webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Autor: maria_basa
Adolescente
En Curso · 41.2K Visitas
  • 36 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

Etiquetas
3 etiquetas
Chapter 1Start

October 13, Sunday.

"Arrgg!! Ang sakit na ng paa ko!" Sht! Ang ingay nya talaga.

"Sino ba naman kasi may sabi sayo na mag heels ka?" Bulyaw ko sa kanya.

"Aba't sinisisi mo ako?" Sino pa nga ba?

"H-Hindi naman sa ganun . Ikaw naman kasi eh." Hay!

"Eh sinisisi mo nga ako!" Pagmamaktol nya.

"H-Hindi nga." Ang kulit lang.

"Akin na yung sapatos mo!" Nagulat ako ng huminto sya sa paglalakad.

"H-Ha?"

"Bingi ka ba o ano? Sapatos mo sabi!" Sigaw nya.

Kahit naguguluhan ay inabot ko na rin sa kanya ang shoes ko. "Oh ito!"

Hinagis nya sa akin yung heels nya. Sinuot na nya yung sapatos ko.

What the! Don't tell me--

"Suotin mo." Utos nya.

"What?" Halos wala ng lumabas na boses sa akin.

"Nananadya ka ba at pinapaulit mo talaga sa akin yung mga sinasabi ko?" Akma nya akong susuntukin sa braso.

"E-Eh pang babae 'to eh."

"Natural! Sa akin yan eh!" Galit na sya nyan.

No Choice. Sinuot ko na lang kahit hindi magkasya sa akin. Kesa naka medyas lang ako pauwi.

"Ayan! Bagay sayo! Haha. Tara na Babe." Pumulupot na sya sa braso ko. Sweet. Nakaka asar.

Pinagtitinginan na kami ng nakakasalubong namin. Nakakahiya.

Mga 30 mins. pa lang kaming naglalakad pero sobrang sakit na talaga ng paa ko.

"B-Babe ang sakit na talaga ng paa ko." Huminto ako sa paglalakad. Masakit na talaga eh.

"Ngayon alam mo na ba ang pakiramdam ng pinaglalakad sa date nila ng naka heels? Kapag pinaglakad mo pa ako mananagot ka talaga sa akin!" Pagbabanta nya pa.

"Sorry. Sinabi ko naman sayo na pinaayos ko pa yung kotse ko eh." Totoo yun, nagyaya ako magdate pero nasira naman bigla ang kotse ko.

"Ayoko ng sorry! Uwi na tayo! Maglalakad lang tayo!"

"What?! Babe naman ang sakit na talaga ng paa ko!" Ano bang parusa 'to?

Tumingin sya sa akin ng masama. "Umaangal?"

"Hindi! Tara na. Uwi na tayo."

"Good. Let's go babe. Haha." Tumawa pa sya ng malakas.

Im Stanley and she's Alex My Brutal Wife.

2 weeks pa lang kaming kasal. Arrange marraige. Biktima kami nun! Natali kami sa isa't-isa.

Ayos lang sana sa akin kung yung asawa ko ay zweet, mabait, asarap magluto. Kaso hindi. Isa syang BRUTAL.

Inuulit ko BRUTAL. As in B-R-U-T-A-L.

Napaka ng babaeng amasona na yun! Napapasunod nya ako sa kung anu man ang gusto nya. Syempre Gentleman eh.

Gusto nyo malaman kung gaano pa sya ka brutal?

"Babe ipagluto mo ako mamaya ng pakbet." Malambing nyang sabi.

"Nandun naman si Manang eh." Kaasar!

"Gusto ko ikaw magluto." Nagpapadyak pa sya. Ayan na naman po sya!

"Hindi ako marunong magluto."

"Aba't para saan pa't may kusina tayo kung hindi ka pala marunong magluto? Ipapagiba ko na ang kusina natin!" Hindi na ako nagulat sa biglang pag sigaw nya.

See? Pati kusina na walang kamalay-malay madadamay pa.

"Sino ba sa atin ang HRM ang course?" Tanong ko.

"Ako!" Great!

"That's my point. Ikaw ang HRM Student kaya ikaw magluto."

"Kailan pa naging issue ang pagiging HRM ko sa pagluluto ng pakbet?" Sigaw nya at binatukan pa ako!

"HRM ka Alex!"

"So what? Iniinis mo talaga ako Stanley!"

"Hindi naman kita iniinis eh. Pinapa reaalize ko lang sayo kung ano yung tama!" Pagpapaliwanag ko pa.

"Bukas talaga ipapagiba ko na yung kusina!" At kapag sinabi nya. Ginagawa nya talaga.

"Oo na! Lulutuan na kita!" Suko na ako.

"Napipilitan ka lang ata eh."

"Hindi ah. Bukal 'to sa loob ko." Pero ang totoo, napipilitan lang talaga ako.

"Good. Haha. I love you Asawa ko."

Hindi ako sumagot. Nakaka inis kaso hindi ako maka angal.

"Hindi ka sasagot?" May pagbabanta na ang boses nya.

"I love you too Asawa ko." Ang sweet namin diba?

Ganyan ang tratuhan namin kasi ito na lang yung way para iparamdam na hindi namin gusto ang isa't -isa.

Pero ako lagi ang kawawa. Utos dito. Utos dyan. Batok ditto. Batok dyan. Hila kung saan-saan. Sipa. Suntok. Sampal. Kurot. Sabunot. Ano pa bang kulang? Saksak? Haha.

I'm just being gentleman.

I respect them. I loved them now and break their heart tomorrow. Nice!

But when I met Alex. Everything changed.

Ikaw ba naman mabugbog araw-araw tignan ko lang kung hindi magbago ang buhay mo.

También te puede interesar

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
102 Chs

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A Story of Choice Imagine finding yourself at the crossroads of fate, torn between two paths. One leads to the person you love deeply—someone who has captured your heart and soul. The other path leads to the person who loves you more than anything, someone who would do anything to make you happy. What will you do if fate forces you to choose? Will you follow your heart, or will you choose the person who treasures you most? It's a story of choice, where love and loyalty collide, and no decision comes without sacrifice. A Story of Drama Trust is a fragile thing. What if the person you trusted with your life, turned out to be the one who wanted to end it? Betrayal cuts deep, and when it comes from someone you never expected, it shatters your world. What will you do when the mask comes off, and the truth is revealed? Will you confront them, or will fear keep you silent? This is a story of drama, where trust is broken, and survival depends on your next move. A Story of Action Learning to fight is one thing, but fighting for love is a battle of a different kind. When the world around you is in chaos, and your heart is caught in the storm, will you have the strength to hold on to love? Or will the struggles and dangers force you to let go? In this story of action, love is put to the ultimate test. The fight isn't just against the enemies outside—it's also against the doubts within. A Story of Love At the heart of it all, this is a story of love. Love in all its forms—complicated, beautiful, painful, and true. It's about the choices we make, the trust we give, the battles we fight, and the love we hold on to, no matter the cost. In the end, it's love that defines us and drives us, even when fate, betrayal, and danger stand in our way. Please enjoy reading!

MissKc_21 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
127 Chs