webnovel

Chapter 7

Please VOTE!

"Seniorita, kamusta po ang klase?" Pag uusisa naman ni Julius sa kanya pagka sakay niya sa kotse. And she just shot him a look. At agad naman itong tumingin sa harap ng daan.

"May mga bago na po ba kayong kaibigan?" Usisa ulit nito at kilala niya ito hindi ito titigil hanggang hindi siya sumasagot.

"I told you, I don't need anyone. At hindi ako nag aral para makipag kaibigan unless they are a future investors."

"Why, not? Diploma lang ang kailangan ko kaya ako nag aral at para hindi na din ako mapa talsik sa pamamahala ng kompanya." Sagot niya sa pag uusisa nito.

At tila na intindihan nito iyon at hindi na nag tanong pa hanggang sa makarating sila sa bahay.

"Nana, dinaanan ba ni Mr. Torres ang mga papel na binilin ko?" Bungad niya kay nana. Margarita pagdating na pagdating sa mansyon.

"Oo, Seniorita. Nasabi ko na din ang mga pina bibilin niyo."

"Kamusta ang klase Seniorita?" Si Nana Margarita naman ang nag tanong.

"Oh, please. Tanungin mo si Julius at alam niya ang sagot diyan. Paki akyatan ako ng hapunan dahil marami pa akong kailngan tapusin." Sagot niya dito at tumalikod agad.

"Nana, para siyang naging ibang tao. Nakakatakot, para siyang naging yelo na bato. Na hindi kayang tibagin nino man."

"Ang laki ng pinag bago niya noong isang araw hindi naman siya ganyan. Mas gusto ko ang malambing sa Isabelle." Sabi ni Julius kay Nana Margarita at nakuha naman nito agad ang gusto nitong sabihin.

"Sabi nga nila mahirap talaga kapag ang puso ang nasugatan. Ang mabait na tao ay ginagawang bato." Makahulugang sabi ni Nana Margarita.

"Siguro nga ho." Pag sang ayon naman ni Julius.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nahihirapan pa din siya pag sabayin ang trabaho at ang kompanya.

Ang dami na kasing Mall sa bansa na pilit tumatapat sa kanila kay dapat ay gumawa siya ng mga bagong strategies para tumaas ang sales nila.

Halos alas tres na siya lagi natutulog dahil bukod sa trabaho sa opisina ay estudyante din siya na kailangan mag review. Hindi ata siya papayag na matalo ni Woodman kahit isang beses.

(No way!) sabi niya sa sarili.

(Tsk! Kumirot na naman ang ulo ko. I really need some medicine.) Ilang araw na din niya tinitiis ang sakit ng ulo niya dahil hindi naman siya puwede umabsent dahil baka malamangan siya ni Woodman.

Naligo na siya at gumayak. At kagaya ng dati ay inihatid na ang kanyang pagkain pati ang ni request niyang gamot.

Ito ang unang araw na magsu suot siya ng uniform. At kung puwede lang talaga na mag sibilyan siya ay gagawin niya.

She hates the uniform dahil kulay puti ang pang ibabaw nito na may kuhelyo na may ribbon na maliit na dark blue at dark blue din ang kulay ng palda, ang haba nito ay hanggang ibabaw nb tuhod niya at black shoes ang pang baba nito.

Pagkatapos mag bihis ay nag print na siya ng report para sa kompanya kagaya ng naka sanayan niya at ibinaba sa side table.

Dadaan ulit iyon ni Mr. Torres mamaya. Binilisan niyang magbihis at bumawi na lang siya sa mas makapal na eyeliner para mag mukha siyang mataray at ininom niya na ang kanyang gamot bago bumaba.

Naka sibangot siya ng bumaba ito kasi ang unang pagkakataon na mag susuot ulit siya ng ibang kulay maliban sa itim at na iinis siya dahil doon.

"Seniorita mas bagay talaga sa inyo ang puti kaysa sa itim." Natutuwang sabi ni Julius sa kanya. Pinukol naman niyanito ng tingin.

"Tama siya Seniorita kay giliw niyong tignan sa uniporme niyo." Dagdag naman ni Nana Margarita.

"Hay na ko, huwag niyo ng dagdagan ang sakit ng ulo ko." Pa suplada niyang sabi sa mga ito. Nag alala naman si Nana sa sinabi niya.

"Patingin nga, aba'y mainit ka Hija. Huwag ka na kaya pumasok." Pag aalala nito ng hipuin siya nito sa leeg.

"Uminom na ako ng gamot, mamaya lang ay wala na ito. Yung' mga papel paki sabi na lang kay Mr. Torres." Pagmamatigas niya at sumakay na sa kotse.

Habang nasa klase ay hindi siya makapag focus dahil sobrang sakit ng kanyang ulo. Napansin naman niya ang pag tingin ni Woodman sa gawi niya at tinaasan naman niya ito ng kulay at pagkatapos ay umiwas ng tingin dito.

Natapos na ang klase at launch break na, nag punta muna siya sa rest room bago kumain.

Minabuti niyang mag hilamos para magising dahil inaantok siya sa ininom niyang gamot at para maibsan ang sakit ng kanyang ulo. Pag balik niya sa klase ay nagkakagulo ang lahat at hindi niya alam kung bakit.

Nag hihesterya ang isa sa mga kaklase niyang babae. Isa ito sa mga nag paturo sa kanya ng nakaraang linggo na sinungitan niya. She rolled her eyes. Kahit kailan KSP talaga ito.

("What a pain in the ass.") Na iinis niyang sabi sa sarili.

Ito ang pinaka maarte sa mga kakalase niyang babae kaya simula palang ay hindi niya na ito gusto. Ayaw niyang maki alam sa mga ito kaya kinuha niya ang kanyang bag at akmang aalis ng pigilan siya nito.

"Walang aalis dito! Nawawala ang tiffany diamond bracelet ko na binili pa ng Papa ko sa Europe at sigurado ako na isa sa inyo ang salarin." Sumisigaw na ito at pinag taasan niya ito ng kilay.

(Masyado ng masakit ang ulo ko para intindihin pa ang babae na ito. Wala naman sa mukha nito ang pagiging may pera. Marahil ay hiniram lamang nito iyon at nawala nito.) Sa isip isip niya.

Isa isa ng kinapkapan ang lahat ng kaklase niya mapa lalaki at babae. At siya na ang susunod. Ayaw pa niyang ibigay ang bag niya dahil private property iyon ngunit hinablot nito iyon na parang sigurado na nasa kanya iyon.

"You're a thief!" Deklara nito sa kanya ng matagpuan ang hinahanap na bracelet nito. Nagulat naman siya doon. Wala siyang natatandaan na ninakaw na pipitsuging bracelet. Siguro ay nilagay nito iyon ng mag C.R. siya.

~~~~~

Tama naman si Nana, kapag talaga ang puso na ang nasugatan.

Ang lahat ay maaring magbago.

Siguiente capítulo