webnovel

Chapter Thirty Six

"W-what do you mean?" tanong ni Beatrix sa babae. Her trembling fingers held the ring in her hand.

Muling bumuntong hininga si Frances "It was all me Bea. I'm surprised you haven't figured that out after all these years"

She gasped. Limang taon siyang naging tanga at bulag sa katotohanan! Her heart suddenly ached for all the years she hated Xander, for all the years na nasayang sa kanyang paglayo.

Nag-uunahang umagos ang mga luha niya "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?" tiim bagang na tanong niya kay Frances "my son grew up not knowing his father, until now"

"Masisisi mo ba talaga ako? Xander was mine, Beatrix! But you snatched him away! Ikakasal na dapat kami! Kung hindi dahil sa ginawa mo I would have been Mrs. Xander de Silva 5 years ago!" namuo ang luha sa mga mata nito, naroon pa rin ang bahid ng pait sa tinig ni Frances "I still hate you...hindi na siguro mababago pa ang disgusto ko sa iyo"

"Then why are you doing this now? why all of a sudden come out of your shell and tell me the truth kung kinamumuhian mo pa rin ako? what are you up to?"

Tumulo ang luha ng babae "After seeing you and Xander together again sa resort...nakita ko kung gaano ka pa rin k-kamahal ni Xander..." nag angat ito ng tingin sa kanya, hilam ng luha ang mga mata "I realized I cannot compete with that any longer...and so I decided to leave...I'm...I"m letting Xander go"

Nakita ko kung gaano ka kamahal ni Xander.... Frances' words echoed in her ears. Mahal siya ni Xander? Magkahalong pait at ligaya ang naramdaman niya sa kanyang puso.

Pinahid ng babae ang mga luha at tumayo sa kinauupuan "Hindi pa alam ni Xander na aalis ako. I'm tendering my resignation today..." tumalikod ito sa kanya but then paused and turned around to her again "Kung mahal mo talaga si Xander, you should trust him more."

Matagal ng nakaalis si Frances ay nanatili lamang siyang nakaupo roon at nakatitig sa singsing sa kanyang harapan. Gustuhin man niya ay parang hindi matigil ang mga mata niya sa pagluha. Her heart ached. What a fool she's been! Umalis siya ng walang paalam at iniwan ang kaisa-isang lalaking minamahal dahil sa isang maling akala! Ni hindi niya binigyan ito ng pagkakataong magpaliwanag at linawin ang lahat!

Inilagay niyang muli ang singsing sa kahon at itinago iyon. Nakapag pasya na siya. She will make up for the lost time. She will make sure na maramdaman ng binata kung gaano niya ito kamahal. She will never leave him again, no matter what. Muling mabubuo ang kanilang pamilya. She will follow him even to the ends of the earth!

Maya maya ay bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang lalaking laman ng kanyang isip. Patakbo siyang lumapit kay Xander at sinalubong ng yakap ang binatang tila nagulat sa kanyang ginawa. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Hindi niya gustong muling umiyak ngunit ayaw magpaawat ng kanyang mga mata.

"What's wrong princess? did something happen? are you alright?" nag-aalalang tanong nito.

Lalong humigpit ang yakap niya kay Xander. It was so good to feel his heartbeat like this. It was heaven to feel his warmth against her. God! It's always heaven to be in his arms.

"Beatrix?" hinagod nito ng kamay ang kanyang likod.

Bahagya niyang inilayo ang sarili rito at tiningala ang guwapong mukha nito. His brows were furrowed, naroon pa rin ang pag aalala sa mga mata nito.

Xander gently wiped away her tears "ano'ng nangyari?"

Umiling siya "wala...I..I just missed you"

Kinabig siya nito sa dibdib "you silly girl! you made me worried! Ganyan mo ba ako na-miss at umiiyak ka pa?"

She laughed soflty at muling ibinaon ang mukha sa matitipunong dibdib na iyon, nang biglang maalala niya ang anak "Where's Mico?" tanong niya rito na inilayong muli ang sarili.

"Magagalit ka ba kung pumayag akong kina inang siya magpalipas ng gabi?" he boyishly smiled "nakiusap kasi sina Inang...alam mo na, sabik sa apo at-"

"No" nakangiti siyang umiling "Yes, I will miss my baby but I'm not mad"

"Salamat, Beatrix" he pinched her cheek "ngayon, hayaan mo muna akong makapag palit ng damit ok? nagugutom na ako"

Kumalas siya sa pagkakayakap dito "I'll set the table" tumalikod siya upang tunguhin ang kusina but Xander caught her arm at muli siyang hinila pabalik rito.

"I didn't get to kiss you yet, Mrs. de Silva" he said at mabilis siyang ginawaran ng halik sa mga labi. Dahil tinugon niya iyon ay mas tumagal ang ginawa ni Xander kesa sa kanyang inaasahan.

She gently pushed him away to end the kiss "akala ko ba gutom ka na?" she whispered.

His hands were on her tiny waist and pulled her closer to him again "I think I'm changing my mind...mas gutom ako sa ibang bagay eh..." he brought his head to her neck and smelled her there. His breath on her neck caused all the tiny hair in her body to rise, gumapang ang pamilyar na kilabot na iyon sa kanyang katawan.

Marahan siyang kumalawa sa yakap nito "maghahain na ako " she said smiling at lumakad patungong kusina, hindi naman siya pinigilan ni Xander sa pagkakataong iyon.

Matapos nilang maghapunan ay nagyaya si Xander na lumabas sila, na kanya namang pinaunlakan. Gusto niyang makakuha ng magandang pagkakataon para kausapin ito at ipaalam ang tunay na dahilan ng kanyang paglayo. It must be 5 years too late to clear up everything at hindi na maibabalik pa ang nawalang panahon, ngunit nais pa rin niyang maging malinaw ang lahat sa pagitan nilang dalawa.

"saan ba tayo pupunta?" tanong niya kay Xander nang malamang hindi sa bayan ang kanilang tungo.

"You'll see" nakangiting tugon nito.

Hindi nagtagal ay narating nila ang isang parang. Bukod sa isang malaking puno ng Acacia sa isang gilid at sa mapanglaw na ilaw na nagmumula sa ilang posteng hindi kalayuan ay bakante ang maluwang na lupang iyon na napaiibabawan ng luntiang mga damo.

"What are we doing here?" naguguluhang tanong niya when Xander opened the passenger door and helped her out.

"Just wait and see okay?"

Naguguluhan man ay sumunod siya sa pagbaba. Xander led her to the front of the pick-up truck and helped her clim up the hood, pagkatapos ay tumabi ito sa kanya at nahiga sa kanyang tabi, staring at the night sky. Nasa gitna ng parang na iyong ang sasakyan at ang tanging liwanag na tumatanglaw sa kanila roon ay ang nagmumula sa buwan na tila kay liwanag ng gabing iyon.

"ano bang ginagawa natin dito?"

"lie down" he said at marahan siyang hinatak pahiga.

"Look at those stars. Hindi ba kay ganda nila?" ani Xander na ang paningin ay nakatuon sa kalangitan.

She turned her gaze to the sky at napasinghap siya sa nakita.

She's never seen so many stars like this before! Parang mga binlid iyong nakasabog sa kalangitan, ang bawat isa ay tila hindi gustong magpatalo sa ningning.

"I always come here when I want to calm my mind" ani Xander "or when I miss you..." sinulyapan siya nito "you're like one of those stars to me, Beatrix"

"One of those stars?"

"Yes. Dahil kahit nariyan ka lang sa harapan ng paningin ko, shining ever so brightly...parang hindi kita kayang abutin"

"Xander..."

"When you left me...that was the lowest I've felt"  he chuckled "pakiramdam ko noon isa akong basahang itinapon sa isang tabi" ibinaling nito ang paningin sa kanya "but none of those matter anymore, Beatrix...as long as you're here with me"  muli nitong itinuon ang paningin sa kalangitan "You see those stars? Ang lahat ng mga 'yan ay mapaparam...ngunit hinding hindi ang pangalan mo dito" he pointed to his chest, sa tapat ng puso nito.

Nag-init ang mga mata niya. Hindi niya magawang alisin ang pagkakatitig sa mukha ni Xander.

"Xander...I'm sorry..." she whispered "Ang buong akala ko noon... ang akala ko..." she sniffed, trying to control her cry. She had to fill her lungs with air upang maipagpatuloy ang sinasabi "I thought you betrayed me...kayo ni Frances"

Kunot noo siyang tinignan ni Xander "Kami ni Frances?"

Tumango siya, pagkatapos ay sinimulang isalaysay sa binata ang mga pangyayari. Tigmak na ng luha ang kanyang mga mata matapos niyang masabi kay Xander ang lahat.

"I'm so sorry for leaving you back then...ang tanga ko kasi...ang tanga ko na naniwala ako-"

"Hush princess...ang mahalaga ay ang ngayon..."

She pulled out the ring from her pocket. Halos hindi makapaniwala si Xander nang makita ang singsing na iyon.

"You mean it has been with Frances all this time? I lost it when I was still teaching at the university. Ni sa guni-guni ay hindi ko naisip na maaaring si Frances ang kumuha..."

"She used this to drive me away... ang sabi niya, you gave this to her because you love her"

"At naniwala ka naman? Una, paano mo nalamang sa akin nga ang singsing na 'yan? For all you know she could have bought it herself?"

"I...I actually saw you buy this ring, Xander. Nakita kita sa mall nung araw na iyon and I followed you, it just so happened that the shop owner was my mom's friend kaya nalaman ko kung ano ang binili mo..." she confessed

Pumalatak si Xander at nagkunwaring galit "You sneaky girl!". Bumalikwas ang binata at pumaibabaw sa kanya, napatili siya sa ginawa nito, then they both started laughing.

Nanatiling nakatunghay si Xander sa kanya, none of them wanted to take their gaze off each other. Kinuha ni Xander mula sa kanya ang singsing at pagkatapos ay inabot ang kaliwang kamay niya upang isuot iyon sa kanyang palasingsingan.

"Ikaw lamang ang nag iisang nagmamay-ari ng singsing na ito, Beatrix. This was supposed to be the late engagement ring that I didn't get the chance to give you bago tayo ikasal"

She laughed and cried at the same time. She's never thought na ganito pala kaganda ang kahihinatnan ng pagpayag niya sa kundisyon ni Xander. She was in cloud nine sa mga naririnig mula sa binata. Her heart is overflowing with happiness. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa sa kanyang karera, ngayon lamang siya muling nakaramdam ng tunay na kaligayahan. Just thinking how she, Xander and Mico will be together as a family makes her heart swell.

"Ikaw lang ang nag mamay-ari nito" he said once again as he placed the ring on her finger  "...at pati nito"  dinala nito at ipinatong ang kamay niya sa dibdib nito. She could feel his heartbeat in her palm. Malakas ang tibok ng puso ng binata.

Their eyes met and none of them couldn't seem to take off their gaze. She's like under a spell as she watched Xander's head bend nearer to her, until his breath was fanning her face. Napalunok siya, nasasamyo niya ang hininga ng binata and her body ached with excitement for what's to come. Ang puso niya ay parang nag tu-tumbling na yata sa kanyang dibdib sa mga oras na iyon.

*******

Inilapat ni Xander ang mga labi sa malalambot na mga labi ni Beatrix. He started kissing her softly and with expertise, wanting her to feel each strand of emotion he's feeling right now. Nais niyang maramdaman ni Beatrix kung ano ito para sa kanya. He wanted her to know how much he loves her.

He groaned when their tongues met, para siyang isang teenager na nakuryente. For God's sake! Hindi na siya binatilyong dapat ay kinikilig ng ganito, pero pagdating sa dalaga, para siyang muling nababalik sa mga panahong iyon. She makes him feel so young and so alive. Ginigising nito ang bawat hibla ng kanyang pagkatao.

Ikinawit ni Beatrix ang kamay sa kanyang leeg. He heard a moan escaped her throat, lalo nitong inilapit ang katawan sa katawan niya.

"Princess..." anas niya. He had to stop now! Kung hindi ay baka hindi niya magawang pigilan ang sarili sa mga maaari niyang gawin. He gently pulled away from her, but Beatrix quickly wrapped her legs around his waist.

"Don't go..." she croaked. Malamlam ang mga mata nitong tila nakikiusap.

Fuck! Parang binuhusan ng gasolina ang apoy na nagsisimula sa kanyang katawan, dahilan upang maglagablab iyon.

He kissed her once again, this time more demanding than earlier. His kisses were wild, passionate and burning. His tongue tasted her mouth, exploring its familiar crevices, sucking in the familiar taste of her. Isang ungol ang umalpas mula sa kanyang lalamunan sa mainit na pagtugon ni Beatrix sa kanya. Parang may sariling isip ang kanyang kamay na nagsimulang gumapang sa katawan ng dalaga. One of his hands slid to her legs, pataas, sa ilalim ng paldang suot nito. Beatrix moaned and arched her body up when he reached that sensitive part of her body.

"Princess...I want you so much I could die..."

Beatrix writhed beneath his touch. Walang pagtutol nitong iniarko ang katwan upang lalong madikit sa kanyang katawan.

"I want you too... Xander" she whispered under her shortened breath. "Please...make love to me..." namutawi ang mga katagang iyon sa bibig ni Beatrix na tila isang litanya.

He's going crazy right now he doesn't think he can hold himself any longer.

"I love you Beatrix..."

Siguiente capítulo