yun nagsimula na siyang kumanta. Kinanta niya yung fav. song niya na kinakanta ko sa kanya.
All of me:
Nang matapos na ang 7 mins.
Hindi na nga siya tumawag ulit, pero nag send siya nang txt message.
"alam kong pagod ka na. Tulog na ka mahal ko. Hayaan mo, saturday nang gabi mag puyatan tayo. Ubusin natin yung buong gabi kakatawag. Goodnight bhozz, i love you so much. Salamat nga pala sa time kanina, nag enjoy ako sobra. Goodnight, sweetdreams. 😘"
Sobrang na guilty ako, mahal ako nang babaeng to, pero ako, hati yUng atensyon ko sa dalawang tao. Ano ba ang gagawin ko?
Pagkatapos kong basahin ang text niya, nagdadalawang isip na akong tawagan ulit si JANC. Parang di ko na kayang gawin to. Nahihirapan na ako at ayaw kong makasakit nang damdamin nang ibang tao.
"goodnight bhozz, sorry pagud na pagud ako ngayun. Pasensya na talaga, bukas gusto ko makabawi sayo. Hindi ako magpapakapagod bukas. Tatawag ako sayo. Wala akong load umutang lang ako sa smart. Goodnight po, dream of me. I love you."
sent..
Di kaya nang konsensya ko na hindi maka reply. Hindi pa naman ako inaantok, kaya lumabas ako at bumili nang isang bote nang beer. Tumatagay akong mag isa sa may nangka. Hawak hawak ko ang gitara at kumakantang mag isa. Nang medyo nawiwindang na ako, sinubukan kong tawagan si JANC.
Unang ring, di niya sinagot.
Pangalawang ring...
" hello." sinagot niya na.
"ano yung sabi mo kanina?"
"lasing ka? haha."
"hindi nakainom lang."
"ako rin ehh. haha."
"tawa ka nang tawa hoy hindi kita ginawang kabet!" mariin kong sabi.
"hindi ba? second option, ganun?" sabi niya. Para kaming LQ, lol.
"hindi din kita ginawang option. Mahal kita at sa totoo lang nasa akin pa yung picture mo na ipina printa ko nung 16 pa ako. Mahal kita! Sadyang sa maling oras ka lang dumating at ayaw kong masaktan ko siya." mariin kong sabi sa kanya.
"sa totoo lang, tinawag na nila akong baliw dati, dahil sayo. Baliw na daw ako sa kaka pangarap ko sayo. Ipinaglaban kita nang maraming taon. Pero ano? Wala, hindi ka dumating! Kung totoo man na ikaw nga si Jullie Ann Nicole Chua. Parang awa mo na.
Layuan mo na ako. Gusto kong sumaya kasama ang totoong tao!" inilabas ko na lahat nang gusto kong ilabas. Pagkatapos kong masabi yun, parang naririnig kong humikbi siya, tsaka pinatay niya na yung tawag.
Simula nun, hindi na ako nakatanggap nang kahit anong mensahe galing sa kanya. Binlock niya na ako sa facebook, hindi ko na ma contact yung number niya, naglaho na talaga siya. Siguro tama lang yun, kasi kung hindi, baka may masaktan akong iba.