webnovel

Chapter Thirty Five

Frances gently sat on Xander's lap to Beatrix's horror. Ang walanghiyang babae! Sa harap pa niya talaga!

The woman brought her lips next to Xander's ear at tila may ibinulong, Xander in turn smiled. Beatrix was left dumbfounded seeing the two behave like this in front of her! Mga walang delicadeza!

Hindi pa nakuntento si Frances sa panlalandi sa asawa niya at marahang inilapit ng babae ang mukha and gave Xander a kiss.

Galit siyang lumapit sa mga ito at nilabnot si Frances sa braso "you bitch!" iniangat niya ang kamay upang sampalin ang babae ngunit mabilis na itinaas nito ang kanang kamay, showing her the diamond ring that's glittering on her finger.

"Hindi ka mahal ni Xander. Ako ang mahal niya. I have this ring to prove it" humalakhak ito.

Maging si Xander ay humalakhak din "I will never love you Beatrix!"

Nagsikip ang dibdib niya sa narinig. Umikot ang paligid at biglang nawala ang dalawa sa kanyang harapan, she was left in a cold, dark place. Wala siyang makita ngunit naririnig pa rin niya ang halakhak ng mga ito.

"Nooo!!!" marahas ang pagbalikwas niya sa kinahihigaan. Her breathing was heavy and she could almost feel tears building up in her eyes. Agad din niyang naisapo ang kamay sa ulo ng kumirot iyon, napangiwi siya sa sakit. Parang binabarena ang ulo niya.

Damn it! Pati sa panaginip ay binubulabog siya ng malditang babae!

"Are you ok? what's wrong, sweetheart?" nag-aalalang tinig ng isang lalaki ang kanyang narinig.

Mabilis siyang napatingin sa pinanggalingan ng tinig at gilalas na nanlaki ang mga mata nang makita si Xander na papasok mula sa balkonahe ng kuwarto. The ray of sunlight was embracing him as he came in through the french door of the balcony, para itong isang Greek god na hinawi ang manipis na puting kurtinang bahagyang nililipad ng hanging nagmumula sa balkonahe.

Shit! What is Xander doing in her room? Paano itong nakapasok?!

Lumapit si Xander sa kanya at lumuhod sa tapat niya "I heard you scream. Did you have a bad dream?" inabot nito ang kamay niya na agad naman niyang binawi.

Hinigit niya ang kumot hanggang sa kanyang leeg, na para bang kaya siyang protektahan niyon laban sa binata. "H-how did you get in my room?!"

Xander chuckled "this is my room, princess"

"What?!"

May munting tinig na narinig siya sa gilid ng isip: What's wrong with me? What's wrong with me is that I think I still love you!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata kasabay ng muling pagtutop sa kanyang ulo dahil sa mas masidhing pagkirot niyon. Damn it! Ano ba iyong naaalala niya? Did she really say that to Xander?

Maya maya ay natuon ang paningin niya sa piraso ng asul na telang nakatapon sa sahig. Nanlalaki ang mga mata niyang sinilip ang katawan mula sa ilalim ng makapal na kumot.

She's naked!!!

Her eyes darted at Xander. Nakasandig ito sa isa sa mga poste ng 4-poster bed na iyon. His eyes were twinkling with amusement as he watches her reaction.

"A-ano'ng ginawa mo sa akin, you brute!" Galit na sigaw niya rito

"Sa kasamaang palad, princess. Wala. I wasn't able to do anything I wish I could, dahil sa sobrang kalasingan mo" naiiling na sagot nito.

"You monster! B-bakit mo inalis ang damit ko?!"

"For your kind information..." humakbang ito palapit sa kanya at naupo sa gilid ng kama "Ikaw ang nag alis niyan, hindi ako"

Lalong nanlaki ang mga mata niya. She did that?!

"I guess you were pretty much wasted last night na marami kang hindi naaalala...but, did you remember what you told me?" ngumiti ito, flashing pearly white teeth.

Her heart pounded. No way! Is he referring to what she thinks he's referring to?

Sinapo niyang muli ang ulo at iniiwas ang mga mata rito "I...I can't remember anything"

Xander gave out a soft laughter at hinawakan ang baba niya upang iharap ang mukha niya rito " should I remind you of what you said?" nasa boses nito ang panunukso.

She inhaled sharply and her cheeks turned red. Napaka estupida niya talaga to let her guard down at masabi rito ang damdamin niya! He must be laughing at her right now, pinagtatawanan kung gaano pa rin siya ka naive!

Tatlong katok sa pintuan ang naging dahilan upang iwan siya sa kama ni Xander. He greeted whoever it is at the door at pagtapos at bumalik na may dalang isang tray ng pagkain at isang paper bag. Inilapag ng binata ang tray sa maliit na mesang naroroon habang ang paper bag ay iniabot sa kanya.

"Magbihis ka muna. Ipinabili ko ito sa bayan since alam kong wala kang ibang dalang damit"

Inis niyang hinablot ang paper bag mula sa kamay nito "I could use my clothes from yesterday"

"Go ahead. Pumunta ka ngayon sa silid mo across from the hall and let everyone see you still in your bikini coming out of some other room... I wonder what would people think?"

Galit niyang tinitigan ito. She hates to admit it but he has a point.

"Well turn your back okay?! Paano akong magbibihis kung nakatingin ka?"

"Do I really need to? Kagabi lang nakita ko ulit 'yan eh. I also hugged you... so you know, somehow nahawakan ko din at-"

Binato niya ng unan ang mukha nito na nasangga rin naman ni Xander. Malutong ang tawang pinakawalan nito bago tumalikod.

Matapos makapag bihis ay sinaluhan siya nito sa agahan. She was surprised to see that instead of continental or traditional breakfast, mainit na arroz caldo ang nakahain para sa kanya.

"I thought you would want something warm like this para sa hangover mo" ani Xander sa kanya na humiwa ng pancake at kumagat.

She grabbed the cup of coffee at humigop "Thanks"

"We can head home after breakfast. Daanan na natin si Mico kina Inang pauwi"

Isang tango ang kanyang naging tugon.

"Beatrix..."

"Hmmm?"

"Let's start over again... I'm serious"

Umiling siya "As I told you, it's more complicated and-"

"You told me last night that you still love me. And I know it wasn't because you're drunk" He leaned towards her "let's be husband and wife again"

Pigil ang hiningang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. So, she did say that last night! This is why she should not drink at all!

"Xander..."

"Just at least for the 3 months na naririto ka. Kung mapag isipan mong hindi mo na talaga ako gusto sa buhay mo after that time...then I will let you go"

May sakit na gumuhit sa dibdib ni Beatrix pagkarinig sa sinabi ni Xander. Does she really want him to let her go? Hindi na rin niya kayang lokohin ang sarili at i-deny na mahal pa rin niya ito.

Matapos ang mahabang katahimikan ay nagawa niyang sumagot sa wakas. "F-fine..." she muttered.

A huge smile broke on Xander's face. He crossed the small distance between them and kissed her forehead "You'll never regret it, princess"

*******

"Ano? pumayag ka saan?" halos tili ang boses ni Andrea sa telepono. Bahagya niyang inilayo iyon mula sa kanyang tenga dahil sa nasaktan ang eardrums niya sa lakas ng boses nito.

"eh, I'm already here naman eh. Ano pa ba ang mababago?"

"Diyos ko Bea! Akala ko ba this is all for the annulment papers? Alam mo pa ba talaga ang dahilan kung bakit ka nandiyan?!"

"But...I still love him, Andrea. I know it's crazy dahil kababalik ko lang dito but...I've always been crazy about him, you know that"

"Disisyete anyos ka noon, B! Bente dos ka na ngayon at may anak! Baliw ka pa rin ba?"

She sighed. Yes, she's also starting to question herself. Siguro nga ay baliw siya at hindi marunong madala.

"Did you forget what he's done to you? Hindi ba ikaw ang nagsabi sa aking sure ka sa panloloko niya sa iyo?"

Muli siyang bumuntong hininga. Naiintindihan naman niya kung bakit nagagalit sa kanya ang kaibigan.

"That was the past....Hindi naman ako pwedeng mabuhay sa nakaraan, hindi ba? Maybe this time he will be true to me" katwiran niya.

"Hay naku! Bahala ka na!" galit na bulalas ni Andrea sa kabilang linya

"please...just wish me luck, friend"

"eh paano si Daniel?"

"I...I broke off the engagement with him yesterday" she confessed.

Narinig niya ang buntong hininga ng kaibigan "malaki ka na. Alam mo naman na siguro ang ginagawa mo"

May sasabihin pa sana siya ngunit bumukas ang pintuan ng silid at pumasok si Xander.

"I'll call you again" nagmamadali niyang pinatay ang telepono.

Nilapitan siya ng binata at hinapit mula sa baywang "ready to go?" malambing na tanong nito

She bit her lower lip. Just the simple nearness and touch of him sends waves of tingling sensation all over her body. Hindi pa rin talaga nagbago ang reaksyon ng katawan at puso niya rito after all these years.

"yes" she answered.

Xander brought down his lips to hers at inangkin ang mga labi niya. Awtomatiko niyang naikawit ang mga kamay sa leeg nito at tinugon ang halik na iyon.

She felt one of his hands leave her waist and trailed her back upwards, tumigil iyon sa kanyang batok, gently massaging her.

"princess..." habol hiningang anito nang ilayo ang mga labi mula sa kanya.

Her eyes remained shut, hinihintay ang muling pagbalik ng mga labi nito.

"Mico's waiting for us" Xander said.

Napapahiyang nagmulat siya ng mga mata. If Xander hadn't reminded her na kailangan na nilang umalis, sigurado siyang maibibigay niya ang sarili rito.

She forced a smile to hide her embarassment kahit pa nangangamatis ang pisngi niya sa pula "L-let's go"

*******

Habang daan ay hindi mapalis palis ang ngiti sa mga labi ni Xander, sobrang saya ng itsura nito na maging siya ay hindi mapigilan ang mahawa sa pagngiti nito.

He turned on the radio and a familiar song played.

Can't believe we met like this is just coincidence

I had a feeling I'd be seeing you again

You're every bit as beautiful as the last time we met...

Beatrix filled her lungs with air. Hindi na rin niya alam kung tama ang mga naging desisyon niya. What will the future be like from here? Will their second chance work? Naghilom na ba talaga ng panahon ang sakit na bunga ng kataksilan ni Xander 5 years ago? Or will she constantly remember it, hurting her over and over again?

And Daniel? How can she tell him she decided to give her marriage another chance? Na sa loob ng tatlong buwan ay pumayag siyang muling maging tunay na Mrs. de Silva? Kumirot muli ang sentido niya sa pag-iisip. Mabuti na lamang at hindi niya nakita si Daniel kanina maging nang lisanin nila ang resort.Nakaalis na kaya ito or marahil ay natutulog pa dahil din sa kalasingan kagabi?

"What are you thinking?" Xander asked, inabot nito ng isang kamay ang kamay niya at ipinagsalikop ang mga daliri nila.

She sighed "nothing".

"Do you remember this song?" nakangiting tanong ni Xander "we were on our way back from Manila at tinawag mo akong matanda dahil sa kantang ito"

Tumawa siya "yeah I remember that. Eh di lalo na ngayon, mas matanda ka na!" nakangiti niyang inirapan niya ito.

"Ah ganon ha! Just wait and I will show you what this old man can do!" pilyo siyang nginitian nito.

Naiiling na lamang niyang tinawanan ang sinabi ng binata.

*******

"Mommy!" excited na salubong sa kanya ni Mico.

She scooped him in her arms at pinupog ng halik ang bata "I missed you! did you have a great time?"

Masiglang tumango si Mico "yes po mommy! Lolo and lola have a lot of chickens and even goats!"

"siya nga?" lumapit siya sa mga biyenan at nagmano.

"Hey hey! Where's my hug?" kunwa'y nagtatampong wika ni Xander sa paslit.

Agad nagpababa mula sa kanyang pagkakakarga si Mico at mabilis na tumakbo patungo kay Xander. She couldn't help but smile looking at the two. Siguro ay hindi niya maituturing na mali ang pasya kung ganitong makikita niyang maligaya ang anak.

"Did you miss me too? O si Mommy lang?"

"syemple po I missed you too, Daddy!" masayang sagot ni Mico at lalong hinigpitan ang pagyakap sa ama.

Narinig niya ang mabining hikbi ng ina ni Xander. She glanced at the old woman who was lovingly gazing at Xander and Mico, nakangiti ito ngunit naroon ang namumuong luha sa mga mata.

"Salamat ho sa pag-aalaga niyo kay Mico" aniya sa matandang babae at nginitan ito.

Pinahid ng matandang babae ang mga mata bago sumagot "Sa iyo nga ako magpapasalamat hija...salamat na binigyan mo kami ng pagkakataong makilala si Mico" suminghot ang matandang babae "may hihilingin sana ako sa iyo hija..."

"ano po iyon?"

"huwag mo na sanang iiwan ulit ang anak ko..." mapait na ngumiti ang ginang "hindi ko na kasi alam kung makakaya pa niya ulit kapag iniwan mo siya"

"a-ano po ang ibig ninyong...sabihin?" She asked. Naguguluhan siya. Ano ba ang ibig ipahiwatig ng ina ni Xander? That he suffered when she left? Hindi ba at ito ang nais ng binata noon? Na mawala siya sa buhay nito dahil napilitan lang naman itong pakasalan siya dala ng pamimikot niya?

Umiling ang ginang. "Hindi na mahalaga ang nakalipas, hija. Ang mahalaga ay buo kayo ulit ngayon bilang isang pamilya. Sana ay tuloy tuloy na ang kaligayahang ito" ngumiti ito sa kanya at pinisil ang kanyang kamay.

*******

Ilang linggo ang matuling lumipas at pakiramdam ni Beatrix ay tila nagsimula nga sila ulit ng isang bagong relasyon, isang bagong pagsasama bilang mag-asawa. The days were filled with joy and laughter, at hindi na niya pinigilan pa ang sarili na muling lalong mahulog ang kalooban sa lalaki.

Bagaman hindi pa niya nasabi sa ina na tinanggap niya ang iniaalok na Xander na muling pagsisimula, ay bakas sa boses ni Laura ng tawagan niya ito na labis rin itong nagagalak sa muli nilang pagkakasundo bilang mag-asawa. She promised her mom she will tell her everything soon.

Taliwas sa kanyang inaasahan, Xander has been the utmost gentleman to her. Ni hindi nito tinangkang mag "take advantage" sa kanya kahit pa magkasama sila sa iisang silid. Hanggang yakap at halik lamang ang ginagawa nito sa kanya, na naging isang malaking tanong sa kanyang isipan. Kaya naman ng nagdaang gabi ay hindi niya napigilan ang sariling tanungin ito. She smiled at the thought of their conversation.

Nakaunan siya sa bisig ng asawa habang si Xander ay nakayakap sa kanya.

"uhmm...may itatanong sana ako..." nahihiyang simula niya

"fire away" he answered, planting a small kiss on her forehead.

"bakit...I mean...why do you seem...cold?"

Bahagya siyang inilayo nito sa sarili upang tignan sa mukha. Nagsalubong ang makakapal na kilay nito "what do you mean?"

"I mean..." nag-iwas siya ng tingin, biting her lower lip.

Nakuha naman ni Xander ang ibig niyang sabihin at tumawa ito.

"You mean why I still haven't made love to you?" naaaliw na tanong nito.

"It's just that...it's so unlike you so I was wondering if-"

Ihinarang ni Xander ang isang daliri sa kanyang labi to stop her from talking. "Believe me princess, kung ako lamang ang masusunod ay walang gabing daraan na hindi kita minamahal....but I don't want to force myself to you. Gusto kong ikaw ang magsabi sa akin, kapag handa ka na ulit"

"A-ako?!" pag uulit niya sa sinabi nito. Her cheeks burned. How could she ever tell him that? Paano niyang hihilingin ditong....?

Her train of thoughts was cut off when someone knocked at the door. Itinaob niya ang platong hinuhugasan at nagpunas ng kamay bago tinungo ang pinto. She glanced at the clock. It's only 3 PM, maaga naman yata para sa pag-uwi ni Xander mula resort? Normal nang dumarating ito ng bahay ng mag a-alas sais. Si Mico naman ay muling hiniram ng mga lolo at lola at naka schedule na daraanan ni Xander mamayang pag-uwi.

She opened the door. "Sino po sila-"

"Hi Bea" Frances smiled at her. The woman's smile wasn't sly or anything this time. In fact, this is probably the second and only time she's seen her smile genuinely, ang una ay noong ipinakilala ito ni Xander sa kanya sa isang cafe, years ago.

"What brought you here?" she said flatly.

"Pwede ba kitang makausap?"

"Busy ako, Frances. Sorry" isasara na sana niyang muli ang pinto ngunit hinawakan iyon ng babae.

"I really have something to say...please"

She sighed at niluwagan ang bukas ng pinto, tanda na pinapapasok niya ang babae.

Ilang minuto na silang magkaharap sa maliit na lamesitang iyon ngunit hindi pa rin nagsasalita si Frances.

"Look. If you need to say something, please say it. Marami pa akong ginagawa"

Frances looked uneasy but reached in her bag upang ilabas isang ang maliit na kahita. Walang kibo nitong inilapag iyon sa lamesita.

"I came here to give you this..." iniusog nito ang kahita sa kanya.

Nagtataka man ay inabot niya iyon at binuksan. It contained the eternity ring na galing kay Xander.

Muling bumuntong hininga si Frances bago nagsalita "Xander never betrayed you, Bea...and that ring..."  malungkot itong ngumiti  "...has always belonged to you..."

Daig pa niya ang sinabugan ng bomba sa harapan. She reached out for the ring with trembling fingers. Nag init ang mga mata niya at ano mang sandali ay papatak ang mga luhang iyon.

Has she wasted 5 years of her life and hated the only man she's ever loved for nothing? Sinasabi ba ni Frances na kasinungalingan ang pinaniwalaan niya all these years?

Siguiente capítulo