webnovel

Our What Ifs (Filipino)

LGBT+
En Curso · 17.6K Visitas
  • 8 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • N/A
    APOYOS
Resumen

Si Jen ay isang sikat na photographer sa pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Halos nasa kanya na ang perfect life dahil sa kasikatan na tinatamasa. Pero pano kung may kulang parin? Kung maraming "What ifs" na walang kasagutan? at ang tanging kasagutan lang ay kung a-attend siya ng grand reunion ng highschool batch niya. ano ang dapat niyang click? "Attend" "Ignore" Ano ang dapat niyang sundin? Puso o isip?

Etiquetas
2 etiquetas
Chapter 1What If: Nandun Siya?

Jen's POV

"Jennica, ready ka na sa grand reunion natin sa Friday?"

"Sa Friday na pala yun, kailangan ko ba talagang pumunta dun?"

"Aba, oo naman girl. Ano? Di ka nanaman magpapakita?"

"Ikaw Francis, hindi ka ba natakot makita sila? I mean... Kasi..."

"Kasi nag out ako?" Tanong sakin ni Francis at tsaka tumabi sakin

"Natatakot ako..."

"Bakit ka naman matatakot? Una, hindi ka naman out and hindi mo kailangan pilitin sarili mong mag out, that's your choice. Second, wala silang pakialam sa sexuality mo dahil dun ka masaya and lastly, di mo kailangan matakot at mag explain sa kanila" hinawakan nito ang kamay ko at tsaka ako pinatingin sa kanya "Nandun ako to support you.. What are you afraid of?" Tanong nito sakin

"Given na hindi ako out and I'm not yet ready. 'Yung mga common na tanong na Uy, may asawa ka na? or Anak?"

"Girl, may script ka nanaman diyan diba?" Natatawang paalala nito sakin

"Hindi lang naman yun, mare. What if..  What if..."

"What if nandun si Bettina?"

Bettina, siya na ata yung taong pangalan pa lang marinig ko pero bumibilis na agad tibok ng puso ko.

Ang babaeng ngiti pa lang madadamay ka kahit gaano pa kalungkot ang nararamdaman mo.

Yung mga mata niyang pag tinignan ka mawawala lahat ng pangamba mo dahil alam mong hindi ka niya pababayaan

Yung tawa niyang nakakahawa, yung lambing niya.

Flashback

2006

"Ikaw nanaman?" Biro ni Francis sakin pag pasok na pag pasok nito ng classroom

"Oh? Ikaw nanaman? Sinusundan mo nanaman ako?" Biro ko naman dito

Agad naman itong ngumiti at tumabi sakin. Ibang klase talaga ang karisma nitong si Francis. Ang dami na agad naka tingin sa kanyang mga transferees. In fairness, pogi naman talaga siya.

"Sira ulo ka talagang bakla ka eh no? Mga drama mo" bulong ko dito nang bigla niya akong akbayan

"Girl, usapan naman na natin to diba? Para di na ko pagdudahan ni pudra?" Bulong naman nito sakin

"Elementary pa tayo ganito, di parin nahuhuli ng tatay mo?" Biro ko dito

"Hindi ko papangarapin" sabi naman nito at tsaka ako nginitian "Teka, akala ko last section na tayo? May isa pang section? Taray daming enrollees" sabi nito habang tinuturo ang mga naka pila sa labas

Agad naman akong napatingin sa labas at nakita ang mga naka pila. Pero para naman huminto ang lahat nang magtama ang mga mata namin..

"Girl, okay ka lang?" Nagtatakang tanong sakin ni Francis

"H-Ha?" Tanong ko dito at tsaka umiwas ng tingin sa labas "Ang ingay kasi sa labas" paliwanag ko dito

"Section IV please fall in line may orientation kayo" utos samin ng isang teacher kaya naman nagmadali kaming lumabas para pumila

"Ano nanaman bang pakulo to?" Tanong sakin ni Francis

"Baka magbobotohan na agad ng SC?" Hindi ko siguradong hula habang tinitignan ang mga teacher na nag uusap usap sa harapan

"Okay, first years kaya namin kayo pinatawag dito kasi magkakaroon tayo ng peer coach from our senior students para hindi kayo mahirapan mag adjust"

Nakita naman namin bigla ang mga senior students sa harap.

"Igugrupo kayo consisting of 10 members at yun ang mga magiging "brothers and sisters" ninyo na kailangan ninyong treat as brothers ans sisters. Ngayon lalapit at pipili ang mga senior leaders ninyo kung sino ang gusto nilang maging members and kapag kumpleto na kayo pumila kayo bty group at mag start na ang program natin" paliwanag ng teacher samin at tsaka ito lumayo sa stage para makipag usap sa mga co teachers niya

"Sana magka group tayo" sabi ko kay Francis habang tinitignan ang iba na nilalapitan ng mga senior students

"Hi, ako nga pala si Jane, this is our group's ribbon" paliwanag nito habang tinatali ang red ribbon sa braso ko "Kailangan ko na lang ng 5 members, hanapin mo yung iba mong ka group then dun tayo magkita kita sa may silong" sabi nito habang tinuturo ang lilim kung saan dun daw ang meeting place namin

"Okay po" sabi ko naman dito at tsaka nagsimulang maglakad lakad para maghanap ng iba pang ka members ko na may red din na ribbon

"Red team ka rin?"

Nagulat naman ako nang biglang may kumalabit sakin at tsaka ako kinausap. Pero mas lalo akong hindi nakapagsalita nang makita ko kung sino ang kumakausap sakin.

"Papunta ka na ba dun sa puno?" Tanong ulit nito sakin at tsaka ngumiti at nilahad ang kamay niya "By the way, I'm Bettina transferee" pakilala nito at tsaka muling inilahad ang kamay niya

Hindi naman ako naniniwala sa love at first sight pero bakit nang makita ko siya parang palagi na lang tumitigil ang mundo ko?

End of Flashback

"What if nandun siya?" Tanong ko kay Francis at tsaka ito tinignan

To Be Continued...

También te puede interesar