webnovel

CHAPTER 3 - MONTE MAYOR

CHAPTER 3

"Kuya sya si Bianca yung kinukwento ko sayo " sabi nya sakin.

Lumapit saamin si bianca at sabay akbay kay Migo.

"Aba biruin mo buhay ka papala akala ko na lapa kana e" pabirong sabi ni Bianca

"Sumakay muna kayo baka may mga eaters na dumating sa loob na kayo mag kwentuhan" utos ko.

"Eaters?" tanong ni Bianca

"Ah yun yung tawag namin sa mga halimaw" sabat ni migo

"Ah LT tawag namin dyan" sabi nya habang papunta kami sa sasakyan

"LT?" ako

"Oo Life Taker" Bianca

"Ah so paano ka nakaligtas? At sinong namin? May mga kasama ka? Bakit mo kami tinambangan?" sunod sunod na tanong ni Migo.

"Woah sandali lang isa isa lang ikukwento ko muna kung paano ako naka ligtas" sabi nya sabay pigil sa bunganga ni Migo

"Kuya mag maneho ka at pupunta tayo sa lugar ko medyo malayo layo yon" dagdag nya pa sabay turo sa diresyon pabalik

Lugar nya? Napaisip ako kung anong lugar ang sinasabi nya nag simula na akong mag maneho at nag simula nadin syang mag kwento.

Bianca Valiente

"Takbo!" sigaw ni Migo

Sumunod ako sa kanya habang natakbo pinatunog nya din yung fire alarm susunod nasana ako sa kanya pero bigla kong Nakita ang kaibigan ko na nasa second floor kaya naman pinuntahan ko ito at tuluyan na kaming nag kahiwalay ni Migo. Pag ka panik ko sa second floor ay agad ko syang hinila papunta sa isang bakanteng silid aralan kinandado at nanahimik kami sa loob non. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, pag ka gising ko ay wala na akong kasama umalis na ang kaibigan ko.

Lumabas ako dahan dahan sa bitbit ang baseball bat na gamit ko kagabi, kumukulo na ang tyan ko kailangan ko nang pumunta sa canteen para kumuha ng pag kain pero panigurado na madami pading mga halimaw doon, kaya naman napag isip isip ko na umuwi nalang ng bahay nasaakin pa naman ang susi ng kotse ko at sure naman ako na walang mga halimaw sa likod ng school.

Nag lakad ako mala ninja papunta sa likod ng school ang tahimik ng buong school at para bang wala ang mga halimaw, kaya naman nag madali ako papuntang parking lot ng malapit na ako ay unti unti kong naririnig ang isang malakas na busina galing sa parking lot dali dali ko itong sinilip at nagulat ako sa aking nakita.

Halos lahat ng mga halimaw ay nandoon at nag kukumpulan sila doon napa atras ako dahil sa sobrang dami nila nag punta ako sa canteen para kumain kinuha ako lahat ng kaya kong dalhin gamit ang bag na nakita ko sa lamesa ng canteen, dahan dahan ulit akong lumabas at pumunta sa gate wala padin akong nakitang pagala gala. Lumabas na ako sa school at nag patuloy sap ag lalakad papunta sa bahay, walking distance lang naman ito bali dalawang kanto lang ang pagitan ng school namin. Ng makarating na ako sa bahay ay agad kong hinanap sila mama umakyat ako sa taas pero wala ng bumaba ulit ako ay may napansin ako sa cr sa baba bakit ito may harang na ref.

Hinanda ko ay aking baseball bat at dahan dahan kong inalis ang ref dito, napatigil ako ng marinig ko ang mga kaluskot at mga kakaibang tunog galing sa loob ng cr, pero na isip ko na hindi maari na may halimaw sa bahay na ito kaya naman tinang ko ito at binuksan ang pinto, umatras ako ng bahagya habang inaantay ang pag labas ng halimaw napatigil ulit ako dahil pamilyar yung sapatos na suot ng halimaw, ng tuluyan nang makalabas ay napaluha at dahil ang halimaw na yon ay ang akin pinaka mamahal na mama.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman napatigil ako, papalapit ng papalapit sakin si mama hindi ko parin alam ang aking gagawin , ng sobrang lapit na nya sakin ay bigla akong natauhan at tinulak ko si mama at napahiga ito. Sinimulan ko nang hampasin ito kasabang ng pag talsik ng dugo galing sa uli ni mama ay ang pag tulo ng luha ako.

Pag katapos ko ay nilinis ko ang bahay ibinalik ko ang katawan ni mama sa loob ng cr at ibinalik ang ref, pag ka tapos ay dumiretsyo ako sa likod baka upang mag palit ng dami dahil panay dugo ito. Habang papalapit ako sa pintuan ay may na aninag akong isang lalake na nakaupo at may hawak na baril nanlumo nanaman ako dahil sa aking na kita tumakbo ako para tingan ang sitwasyon ng aking papa nguntin wala na itong malay ay may butas nadin ang sintido nito.

Walang tigil ang pag buhos ng luha ko dali dali akong nag hubad at kumuha ng damit sa sampayan pag ka tapos ay dumiretsyo ako sa kusina at kinuha ko lahat ng kutsilyo umakyat din ako para kunin ang baril na nasa ilalim ng cabinet ko pati nadin ang mga bala. Sumilip ako sa bintana para I check kung nandon pa ang sasakyan ni papa. Nandoon nga agad uli akong bumaba para kunin kay papa ang susi nito pati nadin ang baril na hawak nya.

Pumunta na ako sa garahe at inilagay ko ang lahat ng gamit ko, binuksan ko ang gate at bumalik sa sasakyan nag simula na akong mag maneho hindi ko alam kung saan ako pupunta. Binuksan ko ang radio at nag hanap ng matinong istasyon kunin patay na lahat sobrang bilis ng pangyayare isang araw palang pero ganito na kagad.

Ilang araw, linggo, buwan akong pagala gala sa klasada sa sasakyan lamang ako natutulog, isang umaga ay binuksan ko uli ang radio ng sasakyan ko pinihit ng pinihit ng bigla akong may nasagap "Kung sino man ang buhay --- dyan ay maari kayong ------ dito sa feel in best quezon city lahat ay welcome---- inuulit ko—." Tuluyan na itong nawala agad kong sinulat sa aking note book ang sinasabing lugar. Nag simula nadin akong mag drive papunta sa sinasabing lugar wala akong ka alam alam kung saan yon ang alam ko lang ay sa quezon city.

Ilang araw akong nag mamaneho para malaman kung saan ito ng bigla ay may nakita akong isang malaking karatula na nag sasabing "WELCOME TO MONTE MAYOR" nanlaki ang mata ko agad kong sinundan ang karatula maya maya lang ay may mga nakita akong isang malaking gate na at may tatlong lalake na lumabas at biglang tinutukan ng baril ang kinaroroonan ko, lumabas ako at tinaas ko ang aking kamay.Lumapit saakin ang isang babae na nakatutok ang baril nito saakin.

"Easy lang survivor ako narinig ko ang lugar na ito sa radio" sigaw ko

"Alam ko" sabay kapkap saakin kinuha niya ang lahat ng armas ko sa katawan pati nadin sa aking sasakyan.

Nang makuha nya na ay sumenyas sya sa isang lalake at binuksan nito ang gate.

"Welcome sa Monte Mayor" sambit sakin ng babae ng naka ngiti at pinasakay na ako sa aking sasakyan.

Pag pasok ko sa sasakyan ay bumungad sakin ang mga batang nag lalaro para bang walang problemang kinakaharap hinarang uli ako ng isang babae, pinabuksan saakin ang bintana ng aking sasakyan.

"Interview lang" sabi nito habang may hawak na papel

"Pangalang? edad? san kanaka tira bago ang lahat ng ito?" tanong sakin

Sinagot ko naman lahat ng tanong nito at binigyan nya ako ng susi na may naka sulat kung saan ito, aba ang say apala dito may sarili kang bahay nag stay ako sa lugar na yon ilang buwan na ang nakakaraan hanggang ngayon

Russel Alec Salvador

"So ayun ang buhay ko sa mga nakalipas na buwan, kayo anong nangyare sa inyo?" tanong nito

Ikinuwento namin itong magkapatid ang nangyare saamin at nagulat sya ng nalaman nya ang tungkol sa bunker.

"E bakit mo kami tinambangan" tanong ko

Ikinuwento nya din na may pupuntahan sila para mag hanap ng pag kain pero may mga armadong lalaki ang humarang sa sasakyan nila at pinag babaril ito sya lang ang nakaligtas at naka takbo sa kakahuyan namalagi sya sa loob ng kakahuyan ng mga tatlong araw ng bigla nya daw narinig ang sasakyan namin.

Habang nag kukwentuhan kami ay may bigla kaming na aninag na sasakyan sa harap namin at biglang lumabas ang mga lalake sa loob nito may mga hawak silang mga baril na nakatutok sa amin yung vibes nila ay parang yung mga groupong pumunta sa bahay namin. tinaas ng isang lalake ang kanyang kamay at parang sumenyas sa mga kagroupo nito na ibaba ang mga baril nito.

"Bumaba kayo dyan kung ayaw nyong mamatay kayo lahat dyan sa loob nayan" sigaw ng lalake

"Sila yon yung pumatay sa mga kasama ko" bulong ni bianca

Tinigil namin ang sasakyan at inabot sakin ni Migo ang isang Ak-105 at Ak-102 naman kay Bianca

"Marunong kabang gumamit nan?" tanong ni Migo kay Bianca

"Oo naman" sagot nito

"Ganito ang plano ihanda nyo ang baril nyo at sabay kayong bababa ako naman ay tataas pag bilang ko ng tatlo sasabay sabay natin silang papaulanan ng bala" utos ni Migo

"OK SIGE" sagot namin ni Bianca habang kinakasa ang hawak nyang baril

Nag handa na kami binuksan na ni Migo ang taas at kami naman ay bababa na bumilang si Migo ng tatlo

"Isa-Dalawa-Tatlooo" sigaw nito at sabay sabay naming pinaputukan ang mga nasa 20 na mga lalake

"Ahhhhhhhhhhhhhhh" sigaw naming tatlo habang pinauulanan sila ng bala

Ilang minuto lang ay natapos na kami at kitang kita namin na walang natira miski isa sa kanila tuwang tuwa naman si Migo pag katapos ako naman ay pumunta sa kinaroroonan nila at inalis ko ang mga naka harang na sasakyan sa daan inalis ko na din ang mga nakakalat na katawan ng matapos na ako ay napansin ko na unti unti nang nag sisilabasan ang mga eaters patungo ito sa kina roroonan namin kaya naman sumakay na ako sa sasakyan ako pinaandar na ito.

"Itigil mom una" utos saakin ni Bianca habang pinapanood nyang lantakan ng mga eaters ang katawan ng mga lalaking yon tumigil kami ng mga ilang minuto pinanood namin unti unting dumami ang mga eaters.

Pagkatapos ay dumiretsyo na kami sa sinasabing Community ni bianca, ng maaninag na namin ang gate ay may lumabas at tinutukan kami ng baril, agad din namang nil abas ni Migo ang kanyang baril.

"Hindi okay lang ako na ang lalabas" pag pigil ni bianca.

Lumabas si bianca at nakipag usap, ilang minuto din ang nakalipas at bumalik na si bianca. Hindi nadaw kami kakapkapan dahil may kakilala nadaw kami ang sabi pa ay sa bahay kami ni bianca titira dumiretsyo na kami sa loob at itinuro saakin kung saan ang bahay nya. maganda ito Malaki at may sariling garahe. Ipinasok na namin ang sasakyan at bumulong sya.

"May mga armas ba kayo dyan? Kung meron ay itago nyo sa loob ng bahay" bulong nito.

Hindi na ako nag tanong pa dahil alam ko na baka kunin ito ng mga namamahala dito, pag pasok namin sa loob ay itinuro nya saamin ang kwarto na gagamitin namin at sinabi din nya na mag pahinga muna kami. Nasa kwarto na ako at itinago ang dalawang bag ng armas sa ilalim ng kama humiga ako para mag pahinga ng sandali hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, pag kagising ko ay bumaba ako at pumunta sa kinaroroonan nila.

"So kelan natin hahanapin" na eexcite na bungad ni bianca sa akin

"Huh?" tanong ko

"Ah kuya na kwento ko na yung tungkol kala mommy na hahanapin natin" paliwanag ni Migo

"Sa ngayon ay kailangan ko munang mag pakilala sa mga namumuno dito ng sa gayon ay may babalikan tayo pag hindi natin sila nahanap" sabi ko

Kumain muna kami at napagpasyahan na puntahan na ang mga namumuno, habang nag lalakad nakikita ko na pinag titingingan kami at parang pinag bubulungan din. Nakarating na kami sa labas ng bahay ng parang bahay ng pinuno, at may dumating din na isang matandang lalake at isang binate na nasa sasakyan at parang may kinukuha pa ito.

"Imposible" bulong ng matanda

"Ano pong meron" tanong ni Migo

Hindi sumagot ang matanda at nakipag kamayan lamang ito saamin, lumapit saamin yung lalake na at nakipag kamay din. Ang matanda na iyon ay si heron ayon sa pag papakilala nya at lucas naman sa lalakeng kasama nya, inaya nya kami na pumasok sa loob ng malaking bahay na nasa harapan namin kanina.

"Itong bahay na ito ay pag mamay ari ninyo nang dalawa" sambit ng matanda

Nanlaki ang mga mata namin dalawa gayon din si Bianca. Tinanong ko ito at ang sinabi lang ay "Nakalaan talaga ito para sa inyong dalawa" at patuloy kaming nag lakad para libutin ang bahay na iyon.pinag usapan din namin na hahanapin namin ang aming mga magulang at pinakausap din namin na pag alis namin ay sana ay may mabalikan pa kami dito. Pag katapos non ay pumayag naman ito at sinabing.

"Ipapakuha ko na sa mga tauhan ang mga gamit ninyo" ani ng matanda

"Ay hindi kami nalang ang mag dadala dito kaunti lang naman yon" sabat ni bianca na may halong kaba siguro ay dahil sa mga armas namin.

"Mauna na ako" sabi ni lucas at agad itong tumalikod at patungon sa kanyang sasakyan

���Oh sya kayo na ang bahala dito mauuna na kami" pag papaalam ni heron

Pag ka alis nila ay bigla akong hinila ng dalawa sa loob ng bahay para tanungin sa kung ano ang nangyayare, sinagot ko sila na miski ako ay hindi ko alam kung ano ang nangyayare, paanong nakalaan itong bahay na ito sa amin at sino sila. Lumabas kami para kunin na ang mga gamit namin sa bahay ni Bianca para nadin hindi maka gulo ng pabalik na kami sa bahay ay kinausap ko sila habang nag lalakad.

"Kailangan nating hanapin sila mommy" sambit sabay tingin sa kanila

"Pwede bang mag pahinga muna tayo kahit ngayong gabi lang" pag mamakaawa ni Migo

"Oo nga sa bahay ko muna kayo mag pahinga at sasama din ako sa pag hahanap sa magulang nyo" ani Bianca sabay kuha ng susi at bukas ng pinto

Pumasok na kami sa loob ng bahay hinanda nadin namin ang mga gagamitin hindi namin alam kung saan kami pupunta, hindi din namin alam kung saan sila ma hahanap basta ang alam lang namin ay buhay sila at kailangan namin silang hanapin. Pasado ala sais na hapon at nag hahanda na sila ng pag kain ng biglang may kumatok sa labas ng bahay. Pinuntahan ko ito dahil ako lang naman ang walang ginagawa, nakita ko ang isang maputing babae na mejo may katangkadan na may mga kasamang mga lalake at may bitbit na kahon.

"Maaari bang pumasok?" tanong nito

Binuksan ko lang ang pinto bilang sagot sa tanong nya.

"Pinadala ni lucas suotin mo daw mukhang wala kadaw magandang damit " sabi nito at sabay pinalapag ang kahon na kahoy at sabay umalis na ito.

Tumakbo si Migo papunta sa kinaroroonan ko at agad na binuksan ang kahon na ibinigay saakin at napa wow naman ito sa laman ng box. May black jeans, hard boots, leather jacket, white shirt at isang gun concealed bag.

"Kuya ang ganda naman nito" sabi ni Migo

"Hala oo nga bakit ikaw lang ang binigyan ang duga naman" dagdag ni Bianca

"hayaan nyo nanga tara na at kumain na tayo" sabi ko dumiretsyo na sila sa kainan habang ako naman ay binitbit papuntang kwarto ang kahon na binigay saakin. Pagka tapos non ay bumaba na ko para sumabay sa kanilang dalahal, habang kami ay kumakain ay nag tatawanan kami pinag uusapan namin ang mga nakakatawang nangyare samin noon wala pang nangyayare na ganito pagkatapos namin kumain ay nag prisinta ako na ako na ang mag liligpit ng pinag kainan

At sinabi ko na matulog na sila para bukas ay may lakas sila sa pag alis namin. Pag katapos ko ay dumiretsyo na ako sa kwarto upang mag pahinga pero bago yon tinignan ko muna ang mga dadalhin namin bumaba uli ako para tignan kung gaano pa kadami ang gas ni leo full tank pa naman ito. Papasok na ako sa loob ng bahay ng Makita ko na may isang papel na nakasingit sa sa likod ng upuan ng sasakyan kinuha ko ito at pumasok na ako sa loob ng bahay pag akyat ko sa kwarto ay agad kong binuksan ang papel, hindi ito basta papel isa itong mapa na may mga X napukaw ang tingin ko sa isang lugar na may pinaka malaking X sobrang layo nito sa lokasyon kung saan kami nandito.

Marahil ito nanga ang pupuntahan namin mahaba haba pag lalakbay itiniklop ko na ang mapa at natulog na ako. Nagising ako sa katok na nanggagaling sa labas ng kwarto.

"kuya tara na anong oras na" Migo

Tumayo ako at pumunta sa CR at naligo ako sinuot ko ang binigay sakin ni lucas na damit maganda sya at sukat na sukat sa katawan ko. Pag katapos ko ay bumaba na ako hindi na ako kumain dahil busog pa ako ipinasok na uli namin lahat ng mga gagamitin namin sa pag lalakbay hindi ko muna sinasabi sa kanila ang tungkol sa mapa. Nag simula na akong mag drive ilang oras lang ay biglang bumuhos ang malakas na ulan tumigil muna kami upang ayusin ang amin mga sarili at para nadin mag patila ng ulan ngunit dumaan ang ilang oras ay hindi padin ito natila kaya naman napag pasyahan namin na mag patuloy na sa pag lalakbay mag gagabi na pero patuloy padin sa pag buhos ng malakas na ulan. Sa palagay ko ay nasa bandang may bandang novaliches na kami.

Tinigil ko muna ang sasakyan upang makipag palit kay bianca dahil pagod na ako at kailangan ko nadin muna na mag pahinga lumipat ako rinig ang malalakas na bagsak ng ulan sa bubong ng sinasakyan namin, nag patuloy na sapag mamaneho si bianca sinabihan ko na dahandahan lang sapag mamaneho dahil hindi mo masyadong maaninag ang kalsada dahil sa lakas ng ulan. Sapalagay ko ay may bagyo habang binabagtas namin ang kahabaan ng kalsada ay sinubukan naming buksan ang radio upang makasagap ng kahit ano mang balita pero gaya padin ng dati ay wala pading masagap, habang umaandar ito ay may biglang tumigil sa harap namin na isang babae na naka putting jacket basang basa ito, at bigla itong tumumba napatigil si bianca nakita namin na ang babae ay unti unti nang nilalapitan ng mga eaters kaya naman bumusina sya ng malas dahilan upang ako ay magising.

Dahil sa malakas napag busina nito ay napukaw ang atensyon ng mga eaters at imbis na doon sa babae ay dito na patungo agad kaming bumaba at pinatay ang mga nasa pitong eaters. Pagkatapos naming patayin ay dahan dahan kaming lumapit sa babae basang basa nadin kami dahil sa ulan. Umupo si bianca para tignan ang babae kung may buhay paba ito.

Dahan dahang nilapit ni bianca ang kanyang kamay para ihawi sa buhok na nakaharang sa mukha ng babae, para tignan kung buhay pa ito pinulsuhan din ito ni Bianca buhay pa ito agad naming dinala ito sa loob ng sasakyan at agad na itinuloy ang pag lalakbay.