Please VOTE!
"You're a thief!" Deklara nito sa kanya ng matagpuan ang hinahanap na bracelet nito.
Nagulat naman siya doon. Wala siyang natatandaan na ninakaw na pipitsuging bracelet. Siguro ay nilagay nito iyon ng mag C.R. siya.
"Ano! Mag salita ka! Magnanakaw!" Ulit ulit nito ng hindi siya umimik.
She just rolled her eyes bago nag salita ang lahat ay naka masid sa kanila at iniintay ang sagot niya. Bumuntong hininga siya bago nag salita.
"Let's stop this and don't make a scene." Kalmadong niyang sabi dito at pinag krus ang kanyang mga kamay sa dibdib naka upo siya kay naka tingala siya dito. At mukhang hindi iyon na gustuhan ng babae kaya lalong nag salubong ang mga kilay nito.
"Bitch!" Galit na sabi nito sa kanya. Naka agaw ito ng atensyon kaya marami na din nakiki usisa sa kanila na ibang estudyante sa iba't ibang floors.
"You have a quite temper, huh? Miss... Well, I don't care who you are." Pa suplada niyang sabi at tinabig ang kamay nito sa kanyang desk at nilayasan ito.
And she can hear her curse at her. At hindi niya iyon pinansin.
"Huwag mo akong talikuran! Kinaka usap kita!" Sabi nito sabay hagis ng libro sa kanya at napa singhap ang lahat. She just remain cool at yumoko para iwasan ang libro na binato nito sa kanya.
"Wow!" Sigaw ng babae na naka silip sa labas ng bintana.
"I can sue you for attempted physical injury." Kalmado ulit na sabi niya dito at naka tingin dito.
"Go ahead, I'm not afraid of you." Paghahamon pa nito sa kanya.
"No, I will not do that. I'll just spoil the fun. Fine, let's play your game." Sabi niya dito at nag lakad patungo dito at nakita niya ang pag atras ng babae marahil ay dahil sa malakas na pressure na dala niya. Pinilit naman nito na i- compose ang sarili.
Ang mga tao sa paligid nila ay pawang tahimik at iniintay ang kanyang sasabihin.
"Let me tell you something." Bungad niya ng siya ay mag salita ang lahat ng atensyon ay nasa kanya.
"That's the cheapest tiffany diamond bracelet that made. Alam mo ba na 50% off pa yan'? We can search it online to prove it. Just go to their web page." Dagdag niya dito tutal naman ito ang nag simula at pina init pa ang napaka sakit niyang ulo puwes papatulan na niya.
Nagulat ito sa sinabi niya at hindi na ito makapag salita.
"What did you... You say? Yan' lang ba masasabi mo ng nakawin mo ito?" Pagba balik na naman nito sa topic.
"You'll never stop do you? Ito bang mga tiffany diamonds na ito ang tinutukoy mo na mamahalin kamo." Sabay turo niya sa bracelet kwintas at hikaw niya.
At bahagya pa niyang hinawi ang kanyang buhok para makita ang kanyang hikaw. Everyone just watched her at may ilan na napa singhap.
Siguro ay akala talaga ng iba ay isa siyang magnanakaw. Puwes nagkaka mali sila. They're all crazy losers na naniniwala sa isang baliw na babae.
Lahat iyon ay limited edition na tiffany diamonds na binili niya mismo sa New York. She can hear the audience say wow.
"And please huwag mo ibintang ang mga low class tiffany diamonds mo dahil hindi naman matatawag na tiffany diamonds iyan kung wala naman bato." Pangungutya pa niya dito. Aalis na sana siya ng mag salita ito ulit.
"At porket mumurahin ito ay hindi mo na puwede nakawin? Eh di' ba nakita nga sa bag mo ito?" Galit na depensa nito. Nakikita na niya ang ugat sa leeg nito.
"Masyado ng masakit ang ulo ko para makipagtalo sa'yo. Magkano ba yan'? At do-doblehin ko o kahit triple price. Kaya lang huwag mo lakihan dahil alam ko talaga ang tunay na presyo niyan." Sabi niya dito ng wala man lang ka emosyon emosyon at nananatiling may poise.
Hinintay niya ang ilang sandali para intayin ang sagot nito ngunit hindi na ito umimik.
Marunong din pala itong sumuko. Kaya't minabuti niyang umalis na at kumain. Parang namang eksena sa movie ang nangyari nahawi ang mga tao na nakikigulo sa kanila at binigyan siya ng daan para maka alis.
"Kahit kailan, takaw eksena talaga yang' babae na yan'." Narinig niyang sabi ng isa sa mga classmate niya.
"Yeah man, I think she's a bipolar. How can she take Finance as her Major? Kung hindi siya nag iisip." Dagdag pa ng kasama nito.
"Well, she's the niece of the school president. Kaya't bakit hindi?" Singit naman ng kaklase niya na babae.
"I agree. Let's go. Akala ko naman magsa sabunutan sila. Hindi pala, sayang."
"May araw din sa akin ang babae na iyan." Banta naman ni Sophia sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Iyon ang huli niyang narinig bago siya tuluyang makalayo sa classroom.
"Ibang klase siya, hindi man lang na gulat ng makita sa gamit niya ang bracelet. Ni hindi man lang kumarap, parang yelo. Wala man lang emosyon." Narinig niyang sabi ng isa sa mga kaklase niya bago maka labas ng silid.
"Oo nga Pre, nakakatakot." Sang ayon naman ng kasama nito dito.
"She's an ice." Dagdag pang isa.
Kahit anong pilit ni Isabelle ay wala pa din pumapasok sa isip niya buhat kaninanb umaga. Dapat siguro ay sinunod niya si Nana Margarita at hindi na lang pumasok.
Kung hindi lang talaga dahil sa hudyo na iyon ay talagang aabsent siya. Mabuti na lamang ay wala silang quiz tanging lecture atd discussion lang kung hindi ay nalamangan na siya ni Woodman.
Hindi nag tagal ay natapos na ang klase at oras na ng uwian. Palabas na siya ng classroom ng may marinig siyang tumatawag sa kanya pero paglingon naman niya ay wala naman siya nakita kaya hindi na niya iyon pinansin.
Nasa kasulukuyan siya ng pag iintay kay Julius ng harangin siya sa labas ng Campus ng tatlong babae at dalawang lalaki.
Nakikilala niya ang tatlong babae iyon ay ang mga kaklase niya at isa sa mga ito ang nakabangga niya kanina.
At mukhang nagsama pa ang mga ito ng kakampi marahil ay nobya ng isa sa dalawang kumag na ito si Sophia at nag sumbong ito.
(What a kid thing.) Isip isip niya at hindi niya alam kung paano ito naka tagpos ng tatlong taon sa kolehiyo at major in finance pa sa isip nito. Siguro ay nandadaya ito.
"Tim, siya ang umaway sa akin kanina." Pagtuturo pa sa kanya nito. Hindi naman siya umimik.
"Scared? Royal highness?" Pang aasar pa ni Sophia sa kanya.
"Aba, maganda ka sana kaya lang saksakan ka ng suplada." Sabi naman ng isang kasama ni Tim.
Pawang may mga itsura ito ngunit mukha talagang mga basagulero. Mukhang mapapalaban siya.
"Go to hell, losers!" Pang aasar niya at she smirks at them. Nakita na naman niya ang pag kunot ng noo ng lalaki na nag ngangalan na Tim.
Na iinis na kasi siya sa panggugulo ng mga ito sa tahimik niyang buhay. Hindi naman niya gusto ng gulo pero ang mga ito ang na uuna kaya natural lalaban siya.
Masakit na nga ang kanyang ulo dina dagdagan pa ng mga kumag na ito. Siguro ay dapat niyang turuan ito ng leksyon para naman lubayan siya nito.
"Ano? Di' ba kayo susugod?" Na iinip niya na tanong sa mga ito at mukhang na buwisit na niya ang mga ito ng tuluyan kaya agad sumugod si Tim sa direksyon niya.
Minabuti niyang ihagis muna ang bag sa sahig para makapag concentrate. Isang sipa lang niya ay napa taob agad niya si tim sa lupa. Paano naman sa precious gems niya ito pinuruhan.
Marahil nga ay mayaman sila kaya kahit paano kailangan nila ma protektahan ang kanilang mga sarili sa lahat ng pangyayari.
Naka apat na taon lang siya sa Taekwando huminto siya ng lumipat siya sa Amerika dahil gusto niyang mag focus sa pag aaral.
Naka talikod pa siya ng sugurin siya ng kasama ni Tim makaka iwas sana siya ng biglang mawala ng bahagya ang kanyang balanse dahil sa pagka hilo ang akala niya ay tatamaan na siya ng suntok nito pero hindi dahil may pumigil dito.
At hindi niya akalain na ito pang tao na ito ang magliligtas sa kanya.
"Ka lalaki niyong mga tao lumalaban kayo sa babae at pinag tutulungan niyo pa. Kung gusto niyo naman ng laro handa naman akong makipag laro sa inyo." Makahulugang banta nito sa grupo nila Sophia.
Nag tantyahan muna ang dalawa ng matagal at walang kumikilos. Sa huli dahil sa awtoridad nito ay mukhang natakot ang mga ito kaya mabilis na umalis habang akay si Tim.
"Are you okay?" May pag aalala sa tono nito. Inilalayan siya nito na maka upo sa bench.
"I'm fine." Tipid na sagot niya at tinabig ang kamay nito.
"You really are a cold ice." Makahulugang sabi nito ngunit bahagya na itong ngumiti.
"I just want to give your wallet. Nahulog mo kasi kanina, hinahabol kita kanina pero hindi mo ako pinansin kaya't minabuti kong sundan ka." Paliwanag naman nito at lumambot naman ang puso niya sa sinabi nito. Mabait din pala ito.
(He's so handsome.) Mukhang may sakit talaga siya dahil kung ano ano ang iniisip niya.
"Hindi mo naman ito binuklat no'?" Paninigurado niya ng makuha ang wallet at natawa naman ito.
"Hindi ka ba marunong magpa salamat?" May sarcasm ang boses nito. Medyo umiikot na ang paningin niya at lumalabo na ang kanyang paningin.
"Fine, Thank you very much Woodman. Happy?" Pagpapa salamat niya dito.
Narinig niya itong tumawa. And he's more handsome ng ngumiti ito at lalo itong bumatatignan. Bumilis naman ang tibok ng kanyang puso.
"Pilit naman masyado ang pagpapa salamat mo. But, you'll always be welcome." Hindi pa nito natatapos ang sasabihin nito ng mawalan siya ng malay at bumagsak sa balikat nito ang ulo niya.
"Okay, I'll lend you my shoulders. Sleep tight, Coldie." Narinig naman niyang sabi nito at papalag sana siya kaya lang ay wala na siyang lakas.
"Seniorita, ano po ang nangyrari sa inyo?" Narinig niyang sabi ni Julius pero hindi siya maka dilat dahil ang bigat ng mga talukap ng kanyang mata.
"Inaapoy ho siya ng lagnat, kanina pa. Kaya po siya siguro hinimatay." Pagpapaliwanag naman ni Rey.
"Naku, pare salamat. Kung hindi mo siya nakita malamang mayayari ako nito kay Nana Margarita. Na flat kasi yung tire ng sasakyan kaya na late ako ng sundo sa kanya. Salamat ha, niligtas mo talaga ako." Pag hihisterya ng driver niya.
"Walang anuman yon'. Kayo na ang bahala sa kanya." At dinala na siya sa kotse ni Julius.
~~~~~
Pa mysterious effect pa si Rey Haha.