webnovel

Eridian Valley

Autor: Jhonashley
Ciencia y ficción
En Curso · 16.3K Visitas
  • 4 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • N/A
    APOYOS
Resumen

Etiquetas
3 etiquetas
Chapter 1PROLOGUE

This book is a work of fiction. Name,characters, some places and incedents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead is entirely confidential.

Sorry din sa mga typos at mali maling grammar 

~

PROLOGUE

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at kauting ilaw lamang galing sa ibaba ng pintuan ang aking nakita, madilim ang paligid sinubukan kong mag lakad papunta sa pintuan na pinag mumulan ng ilaw.

Nagulat ako dahil mayroong kadena na nakapulupot sa aking paa, sinubukan kong sumigaw upang humingi ng tulong ngunit wala miski isa ang pumunta ilang sandal lang ay may narinig ako na isang yabag ng paa na papalapit sa pintuan.

Bumukas ito ng bahagya at nakita ko na may ihinagis itong isang bagay at isinara muli ang pintuan. Ilang segundo lamang ay nakita ko na may usok na lumalabas dito, nakita ko ito dahil sa ilaw na nag mula sa baba ng pintuan.

Sinubukan kong takpan ang aking bibig gayon din ang aking ilong upang hindi ko maamoy ang mabaho na animo'y kemikal nag simulang mangati ang aking balat at nag simula nadin na manakit ang aking mata. Unti unti ko ring naramdaman ang pagkahilo at bigla nalamang akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang ilaw na itinutukot sa aking mata na nag mumula sa isang pen light.

"Oh gising kana pala" bungad sa akin ng isang lalaking naka puti at sabay umalis ito at lumabas sa pintuan.

Inilibot ako ang aking paningin sa kwartong ito nakita ko ang mga aparato na nilalagyan ng parang mga chemicals at may nakita din ako na isang incubator, sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil sa mga nakatali sa aking katawan.

"Pakawalan nyo ako dito" nanghihina kong sigaw

Habang pinipilit ko na kumawala ay nakita ko nanaman ang lalaki kanina na papasok dito sa loob ng kwarto isinuot na nito ang mask na hawak nito. Lumapit ito sa akin at bigla itong may ibinulong.

"Kung ikaw man ang sagot ay hindi ko hahayaan na mabuhay ka..."

Kinuha nito ang isang injection at isang maliit na bote na kulay brown itinusok nito ang injection at kumuha ito ibinaba na nito ang bote sa lamesa sa gilid ko Diazepam ito pang patulog sinimulan nadin nya itong ilapit sakin.

Nagsimula narin akong mag pumiglas kahit na nanghihina ako ramdam ko na may pumapasok na nalikido sa aking mga ugat. Pagkatapos nyang ma inject saakin ay sumenyas ito sa labas at nakita ko na may ipinapasok silang isang hospital bed.

Nakakaramdam na akong pagkaantok, nakita ko na may isang tao na nakahiga sa hospital bed na'yon unti-unting nanlalabo ang paningin ko pero nakatingin ako sa tao na nakahiga doon pamilyar ang mukha nya.

"Pakawalan nyo ako!" sigaw nito, pamilyar din ang boses nito. Ilang segundo lang ay nawalan na ako ng malay.  

También te puede interesar

A Vocalist Diary

Ito po ay isang One Shot Story na sariling likha ng aking malawak na pag iisip. Ang mga lugar, pangalan ng mga tauhan , pangyayari sa kwentong ito ay pawang likha lamang at walang katotohanan . Kung sakali mang ito ay may pagkakatulad sa mga nabanggit ay maaring nagkataon lamang at walang kinalaman sa aktuwal na kwento. Ano man ang maging opinyon at saloobin nyo matapos mabasa ang kwentong ito ay aking tinatanggap. ******** Sypnosis ******** Ninais ni Melvin na tapusin na ang kanyang buhay upang magwakas na ang kanyang paghihirap. Pero sa di maipaliwanag na dahilan dinala sya ng kanyang kamatayan sa nakaraan. Sa lugar na kung saan ipapakita sa kanya ang kanyang naging buhay. Sa papaanong paraan kaya niya matatanggap ang mga bagay bagay na pilit nyang tinatakasan, ang mga bagay na kung saan pinilit nya na itong wakasan. At ano nga ba ang dahilan kung bakit sya humantong na tapusin ang kanyang buhay ? A Sci-Fiction Romance Drama Story at base sa mga literal na nangyayari sa buhay . Layunin ng lumikha na gumawa ng mga kwento na kung saan magkakaroon ng aral ang mga magbabasa, at pagiisip kung paano tumatakbo ang realidad ng mundo . Kwento ito ng isang tao na may pangarap sa buhay . Pangarap sa kanyang magulang. Hilig at talento . Pero sa kabilang banda nariyan ang realidad ng mundo , mga pagsubok at mga paghihirap na magpapabago sa takbo ng kanyang pananaw sa buhay . Ipapakita naten kung gaano kahalaga ang pangarap sa buhay ng isang tao. Nawa'y masuportahan nyo ang aking gawa. Salamat. ----------------- Panulat ng may akda : Keleyan Jun Pyo

MyNameIsKeleyan · Ciencia y ficción
Sin suficientes valoraciones
22 Chs