2007
Jen's POV
"Tapos may isa dun na akala ko bully pero yun pala super bait and friendly"
Tama ba yung naramdaman ko?
"Tapos may mga beks din na nakasundo ko naman agad grabe akala ko O.P ako kasi ako lang ang bago talaga"
Considered na ba na holding hands yun? Pano kung mali naman ako? Good move ba na tanungin ko siya?
"Jen Jotsu, nakikinig ka ba sakin?"
Pero pano kung mali ako? Nakakahiya naman kasi malalaman niyang nag iisip ako ng ganun?
"Hoy"
Pero masama ba? I mean wala naman mali diba?
"Jen!"
Agad akong napatingin kay Francis nang magulat ako sa sigaw niya.
"What's bothering you?" Tanong nito sakin
"Wala" tanggi ko dito
"Ako pa ba ang a-actingan mo ng ganyan? Hoy imposibleng wala yan dahil kanina mo pa ko di pinapansin. Ano ba yan?" Iritang tanong nito
"Francis... pano mo nalaman... I mean... Pano mo na feel?"
"Na feel? Nag gay ako?" Tanong nito sakin
"Yeah" tango ko naman dito
"Bata pa lang ako ramdam ko na. Feeling ng trap ka kasi babae ang pakiramdam mo pero stock ka sa katawan ng lalaki" pagkukuwento nito
"Sa feelings.. pano mo nararamdaman na may gusto ka sa isang tao?" Tanong ko ulit dito
"Well, same lang din naman as in love..." napahinto naman ito at tsaka tumingin sakin "Why?" Tanong nito
"I'm..." tumingin ako dito at tsaka huminga ng malalim "I'm confused" sabi ko dito at tsaka ko na lang naramdaman ang pag tulo ng luha sa mga mata ko
"Why are you crying" sabi naman nito at tsaka ako inakap "I know its difficult pero always remember na andito lang ako for you" sabi naman nito
"Kasi gulong gulo ako. Parang pakiramdam ko lahat nagbabago, ang hirap palang controllin" paliwanag ko dito at tsaka ako umakap dito
"Magulo, masakit, mahirap tanggapin. Pero first step is tanggapin mo sa sarili mo kung sino ka talaga"
Nang marinig ko yun kay Francis bigla na lang gumaan yung bigat na nararamdaman ko. Akala ko madali lang yung pag amin pero sa kanya pa nga lang hirap na hirap na ko pano pa kaya sa parents ko? Sa school? To be honest natatakot ako.
"Step by step wag mong madaliin" sabi nito at tsaka ako tinignan "pano at kailan mo naramdaman?" Tanong nito sakin
"I don't know. Bigla na lang nagulo lahat simula nung dumating si Bettina"
"I knew it" bigla naman sabi nito
"Bakit?" Tanong ko dito
"Iba yung tingin mo pag siya and ganun din siya sayo actually" pag eexplain nito
"Pero nalilito parin ako kaya sana satin satin na lang muna to" request ko sa kanya
"Oo naman, no problem. Its your decision naman kung gusto mong umamin o hindi" sabi naman nito
"Teka, ano sabi mo? Iba ang tingin niya sakin?" Tanong ko sa kanya nang marealize mo ang sinabi niya tungkol samin ni Bettina
End of Flashback
Bettina's POV
"Welcome! Dito tayo magsasama sama hanggat hindi natatapos ang photoshoot. Don't worry kumpleto tayo ng food, drinks and exclusive lang satin tong resort kaya walang ibang tao. Free tayong gawin kahit anong gusto natin"
"Nagdala ba kayo ng swimsuits ninyo?" Excited na tanong ni Michy
"Naku, nakakahiya after ng photoshoot niyo makikita mga bilbil namin? No way" natatawang sabi ko dito
"Don't worry, ikaw parin pinaka sexy sa paningin ko" bulong naman sakin ni Amed
"So, Jen? Anong plano?" Tanong ni Mark kay Jen na nag seset up ng camera niya
"Well, gumawa na ko ng time sheet schedule, pegs and assigned model para mabilis ang shoot. Siguro the shoot itself will take for around 3-4 days depending sa weather natin. As for editing naman, usually umaabot ng one week sakin then if may revisions aabutin ulit yun ng one week"
WOW
Yan lang masasabi ko habang pinapakinggan ko siyang mag discuss ng kung anong gagawin.
Iba talaga to'ng babaeng to. Iba pala ang aura niya kapag work ang pinag uusapan. Well, matagal na din naman kasi kaming hindi nagkasama kaya siguro naninibago ako.
"Edi good matagal tagal ang bonding natin" sabi ni Mark after ng usapan nila
"For today siguro pabayaan muna natin silang enjoy ang place kasi kakarating lang natin. Then tomorrow tayo mag start ng shoot" suggestion ni Jen kay Mark
"Game! Swimming na!" Excited na sigaw ni Francis tapos sabay silang tumakbo ni Michy papuntang dressing room area
"Babe ikaw?" Tanong sakin ni Amed
"Wala pa kasi ako sa mood eh. Siguro later" sabi ko naman dito
"Sure ka? Mag shower lang ako ah para magswim" sabi nito at tsaka ako hinalikan at naglakad na papuntang shower area
Ewan ko ba, dati naman mahilig ako sa beach at sa kahit anong swimming kahit na may matindi akong allergy sa tubig ng dagat. Ngayon parang di na ko ganun ka atat sa beach.
Naglakad lakad na lang ako para malibang. In fairness naman sa resort ni Mark ang ganda lalo na ng mga resting area.
Natigilan naman ako sa paglalakad nang makita ko si Jen sa may tabing dagat at kumukuha ng pictures.
Wala parin pagbabago sa kanya. Ang ganda niya parin at ang serious parin niya. Lalapitan ko ba siya? Wag na nakakahiya.
Jen's POV
Ang ganda dito sa resort ni Mark lalo na pag ganitong katahimik. Pwedeng pwede kang mag relax at maging free...
Free.. pano mo nga ba masasabi na free ka? Hindi ko din alam... Pero siguro ang sarap sa pakiramdam kung totoong free ka. Yung tipong wala kang tinatago at wala ka ng paki sa sasabihin ng ibang tao....
"Lalim ng iniisip ah"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ganito nanaman ang nararamdaman ko?
To be Continued...